Paunawa: Ang sumusunod na kwento ay kathang isip lamang. Ano mang pag-kakahawig nito sa tunay na tao, lugar o pangyayari ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. Maraming salamat po.
Isang araw, nagkita-kita sina Flash, John at Piolo sa langit. Nakikipag-pulong silang tatlo kay San Pedro at nakiki-usap na sila’y mabigyan ng isa pang pag-kakataong makabalik sa lupa upang mamuhay muli bilang mortal na tao.
“Maaari ko kayong pag-bigyan sa inyong kahilingan,” matamang sabi ni San Pedro. “Ngunit, mayroon akong isang kundisyon na dapat ninyong sundin.”
“Okey…opo…yes…sige…shoot…” ang di magkamayaw na sagot ng tatlo.
Makababalik kayo sa lupa at muling mamumuhay bilang mortal na tao, pero hinding hindi na ninyo maaaring gawin ang pinaka-paborito ninyong gawain noong una kayong nabuhay sa mundo,” seryosong tuloy ni San Pedro. “Kapag sinuway ninyo ang kundisyong ito, daglian ko kayong ibabalik dito sa langit. Nauunawaan ba ninyo?”
“Opo…opo.” halos magkakasabay na sagot nila Flash, John at Piolo.
Ikinumpas ni San Pedro ang kanang kamay at sinabing, “Kung gayon, humayo kayo at nawa’y pag-palain kayo ng diyos.”
POOFFF…
Nagulat ang tatlo ng makita nila ang sarili nila sa gitna ng C.M. Recto sa Maynila.
“Wow…okey ah… buhay na uli tayo,” sabi ni Piolo.
Naglakad-lakad sila hanggang nakarating sila sa isang gym. Pumasok sila at nakita nila ang isang lalaking mukhang construction worker na nag sha-shadow boxing sa loob ng ring. “Mahusay gumalaw at mukhang malakas sumuntok,” nasabi ni Flash sa sarili niya. “Mukhang may pag-asang maging congressman… este, sikat na world champion,” tuloy niya sa loob niya.
“Ma-aari ba tayong mag spar?” tanong ni Flash sa boksingero. “Baka matulungan kita at mabigyan ng kaunting dagdag kaalaman.”
“Oki lang…” sagot ng bisayang boksingero.
Sa tinurang iyon ng boksingero, dali-daling kumuha ng gloves si Flash at nag-patulong kay Piolo at John upang maisuot at maitali ang sintas ng gloves. Pagkatapos ay umakyat siya sa ring. Pag-pasok na pag-pasok ni Flash sa loob ng ring …
POOFFF…
Nag-lahong parang bula si Flash.
“Bosing, anong nangyari?” tanong ni Flash kay San Pedro. “Bakit ninyo ako binalik dito sa langit?”
“Nakalimutan mo na ba yung kasunduan natin? Sinabi kong hindi nyo na maaaring gawin ang pinaka-gusto ninyong gawin noong una kayong nabuhay sa mundo kung nais ninyong manatili sa lupa. Hindi mo napigilan ang sarili mong makipag-boxing, kaya eto ka ngayon.”
Samantala, sa lupa, patuloy sa pamamasyal si John at si Piolo. Nakarating sila sa Tondo at doon ay may nakita silang isang binatilyo sa harap ng isang sari-sari store. May hawak itong gitara at song book. Tumutugtog siya habang kumakanta ng “Imagine all the people,♫ living life in peace, you oooo hooooo…♫”
“Medyo sintunado pero may potensyal,” sabi ni John kay Piolo (yes, marunong mag tagalog si John) habang papalapit sila sa binatilyo.
“Teka…teka…, nakita mo naman yung nangyari kay Flash di ba?” paalala ni Piolo.
“Sandali lang to, baka naman di ako mapansin ni San Pedro,” giit ni John.
“Ikaw ang bahala…nag papa-alala lang ako,” sagot ni Piolo.
“Maaari ko bang mahiram ang gitara mo?” tanong ni John sa binatilyo habang inaayos ang salamin na naka-patong sa matangos niyang ilong. Inabot naman ng binatilyo ang hawak niyang gitara kay John. Naupo si John at pinisil ang kuwerdas ng gitara, key of C. Pag kalabit ng kanang kamay sa kuwerdas…
POOFFF…
Naglaho si John.
Naiwang mag-isa si Piolo at naisipan niyang mag-tungo na lang sa Quezon City. Kasalukuyan siyang nag lalakad sa Mother Ignacia ng may namataan siyang isang magandang babae. Namukhaan niya si Christine pero nag alangan siyang lapitan ito dahil sariwa pa sa kanyang ala-ala ang nangyari kay Flash at kay John. Nag pasya siyang sundan na lang ito at tingnan mula sa di kalayuan. Malapit na sila sa gate ng isang malaking TV network ng mahulog ang panyo ni Christine. Mula sa kung saan ay biglang sumulpot ang guwapong si Sam. Yumuko ito para pulutin ang panyo ni Christine. Sa ginawa niyang iyon, nakita ni Piolo na tumuwad ang puwet ni Sam. Dali-daling lumapit si Piolo kay Sam at…
POOFFF…