Lalaki sa Lalaki

Author Name: A_luv21 | Source: pinoyliterotica.com

 

 

Ba’t hindi mo sinasabi

kung ano ang binabahagi

ng puso mong

sinasabi mo ay bato?

 

Akala mo hindi ko nakikita

ang sakit at pagdurusa

kapag nakikita mo

kaming dalawa ang magkasama?

 

at kung paano mo siya tingnan

sa malayo ay sinusulyapan

ilang minutong tinititigan

na may pagnnanais sa mata mo?

 

at kung tuwing tayo ay nag-iinuman

diba’t ako ay iyong pinagsasabihan

na palagi ko siyang iingatan

dahil diyamante siya sa paningin mo?

 

matagal ko na itong pinagiisipan

kaya’t sabihin mo na ang katotohanan

kailangan ko talaga itong malaman

kung pwede diretsohin mo ako…

 

Pare, na-iinlab ka ba sa girlfriend ko?

 

———————————-

 

Sa pagitan po ito ni Al at ni Jake. Sana hindi niya malaman ang pangyayaring naganap noon.

Btw, if you want this please rate. i am accepting also good and bad comments.  :)