Paglayo: PART III

Author Name: virgin still | Source: pinoyliterotica.com

Dahil sanay na rin ako sa pagpunta sa iba’t ibang bansa sa tuwing may pagkakataon, di na rin ako nagmumukhang bagong-salta sa Maynila. Nakasanayan ko na rin talaga ang paglilibot sa kung saan-saan. Madali kong narating ang Globe Center ng mall. At doon ay agaran na rin akong bumili ng cellphone. Pagkalabas na pagkalabas ko ng shop ay agad kong tinawagan si Kuya Eli.

RRRRiiiiinggggggg!!!!

“Mandy, sagutin mo nga yun. Baka ang Pippa mo yan.”

“Okay Mommy.”

Madali akong tumakbo para sagutin ang telepono, bibisita kasi ang lolo’t lola ko ngayon.

“Hello?”

“Hi, Amanda Montilla.”

Agad kong nakilala ang boses na iyon – si Kuya Eli.

“Anong problema mo Eliseo Empedrad The Third?”

“Wala naman Amanda The Third rin.”

Oo, galling pa sa lola ko ang pangalan kong Amanda. Cool noh? Natatawa nga rin akong isipin minsan na yun rin ang ipapangalan ko sa magiging anak kong babae. :)

“Eh bakit ka nga napatawag?”

“Eh, pwede bang pumasyal? Wala akong kasama eh, sila Mommy at Daddy, dinala si Marcus sa hospital, kagabi pa may lagnat.”

“Ha? Ah eh. Sige. Kailangan mo ba ng sundo?”

“Hindi na, meron naman yung bike ko eh.”

“Oh sige. Ingat ka ha? Dito ka matutulog?”

“Oo. Napaalam ko na kanina kina Mommy.”

“Okay then. Come on over. Pero behave ka kuya ha. Pupunta sila Pippa at Mimma ngayon eh.”

“Yes ma’am.”

“Okay. Bye.”

At ibinaba ko na ang telepono sa puntong yon.

Di niya sinasagot ang tawag ko. Bakit kaya? Itetext ko nalang siya.

—Hey big bro. Mandy here. Could you meet me right now? I’m here at ************. Please do reply soonest possible. Hugs!

Habang naghihintay ng sagot niya ay naglibot na muna ako sa mga gift shoppes. Minabuti kong maghanap ng maari kong ibigay sa kanya. Nakalimutan kong kunin sa maleta ko yung surpresa ko sa kanya. Si Kuya Eli ay may lahing Espanyol, purong Espanyol ang kanyang lolo, na nakuhanan niya ng kanyang pangalan. May itsura si Kuya Eli, ang mga mata niya’y maihahalintulad mo sa isang agila, mapanlisik kung tititigan mong mabuti – ngunit sa kabila nito ay ang mababait at malalambot niyang pagtingin sa lahat ng taong makakasalamuha niya. Ang mga ilong niya’y matatangos at ang mga labi niya’y maninipis. May katangakaran rin naman siya. Makinis ang moreno niyang balat. Ang buhok niya’y manipis at mahaba, ayos pambabae. Pero tatlong taon na ang nakakaraan ng huli ko siyang nakita. Maaring maraming nagbago sa kanya. Nagbigay yun ng rason para lalo akong masabik na Makita siyang muli.

Napukaw ako sa paggugunita ng makita ko ang isang sombrero, eto yung paborito niyang tipo ng sombrero – ang beret. Nung nasa Australia pa siya, marami siyang koleksyon ng ganung klaseng sombrero. Ang nakita ko ay may printed ng reggae stripes, ang paborito rin niyang genre ng musika. Nang nabili ko iyon ay agad ko itong isinuot rin, saka ko na lamang ibibigay sa kanya pag nagkita na kami.

Toooot.

Nag-ring ang cellphone ko.

—Baby sis, where are you now? Will you just wait for me at the food court? I’m going to fix something muna.

Busy na nga talaga siya. Wala naman akong magagawa.

—OK then. Text mo na lang ako whenever you’re ready.

Nagpunta na muna ako sa grocery para mamili ng supplies ko sa bahay. 30 minutes rin ang inabot ko roon. Wala pa ring text galling kay Kuya Eli. 6:00 pm na.

“Kuya Eli, male-late na tayo. Ganyan ka na lang lagi. Masasapak na kita eh.”

“Oo na. saglit. Kukunin ko lang yung ballet slippers ko.”

Dali-dali na akong pumasok muli ng sasakyan at nagmukmok sa likod. Kami ang front act sa dance recital namin. At late na naman kami dahil kay Kuya Eli. Ewan, ganyan na lang siya palagi. Mas maarte pa siya sa akin kung magbihis.

Naghintay pa ako ng 30 minutes sa food court bago muling nagtext si Kuya Eli.

—Baby sis, ikaw ba yang naka-beret ng reggae? I’m here at the table behind you.

Di ko muna siya tinignan.

–Yep. It’s me. Hey. Come on over here. I’ve too much luggage to transfer to wherever you are.

