Love Story 4

Author Name: Crushkosisexyprof@flirtybitch | Source: pinoyliterotica.com

Guys next part na uli.hope magustuhan nyo pa din at di kayo magsawa. Enjoy reading!

=====================================

Masaya na ang mga sumunod na pangyayaring dumadating sa buhay magkasintahan namin ni Anne. Sa tingin ko ay natanggap na din ako ng papa niya. Ibinalik na ang cellphone ni Anne at hindi na din siya pinatuloy sa baguio subalit hindi ko pa din nagagawang bumisita sa kanila. Kumbaga eh medyo may ilang pa din ako kahit papano.

August 2010,natapos na ang kontrata ko sa work ko and nag try na mag apply uli sa iba. So lagi na naman bakante ang oras ko sa mga bagay bagay. Nag sa-soundtrip ako ng hapon na iyon ng biglang nagtext si Anne.

“Hon,niyyaya ka n papa,d2 kna dw dinner maya,pde kba?luv u”

Nag-isip naman ako at very flattered sa nabasa ko. Niyayaya ako ng papa ni Anne na makasalo nila sa dinner? Sino ba naman ang hindi matutuwa noon di ba? Syempre nireplayan ko agad si Anne.

“sure hon,count me in,luv u 2.ligo n ko taz bili n lng ako cake.c u l8r”

Naligo na ako at naghilod ng maigi. Gusto ko maging sobrang linis tignan sa arap ng papa ni Anne. Ayoko madisappoint siya. Nagsuot ako ng black stripe polo shirt at isang fitted pants at syempre nagpabango. Dumirecho muna ako sa Sm savenore sa nagtahan para bumili ng cake sa goldilocks at pagkatapos noon ay dumiretso na ako kila Anne.

Pagkatok ko pa lang ay agad na may nagbukas ng pinto. Si Anne pala.

Anne: Hi hon miss you.

Sabay yakap niya sa akin.

Nino: Hindi nga halata na miss mo ako eh haha. Eto pala cake o.

Anne: arte ka ha,ikaw na namiss choosy pa ganon?haha tara na pasok ka na hinihintay ka na ni papa.

Nino: Kabado ako eh. hehe

Anne: Naku mga pakara nito eh. Mag didinner lang naman tayo.

Nino: dinner lang?miss na kita e.

Anne: ngayon miss mo na ako?che!

Sabay nauna na siyang lumakad papasok at iniwan ako sa pintuan ng bigla siyang lumingon.

Anne: well see mamaya kung ano mangyayari.

Sabay ng kanyang pilyang ngiti. Iyong tipong nang aakit. Sabi ko na lang sa sarili ko “Maghanda ka sa maaring mangyari Nino. mukhang may laban ka mamaya”hehehe. Sumunod agad ako kay Anne at pinaupo niya muna ako sa sala.

Anne: pa,andito na po si Nino. Tapos ka na po ba magluto?

Papa: Malapit na anak. sabihin mo sandali na lang.

Sobrang saya ko talaga sa narinig kong iyon. Biruin mo yung papa pa ni Anne ang nagluluto para sa dinner na yun. Mukha ngang okay na ako sa paningin ng papa niya. Sana nga.

Tumabi sa akin si Anne sa sofa at binuksan ang t.v.

Anne: sandali na lang daw yun hon sabi ni papa. miss na talaga kita.

Yumakap sa akin si Anne habang nanunuod kami.

Nino: ako din miss na kita hon sobra. Buti na lang at medyo bumabait na sa akin ang papa mo.

Anne: kinausap ako ni papa about sayo eh. Pero gusto ka pa din daw niya makausap ng personal. Kaya ayun inimbita ka niya dito.

Maya maya pa ay tinawag na kami ng papa ni Anne.

Papa: Anne tara na at kakain na. Tawagin mo na yung dalawang kapatid mo sa kwarto. oh Nino halika na dito.

Kasabay na naming nagpunta sa hapag-kainan ang dalawang kapatid ni Anne na babae. Habang nakaupo ako,di a din ako makatingin ng diretso sa papa ni Anne.

Anne: pa,siya nga pala nagdala si Nino ng cake. Nilagay ko muna sa ref.

Papa: ganun ba,naku nag abala ka pa. Hala sige magdasal na junemhay(bunsong kapatid ni Anne).

Junemhay: opo.

Nagsimula na kami kumain at masyadong tahimik. Hindi ako sanay ng ganito. Kung sabagay,militar kasi ang ama kaya disiplinado sa mga ganitong bagay ang mga anak niya. Napansin siguro ng papa ni Anne na di ako komportable sa ganun kaya siya na mismo ang nagsalita.

Papa: masarap ba ang luto ko Nino?

Nino: O-opo.M-masarap po.

Papa: naku kung di mo sasabihing masarap yan ay babarilin kita hahaha.

Nino: masarap po talaga. salamat nga po pala at inimbitahan nyo ako makasalo kayu sa dinner na ito. matanong ko lang po,nasan po si tita at tito?

Bigla sila natahimik. Parang foul ata yung tanong ko. Nagkatinginan si Anne at papa niya at si Anne na mismo ang nagsalita.

Anne: wala na sila dito hon. Pinaalis na ni papa sila tito kasi kung hindi ipapakulong niya yon.

