Si Miss Class President ( part 2 )
InTrOdUcTiOn for the new characters, no sex encounters yet.. ^_^
Still Non sexual..
*This story was set a year after the High School Friends series (The characters here are already 3rd year college)*
Continuation:
“Wushu! kaw ha..
Monday. After lunch break,biglang may humatak kay brian bago pa ito makapasok sa classroom nila.
Ron: Tol, yung parokya (ni edgar) may gig jan sa mall!
Brian: Ha? Talaga? Tara punta na tayo agad.
Dumiskarte sila ni brian kasama ang 3 iba pa para makapag cutting at tagumpay naman silang nakatakas.
Narating nila ang mall ngunit na delay ang pagsisimula ng gig ng banda. Tsinaga nilang antayin ito at sa wakas ay nakapanood din sila. Matapos ang gig ay naghiwalay ng daan sila brian at ang mga kasama nia..
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
Naglalakad na sya papunta sa exit ng mapatigil sya ng makita nia ang isang napakapamilyar na mukha… Si Ellen, kasama si Danica.. nakangiti ito sa kanya, “Nakakaloko ngiti nito ah, pero ang ganda nia” sa isip isip nia.
“Uhhm nanood din kayo ng gig?” tanong nia ng makalapit sya sa dalawa.
“Sana eh.. kaso hindi kame umabot.. ‘Pumasok’ pa kasi kame sa ibang subject eh.” Sagot ni ellen
“Sayang. Ang galing kaya nila”
“Talaga? sayang din.. May Long Quiz tayo kanina, na miss mo tuloy haha.”
“Gusto nio mag meryenda? Treat ko?”
“Ano yan? suhol haha.. Wag ka mag-alala.. di naman ako sumbungera eh.”
Natahimik nalang si brian..
“Bray sa Friday na yung council meeting ah.. Sana naman hindi ka magcutting”
“Promise..”
“I hope matupad yan”
“So..meryenda na tayo.. gutom na ko eh..”
“Okay.. pero kanya kanya tayong gastos.. nilibre mo na ako last time eh..”
::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
While on the Food Court:
“Plano nio ba talaga manood ng gig?”
“Nope, Sinadya ka talaga namin dito,naiwan nyo kasi si michael sa room, kaya sinabi nia kung nasan kayo” sagot ni danica
“Wow ha! Importante na talaga ako sa’yo” sabi ni brian sabay tapik sa balikat ni ellen.
“Kapal! Close tayo?” mataray na sagot ng dalaga
“Uy! Guys i have to go na.. dito na si rico eh.” paalam ni danica nang dumating ang bf nito para sunduin sya.
“HmP! iwanan ba ko dito? pagtatampo ni ellen.
“Anjan naman si brian eh.. sensya na sis, di ko nasabi sa’yo”
“Sige na, go na kayo.. baka ma spoil ko pa date nio.. bye”
Nagpatuloy sa pagkain ang dalawa pagkaalis ni danica. 15 minutes matapos kumain ay nagpaalam na si ellen na uuwi. As usual ay nagprisinta si brian na ihatid ang dalaga.
“Bahala ka” sagot ni ellen. Masaya si brian kahit ganon ang sagot dalaga. Nang makalabas na sila ng mall ay nagsimula naman ang malakas na pag ulan.
“Shit naman!” Inis na sabi ni brian.
“So pano mo ako maihahatid nyan? hehe” Nakangising tanong ni ellen habang inilalabas nia ang payong mula sa bag nia.
“May payong ka pala eh.. ako na lang ihatid mo”
“Kapal..”
Kahit na may payong ay hindi pa rin umaalis si ellen para sumakay ng jeep..
“Sabi na nga ba at ayaw mo akong iwan dito eh..”
“Nanjan si erwin”
“At sino naman yun? Kaaway mo?”
“Tangek! sya yung ex ko”
“Nasan” tanong muli ni brian habang panay ang lingon sa paligid.
“Huy wag ka ngang lingon nang lingon dyan!” bulong nito sa binata bago kurutin sa tagiliran. Napalakas ang boses ni brian nang umaray ito, dahilan para magtinginan sa kanila ang mga tao sa paligid nila, kabilang na si erwin.
