Oooh Baby I love your way.. everyday (alarm ko sa aking cellphone). Nagising ako sa alarm ko isang umaga at dali daling bumalikwas sa aking kama upang magbukas ng aking computer at mog log-in sa aking paboritong laro sa facebook. Naging daily routine ko n to simula ng mag resign ako sa trabaho. Sa kasamaang palad.. “Lintek! di pa pala ko nagbabayad ng internet ko, pag minamalas nga naman talaga anak ng tinapa oh “sabi ko sa sarili ko”.
Kaya minabuti ko na lang na magluto ng pinakamasarap na almusal sa buong universe. “pansit canton hot chili, pandesal na may palamang Reno at San Mig 3 in 1″. HEAVEN na to sa isang katulad ko ang nasabing agahan di tulad ng mga nasasakhihan natin na breakfast ng mga mayayaman sa teleserye at pelikula na may bacon and egg at juice pa.. san ka pa..
Pagkatapos ng agahan ay kumaripas na ko sa labas ng bahay papunta kay Trisha.. Sino si Trisha???? “Trisha Sari-Sari Store” ang aking suking tindahan sabay padabog na sigaw ng “ALAM MO NA!!!!” Kung makasigaw ka naman kala mong ke laki ng bibilin mo dyan “paismid ng tindera” Ok sent na antayin mo na lang..
Aftr a while… pagbalik ko sa bahay, may narinig akong kakaibang tunog “I love you, you love me were a happy family with a great big hug and a kiss from me to you, wont you say.. you.. love… me .. too” pota ano un sa loob loob ko. Nang lumapit ako sa pinaggagalingan ng tunog nakita ko na cp ko pla un, nalimutan ko message alert tone ko pala yun, Anak ng teteng sabay kamot ng ulo.
Sabay dampot sa aking antique na Nokia 6600 at type ng pinakamakapangyarihang message na alam kong nag eexist ‘SUPER 25″ sabay send sa 8888 with matching (cross finger. pikit mata… sana magregister ka). Sa awa ng globe tumunog ulit si barney pero di ko na pinatapos ang ringtone “you can now use blah blah blah et al” walang patumpik tumpik ay nag dial n agad ako ng dabarkads na makakausap. “Hello Miss Kantot, alis tayo mamaya wala akong magawa sa bahay, nakakabagot. wala akong internet!! walang facebook, walang ym, walang camfrog at walang BAMBAS”. Ay bastos ka! sinong Miss Kantot? sagot ng kabilang linya… “ung may ari po ng cp” si popoy to anu k ba!! usal ko… “bastos k poy! tita to ni anne. bkit ganun twag mo sa kanya?? wag mong sabhng??? susumbong kita sa mommy nya… (pang aasar)… Ay wag po tita lokohan lng po nmin ni Anne un.. “wushu oo na.. oo na lang ako. naiwan ni anne cp nya, umalis ksama ng mommy nya.. “ay ganun po ba tita pasabi na lang po sa kanya tumwag ako ah. salamat po” “ok poy. sabihin ko kay Miss Kantot mo. ahihih” bye…
Tangna lagot bka isumbong ako nun sa isip ko. Ang tanga tanga ko kasi, dapat sya pinauna ko magsalita. Makalipas ang isang oras ay wala akong makontak n matatawagan kaya minabuti ko na lang na mamasyal sa Mall at makabili na din ng pamalit sa aking “Bacon gartered Carter Briefs”. Ang sarap sa mall.. malamig.. maliwanag. madaming maganda. pati SL ng brief magaganda (SL= saleslady). biglang tanong ang SL sakin. “Sir what size po ba? sagot naman ako at pinakita sa kamay ko “isang dangkal”
“Ang laki naman po Sir patawa ng SL, i mean kung medium or large ung size na bibilin nyo sir?”
“Ay sorry nakakabigla kasi ang tanong mo, sabi kasi ng nanay ko bad magsinungaling mapupunta tayo sa hell… saka bawal magsinungaling sa relihiyon ko.
‘Ano po ba religion nyo sir? tanong ng magandang SL?”
Bumuntong hininga ko sabay sabi ng ‘Katolik”….
Sabay kaming napatawa sa sagot ko…
Medium n lang Ysabelle Song. sabi ko sa SL.
“Ysablle Song? hndi po Ysabelle ang name ko o pakita ng nameplate nya.”
“Ay sorry sa koreanobela kong pinapanood yun, akala ko kasi ikaw yun ang ganda mo kasi”
“bolero ka sir”
Habang naghahanap ang SL ng stocks n gusto ko ay biglang tumunong ang CP ko “Ako na yata ang pinakamagandang lalake sa mundo.. sa piling mo pag kasama kita…” (ringtone ko). Sino kya to number lang??? sinagot ko naman “Aloha!! kung lalake ka wala akong panahon sayo… pero kung babae ka, binabalaan kita wag na wag kang lilingon!!!”
