LRT 3

Author Name: FanBoy1.3 | Source: pinoyliterotica.com

JOHN POV

Konting kwentuhan, konting getting to know each other, dumating na ang train na sasakyan namin. Hinawakan ko ang kamay nya, mahigpit. Natakot ako nung una, baka kasi bitawan nya. Pero laking gulat ko ng hawakan nya rin ito ng mahigpit. Nag-padala kami sa agos ng tao. Pero ng makapasok na kami sa loob ng train, hinila ko sya at idinikit sa pader habang nakatayo ako sa harap nya na parang isang panangga. 

‘Okay ka lang dyan?’

Tanong ko. Siksik na siksik kami pero at least, pader ng katabi nya at ako ang kaharap. Hindi sya nag-salita. Ngumiti na lang at tumango. 

Nakakainis yung nasa likod ko. Balak ata akong siksikin. Nasisik-sik rin tuloy si Bea. Sa di sinasadyang pagkakataon sya napahawak sa bewang ko at nagdikit ang aming katawan. Ang bango nya at ang lambot ng kanyang dibdib. Unti unting nanigas ang aking kaibigan at alam kong nararamdaman din nya ang aking galit na kaibigan dahil nabubunggo ng kanyang mga hita. 

‘Uhm Bea, okay ka lang dyan? Sorry ha, medyo nasisiksik ka masyado. Dami talaga sumasakay pag ganitong oras.

BEA’S POV

Napaka gentleman nya. Biruin nyo, pinoprotektahan nya talaga ako. Masyado na syang sinisiksik ng mga tao sa paligid nya. Kawawa naman.

‘Ikaw, okay ka lang ba dyan?’

Tanong ko. Ngumiti sya na labas ang ngipin at nag-ok sign sa akin. Napatawa ako. Ang cute nya. Ang cute cute nya.

BEA’S POV

Simula ng araw na nagka-kilala kami ni John, lagi na kaming magkasama. Araw-araw nya akong hinihintay sa LRT station at sabay kaming sumasakay. Sabay kaming nag-papa-agos. Minsan nya na rin akong tinuruang sumakay sa jeep, pero mas gusto ko ang LRT. Kasi kasama ko sya eh.

‘BEA!’

Hinanap ko ang nag-mamay-ari ng mala-sunshine na boses na tumawag sa pangalan ko. Bagaman madaming tao, hindi ako natagalang mahanap sya. Ngumiti ako at kumaway. Papalapit na sya, nakikipag-siksikan sa mga tao para lang marating ako.

‘Good morning, John!’

Bati ko nang marating na nya ako. Tumabi sya sakin at hinawakan ang kamay ko. Nasanay kami sa ganito. Hindi man mag-on, laging naka holding hands.

‘Buti umabot ako! Nalate ako ng gising!’

Kamot nito sa ulo. 

‘Lagi naman eh!’

Biro ko. Naging bisyo na rin namin ang mag-kulitan. Sya ang bestfriend ko, ako ang bestfriend nya. Kailan ko lang nalaman, nahuhulog na pala ako sa kanya.

JOHN’S POV

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula ng magka-kilala kami ni Bea sa LRT. Walang araw na dumaan na hindi kami nag-sabay sa pag-sakay ng train. Takot ko lang na agusin sya kung saan ng rumaragasang mga tao. Tinuruan ko rin syang sumakay ng jeep, para kung sakali. Pero syempre, wala akong balak pag-commut-in syang mag-isa.

Sa tuwing sasakay kami sa siksikang train, lagi ko syang isinasandal sa pader at tatayo ako sa harap nya. Ayokong may ibang tao ang nakaka-hawak sa kanya. Baka kung ano pang gawin nila sa anghel ko.

Sa ilang buwang pag-sasama namin, may napuna ako. Nahuhulog na ang loob ko sa kanyaa. Mahal ko na pala sya.  

JOHN’S POV

Sa hinaba-haba ng pakikipag-talo ko sa isipan ko, napag-desisyunan ko na aminin na kay Bea ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Nakakatakot. Nakakapang hina ng katawan. Pero hindi ko na kayang itago pa. Kailangan ko nang sabihin, kailangan na nyang malaman. Inimbitahan ko syang mag-dinner. Pumayag naman sya, at ngayon, hinihintay ko syang bumaba mula sa kwarto nya.