Shiela’s birthday
Isang gabi ng Nobyembre ng parehong taon, kaarawan ng isang kaklase ko na ginanap sa isang lugar sa Maynila na nakalimutan ko na ang pangalan ng restaurant. Malapit sya doon sa floating restaurant ni Stanley Ho at sa Coconut Palace. Nandoon ang ilang miyembro ng 26K Girls ng Deal Or No Deal sapagkat ang kaibigan kong ito ay isa din sa mga dancers noon. Sya si Shiela.
Ika-dalawampu’t tatlong kaarawan na (yata) ni Shiela. Naging matalik kaming magkaibigan sa loob ng sandaling panahon na kami ay nagkakilala.
Nagkasayahan sa party, maraming pagkain, maraming mga bisita — maraming mga lalaking gwapo, bata, matanda, mayaman, walang pera, lahat sila ay sentro ng atensyon si Shiela.
Papalalim na ang gabi at nagtext si ‘Pilot’.
Dito sa awarding
”Baby, nasan ka?”
”Sa birthday ng classmate ko, dito sa restaurant na nakalimutan ko na talaga ang pangalan.”
”Ah talaga? Alam mo ba ang lapit ko lang dyan? As in ang lapit lapit!”
”Hah? Bakit nasaan ka ba?” pagulat kong tanong.
”Nandito sa Sofitel. Awarding ng network na kanyang pinapasukan para sa mga long-time serving employees nila.”
”Oooohh!!! So may award ka?”
”Yeah, 20 years na ako sa name of the network, diba?”
”Wow, congratulations! Im proud of you.” sabi ko.
”May kwarto kami dito, dito kami matutulog.”
”Ah talaga? May kasama ka sa room?” tanong ko.
”Meron, si Riz lalake si Riz.”
”Ngek, sinabi mo pa sakin eh may kasama ka naman pala…”
”Sige enjoy the party ha. I’ll see what I can do. I’ll call you later. I love you, Baby.”
Then he hung up.
The party went on and I enjoyed meeting and chatting with other friends of Shiela from the 26K Dancers. Im really bad with the names, but I remember there was Ashley, and 2 or 3 more dancers other than Shiela. I was also with other classmates, Karen and Mylene.
Finally, we called it a night and decided we would walk a bit to somehow help digest everything that we ate. We were headed to the Coconut Palace where we saw another classmate driving her car to drop by and greet the celebrant.
Then I remembered, my boyfriend was at Sofitel Hotel and I wished he would call me soon. I so wanted to see him and be with him!
True enough, in a matter of 5 minutes, my cellphone vibrated …
”Hello, baby. Di pa kayo tapos?”
”Ah pauwi na kami. Naglalakad nalang papuntang parking para medyo matunawan naman.”
”Ayaw mo ako makasama?”
”Gusto.”
”Eh bakit uuwi ka?”
”Di mo naman ako niyayaya eh.”
”Hmmmm…punta ka dito. May kwarto kami dito ni Riz.”
”So manonood sa ‘tin si Riz.”
”Ehh… hindi! Mamaya pa yon dadating eh. Umiinom pa sila sa baba.”
”Hmm, sige. Kasama ko ‘tong mga friends ko ha. Pupunta kami dyan.”
”Sige, bababa ako ulit, makikipag-inuman pa ako kina name of another officemate.”
”OK. Wag ka naman masyado pakalasing.” paalala ko.
”Hindi. Hindi. Basta text me when you get here OK?”
”Yes. I will. Love you.”
”I love you”, pagtapos nya.
Nagdahilan nalang ako kina Karen at kanyang assistant na meron akong kakausapin sa Sofitel. Meron naman talaga. At hindi lang kakausapin — at iba pa! Kaya sinamahan nila ako.
Since it was November, there were already decorations in the hotels and her wedding coordinator friend wanted to see for herself what the hotel had put up for Christmas.
The Sofitel Encounter
Entering the hotel lobby, I saw sitting at the corner and having a somewhat intimate and serious conversation were the former Network President, the then head of the News and Current Affairs, and the lady anchor who used to topbill the primetime newscast in the same station. I glimpsed at their location, long enough to recorgnize who they were even at the dark. Then I told my friends who I saw. They also looked.
And we entered Sofitel.
Karen and her assistant went out of their own way to explore the lobby to see what they had. The assistant kept taking pictures of the Christmas trees and other decors,while Karen was just checking out the cute guys.
Then I began to text my boyfriend:
”We’re here na at the lobby.”
”Ah really? Sandali, nasa baba din kami umiinom eh. Hanapin kita.”
