Guys eto na yung kadugt0ng na crewmate series pero entitled as Love Story na. Hope na subaybayan nyo din ito. Maraming salamat at enj0y reading!
===========================
“. . .somewhere we can be alone. You’ll be the prince and i’ll be the princess this is a love story baby just say yes!”
Anne: hon,gising na. May pasok ka pa.
Niño: uhmmm. Nakakapagod ah. Ikaw kasi eh.
Anne: anong ako? Ikaw kaya. Libog mo kasi e.
Niño: nagsalita ang matino.
After makapagbihis ay nagcheck-out na kami ng motel ni Anne at kumain sa jollibee sa may quiapo.
Pagkakain ay hinatid ko na siya sa kanila at dumiretso na ako ng uwi upang maghanda sa pagpasok ko sa trabaho.
Medyo malungkot ako sa trabaho dahil wala na doon si Anne at lumipat na sa may kalaw avenue. Subalit di naging hadlang iyon sa relasyon namin.
Ngunit sa isang relasyon,talagang may mga pagsubok na dumarating. Sinusubukan ata kami ng tadhana.
Nangyari ito nung gabing sinundo ko siya sa trabaho niya.
Anne: pinapauwi ako ni papa ng baguio. Doon ko na daw ituloy ang pag-aaral ko.
Niño: eh anong sagot mo?
Anne: sabi ko na okay naman ang pagaaral ko dito. Pero nagalit si papa. Sinabi niyang sundin ko na lamang daw siya.
Niño: ano naman ang dahilan niya at doon ka niya pagaaralin?
Anne: sinumbong ako ni tito. Tungkol sa nangyari sa atin. Kaya nga sabi ni papa wag ka daw nyang makikita sa bahay.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Di ako makasagot. Di ko din alam kung anong pwede kong gawin para solusyunan ang problema naming magkasintahan.
Anne: sabi ni papa next week na daw ako uuwi dun sa ayaw o sa gusto ko.
Nanatili pa din akong tahimik. Pakiramdam ko ay narinig ko na ang pinakapanget na salitang kahit na sino ay ayaw marinig.
Anne: alam mo hon na mahal na mahal kita. Ayoko magkalayo tayo.
Napansin ko na tumulo ang luha ni Anne habang nagsasalita. Mas lalo akong nasasaktan. Unti unti ding namuo ang luha sa gilid ng aking mga mata. Niyakap ko si Anne at tuluyan ng bumagsak ang aking luha.
Niño: mahal na mahal kita Anne. Ayaw ko din magkalayo tayo.
Anne: basta kahit anong mangyari, mahal na mahal kita. Tara na sakay na tayo.
Walang imikan sa loob ng jeep. Tila kapwa namin iniisip ang gagawing solusyon sa problemang dumating sa buhay magkasintahan namin. Hanggang sa pumara na siya at ng bababa na din ako ay pinigilan niya ako.
Anne: dumiretso ka na ng uwi. Baka naghihintay si papa sa gate.
Wala ako nagawa kundi bumalik sa aking kinauupuan. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay ngunit bumalik lang ang diwa ko ng ako ay nakaupo na sa kama ko. Marahil sa sobrang pagiisip kaya di ko namalayan. Nakatulugan ko ang ganung sitwasyon na nagiisip ng magandang gagawin.
Kinaumagahan 10am,tinext ko si Anne.
“Hon,gudm0rning.mahal na mahal kita.kaya natin to!”
Lumipas ang 15 minuto ngunit wala siyang reply. Pumunta ako sa tindahan para magpaload at agad kong tinawagan ang number ni Anne.
“The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Plea-”
Anu kaya ang nangyayari? Bakit ba nagkakaganito? Puro tanong ang pumapasok sa isip ko. Sinubukan kong uliting tawagan siya ngunit walang pagbabago.
Tumawag ako sa aking pinagtatrabahuhan at sinabi kong di ako makakapasok dahil masama ang aking pakiramdam. Ngunit ang totoong dahilan ko ay para puntahan si Anne sa pinagtatrabahuhan niya.
Agad akong naligo at dali daling nagpunta sa jollibee sa kalaw avenue. Hinanap ko ang manager at nagtanong.
Niño: magandang araw po ma’am. Ask ko lang po sana if may duty po si Anne ngayon.
Manager: ikaw yung lagi sumusundo sa kanya diba? Ikaw yung boyfriend nya?
Niño: o-opo ako nga po.
Manager: eh bakit di ba nasabi sa’yo ni Anne na magreresign na siya? Actually kanina lang siya nagresign.
Tangina talaga! Ang sakit! Paano maaayos ang lahat kung pati si Anne mismo ay nawawalan ng pag-asa.
Manager: so pano,marami pa kasi akong gagawin e. Pasok na ko sa loob.
Niño: s-sige po ma’am. Maraming salamat po.
Lumabas ako dun na latang lata. Gusto ko siya puntahan sa kanila ngunit baka andun ang tatay niya. Wala na talaga ako maisip na solusyon dahil di ko na nga siya makita, di ko pa siya makontak.
Umuwi na lang ako ng bahay at pabagsak na humiga sa kama. Feeling ko pinagkakaisahan ako ng mundo sa pangyayaring ito. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako dahil tinatawag ako ng ate ko.
Ate: nyong, si Anne nasa telepono.
Napabalikwas ako agad at bumaba upang makausap ko si Anne.
Niño: he-hello. hon?
Anne: hon, kamusta ka na?
Napansin kong garalgal ang boses ni Anne. Yung tipong umiiyak ngunit pigil.
Niño: hindi ako okay! Kanina pa kita tinetext at tinatawagan ah.
Anne: kinuha ni papa yung cellphone ko. Bawal nga din ako gumamit ng telepono. Nakatyempo lang ako dahil naliligo si papa.
Niño: grabe naman ang papa mo! Masyado naman siya kung maghigpit. Kung tutuusin nasa tamang edad ka na naman ah.
Lalong napahagulgol si Anne.
Anne: hon,tommorow ang alis ko. Si tita daw maghahatid sa akin. Sa pasay terminal niya ako hahatid. Pumunta ka doon ng 8am.
Niño: pupunta ako.
Anne: antayin kita bukas. Sige bye.
Niño: teka sanda-
Di pa ko tapos magsalita ay naputol na ang kabilang linya. Balik ako sa kama sa taas at nagmuni muni na naman.
Itutuloy. .
putulin ko muna. Salamat sa nananatiling sumusubaybay sa aking stories. And para mas maintindihan nyo po ang kwento,please read the from the first part. Search nyo lang crewmate:rooftop action 1-4 and crewmate:house of the rebel 1-5. Maraming salamat uli.