Lumipas ang mga araw, parang humupa na ang init na dinala ng “Pantry Incident”. Medyo tahimik na rin ang buhay namin ng mga ka-wave ko. Pero hindi ko nakikita si Ms. Rich-girl. Namamalayan ko na lang na nakatingin pala ako sa may lobby, inaantay kung kelan sya dadating sa pantry. Napa-isip tuloy ako, nag-resign na kaya yun? Naku, yari ako. Di man lang ako nakapag-sorry….
Hindi ko alam na nakatulala pala ako. nabatukan tuloy ako ng kasama ko. “Hoy! para kang naka-drugs? Kanina ka pa tulala eh. siguro Hinihintay mo si Sungit no? Hahaha! Nabitin ka sa kiss?”
“Gago! Nabitin ka dyan!”, napailing na lang ako. Sa likod ng utak ko sinasabi ko na “Oo, bitin nga….”
“O ayan na yung hinihintay mo.”, sabat ng isa kong kasama.
Paglingon ko, nakita ko na naman ang pamilyar na lakad nya, yung may konting angas. Simple lang ang suot nya, aquamarine dress. Medyo hapit sa may bewang at maikli ang cut kaya pansin agad ang mga hita nya. Narinig ko ang kasama ko na napa “wow”.
Akala ko lilihis ng daan para umiwas, pero tuloy-tuloy ang lakad palapit sakin. Walang ano-ano bigla na naman syang nanampal. Anak ng! Ang gaan ng kamay ng babaeng to! Tatlong puntos na sakin to ah!
“Hey, what’s that for?!”, nagulat talaga ako.
“How dare you?! Ang lakas ng loob mong magpakita pa sakin pagtapos ng ginawa mo?”
“Uh? bakit, kelangan ko bang mag-resign? Bakit ko naman gagawin?”
“Urrggghhh! Kapal ng mukha mo! Ikaw lang nakagawa sakin nun!”
“Yung kiss? Really? Hmmmm…. so you’re dissapointed because I’m not you’re prince charming? Or, maybe… you want more? Well, in that case honey, you have to ask nicer than that…”, sabay ngisi.
Nakita kong tumaas ang dugo sa mukha nya. Nagkulay rosas agad ang pisngi nya, parang gusto ng umiyak sa sobrang inis. “You………”, dali-daling umalis.
“See ya around honey!”, tawag ko, di na sya lumingon. “And oh, nice meeting you, by the way!….”, parang gusto kong tumawa ng malakas. Sa wakas! Nakabawi rin ako kay Ms. Rich-girl.
Sobrang ganda ng mood ko ng gabing yon! Hataw ako sa calls, walang pakialam kahit masakit na sa lalamunan. Restday ko pagtapos ng shift na yon kaya sinagad ko ng overtime. Almost 2pm na ng nag-out ako. Bumaba ako sa basement para ayusin ang motor ko. Sa di kalayuan, nakita ko ang pamilyar na dalaga, si Ms Rich-girl. Palakad-lakad sa harap ng kotse, di mapakali, tapos sinipa pa ang gulong. Malamang nasaktan kasi napaupo sya bigla. Nakaisip na naman ako ng pang-aasar. Dahan-dahan kong pinaandar ang motor, pagdating sa tapat nya, sabi ko “Kung balak mong i-carnap yan, magdalawang isip ka muna. Maraming guard sa labas tsaka may security cam dito, kitang-kita ka.” Aba, nagtaka ako kasi inaasahan ko na aangilan ako pero di sya umimik. Nakaupo pa rin sya. Parang nasaktan ata talaga sa pagsipa nya dun sa gulong.
“Hey, marunong ka bang magbukas ng kotse?”, nagulat ako,
“Aba, isasangkot mo pa ako hah?”
“Just answer me, dammit!”
Hala ang tapang. “Ah.. hindi eh… pasensya na…”, takot ako dun ah.
“Damn! Pano na ako?…..Huhuhu…”, parang batang umiyak.
“Hala, umiyak na. Oi, tumayo ka nga. Baka sabihin ng mga guard inaaway kita.”
