Malilikot na Balintataw ( Ang Albularyo )

Author Name: jemarc28 | Source: pinoyliterotica.com

Ang gulo ng pag-iisip ko.Halos mawarak ang mundong aking ginagalawan. Paano ba naman nakipagkalas sa akin ang aking syotang si Gwen. Ako nga pala si Robert. Simpatiko at gwapo sabi ng mga kaibigan ko pero sa tingin ko ordinaryo lang ako. Kakauwi ko lang ng bahay galing opisina pero agad kong binuksan ang aking Refrigerator para kumuha ng beer na pinalamig ko na kahapon pa. Gusto kong maglasing dahil sa sama ng loob ko sa ginawa ng syota ko sa akin. Halos magtatatlong taon na rin kami sa susunod na buwan bago mangyari ang insedente kahapon. Nag away lang naman kami na nauwi sa paghihiwalay. Masakit di ba? Kakaubos ko lang ng pangalawang bote ng beer ng may kumatok sa pintuan. Alanganin pero pupungas pungas kong binuksan ang pinto. Nagsisimula ng dumaloy ang sistema ng alak sa aking katinuan. Nabungaran ko sa labas ng pinto ang pinsan kong si Rossana. Mistesahin itong pinsan ko palibhasa may lahing kano. Seksi at makinis. Pero ang higit na nakakaakit sa kanya ay ang mukhang maamo at masarap titigan. Ang mga labing nakakaakit na animo’y bibig ng mga dyosa ng Olimpus. Kung hindi ko nga lang pinsan baka niligawan ko na si Rossana. May lihim din akong pagnanasa dito sa pinsan ko pero pinipigilan ko kasi nga magkadugo kami. ” O Ana nadaan ka. ” Bungad kong bati sa kanya. Ana ang nakasanayan kong itawag sa kanya. ” Ah Bert oo kasi may ibinilin si Nanay na ipasabi kay tiya. ” Masiglang sabi ni Rossana. ” Pasok na ako ha. ” aniya pa bago tuloy tuloy ng pumasok ng bahay. ” Nainom ka yata anong meron. ” tanong niya sa akin pagkapasok. ” May kaunting problema kasi ako, kakabreyk lang namin ni Gwen. ” matabang kong sagot. “ Ayos lang yan insan marami pa namang babae na nagkakandarapa sa’yo dyan sa tabi tabi. ” paghihimok niya. ” Oo nga kaso alam mo namang malakas ang tama ko kay Gwen. ” Malapit din kami ni Rossana sa isa’t isa kaya pag ganitong may problema ako nakikita ko ang concern ng aking pinsan. ” Pinsan may alam akong solusyon pero hindi ko alam kong maniniwala ka dito. ” At ikwinento ni Rossana sa akin ang kanyang kakaibang karanasan:

Namumugto ang mga mata ni Rossana dahil sa magdamag siyang nag iiyak kagabi. Iniwanan na siya ng ng boyfriend niyang si James. Mahal na mahal niya ang kanyang nobyo. Di nga ba’t naibigay na niya dito ang kanyang pagkababae dahil sa labis na pag-ibig na iniukol niya sa lalaki. Kaninang pagkamulat niya mula sa pagkatulog na halos hindi na niya napansin sanhi ng pag iyak. Agad na naman siyang napahikbi ng maalala ang nangyari. Nasa sitwasyon siyang hahagulgol na naman ng mag ring ang extension ng telepono na nasa katabing study table niya. Hindi niya sana papansinin ang tawag kung hindi lang niya naalala na wala nga palang tao ngayong araw sa bahay nila maliban sa kanya. ” Hello. ” anas niya. ” Hoy Rossana musta? ” kilala niya ang nasa kabilang linya. Si Lilet ang kanyang bestfriend. Tuluyan na siyang napahagulgol at pahikbi hikbing ikwenento ang nangyari sa kanila ni James. ” Tanga wag ka ng mag aatungal dyan at may alam akong solusyon dyan sa problema mo. ”  hiyaw ni Lilet sa kabilang linya. ” Magkita tayo. ”

Dinala siya ni Lilet sa isang lugar sa Bulacan na medyo liblib na ng kaunti. Sumama siya sa kaibigan dahil may alam daw itong paraan kung paanong mapapabalik niya si James. Aprubado daw ito kasi nga nasubukan na daw ito ng kanyang matalik na kaibigan. Kumatok sila sa isang di may kalakihang bahay. Pinagbuksan naman sila ng isang lalaking nasa edad kwarenta na sa tingin ni Rossana. Maayos naman ang loob ng bahay. Nasabi na kasi sa kanya ni Lilet na albularyo ang pupuntahan nila kaya naisip niya na medyo magulo ang lugar na pupuntahan nila. Agad silang pinapasok ng lalaki na ipinakilala ni Lilet na si Mang Kadyo diumano. ” Anong maipaglilingkod ko. ”  agad nitong tanong. Seryoso ito kaya medyo atubili si Rossana. ” May gusto sana kaming pabaliking lalaki. ” ani Lilet. Siya na ang nagbukas ng paksa para sa kaibigan dahil alam niyang nag aalangan pa ito. ” Dala ninyo ba ang kanyang larawan. ”  tanong ng albularyo. “ Opo. ” maiksing tugon ni Rossana. ” Ibigay mo sa akin, alam mo Hija ang pagpapabalik ng lalaki ay may dalawang paraan ayon sa aking karanasan. ” pagpapaliwanag ni Mang Kadyo. ” Ang una ay simple lang. Kailangan ko lang ng larawan. Sana bumalik na saiyo ang nobyo mo dahil ang pangalawang proseso ay medyo may kahabaan kung hindi natin siya madadala sa unang paraan. ” dugtong pa nito. ” Ah sana nga po. ” wika ni Rossana. ” Nakahanda ka ba kung sakaling hindi umayon ang unang ritwal na gagawin ko? ” Tanong ni Mang Kadyo sa dalaga. ” Opo, nakahanda po ako. ” tugon ni Rossana. Desperada na ang dalaga. Nakahanda na siyang gawin ang lahat para bumalik si James sa kanya. ” Bweno bumalik ka sa akin sa susunod na martes kung hindi siya bumalik sa iyo ngayong linggo. Mahaba ang ikalawang ritwal at kakailanganin nating magkita sa mga araw ng martes at biyernes kasi sa mga araw na ito lang may bisa ang paggawa ng gayumang magpapabalik saiyong nobyo. Maari na kayong umuwi ngayon. Sana bumalik na kaagad saiyo ang nobyo mo. ” sambit ng albularyo. ” Ibigay mo na lang ang donasyon mo kung sakaling bumalik na siya. ” pagtatapos nito.