Papa: ganun din sana ang balak ko gawin sayo Nino. Kaso alam ko naman na mahal mo ang anak ko. Kaya hindi na ako tumutol pa. Pero hanggat maaari gusto ko pa ding makatapos ang anak ko sa pag-aaral. Wag mong subukang makasagabal sa pag=aaral niya kung ayaw mong magkaroon na naman tayo ng alitan. Pero sa tingin ko naman di mo gagawin yon dahil alam ong naiintindihan mo ako.

Nino: Makakaasa po kayo.

Pagkataos namin kumain ay kinuha na ni Anne ang cake sa ref at nagsikainan kami. Pagkatapos tumikhin ng cake ng papa niya ay nagpaalam ito na didiretso na sa kwarto.

Papa: Nino,maiwan ko na kayo. Maaga kasi ako bukas. Si Anne na bahala maghatid sayo mamaya pauwi mo.

Nino: sige po tito. Maraming salamat po uli.

Nang makaalis na ang papa ni Anne pinunasan niya ako ng icyng ng cake sa ilong at tawa naman ang dalawang kapatid niya.

Nino: anu ka ba hon,nakakahiya sa mga kapatid mo oh. Malagkit kaya to.

Anne: bleh!

Umalis na din ang mga kapatid niya sa kainan at nauna na sa may sala para manuod ng t.v. Kami naman ni Anne ay kumakain ng cake habang nagliligpit. Nang matantya ko na busy na ang mga kapatid niya kinabig ko ang mukha ni Anne at hinalikan ito. Tinanggap niya ang labi ko ngunit bumitaw din agad.

Anne: maya na yan hon. ligpit muna ako. Ikaw maghugas haha.

Nino: hugas ka diyan. Bisita po ako dito no. haha tulungan na lang kita hon.

Anne: bisita ka diyan.magnanakaw ka kaya.(sabay urot sa tagiliran ko)

Nino: ako?magnanakaw?kailan?

Anne: kanina. ninakawan mo ako ng halik

Nino: ayaw mo ba?

Anne: naku nakabukas lagi pinto ko magnakaw ka lang.

Nino: hahaha kaw talaga hon puro ka kalokohan eh. tara hugas na tyo ng pinagkainan.

Anne: upo ka lang diyan kaya ko na to.

Nino: ikaw ang bahala. mukhang nagpapraktis ka na maging misis ko ah.

Anne: in your dreams!hahaha

Natapos maghugas si Anne na puro kami kulitan, asaran at tawanan. Talagang i feel the love i have for this girl. Hindi ko na kailanman maitatanggi pa iyon. I want her in my life at siya ang babaeng gusto kong makasama sa aking pagtanda. Siya ang gusto kong makasama sa pagbuo ng aking sariling pamilya. Maging Ina ng aking mga Anak,at aking magiging kabiyak. Nakatitig a din ako sa kanya at kitang kita ko ang saya sa mukha niya. I can see contentment in her eyes. Nasa ganun akong pagiimahiasyon ng bigla nagsalita si Anne.

Anne: naku mga tingin mong ganyan. Pinagpapantasyahan mo na naman ako eh. bad ka hon!

Nino: ikaw? pagpapantasyahan ko? ewe kapal ng mukha oh feeling sexy ka hon ha. hahaha

Anne: sus,sige gumanyan ka,akala mo makakaiskor ka pa ha.

Nino: joke lang hon haha

Anne: che! haha lika samahan mo ako sa labas.

Nino: kakakain lang natin eh lalabas agad?

Anne: pahangin lang tayo sa rooftop.

Mabilis pa sa kidlat ang pagtayo ko ng marinig ko ang rooftop. Kumuha si Anne ng jacket at kinausap ang mga kapatid niya.

Anne: diyan lang kayo ha. Ihahatid ko lang si kuya Nino nyo.

Lumabas na kami ni Anne at dumiretso na nga kami sa rooftop. Same as dati,madilim pa din at tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ng rooftop. Napakaganda ng liwanag na nagmumula sa buwan. Muling nanariwa ang mga ginawa namin dito ngunit napalitan din ng lungkot dahil naalala ko din na dito din nagsimula kung bakit kami nagkaroon ng malaking problema. Napansin siguro ni Anne na lumungkot ako kaya lumapit siya sa akin.

Anne: oh bakit malungkot ka hon? di ba dapat masaya ka kasi hindi na tutol si papa?

Nino: naalala ko lang ung mga nangyari dito na naging dahilan kung bakit nagkaproblema ang relasyon natin.

Anne: hon naman eh,wag na nating intindihin yun. kalimutan na natin ang past. Harapin natin ang ngayon.

Nino: ayaw kitang mawala sa akin hon. Mahal na mahal kita.

Anne: ako din naman hon. Di ba ikaw na nagsabi kaya natin to?

Nino: basta tandaan mo mahal na mahal kita.

Anne: Kung magsalita ka naman akala mo mamamatay ka na e.

Nino: gusto ko lang masiguro mo na mahal na mahal kita.

Anne: alam ko naman yun hon eh.

Nagkatitigan ang aming mga mata. Wari’y nangungusap at nagpapahiwatig ng gustong mangyari. Isang pag-ibig na namuo sa isang maling paraan ngunit napagtibay ang pagmamahalan dahil sa pagsubok na pinagdaanan. Unti unting lumalapit ang mukha ko sa mukha ni Anne. Hanggang sa naglapat na ang aming mga labi. Nanatili lang na magkalapat at ninanamnam ang pagmamahalang hatid ng halik na iyon. Hanggang si Anne na ang nagkusang magparaya at agad pinasok ang kanyang dila sa loob ng aking bibig.

Mukhang isang gyera na naman ang pinasok ko!