“Pakialam mo kung umiiyak ako?! Huhuhuh…Di na ako makakauwi. Naiwan ko yung wallet ko pati phone ko sa loob.”
“Hay, eh tanga ka naman pala eh…”
“Anong sabi mo?!”
“Wala. Anyway, lika hatid na lang kita.”
“Pasasakayin mo ako dyan sa motorcycle mo?”
“Ay hindi. Tumakbo ka kasunod ko. Eto naman, syempre. Kaya nga ihahatid eh.”
“Eh….hindi ako marunong sumakay… nakakatakot eh….”
“Ayun! ang tapang mo tapos aangkas ka lang takot ka na. Don’t worry I’ll be gentle…. I mean babagalan ko lang ang takbo.”, ahem!
Pinasuot ko sa kanya ung jacket at helmet ko. “Baka magasgasan ka eh ma-yari pa ako ng boyfriend mo. Mag side-saddle ka na lang, bakit naman kasi laging naka-dress eh. Kapit ka ng maayos.”, di sya umimik, nakatingin lang sakin.
Gusto ko sya mag masungit pero mas maganda talga sya pag nakatahimik lang, angelic ung mukha nya (kala mo walang sungay…)
“Ready?”, sabi ko
“Yeah…”, sabay hawak sa bewang ko. Parang kambyo si “junior”. Automatic, biglang tayo paghawak nya sa bewang ko.
“Saan ka nga pala nakatira?”
“Provident, Marikina. Turo ko na lang sayo yung daan…”
Naku yari na! Ang layo nun sa inuuwian ko sa Caloocan. Wala ng magagawa, napasubo na eh.
Medyo alalay lang ako sa pagpapatakbo kasi feeling ko nangnginig ung kamay ko. Ramdam na ramdam ko kasi yung palad nya sa tagiliran ko. Sarap sa pakiramdam ng hawak nya, dagdag mo pa pag may hump o lubak kaming dadaanan kasi napapahigpit ang kapit nya. Napapasubsob pa sya sa likod ko kaya tumatama ang boobs nya. Para tuloy akong timang na nag-aabang kung kelan ulit may madadaanang hump o lubak. >:3
Almost half an hour ang byahe, nakarating na kami sa bahay nya. Simple. Semi-bungalow style. May garage tapos maliit na garden sa gilid. Bumababa sya sa motor tapos hinubad agad ang helmet at jacket. Di nawala sa paningin ko ang magandang dibdib nya nang lumiyad sya para hubarin ang jacket.
“Ah, thanks a lot, Dex…”
“Um? Wala yun, basta wag ka nang tanga sa sunod… Teka, pano mo nalaman ang pangalan ko?”
“Hah?! Ah… ano… tinanong ko sa mga kakilala ko sa account nyo..”
“Ah ok… oh pano alis na ko..”
“Huh? teka, di pa nga ako nakakapagsalamat eh..”
“Hahah! i-cash mo na lang!:”, biro ko.
“How about coffee or juice? sige na, baka sabihin mo ang salbahe ko talaga…”
Aba. Di ko inasahan yun ah. Mabait din naman pala tong si Ms. Rich-girl. Sakto naman na bumuhos ang malakas na ulan, ayaw talaga akong pauwiin.
Pagpasok sa bahay, napansin ko agad ang mga gamit nya. Puro high-end. Meron din syang drumset sa di kalayuan. Mapapansin mo ang paintings na nasa dingding. Hmm… mukhang rich kid nga ata talaga…. Maya-maya lumabas na sya, dala ang dalawang mug ng coffee. Nilapag nya sa table. Dun ko lang napansin na nakapagpalit na pala sya ng damit. Maluwag na white t-shirt at maikling pink na shorts. Pag-upo nya lumitaw ang mga hita nya. Parang nakuryente si ‘junior’. Medyo naasiwa tuloy ako, mas nagulat ako ng makita ko sya na nakatingin sa parteng yun. Lalo akong napahiya. Napangiti lang sya.
Shit! dyahe amp!
