Hello! Bago lang ako dito. Gusto ko lang paganahin yung imagination ko. Sana magustuhan nyo
—–
Madalas tayong nag-lalakbay sa malayo para hanapin ang pag-ibig na nakalaan para sa atin.
Hindi natin alam, nandyan lang ito sa tabi-tabi, nakahaya.
Sa kapitbahay, sa kanto.
Sa mall, o sa palengke.
Minsan sa club, o sa disco.
Sa school, sa office.
Minsan sa computer shop.
At minsan, sa LRT.
BEA’S POV
Naku, pano ba yan? Ang daming tao. Hindi pa naman ako sanay. Bakit kasi sa Maynila pa ako pinag-collage ni daddy eh! ‘Di bale sana kung marunong akong sumakay ng LRT. Kaso, hindi. ‘Ni ang pag-sakay nga sa jeep, hindi ako marunong. Hindi naman kasi nya ako pinapayagan na mag-commute. Laging may driver, laging may chaperon. Tapos ngayon, gusto nya akong matuto? Nakaka-lito kaya!
Lumingon-lingon ako. Walang pag-hulugan ng karayom sa sobrang dami ng tao. Saan ba ako dapat pumila? Hindi ko alam. Hindi ko rin marinig ang announcement na nanggagaling sa speaker. Ang dami kasing ingay. Kwentuhan, tawanan. Ang gulo. Nakakabingi.
Sa pag-lingon lingon ko, napansin ko ang isang lalaki, siguro parehas kami ng edad, nakatayo sya sa gitna ng karamihan sa hindi kalayuan at nakatingin sakin. Maraming tao pero, ewan ko ba, nag-stand out sya. Magandang mga mata, mapupulang labi. Ang pogi. Nakipag-titigan ako sa kanya pero hindi ko kinaya ang nakakatunaw nyang titig. At lalong hindi ko kinaya ng binigyan nya ako ng isang pamatay na ngiti. Nahiya ako. Parang sasabog ang ulo ko dahil sa pamumula. Ibinalik ko na lang sa paghihintay ng tren ang atensyon ko.
JOHN’S POV
As usual, ang daming tao sa LRT. Lalo na ngayon, unang araw ng eskwela. Simula ng isang bago at mahabang taon. More homeworks, more reports. Para sa pangarap, kaya yan. Pero nakakatamad talagang makipag-siksikan tuwing umaga.
Lumingon-lingon ako, nag-baka sakali na makahanap ng pila na walang masyadong tao. Haaayyy. Ano pa nga bang inaasahan ko?
Pero teka. Napa-balik tingin ako sa isang babae. Nakatayo sya sa di kalayuan, napapaligiran ng mga busy people. Palingon-lingon, at tila mo nawawala. Ang ganda nya. Kulot ang buhok. Matangos na ilong, magandang mga mata. Simple lang ang kasuotan, pero eleganteng tignan. Para syang isang prinsesa. Tumingin sya sakin. Nakakatunaw. Hindi ko namalayan, nakangiti na pala ako. Muka siguro akong tanga. Pero lalo akong napangiti ng dali-dali nyang inalis ang tingin sa akin at yumuko. Nahiya yata. O nailang? Ewan ko ba. Pero ang cute nya.
Maya maya pa ay dumating na ang tren. Tulad ng inaasahan, nag-kagulo na ang mga tao. Nag-siksikan, nag-tulakan. Para saan pa ang pila kung nag-uunahan lang rin naman?
Napatingin muli ako sa kanya. Nadadala sya ng mga tao na pilit nag-tutulakan papasok sa loob ng train. Nagigit-git, natatangay. Halatang hindi sya sanay. Kawawa naman.
BEA’S POV
Maya maya pa ay may dumating na train. Natakot ako dahil nag-tulakan na ang mga tao. Nag-siksikan, nag-unahan. May pila naman ah? Bakit kailangan pang mag-gitgitan? Hindi ko yata kaya ‘to. Nadadala ako. Inaagos.
Pilit kong pinakinggan ang announcement sa speaker. Naku lagot! Hindi pa ito ang sasakyan ko. Kailangan kong maka-alis dito. Pero paano?
Nakipag-gitgitan ako para makaalis. Pinilit kong salubungin ang nag-raragasang mga tao. Hindi na ako makahinga. At hindi na rin maka-galaw. Susuko na sana ako at mag-papadala na lang sa mga tao ng biglang may humawak ng kamay ko at hinila ako. Sumunod lang ako sa humihila sakin. Wala na rin akong paki-alam kung nakaka-bangga ako ng tao.
Nang maka-alis kami sa libumbon ng tao, tinignan ko ang knight in my shining armor ko. Natulala ako. Natigilan. Pakiramdam ko, kami lang ang tao sa mundo.
“Si Pogi!” Nasasa-isip ko. Malandi na kung malandi, eh pogi naman talaga sya eh! Nakangiti sya sakin. Ang pamatay nyang ngiti. Naramdaman ko ulit ang pamumula ng muka ko ng na-realize ko na naka tunganga na pala ako sa kanya. Nag-panic ako. I don’t know what to do!
JOHN’S POV
Muntik na syang agusin. Buti na lang, nahila ko sya at nai-ahon. Natulala sya ng makita ako. Nakanganga. Siguro napansin nya, bigla syang nag-panic. Haha. Ang cute nya talaga. Ngumiti ako. Para ba akong nakakita ng anghel na bumaba sa langit.
Itutuloy