Haizt eto na guys ang sunod na pangyayari. Again if bagong reader kayo,kindly read from the 1st and 2nd chapter entitled crewmate:rooftop action 1-4 and crewmate:house of the rebel 1-5. Enjoy reading!
====================
Paulit ulit na rumehistro sa isip ko ang sinabi niya.
“malaya ka na. Malaya ka na. Malaya ka na.”
Tumingin si Anne sa akin. Awang awa ako sa aking nobya. Ramdam ko na nahihirapan din talaga siya. Bakit ba kasi naipit kami sa ganitong sitwasyon.
Tita: oh heto ang tiket. Within 30minutes aalis na ang bus.
Anne: salamat tita.
Yumakap uli si anne sa kanyang tita at humagulgol na naman ng iyak. Napaupo ako at napahawak sa aking ulo. Oh God please tulungan mo ako,nasabi ko sa sarili ko.
Isang bagay ang naisip ko. Kakausapin ko ang papa ni Anne. Inisip ko din na masyadong delikado sa parte ko pero sa tingin ko that’s the best thing i can do para sa relasyon namin ni Anne. Do or die na lang. For Anne’s sake. Bahala na!
Tumayo ako at nagsalita.
Niño: hindi ka aalis. Pupuntahan natin ang papa mo.
Anne: nasisiraan ka ba? Sa tingin mo anong matutulong non?
Niño: akong bahala. Hindi ko hahayaang magkalayo tayo.
Tita: sigurado ka?baka anu gawin sayo ni kuya?
Niño: nakahanda po ako sa kung anong mangyari. Punta na po tayo sa bahay nyo.
Alam kong medyo napagaan ko ang loob ni Anne ngunit alam ko din na kinakabahan siya sa kung anong pwedeng mangyari.
Sumakay na kami ng taxi. Sa likod kami ni Anne at sa unahan ang tita niya. Nakakapit sa braso ko si Anne,ngunit wala pa ding nagsasalita. Nanatiling tahimik ang buong byahe namin hanggang sa makarating na kami kila Anne. Ngunit bago kami pumasok kinausap ako ni Anne.
Anne: kinakabahan ako hon.
Maging ako ay kinakabahan ngunit sa pagkakataong ito,hindi ko dapat ipahalata sa kanya yun. Kailangan ko maging matatag sa paningin nya. Sa ganung paraan mapapalakas ko ang loob niya.
Niño: okay lang yan. Maaayos din ang lahat.
Hinalikan niya ako sa labi. Isang halik lang at nawala na ang pangamba ko. Parang narefresh ang buo kong pagkatao. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa halik ni Anne. Pagkabitaw ng labi nya ay agad ko siyang niyakap.
Niño: trust me hon. Gagawin ko to kasi mahal kita.
Anne: hindi naman ako nawalan ng tiwala sayo hon. Mahal na mahal din kita.
Tita: pasok na, andun ung papa mo nasa sala nanunuod ng t.v.
Nagkatinginan kami ni Anne at magkahawak kamay na pumasok ng bahay. Agad kaming napansin ng tatay niya at ang sama ng tingin. Yung tipong nanlilisik ang mata. Kung nakakamatay lang ang titig siguro namatay na ako.
Papa: ano pa ang ginagawa mo dito Anne? Di ba sinabi kong uuwi ka sa baguio?
Malakas ang tono ng boses ng ama ni anne. Tumingin din ito sa tita ni anne ng masama ngunit ibinaling muli sa amin ang tingin niya.
Papa: ikaw naman! Anung ginagawa mo dito sa pamamahay ko? Ang kapal din ng mukha mo! Tinarantado at binaboy mo ang anak ko doon sa rooftop!
Niño: humihingi po ako ng despensa. Pe-
Papa: DESPENSA! PUTANGINANG SAGOT YAN!
Niño: mahal ko po ang anak niyo.
Papa: MAHAL?AT ANUNG ALAM MO SA PAGMAMAHAL?YUNG PALIPASAN NG INIT?
Parang naasar ako sa sinabing yun ng papa ni Anne kaya medyo napataas na din ang tono ng pananalita ko.
Niño: una sa lahat,wala po akong intensiyon na bastusin kayo ,ang anak nyo , o sinuman sa pamilya nyo.
Pangalawa po,mahal ko po si Anne at gusto ko po sabihin sa inyo na nagbalak kami magtanan kanina subalit hindi ako pumayag dahil unang una po,alam ko na mali at talagang magagalit kayo kung sumang ayon ako.
Sa maniwala po kayo o hindi,handa po akong panagutan kung sakaling magbunga man ang ginawa namin ni Anne.
Papa: AT ANO NAMAN ANG PAPAKAIN MO SA ANAK KO?SA TINGIN MO SAPAT NA YANG TRABAHO MO?
Sobrang sakit ng binitiwang salita ng papa ni Anne. Tinatapakan nya ang aking pagkatao. Hindi ko napigilan ang pagagos ng aking luha.
Niño: alam ko po na ayaw nyo sa akin para sa anak niyo. Pero kahit ganito lang po ako,may prinsipyo pa din po ako. At kahit mahirap lang ako,sinisiguro kong hindi mararanasan ni Anne un sa piling ko.
Tuloy tuloy ang agos ng luha ko. Maging si Anne ay umiyak na din at yumakap sa akin.
Anne: papa please. Mahal ko po si niño.
Tumalikod ang papa ni Anne at akmang papasok ng kwarto ngunit tinawag ko muli siya.
Niño: sana po ay maintindihan niyo ako. Patawarin nyo ako kung may mga bagay man akong nagawa na hindi nyo nagustuhan.
Kasabay nuon ay lumuhod ako. Napakahirap para sa akin ang gawin iyon subalit kung makatutulong ito para mabawasan ang galit ng papa ni Anne,kahit isang daang beses ay gagawin ko.
Tuluyan ng nawala sa paningin namin ang papa ni Anne at pumasok n ng kwarto. Agad kaming nagyakap ni Anne at siya na mismo ang nagpunas ng aking luha. Lumapit naman sa amin ang tita niya at inabutan kami ng tubig.
Tita: oh tubig. Pati ako naiyak. Sana okay na yun kay kuya.
Umupo kami sa sofa.
Anne: love you hon. Salamat. Di ko akalaing kaya mo gawin yun.
Hinalikan akong muli ni Anne. Smack lang tapos ay yumakap siya sa akin. Yumakap din ako sa kanya at kinalma ko na ang sarili ko.
Alam kong kahit papano ay napalambot ko ang puso ng papa ni Anne. Sana lang ay maging maayos na ang lahat. Nakaidlip si Anne na nakayakap sa akin ng biglang lumabas ang papa ni Anne. Tumingin sa amin. Ako naman ay tumayo upang lumapit sa papa nya.
Niño: ako po ay mauuna na. Humihingi po uli ako ng paumanhin. Pero mahal ko talaga si Anne.
Tinapik niya ako sa balikat at ngumiti at pumasok muli sa kwarto. Siguro ay ok na nga. Hinalikan ko muna si Anne sa noo at umalis na ako.
itutuloy.