Nagtitinginan lang kami habang humihigop ako ng kape. Napapangiti sya pag napapatingin ako sa kanya. Ewan ko kung imagination ko lang pero parang sinasadya nya na dahan-dahanin ang paginom ng kape. Pinapakita pa nya ang labi nya na lumalapat sa mug., tapos sabay tingin sakin. Pinagpapawisan ako. di ko alam kung dahil sa init ng kape o dahil sa init ng nakikita ko. Nag-isip na lang ako ng topic.
“Uh, mahilig ka pala sa paintings”, pambasag sa awkward na sitwasyon.
“Yeah, actually mga gawa ko yan. Pag di busy nagpipinta ako.”
“Eh, yung drumset?”
“Pantanggal stress, pinapalo ko lang yan hanggang mapagod.”
Awkward moment na naman.
“Ah Pen, sorry nga pala ah…”
“Hmm? Aba alam mo rin pala ang pangalan ko?”
“Syempre naman. Tatlong sampal inabot ko sayo eh”
“Ah, talaga? masakit?”
“Ay hindi! Ang sarap nga eh! Feeling ko ako yung mga extra sa pelikula na sinasampal ng kontrabida.”
“Hahahah! Eh ikaw kasi eh. Pumapalag ka pa, ayun tuloy…. Sorry nga pala…. Alam kung kasalan ko naman talga yun. Dapat magso-sorry ako nung kinabukasan kaso nangyari naman yung….”, bigla syang natahimik.
“Ah, Pen may tatanong lang ako kung ok lang.”
“Um? Ano yun?
“Yung…kiss….totoo ba yung sabi mo na…..ako lang yung nakagawa nun?”, uh oh, baka sampal na naman ‘to.
Bigla syang namula tapos napayuko. Tumango ng konti.
Wow! sabi ko sa sarili ko. “Ganun? Bakit yung boyfriend mo ba di ka hinahalikan?”
“Wala naman akong boyfriend. Walang nanliligaw, baka natatakot. Aminado naman ako na masungit ako…”
“Eh bakit nga naman kasi ang sungit mo?”
“Di ko alam eh. Ayoko lang siguro sa lalake. Di namn ako man-hater pero ayaw ko lang makipag-usap. Napapansin mo siguro na wala akong kasama dito. Ako lang mag-isa dito, yung daddy ko nasa States, may ibang pamilya, iniwan ang mommy ko nung 13 pa lang ako. Namatay sya 2 years ago, dahil siguro sa sobrang lungkot. May binibigay naman na support ang daddy ko pero gusto ko na sarili kong pera ang ginagastos ko. Ayokong umasa sa kanya kasi gusto kong patunayan na kaya kong mabuhay mag-isa. Mula ng umalis ang daddy ko naging pare-pareho na ang tingin ko sa lahat ng lalake. Manloloko.”
“Aray! Sakit naman!”, pinapagaan ko ang sitwasyon, parang kasing maiiyak na sya eh.
“Mula nung nag highschool ako hanggang college, di ako nakikipag-usap sa mga lalake, sinusungitan ko sila para maasar sila sakin. Mabuti na yun kesa magustuhan nila ako. Kaya yung sinabi ko sayo, di ko talaga sinasadya yun. Sorry talaga…’
“Naku wala yun! Pasensya na rin, dapat di ako pumatol eh. Pero masakit yung sampal ah.”
“Hahah! Saan ba yun? Both cheeks ba?”, lumapit sya sakin tapos nilagay ang mga palad sa pisngi ko. Nag-init ang mukha ko. Lambot ng palad. Parang awkward kaya bigla syang napabitaw sabay yuko.
Katahimikan.
“Yun nga palang sinabi mo tungkol sa kiss…..”, parang bumubulong sya.
“Alin dun?”
“You said if I want more, I have to ask nicely….”, dahan-dahan inangat ang mukha nya. “Then…. can you….. do that again, please?”
“What?!”, nagulat ako sa sinabi nya.
“Ki…kiss me…please…”, sobrang sensual ng boses nya……….
*****************************************************
Maraming salamat sa mainit na pagtanggap. >:3
*************Mad.Pencil*****************