LRT 4 (Wazak)

Author Name: FanBoy1.3 | Source: pinoyliterotica.com

Sorry medyo natagalan, dami ginagawa pag summer ang nstp! Syet!
Eto na continuation.

John POV

Magtatapat na ako kay Bea.

‘Wait lang, hijo, huh? Pababa na rin yun!’

Nakangiting sabi ni tita Olivia, tiyahin ni BEA at syang kasama sa bahay. Dahil nag migrate sa States ang magulang ni Bea, nakikitira muna sya sa tita nya. Mabait sya, at close kami. Ipinag-paalam ko na rin ang binabalak kong pan-liligaw sa pamangkin nya. Pumayag naman sya, tuwang tuwa nga eh.

‘Hi, John.’

Natulala ako ng makita syang bumababa ng hagdan. Napaka-ganda nya talaga. Bagay sa kanya ang pulang tropical dress na kanyang suot. Kahit na di gaano kalaki ang hinaharap nya. Sya yung tipo ng babaeng igagalang at pagsisilbihan mo ng habang buhay. Tumayo ako at sinalubong sya sa dulo ng hagdan.

‘Hello, Bea. You look beautiful.’

Nag-blush sya at kinuha ang inalok kong braso.

‘Thanks. You look good as well, John.’

Nag-paalam na kami sa tita nya at umalis na. Hangang-hanga si Bea ng marating namin ang destinasyon namin. Sa ilalim ng malaking puno ay nandoon ang bilog na lamesa na punong puno ng specialties ng mommy ko. Nag-reflect ang orange lights na nakapalibot sa puno. Orange. Favorite color nya. Maraming candles at rose petals sa paligid namin. Tumingin ako sa kanya. Tumingin sya sakin, naka-ngiti. Ngiting ngiti. Ibinigay ko sa kanya ang isang bouquet of flowers. Pinaghandaan ko talaga ang araw na pagtatapat ko ng pagmamahal sa kanya.

‘Thanks.’

Nakangiti nyang kinuha ito.

‘Did you like it?’

Tanong ko habang tinutulungan syang umupo.

‘Are you kidding me?!… I… I love it! Ikaw ang nag-ayos ng lahat ng ito?’ 

Nauutal nyang sagot at tanong sa akin.           

‘Yes. With a help of my friends and mom.’

Kahit sa malabong liwanag ng kandila, kitang kita ang kagandahan nya. Kumain kami, nag-kwentuhan. Pasakalye muna bago simulan ang tunay na pakay.

‘Uhm… Bea, may sasabihin sana ako’

Pag-sisimula ko. Ito na ‘to. Namamawis ako, nanginginig-nginig ang laman loob. Kinakabahan ako! Go John! Kaya mo yan!

‘Anu yun?’

Tanong nya sabay inom ng tubig. Napa-lunok ako.

‘Uhm… kasi… ano… ang tagal na nating mag-kaibigan. We’ve been together through ups and downs. Sa tuwing sasakay sa LRT papasok sa school, ayokong nasisiksik ka. Alam mo yun?’

Okay, daretsuhin na lang natin.

‘I love you.’

Bigla ko na lang sinabi. Natigilan sya, natulala sakin. Naku. Failed yata.

Bea’S POV

Totoo ba ito? Did he just told me he loves me? Please, kung panaginip ito, wag nyo na akong gigisingin pa! 

‘huh?’

Okay, that was stupid. Pero anong magagawa ko, yun lang ang nakayanan kong sabihin. Nabigla ako sa sinabi nya.

‘Alam ko nakakabigla pero, I’m sincere. I love you, Bea.’

Aaaaahhhh!!!!!!!! Gusto kong sumigaw. Gusto kong mag-tatalon sa tuwa! Pero syempre, cool lang ako. Inhale, exhale. Wew. 

‘I… uhm.. actually… I love you, too.’