”Wag mo ako lalapitan. I have friends with me.”
”Ah ganon? Sige. Basta gusto lang kita makita.”
KILIG TO THE BONES
Kinikilig ako sa mga susunod na tagpo as I am writing this. There’s this smile plastered on my face remembering how gorgeous he looked that night!
A man in his white, crisp, longsleeves shirt came out from the left corner of the lobby, emerging from a number of tables were people were having a drink, chitchat, and merriment. This bald guy, who turns out to be my boyfriend looked SO handsome that night!
Lihim akong napangiti nang nakita ko sya. Hindi magkahiwalay ang mga mata namin sa pagkakatitig sa isa’t isa, kahit pa magkalayo kami at hindi pwede maglapit upang makapag-usap.
”Pasensya ka na ha, ayon mga kaibigan ko dinescribe ko sila, sila yun kasama ko uuwi sana.” paliwanag ko sa text ko.
”Ahhh. Alam mo, OK yun nakaitim ah. Ayaw ba sumama sa ‘tin nyan?” pertaining to my friend Karen.
”Ay wag. May asawa yan eh. Saka hindi nya alam na kakatagpuin kita. Nagsinungaling nga lang ako, sorry.”
”Ang ganda mo, shett.” bati nya suot kong puting-puti na figure hugging top, copper loop earrings, groomed eyebrows and a very red lips. My curled hair tied up at the back, at bago lang nauuso noon ang skinny jeans na suot ko with matching black pumps.
”Thank you. Ang gwapo mo rin tonight. Nainlove na naman ako.” pagbalik ko ng papuri sa kanyang kagwapuhan na pinatingkad ng kanyang mukha na di kakikitaan ng anuman buhok noon gabing iyon, at bagay na bagay sa kanya ang longsleeves na tiniklop hanggang 3/4s lang ng braso. Dala pa ng kanyang tangkad, akmang akma ang outfit nya that night.
Kinikilig ako sa pagkakatitig sa kanya. At sya rin sakin.
”Sige, babalik ako kina name of other officemates, mag-iinuman kami.” text nyang muli.
”Sige. I’ll think how I can excuse myself na from my friends.”
Karen and her friend came up to me that cut my conversation with ‘Pilot’.
”Punta tayo sa labas around the pool. Let’s check out the lights.” sabi nila.
Kinabahan ako,sapagkat ang mga nag-iinuman na friends ni Pilot ay nandon malapit sa swimming pool!
”Ah-ah?! Sige!” sagot ko nalang.
So pinauna ko sila maglakad at kasunod nila ako, sabay text ulit kay ‘Pilot’.
”Pupunta kami sa pool. Tingnan mo lang ako, huwag mo ako lalapitan ha.” Pakiusap ko.
”Ah sige. Kanina pa kita tinititigan eh.” sagot nya.
Nauna na sina Karen sa palibot ng pool at sa mga mistulang palm trees na pinalibutan ang katawan ng dilaw ng Christmas lights. Maganda ang paligid. Romantic. Nakadadagdag kilig at libog sa akin, at sigurado akong maging kay ‘Pilot’.
Sinusulyap-sulyapan ko kung nasa’n sya, kung ano ang ginagawa nila. Nakikita ko syang nililisan ang mesa ng mga kainuman, at uupo sandali sa nakabukod na silya at magtetext sa akin. Gustong gusto ko ang itsura nya ng gabing iyon. Ang gwapo gwapo ng dating nya. Parang hindi matanggal ang mga ngiti sa labi ko at hindi makahintay na maangkin sya sa kwarto.
Minsan nagkakahulihan kami ng mga tingin at magkakangitian na lang. Para kaming mga teenagers na kinikilig sa JS Prom. Pero ang totoo nasa halos ikaapat na taon na kami ng aming relasyon.
Di nagtagal, tinapik ako ni Karen sa kanan balikat upang sabihin na nasa labas na ang asawa nya at hinihintay sya. Nagpaalam na sakin, beso-beso at hinatid ko sila sa may pinto ng hotel.
At ako ay naiwan na mag-isa.
Nakitang kong di mawala ang pagkakatitig sa akin ni ‘Broadkaster’ kahit napapagitnaan kami ng malawak na swimming pool at ng hotel ng lobby. Nau-uusap ang aming mga mata…
Hanggang nagtext sya muli.
”Sundan mo ako sa elevator.”
——— will continue on Part 2 —————
Want to read my first post http://pinoyliterotica.com/2011/02/am-station-dick-part-1/