“Kringgggggggggg,ringggggggggg”, napakislot si Lei dahil sa tunog ng telepono,
“Istorbo naman to”, bigla tuloy nawala sa isip ang pagnanasang nararamdaman kasabay na pagkuha ng telepono sa cradle nito.
“Hello nini, di ako makakauwi ngayon, may lakad kami ng friends ko”, narinig niyang sabi sa kabilang linya, younger brother nya pala.
“Wag mo na din akong isasabay sa pagluto, ok ka lang ba jan? wala bang problema?….sunod sunod na tanong ng kapatid sa kabilang linya.
“Am ok, don’t mind me, go on enjoy na lang kayo ok.”…
Pagkatapos ng usapang iyon tumayo si Lei at tiningnan ang kaldero kung may kanin, naalala niya di nga pala sila kumain kaninang umaga kaya walang kanin.
Pagod man at tinatamad nagdesisyon siyang bumili na lang ng pagkain sa labas.
Lumabas siya ng unit at binaybay ang pasilyo papunta sa elevator, bigla itong tumigil sa kalagitnaan ng pasilyo at napangiti na parang may naiisip na kapilyahan. sabay balik sa unit at kumuha ng papel at pentel pen.
TO THE MAN WITH GREEN EYES, BLOND HAIR, MEET ME UP THERE IN HEAVEN……….SEE YOU THERE TONIGHT.
P.S.
I’ll be waiting
Natatawa man pero pinagpatuloy niya pa din ang ginagawa.Kumuha ng scotch tape sa drawer at masayang lumabas uli..
“Sana wala akong makasabay sa elevator” bulong sa sarili.
Tahimik na binaybay niy a uli ang pasilyo tahimik ito as always dahil wala naman palagi namang nakasara ang mga katabing unit niya.Tumigil at bumukas ang pinto ng elevator at sumuwang ang malapad na ngiti sa kanyang labi.
“Yes! mag-isa ako,”
Sabay dikit ng papel sa isang salamin sa elevator at parang walang pakialam na tumalikod sa ginawa. Pinindot nag 22nd Floor. Halos mag-isa siya sa elevator hanggang bumukas ang pinto at laking pasalamat na walang nakakita sa kanya.Lumabas siya ng pinto at pumasok sa fire exit at nilakad pababa ang sumunod na floor ng building na yun.
Pagdating ng 21st floor naghintay sumakay uli sa isa pang service elevator dun at pinindot ang Upper ground floor. Kampanteng ngingiti ngiti dahil iniisip ang kalokohang ginawa.
Lumabas siya ng building at lumingon muna sa kanan at kaliwa na parang iniisip kung san pupunta, lumiko siya sa kaliwa papunta sa malapit na supermart na walking distance lang mula sa building nila. Pagpasok sa supermart parang may hinahanap na lumilinga si Lei, pagkatapos ay sumakay sa escalator papunta sa second floor at tumungo sa isang French bakery at bumili ng paboritong tinapay.Dahil sa sigurado na sa bibilhin di siya natagalan sa pinuntahan at masayang bumalik sa condominium building nila. Pagpasok niya sa building muntik na siyang matapilok dahil nakasalubong niya uli ang amerikanong nakasabay kanina. Biglang nag init ang pisngi ni Lei, parang muli may rumagasang pagnanasa na bumuhos sa kanyang pagkatao, parang may kumislot sa kanyang pagkababae,
“goodness nakikilala siguro ng slave ang kanyang would be master”….bulong sa sarili
Pagpasok niya sa elevator muntik na siyang nabilaukan ng kanyang laway.
“Patay, mali ang nasulat ko dito ahh, marami nga palang green eyed at blond hair sa building na to”…paano na?….
Parang binagsakan ng malamig na tubig si Lei….
Makatagpo niya kaya ang taong kanyang gustong makasama sa gabing yun?