LML: Player’s Notebook

Author Name: Lil`miss`Lust | Source: pinoyliterotica.com

Alas dos ng hapon at tirik na tirik ang araw. Naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep dahil tinamad akong magmotor sa takot na umitim dahil sa sobrang init ng araw.

Wala na ako sa wisyo dahil sa katatapos ko lang 9 hours sa opisina at wala pa akong tulog kaya naman parang mala-MTV ang bagal ng lakad ko. Papunta akong mall at makikipagkita sa isang kaibigan para tumingin ng damit para sa kasal.

“Syet… magpapasakal na ako.. este… magpapakasal na pala ako..” sabi ko sa sarili ko. Halong takot at excitement ang nasa isip ko habang iniisp ko ang kasalan.

magkatinginan kami ng isang mamang nakasakay sa isang motor na sumunod ng tingin sa akin. Hindi ko na sya pinansin at pinagpatuloy lang ako sa paglalakad.

“Miss!!! Dude!!!!!” sigaw nung lalake nang makalampas na ako sa kanya. Hindi ko sya nilingon o pinansin at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad. Bigla nalang sumulpot sa tabihan ko yung mama na nakasakay parin sa honda wave nyang hopper at tumutsut sakin.

“Oi! Dude! ano ka ba hindi ka namamansin!” patuloy nyang pagtawag sakin habang patuloy parin akong naglalakad. Tinignan ko sya at hindi ko parin sya mamukhaan..

“Hah?!” yun nalang ang sinabi ko sa kanya habang patuloy lang ang paglakad ko.

“Ano ka ba?! Ako ito… Ryan..” At tinanggal nya ang kanyang helmet. Para akong hinubaran at binuhusan ng malamig na tubig nang makilala ko ang lalakeng ito.

Nagpunta ako sa pinakamalapit na lilim at doon na ako tumigil. Ipinarda nya ang kanyang motor sa tabi at tsaka sya bumaba.

“Kamusta na baket ka nandito?” tanong nya sakin.

“Ikaw? anong ginagawa mo dito?” hindi ko sinagot ang tanong at baka malaman pa nya na taga-doon lang ako.

“Dito na ako nakatira. Ano na number mo? nawala ko kasi cellphone ko.. ay teka may ballpen ka ba at papel? isulat mo nalang hindi ko dala cellphone ko”

“Anong akala mo sakin estudyante? baket ako magdadala ng ballpen? akin na number mo” sabi ko sa kanya habang nilalabas ang cellphone ko.

“Wala hindi ko kabisado number ko. Isulat mo nalang please.”

Kumuha ako ng isang resibo ng atm at hiniram ang kanyang susi at doon ko isinulat ang cellphone number ko at iniabot sa kanya.

“Galing ah.. text kita labas tayo minsan.. baket ka nga pala nandito?”

“Taga dito lang ako… ” sagot ko ng may pagaalangan. Mabilis ang kalat ng tsismis sa lugar namin at medyo nakakailang magkaroon ng isang dating fubu na malapit lang sa village nyo… worst… halos kapitbahay mo lang.

“Si Ryan…” naisip ko habang tulala akong nakasakay sa jeep.

Isa sya sa mga tao na hindi ko na inaasahan pang makita. Matagal na matagal na kaming walang communication at ang huling balita ko ay tinago sya ng asawa nya sa malayong probinsya.

Naalala ko bigla yung listahan ng top-ten fubus ko at sya yung nasa #1… inisip ko tuloy kung bakit napunta sa #1 ang isang ito….

Masasabing isa sya sa pinaka notorius playboy sa campus noon. Ka-schoolmate ko sya noong college at kabarkada sya ng kabarkada ko.. minsan ko lang sya nakatambay at halos hindi ko sya pinapansin noon.

Minsan na nagtra-trabaho na ako ay nagkataon na nag aaply sa sa opisina.. hinintay nya ang 6 hours hanggang sa uwian ko at noon kami unang nagsex sa dating bahay nila…at nasundan sa talahiban sa tabi bahay nila… sa bus… sa cr… sa… hmmm… Oo nga pala mahilig ang isang ito sa mga kakaibang mga lugar, pwesto at posisyon.

Napangiti nalang ako sa sarili ko, kung kelan mo balak magtino ay sya talagang lapit ng tukso…