Naisip ko kung ano yung nagawa ko… Natauhan ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang tanga ko naman ata. Nakipag sex ako sa lalaking di naman ako mahal… Sh*t, nalibugan lang yung sa akin. Nagpadala naman ako sa libog. Tanga mo R! Paano ko pa sya mahaharap bukas?
***
As usual, maaga akong pumapasok ng school pero ang unusual ay pinapanalangin kong wag ng pumasok si Vic…
“Hoy, r! Bakit blooming ka ngayon?” tanong nung isa kong kaklase.
Ok fine, medyo nag-ayos na kasi ako ngayon. Inayos ang buhok at naglagay ng light na make-up. Well, just in case na ipagkalat ni Vic ang nangyari sa amin, hindi naman siguro ako malalait ng mga mapagki-kwentuhan niya. Pero isusumpa ko talaga sya kapag ginawa niya yun. Hindi ko mapapatawad ang buong pamilya niya. Hay, okay alam ko exaggerated na. Pero hindi niyo naman ako masisisi kung hindi ko mapigilang kabahan.
1st subject… walang pasok…
2nd subject.. wala din… wala pa din si Vic.. teka nga, bakit ko ba iniisip yung lalaking yun. Buti na nga lang dininig ni Lord ang prayer ko na wag syang pumasok.
3rd subject
10:30am…
Wala din ata yung prof namin…
Aalis sana ako ng classroom kaso may pumigil sa akin. Sinabi na baka daw malate ako sa klase. Sabi ko naman magc cr lang ako. Sinamahan naman ako nung girl na yun. Teka, hindi ko naman sya close.. Pero ewan ko ba. Ang weird ng klase ngayon. Hmmm.. nababaliw lang ata ako. Hindi pa rin siguro ako maka get over sa nangyari sa akin kahapon.
10:45am…
Nagtataka ako dahil walang lumalabas na estudyante sa classroom namin. Himala ata. Pero hindi ko na lang pinansin.
11:00am
“Oh! Oh! Andyan na!” sigaw ng mga kaklase ko. Ano kaya yun? Wala namang sumasagot sa akin. Biglang may pumasok sa pinto…
Si Vic…
Wala namang kakaiba sa kanya… Okay, medyo mas nagmukha lang syang gwapo sa paningin ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Nasaktan ako sa reaksyon niya. Parang wala lang. Hindi man lang ngumiti o ewan. Sabi ko na nga ba! Wala syang gusto sa akin… Libog lang yun, libog lang…
Pa “I like you I, like you” pa sa banyo! Sex lang pala ang habol… Grrr.
Affected na ako ah.. may gusto na ata ako sa kanya.. Oh my God! Wag naman sana!
“R… pahiram ng laptop mo. Magpapatugtog lang ako.” Sabi nung isa kong kaklase.. Pinahiram ko naman.
Wow, nice song… Perfect two by Auburn. Favorite ko pa pinatugtog nung classmate ko at least nabawasan ng kaunti yung inis na nararamdaman ko.
You can be the peanut butter to my jelly
You can be the butterflies I feel in my belly
You can be the captain
And I can be your first mate
Bigla na lang nagsigawan yung mga kaklase ko… Pagtingin ko sa kaliwa ko, si Vic, lumalapit sa akin…
You can be the chills that I feel on our first date
You can be the hero
And I can be your sidekick
Tumalikod sya sa akin… at hinubad niya yung polo niya.
You can be the tear That I cry if we ever split
You can be the rain from the cloud when it’s stormin’
Or u can be the sun when it shines in the mornin’
May white na T-shirt pala sya sa loob… at nakalagay ang buong pangalan ko.
R*****
O****
I.
M******
Don’t know if I could ever be Without you
‘Cause boy you complete me
And in time I know that we’ll both see That we’re all we need
Cause you’re the apple to my pie
You’re the straw to my berry
You’re the smoke to my high
And you’re the one I wanna marry
Humarap uli sya sa akin habang nakangiti… May halong kapilyohan na naman sa mukha niya. Tinuro niya yung puso niya…
At may nakasulat din sa harap ng shirt niya…
Will you be my girlfriend?
Sabay abot ng maliit na teddy bear sa akin.
Naghiyawan yung mga classmate ko… Wah, grabe, namumula na ako nun, nakatingin sa aming lahat…
Bigla na lang napalitan yung music…
I’ll be by Edwin McCain
The strands in your eyes that color them wonderful stop me and steal my breath…
Ipinababa ni Vic yung teddy bear na hawak ko at hinila niya ako papunta sa harap ng klase. Hinawakan niya ang left hand ko gamit ang right hand niya tapos nilagay niya sa bewang ko ang left hand niya at yung right hand ko sa left shoulder niya. In short para kaming nagslow dance.
Kinikilig na ako. Daig pa ang JS PROM KO!
Pinipigilan ko lang ngumiti. Yumuko na lang ako…
“So ano sagot?” tanong niya sa akin…
“Ewan ko… pinagttripan mo lang ata ako e…” tapos tiningnan ko sya.
“Aw, ganun ba ang akala mo? Pagkatapos ng ginawa mo sa akin kahapon… ganyan sasabihin mo..” tapos tumawa sya.
