Love vs Interest part 1

Author Name: Lil`Miss`Lust | Source: pinoyliterotica.com

Heads up sa mga PL readers, non-erotic entity po.

For the past 9 years, I’ve been inlove with one man and one man alone. The sexperiences I’ve posted previously happened in between those 9 years, tuwing nag bre-break up kami ng boyfriend ko. He knows it..well.. not all of it but most of it.

One time, may break up kami that hurt me so bad that my friends had to take me to Malate to enjoy myself. I got so drunk that I vomitted on the ice bucket while the bassist of the band was hitting on me. That was followed-up by our trip to Tagaytay when I got too high on weed that I ended up falling asleep with a guy from Chico’s.

For that entire week, my everdearest friends tried so hard to make me happy and by that, what they mean was, to get me laid. But sometimes the heart has a big factor on one’s libido that you just can’t do it with anyone and for a moment, you feel nothing. You are just broken. That was my most vulnerable period and this happened before Babae sa Fire Exit.

Friday rush hour. Nakatayo ako sa dulo ng pila ng FX nang makilala ko si Kyle. Gentleman ang approach nya at wholesome ang mga topic namin habang nagaabang ng byahe pauwi. Nagkataon na malapit lang ang subdivision nila sa amin at malapit din ang work place namin at may kotse sya kaya napagkasunduan namin na isasabay nya ako papasok at pauwi.

Magdamag kami magkatelebabad nung gabi na yun, nagkita kami kinabukasan para ipakita sa akin ang pinakamalapit na gym at tumambay pa kami sa bahay namin para magmerienda tapos telebabad ulit buong magdamag. Wholesome talaga at walang bahid ng libog. Para akong highschool noon na kung ano-ano ang kinukwento at pinakinggan ko naman ang mga bagay-bagay tunkol sa kanya.

Sabay kami pumasok nung Monday. 5:30 palang ay sinundo na nya ako sa bahay para hindi kami matraffic tapos almusal sa starbucks boni para magkwentuhan lang at kulitan hanggang kailangan na pumasok. Buong araw kami magkatext sa office at sabay din kami umuwi sa gabi, dinner muna kami bago nya ako ihatid sa bahay tapos telebabad magdamag hanggang antukin na ang isa sa amin.

Buong linggo kami ganoon. Nagsimula ako sa magaan ang loob ko sa kanya hanggang sa sya na ang nasa isip ko pag gising ko palang sa umaga… before I knew it, I fell for him.

Dumating ang friday at coding sya, naghintayan kami sa pila ng FX papasok ng opisina. Dahil siksikan ay hinayaan ko syang umakbay sa akin at hinayaan naman nya akong isandal ang ulo ko sa dibdib nya at hindi kami nagusap.

Ipinikit ko lang ang aking mga mata. Ramdam ko ang kanyang hininga sa aking batok at ang kamay nya na humihimas sa aking braso. Akala nya ata ay nakatulog na ako. Sa kalagitnaan ng matraffik na byaheng iyon at hinawakany nya ang baba ko at inangat ang ulo ko at nilapit yun sa kanya.

Naghintay ako na halikan nya ako pero bigla nya akong niyakap ng mahigpit. Dumilat ako at nalaman ko na malapit na pala ako sa opisina.

“Syet! Bitin ako!” badtrip kong sigaw habang nagyoyosi break kami ng mga kabarkada ko.

“Hay, sa wakas bumalik ka na sa dati.” ngising sabi ni Debbie.

May dumating na text message sa cellphone ko at binasa ko. Para akong isang teenager na kilig na kilig nang mabasa ko ang message. “You look beautiful today with your hair untied like that. Sabay tayo uwi later hintayin kita sa pila – Kyle” Mabagal na tumakbo ang oras noong araw na iyon pero natapos din ang shift ko at nagkita kami ni Kyle sa pila ng FX pauwi.

Ganun nanaman, siksikan sa FX at naka akbay sya sa akin, ang ulo ko ay nakapatong sa kanyang dibdib at ang kamay nya ay naglalaro at hinihimas ang aking braso. Nagkwntuhan kami tunkol sa opisina hanggang sa pareho na kaming naubusan ng makukwneto at pareho kaming nanahimik nalang.

Pinikit ko ang aking mga mata at nagbuntong hininga. Malapit na ako bumaba pero hindi nya ako sinubuhan halikan ulit. kung ano-ano ang tumatakbo sa isip ko noong mga panahon na yun. hanggang sa bumaba na ako ng FX at mabagal akong naglakad na pauwi. Tumunog ang cellphone ko. One message received…

“I’m sorry. I wanted to kiss you so badly but there is something I hav’nt told you. I’m enggaged at ikakasal na ako next year. I understand if you dont want to talk to me anymore.. I’m sorry. -Kyle.”

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na tumigil sa kinatatayuan ko. Hindi ko din alam kung ilang beses ko pinaulit-ulit basahin yung text message na yun hanggang sa nagbugtong hininga ako at nagreply.

“I’m shocked but that does’nt mean that we’ll stop being friends. :) ”  pero sa totoo lang, masakit yun sa loob ko at galit talaga ako sa kanya at hindi nya lang alam kung ma may binabalak ko sa mga panahon na yun.

Itutuloy….