Paglayo: PART II

Author Name: virgin still | Source: pinoyliterotica.com

(I would want to apologize first, medyo may error po dun sa unang part, si Eli po ay Junior high na noong nagkakilala sila ni Amanda. :) ) Sorry po.

Paglayo Part II

“Gusto kong makita ang Pilipinas Baby sis. Gusto kong makita kung saan lumaki ang mga magulang natin.”

“Paano na ako?”

“Andiyan naman si Marcus eh.”

“Eh kahit na, ayoko kay Kuya Marcus. Ang sungit non eh.”

“Hindi yun masungit, wag mo kasing kinukulit. Baby sis, right after my graduation, lilipad na ako.”

“Okay, s’not like I can do anything about it. Take care of yourself then. This gon’ be the last day I’ll attend this class. S’not gon’ be the same without you,” at dali-dali akong umalis patungo sa naghihintay kong sundo. Nang lingunin ko ang pinag-iwanan ko sakanyang bench ay sinusundan niya ng tingin ang sasakyan kinalululanan ko.

…………………………………………………………………………………………………………………..

Dahil hindi naman na ako makakapaghintay kung sakaling kakain ako sa labas, ipinanlamang-sikmura ko nalang ang ilang chocolate bars na iniuwi ko. Ipinanulak ko na rin ang bottled water na nanggaling pa sa flight service ng eroplano. Pagkatapos kong kumain at siguruhing nailagay ko na sa kwarto ko ang mga gamit ko, nag-impake ako ng ilang damit at toiletries dahil napagdesisyunan kong sa hotel muna manuluyan. Matatagalan pa siguro ang pagbalik-serbisyo ng kuryente at tubig dito sa bahay. Mabuti na lamang at napaasikaso na ni Mom ang bagay na ito.

“Kuya Eli, paki-turn off na yung light, I wanna sleep na eh,” reklamo ko sa kanya ng isang gabing nag-sleep over ako sa bahay nila. Labintatlong taong gulang ako noon, ikalabimpitong kaarawan naman niya. Pinayagan naman ako ng mama kong makitulog sakanila dahil kilala na nila ang pamilya ng Kuya Eli bago ko pa man siya unang nakita.

“Hug muna ng Kuya.”

Para sumunod na rin sa gusto ko, dagli akong tumayo sa pagkakahiga sa kama niya at binigyan siya ng mahigpit na yakap, “I love you so much Kuya.”

“Mahal ka din ng Kuya, Mands,” at siniil niya ng halik ang noo ko.

“Tulog na tayo, inaantok na ako eh.”

“ Saturday naman bukas di ba?”

“Oo nga. Sabado bukas.Pero di ba pupunta pa tayo sa ice rink.”

Nakapikit na ako noon habang sinasamyo ang halimuyak ng kanyang damit.

“Sige na nga. Antukin talaga ‘tong batang to.”

“Nakakapagod naman kasi kanina sa theme park eh. Pero Kuya, thank you. Ansaya kanina. Lalo na sa bumper rides.”

“Buti nga pumayag si Tita eh. Thank you Baby. Baka huling punta ko na yon sa theme park bilang teenager eh.”

Kinarga niya ako habang nakayakap ako sa leeg niya at nakabalot sa bewang niya ang mga paa ko. Naglakad siya patungo sa kama niya pero una siyang nahiga kung kaya’t nakapatong ako sakanya. Inayos ko ang sarili ko at iniunan ko sa kanyang dibdib ang ulo ko. Naramdaman ko ang kanyang mga kamay na bumalot sa aking bewang kaya ay ibinuklat ko ang aking mga bisig at ipinalibot sa kanyang bewang.

“Kuya, bakit hindi ka pag nagkaka-girlfirend, eh andaming nagkakagusto sayo, lalo na dun sa dance class natin. Alam mo ba pag wala ka, inaaway ako nung mga babae. Kasi daw, lagi nalang daw ako yung partner mo, eh d hamak na mas magagaling naman raw sila sumayaw,” mahinang tanong ko sakanya kasunod ng isang hikab.

“Nako ayoko mag-asawa ng Australian baby. Gusto ko Pilipino rin.”

“Eh may mga Pinay din naman dito eh. Mag-girlfriend ka na Kuya. 17 ka na eh.”

“Bakit ba gusto mo na akong mag-girlfriend? Tinataboy mo na si Kuya?”

Nakabaon sa buhok ko ang mukha niya ngunit naramdaman ko ang hinanakit sa binitawan niyang salita. Sa puntong iyon ay lalo ko pang pinag-igi ang paghigpit sa mga mumunting bisig kong inikot ko sa kanya.

“Kuya naman, di kita tinataboy. Eh kasi naman, ikaw nalang ata ang kilala kong 17 year old na wala pang girlfriend.”

“Ayoko ng girlfriend muna, may hinihintay ako eh.”

“Sino?”

“Basta. Simula ng makilala ko siya, alam kong gusto ko siyang protektahan sa kahit na ano mang pwedeng mangyari. Gusto kong lagi siyang nasa tabi ko. Nung nakilala ko siya, alam kong siya yung gusto kong makasama, siya yung babaeng sasabihan ko ng ‘I do.’ Siya yung babaeng aalagaan ko habambuhay.”

“Kuya, ang swerte niya ha. Sana makiala ko siya.”

“Kilala mo siya, ikaw yun,” bulong niya ngunit hindi yun nakatakas sa aking pandinig.

“Ano Kuya?” bulong ko habang iniangat ko ang ulo ko para Makita ang mukha niya.

“Wala. Matulog ka na. Maaga pa tayo bukas. Good night.”

“Sing me a song.”

“Oh sige, matulog ka na ha?”

Her eyes, her eyes

Make the stars look like they’re not shining

Her hair, her hair

Falls perfectly without here trying

She’s so beautiful

And I tell her everyday

Yun ang mga katagang narinig ko, matapos niyon ay nakatulog nako.

———————————————————

Di ko nagawang matulog ng mahimbing sa biyahe. Saka ko lang naramdaman ang pagod ko noong bumiyahe ako patungo sa hotel. Kung kaya’t pagkadating na pagkadating ko sa kwartong inupahan ko ay ikinandado ko lang ang pinto at lumagapak na ang hapo kong katawan sa kamang naghihintay sa akin.

2:39 PM

Yan ang nakita ko sa bedside clock noong iminulat ko ang mata ko. Limang oras din akong nakatulog, dali-dali akong bumangon upang maligo. Nagsuot ako ng brown na fisherman’s pants at cyan na fit sleeveless top na may hood. Nagkabit rin ako ng suspenders saka ako nagsuot ng flip flops.

Mabuti at di ko na kakailanganing sumakay pa patungo sa mall dahil ang hotel na natuluyan ko ay katapat lang ng isa sa malalaking mall dito sa Manila. Pagkakuha ko sa pouch at susi ng kwarto ko ay nagtungo na ako sa lobby para iwan ang susi.

“Baby sis, I know you’re listening to my voice mail right now. I know you’re there. In 30 minutes time, I’m flying to the Philippines. Baby sis, I haven’t seen or talked to you in three months now. It’s killing me. Please, please know that you are here in my heart, as you always had, as you always will. I love you.”

Nung araw na yun ang lipad niya papunta ng Pilipinas. December noon. Summer time sa Australia.Hindi ako nawili noong Paskong iyon at sa sumalubong na bagong taon.


*****************Sana po nagustuhan ninyo. :) Apologies din po. I guess medyo magulo tong part na to. :) Hugs for everyone.

Ciao.

Paglayo Part III: Coming Next—–>