*PILOT* is not necessarily his profession. It’s just a monicker.
Nakitang kong di mawala ang pagkakatitig sa akin ni ‘Pilot’ kahit napapagitnaan kami ng malawak na swimming pool at ng lobby ng hotel. Nag-uusap ang aming mga mata…
Hanggang nagtext sya muli.
”Sundan mo ako sa elevator.”
Elevator
At nakita kong hinihintay nya lamang akong tumingin sa kanya, at sinenyasan ako papunta sa elevator upang magtungo na kami sa kwarto. Sumunod ako sa elevator. Hindi kami nag-uusap, bagama’t magkatabi kami. Panaka-nakang hahaplusin nya ang aking pwet na umuumbok sa suot kong skinny jeans, at tinititigan nya ako sa salamin. Kasabay namin sa elevator ang iba pang mga bisita ng Station. Ang iba ay bumabati sa kanya, kino-congratulate sya. Mapagkumbaba naman nyang tinugon ang mga natanggap na pagbati.
Nakarating na kami sa palapag ng kanilang kwarto. Kasunod lamang nya ako hanggang huminto sya sa tapat ng isang pinto, binuksan iyon at sabay kaming pumasok.
May dalawang kama sa loob, isa sa kanya at isa naman sa kasama nyang si Riz. May knapsack sa ibabaw ng kama ni Riz.
Inilapag ko na ang dala kong shoulder bag sa malapit na counter na nakita ko, at sya naman ay nagbaba ng ilan kagamitan sa study table na mas malapit sa kanyang kama, na nakatalikod sa glass door patungo sa terrace ng kwarto.
”Oh, I want to see the view outside!” pagbasag ko ng tensyon at katahimikan sa loob ng kwarto.
Binuksan ko ang glass door upang panoorin lamang ang nangyayari sa may pool area, i-enjoy ang mga mapaglarong ilaw dala ng nalalapit na Kapaskuhan, at namnamin ang sariwang hangin pinalalamig ng napakalapit lamang na Manila Bay. Mga ilan minuto din akong nasa ganong posisyon lamang.
Naramdaman kong may mainit na lumalapit sa kinalulugaran ko. Si ‘Pilot’. Hindi pa nagbibihis. Suot-suot pa rin ang napakagandang outfit na nagpatingkad sa kagwapuhan nya ng gabing iyon.
Niyakap nya lang ako mula sa aking likuran at hinalikan sa ulo, kasabay ng sandaling pag-amoy sa aking buhok, habang ang mga bisig nya ay nakapalibot sa aking mga balikat, at ang mga kamay ay nagtatagpo sa harap ng aking dibdib.
Tahimik lang kami ng ilan minuto. Parang pareho lang kami ng ginagawa, pareho lang kami ng iniisip. Pagkatapos ay kumilos ang mga kamay ko upang hawakan ang mga kamay nya na nasa tapat ng aking dibdib. Ang kanyang baba ay nakapahinga sa aking ulo, at paminsan-minsang inaamoy ang aking buhok. Ganon lang.
Tapos, tahimik na kami uli.
”Pasok na tayo, baka may hamog na dito” putol nya sa aming katahimikan.
Digital camera
Agad naman akong sumunod upang pumasok sa kwarto at ipininid na nya ang pinto ng balconaje. Umupo sya sa upuan sa may study table, binuksan ang lampshade at may kinuha sa drawer.
”Baby, halika tingnan mo camera ko” paanyaya nya.
Kumandong ako sa kanya upang makita namin nang sabay.
Hindi ko na matandaan kung sino-sino pa ang mga nakita ko doon, pero ang mga kuha ay mula lamang sa Awarding ceremony noong gabing iyon. Mga kuha nya kasama ang iba pang katrabaho sa Network — lahat ng mga kaibigan nya na nakita nya noon gabing iyon.
Nang mapagod ang aking mga mata kakatingin, isinandal ko ang aking katawan sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan. Ang aking batok ay sinalo ng kaliwa nyang balikat at hinayaan na para bang malaglag ang buong bigat ng aking ulo sa likod niyon.
”Ohh malaglag ka.” pigil nya.
”Uhhhmmm…” pag-ungol ko na para bang batang nagpapasaway.
”Maligo ka na. Hindi pa ako pwedeng mawala doon eh. Hahanapin pa nila ako.”
”Iiwan mo ako dito? Pano kung dumating si Riz?”
”Hindi aakyat yon, andon sa baba inom nang inom eh.”
”Babalikan mo ako?” tanong ko.
