“Mom, I’m sure gonna be fine. This is what I wanted in the first place, to be able to live on my own.”
Yan ang huli kong sambit sa aking ina bago ako tuluyang tumalikod at humikbi.
————————————————————-
Nasilayan ko na ang runway mula sa bintana ng sinasakyan kong eroplano, naghahalong kaba at kasiyahan ang nararamdaman ko sa puntong iyon. Nakalimutan ko na ang dahilan kung bakit ginusto kong umuwi ng Pilipinas kahit wala na akong mga kamag-anak dito, kahit na sa Australia na ako ipinanganak at lumaki. Magkagayunpaman, di ko maikakailang marunong naman akong magsalita ng Filipino. Ito ang kinamulatan kong lenggwahe sa tahanan namin.
Ako nga pala si Amanda Montilla, labimpitong taong gulang, mula sa angkan ng mga multi-company owners sa buong mundo. Nag-iisang anak, at nag-iisang apo ng aking mga lolo’t lola. Lumaki akong simpleng tao. Lingid rin sa kaalaman ng maraming nakakakilala sa akin ang aking tunay na pagkatao. Ganun ako pinalaki ng aking mga magulang, sapagkat ganun rin sila lumaki. Ngayon lamang ako nahiwalay sa kanila. Ngayon lang ako naglakbay ng mag-isa. Ewan ko ba. Gusto kong lumayo sa kung ano ako. Gusto kong mamuhay bilang ibang tao. Yung simpleng buhay lang.
Eto na ako ngayon, binabaybay ng sakay kong taxi ang daanan patungo sa aming dating bahay na labingsiyam na taon ng naabandona. Ngayon lang ako nakatapak sa Pilipinas, ngayon ko lang rin makikita ang tahanang kinalakihan ng aking magulang.
“Tita, sigurado ba kayong pauuwiin niyong mag-isa yan dito? Baka asawahin ko yan ng wala sa oras ha,” sabi ng lalaki sa kabilang linya. Hindi ko napigilang tumawa.
“Nako, mapapatay kita pag nagkataon Eli. Akala ko ba kapatid lang ang turing mo sa kanya? Bakit parang gusto mong maging manugang ko?” sambit naman ng aking ina na nakangiti rin nung panahong iyon.
“Biro lang tita. Pwede ko bang makausap si Mands? Tatlong araw ko ding hindi makakausap yan pagkaalis na niyan mamaya eh.”
“Sure, sige. Lalabas muna ako para maihanda na yung sasakyan. Mandy oh,” sabay abot sa akin ng telepono.
“Baby Sis, pag-uwi mo ng ‘Pinas magkikita tayo ha?”
“Oo naman Big Bro, sayo ako unang magpapakita. Love na love kita eh. Tatawagan nalang kita pag nakabili nako ng bagong phone ko.”
“Wow baby sis. I love you so much baby ko.”
“I love you too big bro. Oh, papunta na ako ng airport. See you in three days. Mwah.”
At tuluyan ko ng pinatay ang linya. Makikita ko na rin ang itinuring kong kuya. Una ko siyang nakilala mahigit limang taon na ang nakalipas. Galing rin siya sa Australia, dun din pinanganak at lumaki. Pero ng nakatapos na ng Senior High, naisipan niyang ipagpatuloy ang pag-aaral sa Pilipinas, ang lupaing siyang kinalakhan ng kanyang mga magulang. Nagkakilala kami sa ballet school na pareho naming pinapasukan tuwing hapon. Nasa Senior High na siya noon at ako ay nasa sixth grade pa lamang. At dahil sa kaming dalawa nga lamang ang Pilipino sa klaseng iyon. Madalas na kaming dalawa ang magkasama tuwing break time at magkapareha sa mga routines na aming ginagawa.
———————————————
Pagkarating ko sa tahanan namin ay inilapag ko muna ang mga dala kong bagahe sa sala. Saka ko nilibot ang bahay. Yung mga lumang gamit nila dito, hindi na nila inabalang alisin pa. Nakatakip lamang sa mga ito ang mga puting tela na isa-isa kong inalis. Pakiramdam ko noon ay bumalik ako noong panahong andito pa rin ang ina ko. Inisa-isa ko ang mga kwarto at piniling maging kwarto ko ang pinakamalaki, na lingid sa aking kaalaman, ay ang naging kwarto ng aking ina. Hindi na sila nanirahan dito ni Dad dahil sa Australia na sila nagpakasal at nagkaanak. Matapos kong maglibot at mamahinga ng ilang saglit ay napag-isipan kong magpunta na rin sa mall para ako makabili ng cellphone. Hindi ko na rin kasi mahintay na makitang muli si “Big Bro.” Isa pa, naramdaman ko na rin ang kalam ng aking sikmura.
“Baby Sis, ga-graduate na ako next month,” usal sa akin ni Kuya Eli noong matapos ang ballet class namin.
“Oo nga ano? Big bro, sa Patts ka ba mag-aaral ng Political Science?”
“Uuwi ako ng ‘Pinas baby ko.”
“Iiwan mo ako?”
“Gusto kong makita ang Pilipinas Baby sis. Gusto kong makita kung saan lumaki ang mga magulang natin.”
“Paano na ako?”
“Andiyan naman si Marcus eh.”
“Eh kahit na, ayoko kay Kuya Marcus. Ang sungit non eh.”
“Hindi yun masungit, wag mo kasing kinukulit. Baby sis, right after my graduation, lilipad na ako.”
“Okay, s’not like I can do anything about it. Take care of yourself then. This gon’ be the last day I’ll attend this class. S’not gon’ be the same without you,” at dali-dali akong umalis patungo sa naghihintay kong sundo. Nang lingunin ko ang pinag-iwanan ko sakanyang bench ay sinusundan niya ng tingin ang sasakyan kinalululanan ko.
**********cliffhanger muna. I know it’s too short but I want you to tell me your thoughts first. Rating this article would be very much appreciated. I might have grammatical and clerical errors. First time ko po magsulat ng story. :3 Isa pa, ngayon lang rin po ako nagsulat ng Tagalog kaya pagpasensyahan niyo na po. Am I too lacking on a sensual part? Matagal pa bago ako maglagay non. Comments will be well-accepted. Flames are accepted as well, but please, please, make those flames extinguishable.
Ciao.