Episode 2
“Pilitan???”
Pag dating sa iskwelahan ay nagkita si meng at Ashley, “ Ashley! Uy.. dito ka pala?? Kanina pa kita hinahanap ahh. I miss you too haha” bola ni meng. “meng! Haha miss you too ka dyan?? Ano libre mo na ako! Nangako ka sakin e.” Sabi ni Ashley. “ e kumain ka na ba??malamang hindi pa kasi hinihintay mo ako.. siguro gusto mo akong makasabay kumain?? Joke lang haha” sabi ni meng nang may biglang dumating na lalake at parang nakaramdam si meng ng kirot sa kanyang dibdib na parang nagseselos siya sa kanyang nakita dahil may tumabi kay Ashley na lalake at hiniram ang cp at kumuha ng pera sa kanyang wallet na wala namang alinlangan na ibinigay ito ng dalaga, pagkaalis ng lalake ay biglang nagtanong itong si meng. “boyfriend mo yun?? Bka magalit sa akin yun ha??? Naku wag na lang kaya tayong umalis?” “hahaha iyon??? Boyfriend ko??? Hindi ahh kuya ko yun.. hindi ba kami magkamukha? Naku takot ka naman?” pangasar ni Ashley kay meng. “tara na nga! Wag kana matakot dyan! Wag ka mag-alala wala akong boyfriend haha” sabi ni Ashley. At umalis ang dalawa nagpunta na kung saan lugar na hindi nila alam kung saan patungo at lumipas ang isang oras ay nakaramdam itong si Ashley ng gutom at parang may hinahanap na pagkain na biglang nagsabi na “ parang gusto ko ng gotto ahh.. kain tayo meng libre kita..” “ha?? Tara sige.. wag na ako na magbabayad.. di ba nga ako ang manglilibre sayo??” pagentleman na sabi ni meng. “hindi wag na.. nakakahiya baka sabihin mo naman e ang kapal ko di ba?” sabi ni Ashley. “hindi yan! Ako na nga nagpriprisinta e.. ano tara hanap na tayo wag ka na umangal.. ngayon lang toh.. bukas ako ulit haha peace!” pabiro ni meng kay Ashley, at naghanap silang dalawa ng gottohan at nakakita sila duon malapit sa terminal ng mga bus. Pag dating duon ay habang kumakain ay nagusap sila kung saan nakatira itong si meng at biglang may dumating silang kaibigan na babae na si Maribeth. “oh maribeth! Lika upo ka dito kain tayo lilibre ka ni meng” ang sabi ni Ashley kay maribeth na kaklase nila sa math subject. Si maribeth ay maliit lang maitim at cup B ang kanyang hinaharap. “oh talaga meng lilibre mo ko???tra! haha” sabi ni maribeth kay meng. Sa isip isip ni meng ay “ang kapal naman ng mukha!! Hindi pa ako umuOO e umupo agad at umorder na ng pagkain pero ok lang haha ngayun lang ito” “sige maribeth kuha ka lang ako bahala sayo hahah” sabi ni meng sa kanya kahit masama ang loob nito ^^. At bumalik sila sa topic nila ni Ashley. “san ka nga ba ulit nakatira???” tanong ni Ashley.” Duon ako sa bakakeng sur bakit?” sabi ni meng biglang sumagot si beth “ahh pwede ba tumambay duon sa inyo??” at biglang ginatungan ito ni Ashley “ oo nga tambay tayo sa inyo at overnight! Umiinom ka ba meng??” sa isip isip ni meng “wow astig! Sila pa talaga nagaaya na magovernight at uminom sa amin.” “ oo pwede duon ano kelan ba??” tanong ni meng. Nagbulungan ang dalawa at biglang sumagot si Ashley “sa Saturday ha para Sunday walang pasok! Sure na yan ha! Payag kana agad ok ok ok ok ?” pangungulit ni Ashley at sumagot itong si meng ng walang alinlangan na “sure! Maghahanda ako para sa pagdating ninyo^^” at iyon ang napagplanuhan ng tatlo.
Lumipas ang mga araw at dumating na ang sabado kung saan sabik na si meng sa mga kaganapan na mangyayari ngayong araw at hinanap nanaman ni meng ang dalawa at nakita niya ito sa canteen. “ano tara na??? Nagluto lola ko duon ng adob at duon nalang tayo maglunch?” sabi ni meng at ang sagot ni beth “hindi ako pwede kasi nagtututor ako e pasensya na..” “ikaw Ashley sama ka pa ba??” sabi ni meng. “ e dalawa nalang tayo pano yan??” sabi ni Ashley habang pinipilit ni Ashley si beth na sumama para may kasama siya, pero kahit anong gawin ng dalawa ay talagang hindi pwede kaya nagtanong ulit itong si meng “ikaw ba?? Sama ka pa ba?? Sayang nagluto pa naman lola ko.” Paawa effect ni meng sa pagsabi niya na iyon. “sige na nga tara! Hayaan na lang natin ang pakara na iyon!bwisit sya!” sagot ni Ashley at umalis na sila papunta sa bahay ni meng.
Trenta minuto ang byahe ng dalawa at alas onse na ito ng tanghali ng nakarating ang dalawa sa bahay ni meng at pagkarating palang ay makikita mo ang pagkamagalang at pagkamabait nitong si Ashley dahil nagmano agad ito sa lola ni meng at nagpakilala. “ay ang bait naman ng kasama mo meng, magalang pa at maganda.” Sabi ni lola linda kay Ashley na biglang namula ang mukha nito at ngumiti na tipong parang nahiya. “ahaha oo mang! Si Ashley yan.. kaklase ko, ang cute nya noh?? Hindi nakasama yung isa naming kaklase e kasi busy daw siya.. pero ewan ko ba duon haha” sabi ni meng. “Ashley tara upo na tayo. Masarap magluto ang lola ko…diba mang??” pangungulit ni meng sa kanyang lola. At tumawa lang ang tatlo sa hapagkainan. Naghanda ang lola ni meng ng adobo na talaga namang masarap at nakakapagsatisfy ng kanilang gutom.
Natapos na silang kumain at umaakyat itong si meng sa kwarto niya at inaya itong si Ashley na pumunta duon sa terrace sa kwarto ni meng para tumingin ng mga tanawin dito at hindi naman nagdalawang isip na sumunod itong si Ashley sa taas. Pag dating sa taas ay dinala ni meng ito sa terrace para ipakita ang mga magagandang tanawin dito at habang nakatingin at nagmamasid ang dalaga ay nagsalita itong si meng “ ang ganda noh???” habang nakatingin ito sa babae ng biglang lumingon itong si Ashley sa kanya at biglang alis ng tingin itong si meng para hindi mahuli. “oo ang ganda nga haha gusto kong tumira dito ah pwede ba??kung dito ako titira saan kwarto ko??” pabiro ni Ashley sabay tawa. “edi dito sa kwarto ko este dun pala sa kabilang kwarto” ang sabi ni meng at nagtawanan ang dalawa. Nang natapos na silang tumambay duon sa terrace ay nagtanong itong si meng “iinom pa ba tayo?? E dadalawa lang tayo?” “ako ok lang basta ba safe ako dito.” Sabi ni Ashley (kayo sa tingin nyo anong gagawin ni meng kay Ashley pagnakalasingan na???) itutuloy