”Oo naman. Sasaglit lang ako sa kanila ulit, tapos babalik na ako dito, baby.” panigurado nya. ”Sige na, andon ang banyo, mag bathrobe ka pagkaligo mo. Matulog ka muna. Dadalhin ko ang susi para hindi na kita katukin pagdating ko.” Mahaba nyang paliwanag.
”Hmmmppp. Okay.” Sabay paglisan ko sa kanyang kandungan…
Nang biglang hinila nya ako sa aking bewang at pinaupong muli sa dati kong pwesto.
”Oh akala ko ba maliligo na ako?” tanong ko na may pagtataka.
”Ang ganda mo. Shett.” sabi nya.
”Matagal na.” patawa kong sagot.
”Iba mukha mo pag may makeup na ganyan. Magandang maganda ka.”
”Eh pag walang makeup?” tanong kong may halong paghahamon.
”Maganda pa rin.” sagot nya.
At tinitigan ko sya sa kanyang maamong mga mata, at pinuntirya kong hagkan ang mga labi nyang kanina pang naghihintay na mahalikan.
”Uhhhhhmmmmm…uhhhmmmm…” tunog ng mga labi namin nananabik sa isa’t isa. Mga dalawang minuto rin kaming naglaplapan na naman, sa ganong posisyon na ako ay nakakandong sa kanya na pilit lamang inaabot ng aking mukha ang kanyang mga labi, at sinusuportahan lamang ng kanyang mga bisig ang buong katawan ko upang hindi mahulog sa pagkakaupo ko sa kanya.
Humulagpos sya mula sa aming ginagawa…
”Kailangan kong bumalik sa baba, hinahanap na nila ako” sabay tapik nya sa aking puwitan nang ako’y tumayo na rin upang mag-freshen up sa banyo.
”I’ll see you later baby. Matulog ka na muna, gigisingin kita pagbalik ko.” Paalam nya.
”Huwag matagal ha? Ayokong mag-isa dito eh.” pakiusap ko.
”Oo, mga 30 mts lang. Magpapakita lang ako ulit sa kanila.” sabi nya.
At lumabas na sya ng kwarto dala ang susi. Ipininid ko na ang pinto at sumandal doon sandali, iniisip ko kung totoo ba ang nangyayari. Parang … sana hindi na matapos ang gabing ito … ang gwapo nya, ang bata at may angking din naman akong alindog … mahal namin ang isa’t isa. Ano pa bang kulang? Wala nang dahilan upang hindi maging masaya.
At humakbang na ako papunta sa banyo upang maligo.
Natapos ako pagkaraan ng ilan minuto. Naka-bathrobe ako paglabas, dala dala ang aking hinubad na kagamitan at ipinatong ko iyon kasama ng shoulder bag ko sa malapit na counter sa may pinto ng banyo. Kinuha ko ang cellphone ko at kako ay itatabi ko sa akin kung anuman ang mangyari.
Hindi nya ako niloloko
Tinungo ko ang kama na tutulugan ni ‘Pilot’, at pumailalim sa puting puting blanket niyon upang matulog habang naghihintay sa kanya. Pagbaling ko sa kaliwang higaan, nakita ko ang knapsack na nakapatong doon. Ang malikot kong isipan ay nagsabi sakin na tingnan kung ano ang nasa bulsa niyon. Bumangon akong saglit upang usisain. Isang ID. Logo ng TV Network at Radio Station na pinagtatrabahuhan ng lalaking nasa larawan na nagngangalang ”Riz —-” last name withheld.
Napangiti ako. Hindi nga nagsisinungaling sakin si ‘Pilot’. Lalake nga talaga si Riz.
At isinauli ko na ang id sa bulsa ng bag, ibinalik sa dating pwesto. Bumalik na ako sa kama ni ‘Pilot’ at tinalukbong sa sarili ko ang puting blanket. Maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng antok, kahit iniisip ko na hindi na magtatagal ay puputulinako ni ‘Pilot’ sa aking pagkakatulog upang gawan ng isang maligayang bagay … napakaligayang bagay.
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari matapos akong antukin. Nang i-check ko ang oras sa telepono ko ay halos isang oras na ang nagdaan mula ng huli ko iyong tiningnan noong nakaramdam na ako ng antok. Halos isang oras din pala akong nakatulog.
Tinext ko na si ‘Pilot’:
”Nakatulog na pala ako. Matagal ka pa ba? Baby, akyat ka na please?” pagsamo ko.
”Sige. Aakyat na ako.” maikli nyang sagot.
Muli itong nagbigay ng ngiti sa aking mga labi. Babalik na si ‘Pilot’ dito sa kwarto!
———- will continue on Part 3 —————