“Shit ka naman bray!” bulong muli ni ellen
“Sorry.. Don’t say bad words ha, sakit kasi ng kurot mo eh”
“Ikaw kaya unang nagsabi ng shit! tara pasok muna uli tayo”
“Saan?”
“Syempre sa mall.. san pa ba?”
“Akala ko kung san na tayo papasok..”
“Ano na? Kung ayaw mo pumasok dyan ka na!”
“Sandali lang.. eto na nga oh”
Nang pumasok sila muli sa mall ay dumiretso sila sa entertainment section.
“Tara sakay tayo ng carousel” pa yaya ni brian.
“Para kang bata.. bray sinundan tayo ni erwin”
“Ano ba yang ex mo? kidnapper? stalker? holdaper?”
“Ang OA mo.. pano ba sya iwasan? sunod ng sunod. kainis!”
“Tara akong bahala” sagot ni brian. Sumunod naman si ellen nang pumasok si brian sa isang KTV booth.
“Kapal na ng mukha nian pag pumasok pa sya dito.” saad ni brian
“Kakanta ka ba?” tanong ni ellen
“Gusto mo?”
“Sige nga tingnan ko kung magaling ka.”
Pagkalagay ng coin matapos mapindot ang song number ay nagsimula nang kumanta si brian.
Kakatapos lang ng unang chorus ng pindutin ni ellen ang stop button.
“Bastos naman ‘to oh.. nag eenjoy na ako eh.”
“sakit sa tenga! Sintunado ka pa.. hehe” pang aasar ni ellen.
Biglang iniabot ni brian ang mic sa kamay ni Ellen, Saka nia inilapit ang mukha nia sa mukha ng dalaga. Hindi makakilos si Ellen sa ginawa ni brian. Halos magdikit na ang mga ilong nila sa sobrang lapit.
“Sige nga pasikatan mo ako” bulong ni brian. Dama nila ang hininga ng bawat isa sa kakarampot na distansya ng mga mukha nila.
*Plog* Tunog ng mic kasabay ng matinis na echo nito nang tumama ito sa ulo ni brian.
“Kelangan talaga ganon kalapit yung mukha mo?”
“Sakit nun ah!.. Sige na kumanta ka na! Wag yung theme song nio ah! Yung theme song natin.”
“Natin?”
“Oo yung ‘Twing umuulan at kapiling ka’.. bagay sa weather, hehe”
“Ganon?”
“Basta kumanta ka nalang.” At naglagay na si brian ng coin matapos pindutin ang song number. Nang mag intro na ay sumulyap si brian sa labas ng booth at nakita niang nasa labas pa rin si erwin. Ipinagkibit balikat nalang nia ito at nakinig na sa pagsisimula ng pagkanta ni ellen.
..Buhos ng ulan aking mundo’y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko’y umaapaw, damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka..
..Minsan pa ulan bumuhos ka’t h’wag ng tumigil pa
Hatid mo ma’y bagyo dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko’y umaapaw
Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka..
Sa kabuuan ng kanta ay natameme si brian. “Napakaganda ng boses” ang sabi nia sa sarili nia dahil sa ipinamamalas na galing ng dalaga sa pagkanta.
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
“You look impressed” Sabi ni ellen matapos kumanta.
“Indeed i am..” nakangiting sagot ng binata. Humiling pa sya ng isa pang kanta.
“Next time nalang.. Kung meron pa… hehehe”
*Tok tok tok*.. Si Erwin. Lumabas ng booth ang dalawa.
“Bakit?” tanong ng dalaga
“Pwede na ba tayo mag usap.. alam mo na kung tungkol san” sagot ni erwin
“Para san pa.. wag na lang.. wala rin namang pupuntahan eh..”
“I’m sorry ellen.. Pare pwede bang iwan mo muna kame?”
“Ha?” takang tanong ni brian. Hindi nia naintindihan ang sinabi ni erwin dahil nakay ellen ang atensyon nia.
“Bingi ka ba pare? Sabe ko, pwede bang kameng dalawa lang ni ellen ang mag usap” inis na sagot ni erwin
Tumingin si ellen kay brian, namumuo ang mga luha sa mga mata nia. “Bray sige na, iwan mo nalang muna kame”
“Pero… Di ba ihahatid mo pa ako samen?” Napatawa si ellen sa sagot na iyon ni brian, napigilan nito ang tuluyang pagtulo ng luha nia.
