Paglayo: PART IV

Author Name: virgin still | Source: pinoyliterotica.com

This Part is all on Eli’s side of the story. :)

“Eli, di mo man lang ba siya hahabulin?”

“I don’t know. She doesn’t want being chased. I never chased her before when we got into misunderstandings.”

“Ayan kasi eh. Kalokohan mo, kailangan pa talagang magpanggap tayong tayo eh mahal na mahal mo naman siya.”

“I didn’t expect for her to react that way. Damn. I was so stupid.”

“What would people think when they see her like that?”

“I’m sure she will be able to hold her composure even before she’s out of this mall. Di non pinapakita sa kahit na sino yung sama ng loob niya, much less her tears.”

“You have to make it up to her. You’ve first broken her heart when you said you’re coming home to the Philippines. And she came to you, all you’re gotta do is hurt her again. You’re such a jerk, cousin.”

“Kuya, hinablot na naman ni Steve yung hair band ko!” sigaw ni Amanda mula sa lockers. Patungo si Steve sa direksyon ko kung kaya’t agad ko siya hinarang.

“Where d’ya think you’re gping brat?”

“Well, uhm, I … I was just uhm, playing pranks on her,” nanginginig na sabi ng kinse anyos na binatilyo. Di hamak na mas malaki nga naman kasi ako sa kanya, kaya dapat lang na matakot siya.

“You want me to tie you up the Fire Trees outside? Huh?”

“No, Eliseo. Please don’t.”

“I’ll simply tell on you. Give me back what’s hers.”

May kabang iniabot niya sa akin ang head band ni Amanda. Saka siya kumaripas ng takbong lumayo sa kinaroroonan ko. Pinuntahan ko si Amanda sa labas ng Ladies’ Confort Room. Natiyak kong doon siya nagpunta para ayusin ang nasira niyang buhok. Pagkalabas niya ay itinali niya ang kanyang buhok.

“You tied your hair.”

“Well, I thought you couldn’t chase Steve down. Wala akong magagawa.”

“Bihira mo yan gawin eh. Well, it looks good on you.”

Ibang-iba ang buhok ni Mandy, natural ang pagiging wavy nito. Kailanman ay hindi niya pinaayos ang kanyang at itim na  buhok. Nagpupunta lamang siya sa salon para magpagupit.

“Thanks for shooing that jerk away.”

“I’ll always be here to protect you Baby sis. Even from the guy that would break your heart.”

Di ko na rin alam kung ano ang gagawin ko. Dalawang beses ko nang hindi natutupad yung pangako ko sa kanya.

“Why don’t you follow her into the hotel?”

“No. Not now. She won’t want me there.”

“Oh come on. Kung wala kang gagawing paraan. Ako na ang susunod sa kanya, you asshole.”

“Have it your way.”

Umalis na si Lione. Naiwan ako sa food court na balisa.

Umalingawngaw sa buong ice rink ang masaganang halakhak ni Mandy. Yun yung araw pagkatapos ng birthday ko. Dinala ko siya sa ice rink – kaming dalawa lang. Gustong gusto niya ang mag-ice skating. Tinitititigan ko kasi siya habang ginagawa niya yung routine na ipinakita niya sa buong student body noong independence day. Umiikot kasi ako sa rink habang pinanonood siya at di ko namalayan na babangga na pala ako sa fence.

BLAG!

Dalidaling nag-skate si Mandy palapit sa akin at iniabot niya ang mga kamay niya, “Kuya, okay ka lang? Masakit ata yung pagkakabangga mo sa fence eh.”

“Hindi, okay lang ako. Tara sabay tayo.”

“Sige, sabi mo eh. I’ll treat you a scoop of vanilla ice cream later.”

“Sure.” Yinakap ko siya atsaka ako umikot ng mabilis na mabilis. Dahilan upang lalong lumakas ang mga halakhak niya.

Seriously, mahal na mahal ko si Amanda. Mula nung nakilala ko siya sa ballet school. Hindi ko magawang um-absent kasi ayokong malampasan ang isang araw na hindi ko siya nakikita. Lalong lumalim ang pagsasama namin, lalong lumalim ang pagtingin ko sa kanya. Pero kinailangan ko yung ilihim, dahil kahit na sobrang lapit namin sa isa’t isa, Kuya ang turing niya sa akin. Palibhasa ay nag-iisang anak, kaya yung unang Pilipinong nakasalamuha niyang malapit sa edad niya ay itinuring na talaga niyang kapatid. Nakatatandang kapatid – that’s all I’ll ever be.

Napabuntong-hininga nalang ako noong hindi ko na nasilayan si Lione. Alam kong hindi siya kakausapin ni Mandy. Hindi ngayong ganun ang lagay niya. There’s only one thing left to do – go after them.

—Mandy, I’m really sorry for what happened. Let me explain to you everything. Please, listen to me.

Yan na lang ang natext ko sa kanya. ilang beses ko rin siyang sinubukang tawagan pero hindi niya ako sinasagot.

—Kuya Eli, let’s stop fooling around. Hindi na tayo mga bata. You’re already 23 for God’s sake. So what nga naman kung may girlfriend ka na? Ako naman yung umasa eh. Ako yung umasang mayayakap kita ng mahigpit na mahigpit pag nagkita tayo. Ako yung umasang mahahalikan mo ako sa noo gaya ng lagi mong ginagawa noon. Ako yung umasang, mabibigay mo sa akin yung buong atensyon mo matapos ng limang taong pagtitiis. Iniwan mo ako Kuya Eli. For five years, I’ve tried to compose myself sa tuwing maaalala kong hindi kita pupwedeng makasama sa tuwing kailangan ko, that I can’t sleep beside you during those winter nights, that I could never locked myself up in between your entwined arms every single time I need a hug.  Iniwan mo ako with that promise that I’ll always be in your heart, always. Iniwan mo ako, so if you can’t come to me, ako na ang lumapit sayo. Pero all you gave me was a broken heart. Thanks for that. Now, if you may. Give me some peace first. Need to find myself.

There was only one thought on my mind right then, I really need to talk to her. Now.


***********Ciao. Not a good part, I guess? Sorry. :)