Miss Class President ( part 3 )
Sa mGa nag-aabang ng ‘aksyon’ konting hintay pa poh..
NON SEXUAL pa rin
Continuation
Umaga ng Linggo, pauwi na si Ellen ng tanungin nia kung nasaan si brian.
“Nauna nang umuwi, kanina pang 3 am” Sagot ni Sabrina. Nang marinig ito ni Ellen ay nagpaalam na ito sa kaibigan at sumakay na ng jeep pauwi.
Monday..
Hindi pumasok si Brian kaya’t hindi pa rin nasasabi ni Ellen ang tungkol sa pagtawag ni Cristine. Naisipan nyang tanungin ang isa sa mga barkada ni brian sa classroom na si Ron.
“Katext ko sya kahapon..Sabe nia nagkakalabuan sila ng gf nia kaya ayun.. Pinupuntahan nia ngayon sa school tska sa boarding house para kausapin.. *Message tone*.. Oh may text sya.. Nagyayaya ng inuman, sigurado bad news, Gusto nio sumama?” Tanong ni Ron.
“Wag nalang” Matipid na sagot ni Ellen.
“Siguro tungkol dun sa pagsagot ko sa phone ni brian yung reason ng away nila?” Bulong ni Ellen sa sarili.
Kinabukasan, Late na nakapasok si Ron, Dahil sa close sila ni Sabrina ay naikwento nia dito na nag inuman sila ni brian.
Naririnig naman ito ni Ellen na nakaupo sa likuran ni Sabrina. Bago magtanghali ay na-dismiss na ang klase nila dahil sa emergency meeting at kinailangan lahat ng faculty members. Pag-uwi ni Ellen ay nagpasama naman ang nanay nia na mag grocery para sa ihahanda nito sa nalalapit na birthday ng ina.
Kasalukuyan silang namimili nang may kumalabit sa likod ng nanay ni Ellen..
“Riza?(pangalan ng nanay ni Ellen) Kaw ba yan?” Tanong ng babae na kumalabit
“Helen? (pangalan naman ng babae) Ako nga ito! Si Riza” SAgot ng nanay ni Ellen sabay yakap ng dalawa sa isa’t isa.
Masayang nagkumustahan ang dalawa, Hindi sila nagkita ng halos 8 taon. Ipinakilala ni Riza si Ellen kay Helen.
“Dalagang dalaga na ah! Teka yung anak ko kasama ko din.” Sabi ng ni Helen sabay lingon sa likod para ipakilala ang anak nia.
Si Brian ang tinutukoy ni Helen na anak nia.. Nagtetext ito habang naglalakad papalapit sa ina kaya’t di nia napansin na malapit na pala sya kina Ellen. Napatigil si brian at nagtaka kung bakit kausap ng nanay nia si Ellen at kasama
nitong babae.
“Sya po pala anak nio, magkaklase po kame.” Sabi ni Ellen
“Tingnan mo nga naman ang pagkakataon oh..Magkakilala na pala kayo. Brian, si Ninang Riza mo.. Maraming utang sa’yo yan, hehe” Sagot naman ng nanay ni Brian.
Nagsama nang mamili ang dalawang kumare, nagkwentuhan ng mga nangyari sa buhay nila mula ng hindi sila magkita. Si Ellen naman ay nagpaalam na may titingnan sa kalapit na department store, Inutusan naman ni Helen si brian na samahan ang dalaga.
::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
“May balak ka pa pumasok?” Tanong ni Ellen habang tumitingin ng damit.
“Eto bagay sa’yo oh.” Sagot naman ni brian habang hawak ang isang damit.
“Panget naman nyan!”
“Bukas papasok na ako.. Sama ka Videoke uli tayo. PAng alis badtrip lang”
“Ayoko! Sasakit lang tenga ko. hehe”
“Sige na.. Ikaw na lang kumanta”
Napapayag naman ni brian ang dalaga. Habang pumipili ng kanta si brian..
