Ms. Rich Girl (The Pantry Incident)

Author Name: Mad.Pencil | Source: pinoyliterotica.com

NOTE: This story is plain fiction.
Almost 3 years na ako sa call center industry. Nausbukan ko nang magpuyat at halos mamatay na sa sobrang pagod. Pero isang bagay na gusto ko sa trabaho ay ang mga “perks” na nakukuha ko…  >:3

Lunch break. Sabay-sabay kaming kumain ng mga ka-wave ko. Nasa training pa lang kami kaya medyo mabait pa, kumbaga eh, nakikiramdam sa paligid. Tahimik kaming kumakain sa isang table sa pantry nang biglang, “Shit! Who owns this trash?!”.
Nagulat ako. Napansin ko na lang na nasa sahig na ang mug ko. Sa tapat ko naman ay isang dalaga na galit na galit. Dinampot ko yung mug. Magso-sorry sana ako ng biglang inunahan ako ng sigaw.
“Is that yours?!”, parang natulala ako. “Are you dumb? I’m asking you, do you own that peice of trash?!”.
“Ahh… yeah… what’s wrong?”
“What’s wrong?! Well, you really are dumb! Can’t you see? You ruined my dress!”
Totoo nga naman. Kitang-kita sa yellow dress nya ang marka ng coffee. “Oh…. I’m sorry…”, sabi ko.
“Sorry? That’s it? You ruined my dress and you’re just gonna say sorry?!”, inawat na sya ng kasama nya. “Pen, that’s enough. Di naman sinasadya eh. Tsaka ikaw ang nakatabig ng mug.”
“So what?! Dapat hindi nya hinaharang yang cheap-looking mug na yan! Poor people should have their own area. Nakaka-sagabal eh!”

Dito na ako napikon. ( si Mr. Pride kasi ako eh).

“Now, now, that’s enough lady.”, napatayo na ako dahil sa galit. “Una, wala kang karapatan na magsalita ng ganyan.  Hindi mo ako pinapakain para insultuhin mo. Pangawala, ikaw ang tumabig ng mug ko kaya ka nabasa. At pangatlo, wala kang pakialam kung dito namin gustong kumain. Pantry to, pag-aari ng company at employee kami dito. Kasama to sa benenifits namin. Kung ayaw mong makasama ang mga “poor people” na gaya ko, ikaw ang maghanap ng pwesto.”
Namula ang mukha nya, ewan ko kung dahil sa hiya o sa galit. Tapos biglang “PAK!”. Amp! nag-init yung kanang pisngi ko. Nasabi ko na lang sa sarili ko “Sige lang, may araw ka rin…”

Kinabukasan, nasa pantry ulit kami. Inabangan ko si “Ms.Rich-girl”. Di ako matahimik, kailangan kong makabawi.

Malayo pa lang alam ko na na sya yun. Wearing black dress, simple yet elegant. Walking down the lobby with an airy attitude. I admit, she looks so damn gorgeous…

Pero nawala agad ang pagkamangha ko ng makita ko ang expressuion nya. Kung nakakamatay ang tingin, malamang pinag-lalamayan na ako. Pumuwesto ako, naghahanda sa padating na delubyo. Sinadya kong i-urong ang upuan ko para lumiit ang daanan nya. Napansin nya yun kaya lumihis sya ng daan. Sabi ko sa kasama ko,

“Pare, tabi mo yang mumurahing mug mo baka biglang humarang sa daanan ni Ms. Rich-girl.” Bigla syang napahinto. “Excuse me, inaasar mo ba ako?” Biglang natahimik ang paligid. Nakatingin lahat ng tao sa amin, parang nag-aabang ng isang eksena sa pelikula.
“Bakit, naa-asar ka ba?”, tumayo ako sa kinauupuan ko.
“Oo!”
“Well, malamang inaasar nga kita.”, sabay ngiti sa kanya.
Mabilis syang nakalapit sa’kin. Buti na lang at nasalo ko ang kamay nya, kundi sampal na naman ang abot ko. Hawak ko ang kanang kamay nya, medyo malapit sya sakin. Doon ko lang napansin na maganda pala sya. Chinita, maputi, matangos ang ilong. Pero ang pinaka-napansin ko ay mapulang labi nya. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko, namalayan ko na lang na hinalikan ko sya. Wala ako pakialam sa paligid nun, ang pinapansin ko lang ay ang malambot nyang labi…

Ilang segundo lang pero pakiramdam ko 10 taon na ang lumipas. Tapos para akong natauhan ng namalayan ko na umiiyak sya. Napatigil ako, at biglang “PAK!”, anaknamp! She caught me off guard. Nag-walk-out sya. Ako naman naiwang nakatulala. Parang namamanhid ang pisngi ko.

Tapos parang biglang bumuhos ang ingay. Tinapik ako ng mga kasama ko. Namalayan ko na pumapalakpak ang mga tao sa paligid ko. May isang lumapit sakin, ” Hahah! Pare, ayos yun! Alam mo bang lahat kami tiklop pag dumadating yan si Sungit..Ikaw lang naglakas loob na gawin yun! Idol na kita tsong!”. Ilang cheers pa at tapik mula sa mga di ko kilala. Ewan ko, natawa na lang din ako sa pangyayari.

Mabilis kumalat ang balita. Parang instant celebrity ako. Pati mga taga-ibang account alam ang nangyari. Bigla na lang may tumatapik sakin sa pantry, kung minsan naman pag sa lobby, may bigla na lang babati sakin. Napa-isip tuloy ako, bakit parang big deal sa kanila yung nangyari?…..
Dahil na rin sa pagiging instant celebrity ko ay mabilis akong nakakuha ng information. Ito palang si Ms. Rich-girl ay nutoroius sa pagiging masungit at matapobre.Aba! kala mo naman kung sino.

Hindi ko alam pero hindi sya mawala sa isip ko. Nandun yung inis pero di ko maiwasang maisip ang mukha nya, ang labi nya… and her eyes… they’re hiding something…
Parang adrenaline, bigla akong nagdesisyon. kailangang malaman ko ang tungkol sa kanya, kailangan ko syang makilala. Kung anong dahilan, hindi ko alam… basta gusto ko lang…

***************Mad.Pencil*******************