“Sira ka talaga! seryoso ka ba tungkol dun?”
“Hehe joke lang.. Smile ka lang lage.”
“Thanks bray.. tatandaan ko yang sinabi mo” At iniwan na ni brian ang dalawa para mag-usap
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
Kinabukasan.. Lunch Break.
“Tara sabay tayo mag lunch?” pag yaya ni ellen kay brian.
“Ako ba ina aya mo?”
“Meron pa bang iba?”
“Taray mo naman! Wala kang baon noh? hehe”
“Ayaw mo ba?”
“Taralets.”
Habang kumakain..
“Hinahanap mo yung ‘thrill’ na sinabi ko noh?”
“Sira, gusto lang kita makausap tungkol sa nangyari kahapon”
“Wag ka mag-alala, di ko ipagkakalat na nakipag away ka.. hehe”
“Sorry ha.. Dapat pala si erwin ang pinaalis ko, hindi ikaw”
“Tampo nga ako sa’yo nun eh.. Basang basa kaya ako pauwi..”
“Eh hindi naman kita ihahatid if ever na hindi dumating si erwin eh, sige, para makabawi, ako na magbabayad nitong kinain natin”
“Wag na, sa friday ililibre mo pa ako eh.. baka sabihin mo sinasamantala kita”
“Hehe di mo nakalimutan yun ah!”
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
Friday.
Araw ng student council meeting, excused na ang dalawa sa klase after lunch. Dumating si Ellen 30 minutes bago magsimula ang meeting, nagtext si brian na darating sya right before the meeting starts.. Pagdating ng binata sa Multi Purpose Hall kung saan gaganapin ang meeting ay hinanap nia agad si ellen.
Dahil maraming nakisilong sa hall sa pag lakas ng ulan, nahirapan si brian na hanapin ang dalaga sa umpisa..
Nang makita nia ang kinaroroonan ng dalaga at tinangkang lumapit, napansin nia ang dalawang lalaki na may ‘pambihirang salamin sa mata’ (nerd) na titig na titig sa pwetan ni ellen. Nakita niang may maliit na butas sa bandang pwetan ng pantalon ni ellen, at kita dito ang kulay violet na panty ng dalaga. Sa halip na tumabi agad sa dalaga, pumunta sya sa likod ng dalawang lalaki at inakbayan ang isa dito.
“Mga tol, ngayon lang kayo nakakita ng violet na panty?” tanong nia sa mga lalake. Imbes na sumagot, Ay inis na umalis nalang ang dalawang lalake. Matapos nito ay tumabi na sya sa dalaga. Inilapit ang bibig nia sa tenga ni ellen at bumulong:
“Violet kulay ng panty mo noh?”
“Manyak ka! pano mo nalaman?”
“May butas kaya yang jeans mo”
“Shit! di pala dapat ‘to yung sinuot ko” Sagot ng dalaga ng makapa nia ang butas.
“Mahilig ka na sa shit ah!, oh eto jacket ko, pantakip mo muna”
“Thanks ha, kakahiya naman”
“Gusto mo turuan pa kita ng bad words?
“Saka na!..”
“Nasan na salamin mo? pano ka makakabasa ng maayos nian?”
“Wala na yung salamin ko, binilhan ako ni tatay ng contact lens na may grado.. bagay ba?”
“Syempre, you look more sexy.. este beautiful.. hahaha”
“Ewan ko sa’yo..bola!”
Inabot ng isa’t kalahating oras ang meeting at election ng officers, Fortunately, nabotong auditor si ellen. Paglabas ng Multi purpose hall ay sinalubong sila nina danica at sabrina.
“Oh.. musta na? ‘nong nangyari?”
“Eto, voted as auditor”
“Uy, mauna na ko ha.. Nagpapasama kasi sa’ken yung nanay ko eh..” paalam ni brian.
“Ok, balik ko nalang bukas ‘tong jacket mo.” sagot ni ellen.
