Hello! Andito ulit ako, gumana ulit utak ko sa pagsusulat. Sana magustuhan nyo ang aking munting nobela.
Disclaimer : This is a non-sexual story.
“Bakit?”
“Ano ba ang nagawa kong kasalan”
“Bakit mo ako iiwan?”
“Sinabi mo sa akin na sabay nating bubuuin ang mga pangarap natin?”
Ako si Bryan. Yan ang mga salitang binitiwan ko sa aking kasintahan. Hindi ko lubos maisip na mangyayari ito sa araw ng aming anibersaryo bilang magkasintahan. Wala akong nagawa kundi respetuhin ang desisyon ng kanyang kasintahan na makipaghiwalay.
Naging malungkot ang unang isang linggo ng aking buhay simula nung nawala ang babaeng aking minahal ng tatlong taon, pero ganun daw talaga ang buhay. May mga tao na aalis sa buhay mo at may dadating na mas mamahalin mo.
Napagpasyahan ko na magliwaliw muna sa isang maingay na bar. Uminom ako ng uminom ng biglang akong may napansin na nagiisang babae di kalayuan sa kinauupuan nya. Nakita ko na malungkot ang mukha ng babae, nagdadalawang isip ako na lapitan sya at kausapin man lang.
Ako si Lizzy. Lahat nalang ng aking lalaking minahal ay niloko at iniwan ako. Wala na siguro akong makikitang matino at tunay na lalaki sa mundong ito. Siguro dahil narin sa akin kaya nila ako iniiwan, masyado akong naging mabait. Ngayon kinumumuhian ko na ang mga kalalakihan.
Kanina pa tingin ng tingin sa akin itong lalaki malapit sa aking kinauupuan. Parang kakainin ako ng kanyang mga mata sa sobrang titig nya sa akin. May dumi siguro sa aking mukha, o di kaya nabasa na ng luha ang aking make up? Ahhh. Ayaw ko sa mga manlolokong lalaki.
“Bahala na!” sabi ni Bryan sa kanyang sarili. Nilapitan ni Bryan si Lizzy sa kanyang kinauupuan.
“Ang ganda ng gabi no.” hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun.
“Huh? Walang maganda sa gabing ito. Niloko at iniwan ako ng lalaking aking minahal at ikaw kung may balak ka na lokohin din ako wala akong panahon sayo.” Yan ang mga sagot nya, may mali ba sa sinabi ko na maganda ang gabi?
Bigla na lang siyang tumayo at kumuha ng pera at ibinigay sa akin. Bayaran ko daw yung kanyang nainom at sa akin na ang sukli. Umalis sya at ako’y napailing nalang. Maganda sya kaso may pagka masungit nga lang. Di ko man lang natanong ang pangalan nya.
“Wala akong panahon na makipag usap sa kanino mang lalaki.” masama na kung masama. Ayaw ko lang ulit maulit ang mga pangyayari sa buhay ko. Hinding-hindi na ako magtitiwala sa mga lalaki. Yan ang mga nasa isip ni Lizzy habang sya ay pauwi.
Sa dl sinasadyang pagkakataon ay nagkita muli sila sa isang mall.
Itutuloy.. (sana magustuhan nyo)