Love Story 2

Author Name: Crushkosisexyprof@flirtybitch | Source: pinoyliterotica.com

Eto na po kasunod ng Love Story. Again,para sa ngayon lang nakabasa ng aking story,sana ay mabasa nyo sa umpisa(from crewmate:rooftop action 1-4 and crewmate:house of the rebel 1-5) para maintindihan niyo buong story. Enjoy reading!

=======================

Di pa ako tapos magsalita ng biglang naputol ang kabilang linya. Bumalik na lang ako sa kama at nagmuni muni.

Alas-singko pa lang ng umaga ay gising na ako. Agad akong naligo, kumain ng agahan at umalis ng bahay patungong pasay terminal.

Habang nasa byahe,iniisip ko pa din kung anong kahihinatnan ng relasyon namin ni Anne. Kahit di pa kami gaanong katagal magkasintahan ni Anne,ramdam ko na mahal ko siya at ganun din naman siya sa akin. Isip pa din ako ng isip ngunit wala talagang pumapasok na magandang solusyon sa utak ko.

Pagkababa ko ng taxi, pumasok agad ako sa terminal at tinanong ang gwardiya kung saan don ang mga bus pabyaheng baguio.

Guard: doon boss. Sa gitna. Yang mga victory liner.

Niño: salamat ho.

Nakita ko nga sa mga bus ang ruta ng byahe nila. Pumasok ako sa unang bus ngunit pinigilan ako ng konduktor.

Konduktor: pare tiket?

Niño: may titignan lang ho ako kung nakasakay na yung gf ko.

Konduktor: ah ganun ba. Bawal kasi yun ganyan dito pare. Sa bintana mo na lang silipin.

Tangina! Kung siraulo lang ako,sinuntok ko na tong konduktor na to e. Pati siya kumokontra sa pagkikita namin ni Anne. Bumaba na lang ako para wala ng gulo. Sakto naman nakita ko si Anne at tita nya na kakapasok lang ng terminal.

Takbo ako agad at di siguro ako napansin ni Anne. Yinakap ko siya ng mahigpit at ramdam ko naman ang pagkagulat nya. Namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang luha ko.

Niño: bakit?bakit nangyayari sa atin to?

Patuloy pa din ako sa pag iyak. Wala na akong pakialam kahit maraming makakita na umiiyak ako. Nagulat din ang tita nya ngunit alam kong naiintindihan nya kami. Yumakap na din sa akin si Anne at nagsalita na garalgal na ang boses. Umiiyak na din siya.

Anne: ewan ko! Mahal kita hon.

Animo’y isang eksena sa teleserye ang nangyayari. Tuloy tuloy ang pagiyak namin.

Anne: may naisip akong huling chance natin.

Niño: ha? Ano naman yun?

Kinuha ko ang panyo ko at pinunas ang luha ko at kay Anne.

Anne: actually,si tita nag advice nito. Kasi alam nya din na nahihirapan ako at ito na daw ang mababawi nya sa ginawa sa akin ni tito.

Niño: ano nga?

Hindi nagsasalita si Anne. Wari’y tinatantya nya ang magiging reaksyon ko pag sinabi na nya ang plano niya. Hanggang sa napatingin siya kay tita.

Tita: hay naku,ako pa talaga magsasabi Anne?

Anne: parang nakakahiya po sabihin e.

Tita: akala mo ba mahal mo siya?

Pagkasabi noon ng tita nya ay tumingin sa akin si Anne. Ngunit alam kong kinakabahan pa din.

Tita: hay naku kung matagal pa yan e magbabayad na ako ng tiket.

Agad naman itong pinigilan ni Anne.

Anne: sandali tita. Wag na. Wag na po kayo bumili.

Niño: teka teka! Parang naguguluhan ako eh. Ano ba to?

Medyo confuse talaga ko sa mga nangyayari. Hindi ko malaman kung ano ang usapan ng mag tiyahin.

Niño: hon anu ba?

Medyo tumaas na ang boses ko. At alam kong alam ni Anne na naiinis na ako.

Anne: sasabihin ko na hon.

Niño: na ano nga?

Anne: napag usapan namin ni tita na di na ako tutuloy sa baguio.

Niño: eh panu ang papa mo?

Anne: ayun na nga e. Si papa nga ang dahilan. Kaya pumayag ako sa naisip ni tita.

Tahimik lang ako at inaabangan ang susunod na sasabihin ni Anne. Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako sa mata.

Anne: MAGTANAN TAYO!

Para akong nabingi sa narinig ko. Hindi ko inaasahan na ayun ang plano ni Anne. Napalunok pa ako ng laway. Nanatiling tahimik at di ko malaman kung anong isasagot ko sa kanya. Alam kong naramdaman ni Anne ang pagkabigla ko at bigla din sumimangot ang mukha niya. Binitiwan niya ang kamay ko. Wala pa din akong imik.

Tumalikod sa akin si Anne at niyakap ang tita niya. Tulala pa din ako. Natauhan ako ng marinig kong umiiyak si Anne habang nakayakap sa tita niya. Doon na ako naglakas loob magsalita.

Niño: hon,gusto ko ang naisip mo pero isi-

Anne: pero ano? Akala ko pa naman matutuwa ka!

Niño: syempre masaya ako. Pero isipin mo kung pano ang magiging buhay natin? Baka mapatay ako ng tatay mo nyan. Sana naman naisip mo muna ang mga consequence ng bawat bagay na paplanuhin mo.

Anne: ikaw na nga ang inaalala ko dyan e! Kung ayaw mo,tutuloy na lang ako sa baguio.

Magsasalita pa sana ako ngunit minabuti kong tumahimik na lang. Ayaw kong matuloy sa baguio si Anne,ngunit alam ko din na masyadong mahirap kung magtatanan kami.

Gulong gulo ang isip ko. Kung pwede lang suntukin ang tadhana siguro nagawa ko na para maalis ang sama ng loob ko. Mahal ko talaga si Anne. At di ko malaman kung bakit ba sa dami dami naman ng pwedeng problemahin,eh eto pa ang dumating.

Gusto ko sumigaw at magmura sa loob ng terminal. Gusto ko ilabas lahat ng sama ng loob ko. Nakita ko na lang si Anne na napaupo. Umiiyak pa din siya.

Anne: tita sige na po. Ibili nyo na ako ng tiket.

Tumingìn naman sa akin ang tita ni Anne at nagbuntong hininga. Maya maya ay tumuloy na to sa bayaran ng tiket.

Anne: wala na kong magagawa. Ayun na ang naisip kong pinakasolusyon. Pagkatapos ng araw na to malaya ka na!

Para akong estatwang binasag sa narinig ko kay Anne. Ang sakit! Tulala pa din ako,ngunit paulit uli na rumerehistro sa utak ko ang sinabi ni Anne.

“malaya ka na. Malaya ka na. Malaya ka na.”

itutuloy.

sensya na guys.putulin ko muna. Medyo naging emosyonal ako pag naaalala ko yang nangyari sa terminal. Haizzt!