“Bray may di pala ako nasabi sa’yo.. Nung birthday ni Sabrina, May tumatawag sa’yo, sinagot ko, pinilit ako ni Sabrina eh.. nagalit yung girl..”
“Ganon ba? Hayaan mo yun..” Sagot ni brian. Hindi na nakaimik si Ellen.. Kumanta nalang sya habang nakikinig ang binata.
Matapos kumanta..
“Nahahalata ko puro break-up songs yung mga pinapakanta mo ah..” Sabing muli ng dalaga.
“Emo lang ako ngayon..hehe.. Nakipag cool off kasi gf ko saken eh..” Sagot ng binata
“Pero di pa naman kayo officially break eh.. May pag-asa pa kayo..” Pang hihikayat ni Ellen sa binata
“Meron pa, pero mahirap talaga yung umaasa”
“Bray ‘Lam mo, you helped me forget Erwin” Di alam ni Ellen kung bakit nia nasabi yun pero masaya sya dahil nasabi nia rin ang ilang araw na niang gustong masabi.
“Talaga? Flattered naman ako.. Paburger ka naman!, nakatulong pala ako eh.hehe” Biro ni brian.
“Hmp! Ewan ko sa’yo.. *Message Tone* hinahanap na tayo nila nanay.. tara na”
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
“Brian, Ipaalala mo dito sa nanay mong makakalimutin na pumunta sa birthday ko ha.. sa makalawa na yun” Paalala ng nanay ni Ellen.
Matapos ng kaunti pang pag uusap ng mga nanay nila ay umuwi na ang dalawang pares ng mag ina.
Araw ng birthday ng nanay ni Ellen. Nasaktong holiday kaya’t walang pasok sa eskwela. Maagang nakapagluto si Riza sa tulong ng anak nitong si Ellen. Ilang oras pa ay nagsimula nang dumating ang mga kaibigan ng nanay nia. HIndi man maamin sa sarili ay nasasabik din ang dalaga sa pagdating ni brian at ng nanay nito. Alas 4 ng hapon ng dumating ang inaasahan ni Ellen, ngunit hindi
kasama ni brian ang nanay nia.
“Oh, nasan si mama mo?”
“Sorry po ninang, May emergency sa trabaho ni mama, ako na lang po pinapunta nia.. Eto nga po pala yung regalo ni mama. Happy birthday po.”
Sabay abot ni brian ng regalo.
“Pakisabi sa mama mo salamat ha.. Tsaka kelangan bumawi sya. Tara sa loob kumain ka na” Sagot ng nanay ni Ellen. Inutusan nia si Ellen na asikasuhin ang binata. Matapos kumain ay pinasama sya ng nanay ni Ellen para makilala sya ng ibang bisita. Tahimik syang nakinig sa mga nagbi videoke.
“Wag ka kakanta ha, baka mag alisan yung mga kaibigan ni nanay. hehe” Pang aasar ni Ellen
“Sama mo naman!” Sagot ni brian. Lumipas ang oras at umuwi ang ibang mga bisita, Nagsimula namang mag ayos ng lamesa ang tatay ni Ellen para sa inuman..
“Kaw pala yung inaanak namin, Dami ko nang utang sa’yo.Hehe umiinom ka ba?” Tanong ng tatay nito. Um-oo ang binata at kahit tutol ang nanay ni ellen ay pinapatagay nito ang binata paminsan minsan. Sakto namang nanood sila ng dvd ng wrestling, isa sa mga paboritong sport ni brian kaya’t nakasabay sya sa mga usapan, paminsan minsa’y sya pa ang nagbibigay ng mga info tungkol
sa mga wrestlers. Sa kalagitnaan ng panonood ay nagsimula ang malakas na ulan. HIndi naman ito pinansin ni brian na aliw na aliw sa pinapanood kasama ang tatay ni Ellen. Matapos ang ilang bote ay nagpaalam na ang mga kainuman nila. Isang bote pa ay tuluyan nang bumagsak ang tatay ni ellen sa kalasingan.
