Eto na yung kasunod.
JOHN POV
‘Are you okay?’
Tanong ko. Inayos nya ang buhok nya, kahit wala naman dapat ayusin dito, at ngumiti sa akin. Patay! Nakakamatay! Sobra.
‘Yes, I’m okay. Thanks.’
Ang lambing ng boses nya, kasing lambing ng mala-anghel nyang muka. Totoo pala na may anghel sa lupa. Siguro, napanganga rin ako sa kanya. Bigla kasi syang tumawa, nahiya tuloy ako.
‘Ahm… I’m John, by the way.’
Inalok ko sya ng shake hands. Tinignan nya muna ang kamay ko bago nya ito kinuha.
‘I’m Bea. Nice meeting you, John.’
Ngumiti sya. Kung nakakamatay ang ngiti, nasa heaven na ko. Corny na kung corny, eh ang ganda naman nya talaga eh.
‘Uhm, saan ka ba pupunta? Alam mo ba yung sasakyan mo?’
Pang-uusisa ko. Pero ang totoo, ayaw ko lang syang umalis.
‘I’m on my way sa school kasi eh. And, to be honest, I’m not so sure kung saan ako dapat sumakay.’
Nahihiya na natatawang sabi nya. School? Saan kaya sya nag-aaral?
‘Saan ba ang school mo?’
‘Sa FEU (jan ako nag aaral ^_^) This is my first day.’
Gusto kong tumalon sa tuwa. Pareho kami ng school. Schoolmate ko sya!
‘Di nga?!’
Rinig ko ang tuwa sa sarili kong boses. Napangiti sya, kunot ang noo.
‘Yes…?’
‘Dun din ako nag aaral’
Mukang nabuhayan rin sya ng dugo dahil lumaki ang ngiti nya sa labi. Natuwa naman daw ako. Haha.
‘That’s great! Pwede mo ba akong i-guide? I mean, if you’re not busy or something..’
Busy? Are you kidding me?! For you, I’ll always be free!
‘Nope, not at all. I’ll be very much happy to guide you around.’
Ok lang na di ako pumasok sa klase, 1st day pa lang naman. At may kasama pa akong anghel.
‘Thanks so much. You’re a savior!’
Sabi nya na tila mo ba nabunutan ng tinik. Ang cute nya talaga!!!
BEA’S POV
Hindi ko akalain na, pareho pala kami ng school. Is it destiny? O nagka-taon lang? Hhmm, pero he’s cute. And nice. I think it’s a good start.
‘So, are you a rich kid?’
Tanong nya. Anong ibig nyang sabihin?
‘I mean… kasi, parang hindi ka sanay sa pag-sakay dito eh. Tsaka, you looked lost kanina.’
Natatawa nyang paliwanag na para bang nabasa ang tanong sa isipan ko. Napangiti ako.
‘Ah… hindi naman. Pero tama ka. Hindi ako sanay sumakay. Hindi kasi ako pinag-ko-commute ng dad ko eh. It’s my first time going out to the real world.’
Paliwanag ko.
‘Kaya pala.’
JOHN’S POV
Hindi lang pala sya parang prinsesa kundi prinsesa talaga. Mantakin mo, hindi sya marunong mag-commute? Pero in fairness, may poise pa rin sya kahit mukang haggard.
–
baka next chapter yung mainit na eksena.