“Ay bray!” pahabol ni Sabrina. “Bukas punta ka sa bahay ah.. birthday ko. asahan kita ha”
“Sige, punta ako.. ”
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
Saturday. Half day lang ang klase kaya maagang nakapunta sila brian sa handaan sa bahay nila sabrina. Matapos kumain ay nagkayayaan silang mag inuman, ayaw man sumama ay napilit ni sabrina at danica si Ellen. Kasama din nilang uminom si brian. Halos 3 oras silang uminom at isa isa nang nag alisan ang ibang mga bisita ni sabrina, naiwan nalang si ellen at brian.
7:30 p.m
“Hehe.. nalasing ang gaga oh.. first time kaya nian uminom ng ganon karami” sabi ni sabrina habang tinutulungan ni brian na magligpit ng mga ginamit nila sa pag inom. Nakahiga si ellen sa sofa dala ng kalasingan.
“Ganon ba? napasarap kasi sa kwentuhan eh.. di tuloy na control yung iniinom nia.”
“Bray patulong nalang na alalayan si ellen papunta sa room ko, tatawag nalang ako sa kanila. sabihin ko dito na sya matutulog.” Sumunod naman si brian..
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
5 hours matapos ihatid ni brian si ellen sa kwarto ni sabrina. Nagising ang dalaga, masakit ang ulo at nakita niang natutulog sa upuan na malapit sa kamang hinihigaan nia si brian.
Walang suot na pang-itaas ang binata, nahintakutan sya sa naisip nia.Agad niang tiningnan ang mga damit nia sa ilalim ng kumot na naatalukbong sa kanya. Walang damit na nahubad sa kanya,ngunit kinakabahan pa rin sya sa iniisip niang nangyari.. Wala si sabrina sa loob ng kwarto. Tumayo sya at tinapik tapik si brian sa balikat hanggang magising ito..
“Hoy anong ginawa mo saken?” Nanginginig ang boses na tanong ni ellen.
“Anong ginawa?” sagot ni brian habang kinukuskos ng palad ang mga mata nia.
“Anong nangyari sa’ten?”
“Wala..”
“Anong wala eh nakahubad ka”
“Wala ngang nangyari! Gusto mo ba meron?”
“Gago ka talaga!”
“Walang nangyari sis, calm down” Sabat ni Sabrina.
“Ano ba nangyari?” Tanong muli ni Ellen. Hinila sya ni sabrina palabas ng kwarto at sinimulan na ang pagpapaliwanag.
“Nung inaalalayan ka ni brian papunta sa room ko, bigla kang nagtawag ng uwak..”
“Nagtawag ng uwak?”
“Sumuka, Yung puting Tshirt ni brian nagkaroon ng designs.. kaso may kasamang amoy, hehe.. eh wala akong mahanap na Tshirt na pwede ipahiram sa kanya kasi halos nasa labahin lahat ng damit ni papa kaya pinatulog ko muna sya habang nilalabhan ko
yung damit nia, binantayan ka nga nyan the whole time eh.. baka gumulong ka pa’t mahulog sa kama.”
“So walang nangyari?”
“Gusto mo ba talaga may mangyari? sige iwan ko muna kayo, galingan mo ha..”
“Gaga! Akala ko talaga na-rape na ako.” At tiningnan nia si brian, hindi nila napansin na pumunta na ito ng kama at nakadapang natulog dito.
“Wag ka mag alala sis! Virgin ka pa rin..And be proud you are, Rare specie na ang mga virgin at your age. hehe” Saad ni Sabrina
Ilang sandali pa ay nagring ang cellphone ni brian.
“Baka yung nanay nia yan, hinahanap sya.” Saad ni sabrina. Kinuha nito ang cellphone mula sa pantalon ng binata at iniabot kay ellen.
“Bakit ako? ikaw na” ang sabi ni ellen.
“Kaw na please.. may gagawin pa ako eh..” pagkaabot ng cellphone ay agad na umalis si sabrina.
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
“Hello”
“Bakit ikaw yung sumagot sa phone ni brian? sino ka?” tanong ng babae sa kabilang linya
“Classmate ako ni brian,.. May i know who’s on the line please?”
“Hmp! pakisabi nga jan sa gagong yan, gusto ko sya makausap bukas ng maagang maaga! Si Cristine kamo ang tumawag.” *Call Ended*
“Shit! Galit pa saken yung girl ah!” At ibinalik ni Ellen ang cellphone sa bulsa ng pantalon ni brian.
ITUTULOY..
^_^ add me up: [email protected]