Higit sa lahat, nanatili ako sa bansa kung saan ay nandon pa rin si ‘Pilot’. Ang tao na sya pa rin nag mamay-ari ng aking puso…
* * * * *
*PILOT is not necessarily his profession. It’s just a monicker.
Matapos ang kasal
Kaya’t ako nga ay nagpakasal na sa ibang lalaki, nawala ng maikling panahon para sa aming pulo’t gata sa ibang mga bansa. Subalit mahirap itangging sa kabila ng napakaganda at napaka-aliwalas nang sitwasyon na aking sinasadlakan, ay may ibang lalaking itinitibok ang aking puso.
Iniisip ko kada gabi na ako ay nagpapahinga sa ibang lugar kung ano ang nararamdaman ni ‘Pilot’ na iniwan ko sa Pilipinas. Sino ang mga bago nyang nakikilala. Kanino na sya nakikipag-usap.
Malungkot sya tuwing daratnan ang bahay nya tuwing gabi — ito ay ang mga panahon na hindi pa nya kasama ang kanyang anak. Bagama’t may saliw ng pang-aaliw ng ibang malalapit na kamag-anak, may lungkot pa rin sa kaibuturan ng kanyang puso sa bawat panahon na sya ay nag-iisa — panahon na napakadalas sa kabila ng napakaraming tao na sa kanya ay nakakakilala, nakikipag-usap, nakikisalamuha.
May kurot sa aking puso sa bawat oras na maalala ko ang aking ginawa. Bagama’t ako ay wala nang mahihiling pa dahil napakabait ng aking naging asawa, hindi maitatanggi ang tunay kong nadarama.
Pinalitan ko ang aking SIM card upang hindi na ako muling ma-contact ni ‘Pilot’, subalit hindi ko natiis at pagkalipas lamang ng ilan buwan ay ako rin mismo ang naunang nakipag-usap sa kanya.
Hindi ko na maalala ang paraan na aking ginawa, subalit nanumbalik ulit kami sa aming dating gawi — sa kabila ng aking pagiging tali na sa ibang lalaki.
Hindi ako papayag
Isang gabi na ako ay nakalugmok sa sofa sa aking sala ay tumawag sya …
”Nasan ka?”
”Nasa bahay ko. Bakit?”
Saglit na katahimikan …
”My full name, I just want to say GOODBYE.”
”Hu-hah?!” pabigla kong tugon, at napabangon ako sa aking pagkakahiga.
”I just want to say GOODBYE.” ulit nya.
Nagsimulang magkaron ng lump sa aking lalamunan. Pigil ang pag-iyak subalit tuluyan na akong lumuha…
”Bah-bakit?!”
”Hindi na pwede eh. Nag-asawa ka na… hindi naman pwedeng kabit mo na lang ako… maging mabuting asawa ka nalang. Sya ang pinili mo. Sana maging masaya ka, at kung kailangan mo ng kaibigan, nandirito lang ako” paliwanag nya.
”Hindi his full name, HINDI AKO PAPAYAG!” mariin kong pahayag.
At patuloy ako sa aking pag-iyak, sabay sabing…
”Huwag mo naman ako iiwan. Ikaw ang mahal ko, his full name. Huwag mo naman gawin ‘to!” na patuloy na akong pinahihina ng mas tumitindi ko pang pagluha.
”Eh … buntong-hininga … I dont know. Mahirap na eh. May asawa ka na eh…”
Natapos ang usapan na hindi malinaw sa akin ang lahat.
Parang napaka-konkreto na ng kanyang desisyon na ako ay iwanan na lamang, at ipagpatuloy ang kinasadlakan kong buhay sa piling ng ibang lalaking hindi ko naman minahal.
Ito na marahil ang kabayaran sa aking paglilihim sa kanya noong malaman ko na ako ay nakatakda nang ikasal sa iba. At parang hindi ko kayang pangatawanan.
In fairness to him, he wanted to leave me to remain faithful to my husband, and just let me have a better life. It was a selfless act that he at least tried to let me know. But I could not stop crying. I buried my head in the couch trying to pacify my outburst.