“BALIW! Parang ikaw pa napagsamantalahan ah!”
“Joke lang… oh eto seryoso na… matagal na kitang gusto, Actually, 1st sem pa… natorpe lang ako. Ang sungit mo kasi e…” Ang bilis niya magsalita, grabe, tuloy-tuloy! Gusto ko nga sabihin na huminga naman sya kaso ayokong sirain ang moment niya.
“Hmmm. May patunay ako. Hindi ganun kadaling magpagawa ng t-shirt na ganito. Hindi ko naman pwedeng ipagawa to kagabi.” tapos ngumiti sya. “Witness ka pa dahil magkasama tayo..” binulong niya sa akin.
“Umpisa pa lang ng 2nd sem ko to pinagawa… dapat aamin na ako sa’yo dati, kaso naging magkagrupo tayo sa research paper sa english, mukhang uminit ang dugo mo sa akin. Natakot ako na bastedin mo ako.”
Puro sya lang ang nagsasalita… Ako nakikinig lang.
“Pero alam mo ba, trivia lang naman, iba na ang dahilan kung bakit ako nalate ngayon… kung dati, nalelate ako dahil napupuyat ako kakaisip sa’yo… ngayon, hinintay ko lang magbukas ang mall para mabilhan kita ng favorite mong teddy bear..” kinindatan niya ako..
Nakornihan ako sa sinabi niya pero kahit pala korni kung ikaw ang sinasabihan, kikiligin ka lalo na kung gusto mo din naman ung lalaki.
“Pero, alam mo, dahil sa nangyari satin, ayokong magmukhang gago… Ayokong isipin mo na yun lang ang gusto ko sa’yo… Sana bigyan mo naman ako ng chance na patunayan na hindi lang yun ang habol ko sa’yo.” nakatingin sya sa akin nun. Kung kagabi, puro libog nakikita ko, ngayon sincerity ang nararamdaman ko.
“R***** O**** I. M******, I love you…” tapos nagtilian ang mga classmate kong babae habang kinakantsawan kami ng mga classmate kong lalaki. “…kahit na katawan KO lang ang habol mo…” sinuntok ko sya sa dibdib.
“BALIW!” tapos tumawa ako… buti na lang hindi narinig ng mga kaklase ko yung huling sinabi niya.
“R, sagutin mo na! Alam mo bang tinawagan pa kami niyan kagabi para lang tanungin kung ano ang paborito mong kanta at para tulungan na din namin sya na wag kang palabasin ng classroom hangga’t di sya dumadating!”
Napangiti ako sa sinabi nung kaklase ko. Sana matagal na niyang sinabi to… edi sana nainspired ako at na-uno ko lahat ng subjects ko this sem. HAHA. Hindi na din sana uminit ang ulo sa kanya, di ba?
“Victor Vince V. Villaramos… I…”
BIglang pumasok ang English prof namin… PInatay nung isa kong kaklase yung music at sinara yung laptop ko. Kaming dalawa na lang ni Vic ang nakatayo sa harapan. Buti na lang hindi na sya nakahawak sa bewang ko.
“Ms. Montero! Mr. Villaramos! What are you doing?” naku mukang medyo wala sa mood si sir ah…“What were you saying Ms. Montero? Victor Vince V. Villaramos I?”
Chismoso si sir ah,
“I… I… think we need to sit down now sir..” tapos pinilit kong ngumiti.
Tumalikod na kaagad yung prof namin at nagsulat sa white board. Buti na lang laging nagsusulat kaagad sa board yung prof naming kung hindi nakita sana niya yung suot ni Vic..Pinipigilan naming lahat tumawa… Hindi kasi namin pwedeng ipaalam kay sir kung ano nangyari dahil magagalit lang yun. Walang pakialam sa love yun e. Wala pa rin kasing asawa hanggang ngayon. Bitter ata e.
Anyways, magkatabi kami ni Vic. Sinadya naming dalawa na sa last row umupo para di kami kita ni sir. Nagsimula akong maglettering sa notebook niya…
Victor Vince V. Villaramos, I love you, too <3
Pinakita ko sa kanya yun at sinadya kong kagatin ang lower lip ko. Tiningnan niya ako at ngumiti. “Wag mo naman yang gawin dito, mamaya di ko mapigilan sarili ko, sige ka.” sabi niya sabay hawak sa legs ko. Tinapik ko yung kamay niya at umiling.
“Joke lang…” ngumiti sya sabay hawak sa… kamay ko na nasa ilalim ng table… Holding hands kami hanggang matapos ang english class.
Ano ba yan, matatapos na nga lang ang sem, nagkaroon pa ako ng cheesy, yummy at gwapong boyfriend. Thank you Lord.
The End…:D I know, may pagkacheesy sa huli.. haha. Anyways, last part na ng story. I hope you liked it kahit na non sexual na to… Salamat sa lahat ng bumasa ng story at lalo na din sa umabot hanggang dito sa huli. (lalo na kila 3legged mammals,missmarie,madpencil(idol),mij,sweetapp)
@miko123 – kung mabasa mo man ito, sana ayos lang tong note na to. J
~r
***