Hindi ako nag-dalawang isip na aminin ang feelings ko. 21st century na. Hindi na uso ang matagalang ligawan noh!

Napanganga si Elmo. Napatawa ako. Hindi rin yata sya makapaniwala. Haha.

‘Ano ulit?’

Sabi nya, this time, nakangiti na.

‘Ayoko nga!’

Biro ko.

‘Eh, hindi ko masyadong narinig eh! Sige na, one more time.’

Pangungulit nya. Napatawa ako at napa-iling.

‘Fine. I love you, too.’

Lumaki ang ngiti nya at biglang tumayo sa kina-uupuan. Nag-tatalon, nag-sisigaw.

‘Wooohoooo!!! Yes! Yeeesss!!!!’

‘Huy! Umupo ka nga dyan! Nakakahiya ka!’

Natatawa kong biro.

‘Nakakahiya? Anong nakakahiya? Hayaan mo sila!!!’

Ngiting-ngiting sigaw nito at bigla akong binuhat at iniikot.

‘Aaahhhh!!!!’

Parehas kaming tumatawa. Ang sarap ng feelings. Ang sarap sarap.

Bea’S POV

Ilang buwan na kami ni John at lalong lumalalim ang pag-iibigan namin. Madalas nya akong dalawin sa bahay ng tita ko. Araw-araw nya rin akong inihahatid pauwi. Hindi sya nag-babago. Gentleman pa rin, at cute. Masayang masaya ako sa kanya. At alam ko, masaya rin sya sakin.

Nang gabing iyon, as usual, inihatid ako ni John. Dahil sanay na kami at welcome naman sya sa bahay ni tita, daredaretso na lang kami sa pag-pasok sa bahay, naka-akbay sya sakin at nakayapos ako sa bewang nya. Nag-tatawanan kami, nag-lalambingan.

John POV

Gusto kong tanda kasama sya, gusto kong bumuo ng isang masayang pamilya sa babaeng pinaka mamahal ko. Salamat sa LRT at nakita ko ang babaeng sasamahan ako sa aking pagtanda.

‘Alam mo Bea’ 

‘Ano?!’

‘Gusto ko pagtanda ko, sasakay tayo ng jeep.’

‘Huh?!’

‘Tapos magbabayad ako. Manong dalawang senior citizen :)

Nakita ko nanaman ang mala anghel na ngiti ni Bea. Sa bawat araw na kasama ko sya parang walang problema na pumapasok sa isipan ko.

Bea POV

Ang swerte ko talaga, dahil nakilala ko ang isang tulad ni John. Palagi nya akong pinapangiti.

‘Uhm John, may gusto sana akong itanong sayo eh.

‘Sure!’

‘John will you stop loving me?’

Nagulat ako sa sinabi ko kay John. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nya sa tanong ko.

‘Yes! I will’

Mas lalo akong nagulat sa sinagot ni John sa akin. Bakit ko naman kasi naitanong yun. Tinanong ko ulit si John.

‘When?’

‘I’ll stop loving you the when a mute woman tells a deaf man that the blind girl saw a paralyzed boy walking on water. Or if the the time that mango grows in an apple tree on the 30th day of february. In short impossible no one can stop me from loving you Bea’

Medyo teary eyed ako sa sinabi ni John sakin pero kilig pepe ako dahil sa sinabi nya. Talagang mahal nya ako. Bigla ko syang niyakap at hinalikan.

John POV

‘Bea i will be your friend, bestfriend, boyfriend, mentor, teacher and your future husband. I know I love you from the first time I saw your angelic face.’

Medyo naluha ako sa mga sinabi ko pero yun talaga ang gusto kong sabihin kay Bea. Gusto ko syang protektahan, alagaan, paligayahin at mahalin.

Lumipas ang mga taon at sila’y nagpakasal na. 

-Wakas-

Hehe! Tinapos ko na! Salamat sa mga nagcomment sa gawa ko.
Pasensya na at di kalibog libog tong storya ko. :)