“Eto talagang tatay mo, hindi marunong mag control sa pag inom.” Angal ng nanay ni Ellen habang inaalalayan ang asawa. Tumulong na si brian sa pagbuhat para maipasok ito sa kwarto ng mag asawa. Nang lumabas si brian at Riza ay tila lalong lumakas ang ulan.
“Naku napahiram ko na dun sa isa kong kumare yung payong, Dito ka nalang matulog brian, tatawag nalang ako sa mama mo”
“Sige po ninang.” Matapos nito ay tumulong sya kay Ellen magligpit ng mga ginamit sa pag-inom habang ang nanay nito ay bumalik sa kwarto para punasan ng bimpo ang asawa nito.
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
“Dito daw ako, matutulog.. Tabi tayo?” Bulong nia sa dalaga.
“Gago! Dito ka sa sala.”
“Ang lamig kaya dito..”
“Edi umuwi ka sa inyo!” Mataray na sagot ni Ellen
“Di ko talaga ma gets yung mood mo, Red Tide ka ba?”
“Red Tide?” Takang tanong ni Ellen
“Dalaw, Bisita, Buwanang Sugat, Regla, Menstruation.. Gets mo?” Sagot naman ni brian
“Anong paki mo?”
“Bahala ka nga jan” At nahiga na si brian sa sofa, mabilis syang nakatulog dahil sa ininom nitong alak. Napatigil si Ellen sa pagliligpit at sandaling tinitigan ang natutulog na binata.
“Huy!” paggulat ng nanay nia sa kanya.
“Ano ka ba nay?!”
“Bakit ka nakatitig dyan?”
“Jan na ba sya matutulog? I mean pwede tayong dalawa sa kwarto ko tapos silang dalawa ni tatay dun sa kwarto nio.”
“Dyan na lang siguro sya, baka mapagkamalan pa sya ng tatay mo na ako, makasuhan pa yun ng rape hehe.. Pwede rin sya dun sa kwarto mo..
basta behave ka ha.. hehe”
“Nanay naman!”
“Nagbibiro lang naman, mamaya bigyan mo sya ng kumot ha.” Matapos nito ay tumuloy na si Ellen sa kwarto nia para magpahinga.
::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
Alas 2 ng madaling araw.. Naalimpungatan si Ellen dahil sa lamig.. Nang takluban nia ng kumot ang katawan ay bigla niang naalala ang bilin ng nanay nia na bigyan ng kumot si brian. “Shit!” bulalas nia. Dahil kasi sa pagod ay pagkahiga pa lang nia sa kama ay agad syang nakatulog. Lumabas sya ng kwarto dala ang kumot para ibigay sa binata. Binuksan nia muna ang ilaw para makita nia ang lalakaran nia.
Nang makita nia ang natutulog na binata ay tinakluban nia ito ng kumot at bumalik na sa kwarto para ituloy ang tulog nia.
Kinabukasan ay sinuspinde ang pasok sa buong NCR, ngunit agad namang humupa ang baha sa lugar nila Ellen kaya’t agad na nakauwi si brian. Nakita ng tatay ni Ellen na may umihi sa arinola na lalagyan nito ng pera.. mabuti’t ilang barya lang ang laman nito.
May hinala na sila kung sino ang umihi dito.
Sa skul ay muling niyaya ni Ellen si brian na kumain nung lunch break, may mahalaga daw itong itatanong..
“Siguro magpo propose ka na saken noh? Di pa ako handa sa kasal eh” Tanong ni brian
“Anong pinagsasabi mo? May gusto lang ipatanong si tatay”
“Ano naman?”
“Ikaw daw ba yung umihi sa arinola?” Pabulong na tanong ni Ellen. Hindi agad makasagot si brian kaya’t nagsimula nang tumawa ang dalaga. Matagal tagal din bago sya tumigil sa pagtawa.
“Bakit mo nagawa yun?” tanong muli ni Ellen.