Sumagot ang kabilang linya “Bakit wag akong lilingon?” (palanding boses pa)
“babae nga” sa loob loob ko. kya sinagot ko “dahil pag lumingon ka… akin ka”
panay tawa ang narinig ko.. “napakapilyo mo pa rin popoy, di ka pa rin nagbabago “its the same old brand new you” Nakakamiss ka tuloy. sagot ng babae sa kabilang linya.
Huwaaaatt!!! kilala mo ko?? partida pa yan hndi ako artista pero kilala mo ko.
“Kilalang kilala popoy.. di ba may nunal ka pa sa ulo.. ahihihihi”
Anak ng teteng kababae mong tao namboboso ka pa sakin?? Miss kantot? ikaw ba yan??
“sinong miss kantot ka dyan?? inis ng babae?
Sino k nga e? sabi ko at bigla akong may naalala na mga linya na nagmula pa noong akoy bata pa.
“Sino sya kidlat na nanggaling sa…. kalangitan. matatag na punong kahoy sa bagyo!! ikay nanggaling sa langit, sinukob ang kadiliman, banal na hanging bumabalot sa daigdig,,,,, magpakilala ka…”
Ang bilis mo namang makalimot popoy..nakakatampo ka naman?
“sino ka nga kasi?”
parang umugong ang tenga ko sa katahimikan. ng biglang nagsalita ng mahina ang babae ng “LIA”
“We? Lia nsa abroad si Lia asa ka namang POSER ka, pumunta ka na lang sa mendiola at mag PLANKING ka dun kesa sinasayang mo oras ko…”
“clubhouse. Fundador. Backdoor. Bodega. Kitchen. Chocolate. Red Wine. .08mm. Deep throat. No spill” ano pa gustong marinig poy? painis ng babae.
Nanlamig ang pakiramdam ko sa narinig na mga salita. lahat ng yun ay alam nya?
LIA? ikaw ba talaga yan?
“oo nga popoy!!”
“Lia na may nunal sa kanang pisngi ng boobs?”
“oo” sagot nya
“Lia na may nunal sa kaliwang pisngi ng langit?”
“mismo”
“Lia na gumigiling ng syento bente?”
“right you are”
Lintek kala ko ba nasa abroad ka at di ka na babalik?
malungkot na sumagot ang babae “yun din ang akala ko popoy’
To introduce Lia. sya ang ex girlfriend ko way back college days pa, naghiwalay kami dahil pinili nya ang success alone without me. the solitary way rather than to walk our paths together. The harder way rather than simple but with me. A sure oppurtunity than to gamble one with me.. inshort iniwan nya ko at sinabing ‘its better this way, perhaps you and i will find far more better than what we have right now” sinabi nya yan noon. mahabang panahon na din ang nakakalipas.
“Kauuwi ko lang kagabi, naisipan ko lang itry na tawagan ka. di ka pa pala nagpapalit ng number?”
Bkit ako magpapalit.
“wala lang di mo ba ko namiss?”
“tigas din ng mukha mo lia… prang walang nangyari? nakalimutan na kita,, lahat ng sakit.. hirap. depression tapos babalik ka pa? what for?”
“Ang sungit mo naman popoy. nangungumusta lang naman ako”
“e bkit nga? wala na tayong dapat pagusapan? iniwan mo ko diba?”
” i only made a choice popoy”
“and you choose to break my heart” (nakanang teteng hanep sa dialogue)
“sorry kung nasaktan kita poy”
“wala na un tapos na yun,, all has been said and done… mirrors are cracked… steels became rusty. the fundation is shaken…”
Popoy magkita naman tayo, kwentuhan lang at pra makapagpaliwanag na din ako sayo.
“No need busy akong tao.. (wushu) madami akong appointment.. saka wala akong panahon sa mga katulad mo Mariella Ysablle Calma!!!”
“naks alam mo pa pala name ko?”
“Oo naman! ano akala mo sakin bobo?”
“o sya sya relax wag magalit… kita na lang tayo ngaun?”
Hindi nga pede sinabi nang busy ako”
“ok sabi mo. di na ko mangugulit. puntahan n lang kita sa inyo tom night.. 7 pm”
“oi hin.. d ko na natapos sasabihin ko naputol na ang linya. Di ko alam ang mararamdaman ko kung matutuwa ba ko o maiinis pero sa kabilang banda prang naginit nung naalala ko yung mga nunal.
Dumating na ang Saleslady dala ang medium na brief,, nang biglang nakarecv ako ng txt message “poy ill drop by tom night sa place mo, wag ka na mag abala magdadala ko ng dinner.see ya. bye”
sinabi ko sa magandang SL “Miss Large na. bibilin ko.. madami nang nagbago..”
kamot ulo ung sales lady…
“ITUTULOY……”
Sana po magustuhan nyo.. pagpasensyahan nyo na po ang aking nakayanan…