Naghintay ako sa posibleng mangyari. At gay ang inaasahan ko, hinablot niya ang beret mula sa ulo ko at saka niya ito isinuot. Doon ko lamang siya nilingon at laking gulat ko nang naka-dreadlocks na pala siya. Matagal na niyang balak yon, pero di kasi siya pinapayagan ng mga magulang niya. Mag-iisang taon na rin akong matatawag na swagger. Ang buhok kong abot hanggang bewang ay may kulay ang huling anim na pulgada nito – pula, dilaw at berde. Ayoko rin naman kasing magpa-dreadlocks. Sayang ang buhok na inalagaan ko ng labimpitong taon para lang makulongg sa mga locks na mahirap tanggalin.

“Hoy. Dalaga ka na ah.” Sambit niya na may malaking ngiti sa kanyang mga labi.

May kasama siyang babae, naka-dreads rin katulad niya. Hawak siya ni Kuya Eli sa bewang. Naka-akbay naman ito sa balikat niya.

“Wala pa kaya akong 18, bata pako.” Ngisi ko naman sa kanya. Di ko na muna inintindi ang babaeng pumipigil para ko yakapin si Kuya Eli.

“Oh, gutom ka ba? Kain muna tayo. Baka pagod ka sa byahe niyan eh.”

“Hindi ah. Kumain na ako kanina. Hmm. Hindi mo ba ipapakilala yang kasama mo?”

“Ah, siya nga pala si Dandelion, girlfriend ko.”

“Hi, ate Dandelion.”

“Hi, Mandy. Matagal ka nang kinukuwento sa akin ni Elise. Ang ganda mo nga pala talaga.”

“Ahy, hindi naman po. Ano naman po ang mga na-kuwento niyan sayo? (AT ANG KAPAL NAMAN NG PAGMUMUKHA MO PARA TAWAGIN AKONG MANDY?)”

“Ah. Madalas niyan nakukuwento sa akin yung mga ginagawa niyo sa ballet school. Madaming bagay. Mga nagawa niyong kalokohan. Pati raw nung nahuli mo siyang hawak yung ano niya nakuwento niya.”

Namula ako noong binanggit niya yon, nalimutan ko na ang pangyayaring yon, at ipinaalala pa talaga nila ulit. Nakakahiya.

“Kuya Eli!! Ihing ihi na ako!! Andaming banyo dito sa bahay namain diyan ka pa sa kwarto ko naligo! Lumabas ka na!” Sigaw ko sa kanya dahil sa paputok ko ng pantog.

“Pumasok ka na. Nagbibihis na ako.”

Agad ko namang binuksan ang pinto. Di ko alam na nakahubo pala siya. Pagtingin ko sakanya ay nakatalikod siya sa pintuan kung kaya’t ang puwetan niya ang nakita ko.

“Kuya Eli! Magdamit ka na nga! Grabe ka. Minamanyak mo tong kwarto ko!”

Tumawa siya ng malakas at saka isinuot muli ang bathrobe niya.

“Kala ko pipikutin mo na ako eh.”

“Asa ka! Di ako papatol sa katulad mong manyak!”

At noong puntong yon ay pumasok na ako sa banyo upang umihi at maligo na rin. Pagkalabas ko ay nakita ko siyang suot pa rin ang bathrobe niya at hawak ang kanyang phone. Ang di ko inaasahang makita ay ang hawak niya sa kabilang kamay ang kanyang naghuhumindig na ari.

“Hoy Kuya! Ang bad mo talaga! Lumabas ka na nga! Yuck!”

“Sus. Kunwari ka pa eh. Haha.”

Tumawa siya ng tumawa habang naglalakad palabas ng kwarto ko. Sa inis ko ay napasabunot nalang ako sa sarili ko.

“Ah eh. Kasalanan naman po niya yun.”

“Baby sis, ano, may time ka ba mamayang gabi? Let’s go clubbing.”

“Sa susunod nalang Big Bro. Iuuwi ko pa sa hotel tong mga dala ko. Tapos siguro magpapahinga muna ako. Kuya Eli, Ate Dandelion, mauna na po ako. Sa uulitin. Enjoy the night.”
Di ko inaasahang may girlfriend na pala siya. Ni minsan hindi niya yun nabanggit sa akin. Grabe, sobrang sakit. Noong puntong iyon ay nangingilid ang luha kong naglakad palayo sa kinaroroonan nila. Di rin naitago sa kanila ang pagpintig ng mga balikat ko sa tuwing hihikbi ako. Uuwi na muna ako sa hotel, tapos bahala na. Kailangan kong makalimot.

—I waited for hours, for years to meet you again, I didn’t know I’d be met with this pain. How dare you not tell me that you have a girlfriend? Akala ko kapatid tayo? Bye. Gotta have some rest.

*************PART 3 is over! Part 4 coming up! Sorry guys masama kasi yung panahon dito. Kaya medyo matagal ang updates. :)

Ciao. :)