I was reading Mad Pencil’s “Unsung Serenade” late last night, and it reminds me so much of the person I used to be with before… sabi ko nga sa kanya… someone I used to value…
Hmmm…. 5 years ago…5 years na pala ang nakakalipas…5 years na din pala kaming walang communication… nasan na nga ba sya… kumusta na kaya sya… at…. 5 years na… may asawa na ko… at mahal ko pa din sya…
………………
Parang kailan lang… I can still feel your soft embrace… I can still remember the happy moments we shared together… we were both young that time, we were just starting our career … wala tayong pera pareho… and yet… I know we were both happy…
I still keep the paintings and the poems you gave me. All of them are still treasured. Sabi ng bestfriend ko, why am I still keeping it. Pero para sakin, yun lang ang ikaw sa buhay ko. Yun lang ang meron ako sa buhay mo… pakakawalan ko ba… parang hindi ko pa kaya… itatago ko to… alam ko mang wala ka na… eto lang ung bagay na may control ako… eto lang ung pwede kong piliing itago…
Siguro, sinusulat ko to para magpasalamat… maikli man ang panahong pinagsamahan natin… yun ang mga panahong alam kong may nagpapahalaga sa kin… yun ang mga panahong hindi ko kailangang pumunta kung saan saan para maging masaya… yun ang mga panahong yakap mo lang… dampi lang ng labi mo sa labi ko… sapat na para maging kuntento.
Marahil, hindi ko na yun ulit mararanasan…alam kong nagtataksil ako sa asawa ko habang patuloy kitang minamahal… pero hindi nga siguro pwedeng turuan ang puso… hindi nga siguro pwedeng pilitin… At nagsisisi man ako sa aking desisyon… huli na rin para magsisi… Tama na sigurong nasa pitak ka ng puso ko… Tama na yung minamahal pa din kita…