I cannot describe the feeling. My feet and knees were shaking. My hands and fingers so cold. It was the feeling of being so alone in this world because the person who mattered to you the most was leaving.
I wanted to puke. I wanted to die. It was the kind of emotion that my body didn’t know how to process.
It was a hundred times much worse than my first heart break.
Lumipas ang gabi na hindi ko na matandaan ang iba pang nangyari. Sinalubong ko ang umaga na namumugto ang aking mata – sa sofa sa sala lamang ako nakatulog. Naligo ako, nag-almusal … at tulala sa halos kabuuan ng araw.
Nagawa kong umarte nang normal sa bawat panahon na ako ay kukumustahin ng aking asawa. Magaling kong nailihim ang napakasaklap na nangyari maikling panahon lamang ang nagdaan.
Subalit ang mga pusong nagmamahalan ay mahirap pigilin, at ang aming mga katawan, damdamin at isipan ay ang isa’t-isa lamang ang hinahanap.
Welcome back
Dahil sa nauna na nyang nalaman ang bago kong tirahan at napuntahan na nya ito, at aming ”bininyagan” noong hinihintay ko pa lamang dumating ang furniture, madali na syang nakabalik nang minsan isang gabi ay nagdesisyon kaming ipagpatuloy ang aming pagkikita.
May mga gamit na ito ngayon, hindi gaya ng nauna nyang nakita na sa sahig lamang ng kwarto kami nagkantutan. Mayroon nang kama, at iba pang kasangkapan. Kumpleto na sa kagamitan!
”Maganda na ah” ang kanyang bungad nang sya ay pumasok.
”Oo, may mga gamit na eh” naiilang kong sagot.
”Kumusta ka na?” pagpapatuloy ko, na nangingilid na ang aking luha sa mga mata at hindi na napigilan tumulo pa.
Namiss ko sya. At naawa ako. Pero nagpapasalamat ako dahil magkakasarilinan kaming muli.
”Mabuti” maikli nyang tugon. ”Ikaw, kumusta. Ayos naman ba kayo?” kasunod nyang tinanong.
”Oo, okay kami. Tinatrato naman nya ako nang maayos.”
Nagtungo na kami sa kwarto sa itaas, sya ay dumiretso sa banyo upang maglinis ng katawan, at ibinaba ko na ang mga kurtina habang ako ay naghihintay sa kanya. Hindi ko mapaniwalaan na kami ay muling magniniig noon gabing iyon.
He came out of the bathroom as soon as he finished,
”Ang lamig!” reklamo nya sa 20 Degrees Celsius na temperatura ng kwarto na nagpanginig pa lalo ng malamig nyang balat.
”Ah sorry, I forgot na ginawin ka pala” sabi ko habang hinahagilap ang remote control ng aircon upang i-adjust ang temperatura nito.
”So, tuwing kailan sya dumadating dito?” tanong nya na tinutukoy ang asawa ko.
Sinagot ko naman kung tuwing kailan.
”Buntis ka na ba?” tanong nya, habang inihihiga na ang sarili sa bahagi ng kama katabi ng night table.
”Hindi pa. Nagkaroon pa ako this month eh” tangi kong nasagot.
”Well…” maikli nyang tugon.
Pumuwesto na ako katabi nya sa kama. Ako ang malapit sa bintana, at sya naman malapit sa cabinet ng mga damit. Pinatay na nya ang night lamp at ang liwanag na naaaninag ay nagmumula na lamang sa poste ng ilaw sa labas ng aming gusali.
Humilig sya paharap sa akin, at ako ay unti-unti rin humarap sa kanya. Nagtagpo ang aming mga mata — sya na taimtim akong tinititigan, habang ako na hindi makatingin nang matagal dahil sa aking kinahantungan.
”Andyan na yan. Maging mabuting asawa ka nalang…” sambit nya habang hinahawi ang aking buhok na humaharang sa aking mga mata mula sa pagkakatitig sa kanya.
”Huwag mo akong iiwan” maikli kong pagsamo.
Buntong-hininga na lamang ang kanyang itinugon. Tumuwid ng pagkakahiga, nakatitig sa kisame. Ipinikit ang mga mata. Malalim ang bawat paghinga.
Itutuloy …