“Kasi madilim eh.. Di ko kabisado yung bahay nio.. Naaninag ko yung arinola malapit sa sofa kaya ginamit ko na. Baka mapagkamalan pa akong magnanakaw pag hinanap ko pa yung c.r.” Paliwanag ni brian.
“Asus! Sabihin mo takot ka lang, bakla ka yata eeh..”
“Gusto mo patunayan ko na di ako bakla?” Tanong muli ni brian.
“And how will you prove it?”
“Tara sa bahay.. ipoprove ko sa’yo”
“Pe..pwede.. naman.. di..to ah..” Pautal na sagot ng dalaga.
“Oh! bat ka nauutal? iba iniisip mo noh?” Umirap lang ang dalaga at iniwan si brian.
::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
A week after..Inside the classroom, ina announce ng prof nila ang students na may matataas na score sa nakaraang quiz, ikinagulat ng lahat na naungusan ni Brian si Ellen for the highest score.
“Mukhang upset ka sa results ng quiz ah..” Sabi ni Danica habang naglalakad sila ni Ellen sa Corridor.
“Di ko lang inexpect na sa lahat ng classmates natin, sya pa ang makakaungos sa’ken”
“Nagrereview naman ako ng lessons even though nagka cutting class ako eh..” Sabat ni brian na nasa likod pala nila.
“Bigla bigla ka nalang nagsasalita ah!” Sagot naman ni Ellen.
“Sorry ha..nagkataon lang na narinig ko yung pinag usapan nio.. Wag kang pikon please.. hehe”
“Hindi ako pikon noh! Gusto mo pustahan pa tayo this midterm exams? Pataasan ng score in one subject lang ha..” Hamon ni Ellen
“What’s the deal?” Balik tanong ni brian
“The loser will be a slave for a whole day.. Game?” Alok ni Ellen
“Call, Ihanda mo yung katawan mo..Lagot ka”
“What’s that suppose to mean?”
“Ihanda mo yung katawan mo sa dami ng iuutos ko.. Kababaeng tao green minded” Sagot ni brian habang papaalis.
“You Freakin’ Shit! Ipapahiya kita” bulong ni Ellen.
“Uy Kalma lang!” Tugon ni Danica.
::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
Pinagsumikapan ng dalawa ang pag-aaral hindi lang para sa grades kundi para manalo sa pustahan. 2 linggo silang halos ‘magsunog ng kilay’ sa pagrereview.
“Himala hindi ka nagka cutting classes ah..” Pangbubusko ni Ellen
“Syempre nagpe prepare ako para sa pustahan natin, Madami kaya akong plano sa’yo”
“Kung anuman yung plano mo, forget it.. hindi na yan matutuloy cause i will win”
“In you dreams, Dyan ka na mag-aaral pa ako..”
Dumating ang Midterm Exams at confident naman itong tinapos ng dalawa.
“Class I will announce the results two days from now, hope all of you have passed.” Sabi ng Prof nila sa subject na pinagpustahan nilang dalawa.
“Goodluck sa results” Salita ni Ellen habang iniaabot ang kamay kay brian. Nakipag kamay naman ang binata, Ramdam nia ang kalambutan nito.
2 days after.. Announcement ng exam results..
“Ok class, three of you tied for the second highest and it is Joel, Julie Ann and Ellen..” Panimula ng prof nila.. Sumulyap si Ellen kay brian, Napangiti sya dahil tila nagdadasal ito habang nakayuko. Umaasang hindi ang dalaga ang nakakuha ng highest score
“And there’s only one student who beat that three students i’ve mentioned for the highest score, and that is Clarisa Del Carmen..” Pag announce ng prof ay muling tumingin si Ellen sa binata. Halata sa mukha ni brian ang pagkainis na hindi ito ang nakakuha ng top score
“Congrats, pagbati ni brian matapos ang klase.
“Thanks, yung pustahan ha.. bukas you’ll be my slave, hehe.. Pahinga ka na.. i’m sure mapapagod ka sa mga iuutos ko”
::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
ITUTULOY…