High School Friends ( Part 24 )
(Author’s Note: Pasensya na po sa late na pagpo post, Nasprain po kasi yung isang paa ko, Then nasira pa ung laptop ko.. Hope you understand.. Thank You!! ^_^)
“Pa,Ma,’Te… Si Brian boyfriend ko” Nagtaas ng kilay bago ngumiti si Jessa. Ang mga magulang naman ni Joan ay parehong napangiti sa sinabi ng dalaga. “Anak, kumain ka muna at gigisahin namin sa tanong yang boyfriend mo” Sambit ng ina ni Joan. Agad na tumalima si Joan ngunit di binitawan ni Brian ang kamay nia.. “Wag mo akong iwan dito” Mahinang sambit nia sa dalaga.. Natawa si Jessa at Joan sa sinabi ng binata at sabay silang nagtungo sa kusina matapos sabihan si Brian ng “Bahala ka sa buhay mo, Lagot ka sa kanila”
“Bata halika dito..” Pag anyaya ng ama ni Joan.
Continuation:
“Diba ikaw yung lalaking tumulong kay Joan na gumawa nung assignment nung mga.. 2 buwan na yata ang nakakaraan” Pag alala ng ama ni Joan. Um-oo naman si Brian at nasundan agad ang tanong ng ama ng dalaga. “Ang pakilala mo saken nun, Kaklase ka lang nya. Nagsinungaling kaba saken nun?”
“Hi-Hindi po sir, Bale ga-ganito po yun..” Sisimulan na sna nia ang pagpapaliwanag nang sumabat naman ang ina ni Joan. “Bakit naman gumagaralgal yang boses mo? May nakabara ba jan sa lalamunan mo?” Umubo si Brian para maalis ang sinasabing bara sa lalamunan nya. “Kaklase po talaga nia ako nung high school pa..” Panimula nia. Inaasahan niang sasabat muli ang isa sa mga mag asawa. Di alam ni Brian at mga magulang ni Joan na nakamasid lamang si Jessa malapit sa hagdan habang si Joan naman ay nasa kwarto na nito.
“Matagal ko na pong gusto yung anak nio, Ngayon lang po ako nagkaroon ng pagkakataon na manligaw sa kanya”
“Papa sinungaling ang lalaking yan!” Pang aagaw-eksena ni Joan. Napatingin sa kanya ang tatlo. “Ano na namang pinagsasabi mo jan ha?!” Tanong ng nanay nia.
“Kasi Ma, matagal na ring gusto ni Joan yan, torpe lang sya kaya nung nagsabi si Brian na gusto rin nia si Joan eh sila na agad. Kaya walang ligawang nangyari”
“Yun lang pala sasabihin mo” Bulong ng ama nito. “Bata” Pagtawag nia muli kay Brian. “Brian po” Sagot naman ng binata.
“Alam mo bang pangalawa ka pa lang na lalaking pinakikilala nia samen?” Umiling si Brian, ALam niang maraming naging boyfriend si Joan at tuwang tuwa sya na pangalawa palang sya sa ipinakilala nito sa magulang nia. “Pero” Pagtawag naman ng nanay nia.
“Yung unang lalakeng pinakilala nia, iniyakan nia ng ilang araw nung maghiwalay sila. Hangga’t maaari ayaw kong maulit yun, naiintindihan mo ba?” Kilala na ni Brian kung sino ang lalakeng tinutukoy nito. “Nag sex na kayo ng anak ko?” Diretsahang tanong ng ina ni Joan. Agad na namutla ang mukha ng binata
*Anak ng tokwang tanong yan!* Sa isip isip nia.
“Hoy tinatanong ka..” Pangungulit naman ng ama ng nobya. “P-po? O-Opo”
“Nagco condom kaba?” Sunod na tanong ng ina ni Joan. Tumango naman si Brian.
*May pinagmanahan nga ang babaeng ‘to* Muling naisaisip nia.
Sinabi ng mga magulang ni Joan na tapos na ang unang bahagi ng ‘interview’ portion nila at ipagpapatuloy na lang ito sa ibang pagkakataon kasabay ng pagsasabi dito na kumain na muna. Matapos kumain ay nagpaalam si Brian sa mga magulang na papasok sya sa kwarto ng dalaga. “Siguraduhin mo lang na usap lang gagawin nio ha” Um-oo si Brian at nagtuloy na ito sa kwarto ng nobya. “ahh Joan” Pagkatok nia. *Bukas yan* Sagot mula sa loob ng kwarto. Binuksan na ni Brian ang pinto at nakita niang magkatabi ang mag-ate.
“Sis kung nakita mo lang yung mukha niang boyfriend mo habang kinikilatis nila papa, Pang Scare tactics haha” Pambubuyo ni Jessa sa binata.
“uuhhhm ate” Mahinang sambit ni Brian. “Aba aba! Magalang ang bata! Baket aber?”
“Pwde ko bang masolo yung kasintahan ko?”
“Haha, makata! Kasintahan ka pang nalalaman jan! Kung magkakantutan kayo pasali ako” Suggestion naman ni Jessa.
“Hindi pwede.. Tsaka next time nalang kame magse sex” Sagot ni Brian, Kunwari’y padabog na lumabas ng kwarto si Jessa, Tinabihan na ni Brian ang nobya at hinalikan sa labi. Matapos ang maramis na halikan ay nagtanong si Brian, “Sabe ng parents mo.. Pangalawa palang ako sa ipinakilala mo sa kanila.”
“Yup, tama sila.. Si Vince yung una”
“Bakit? Ang alam ko sandamakmak ang ex mo”
“Gusto mong maging ex ko?”
“Syempre hindi”
“Pinapakilala ko lang kina mama yung lalakeng tingin ko deserving ako” Sagot muli ni Joan, Pero nag iba ang ekspresyon ng mukha nito matapos magsalita. Inakbayan sya ni Brian, Hinimas himas ang balikat habang nagtatanong.. Maya maya pa’y nagsalita muli si Joan. “Hindi pala deserving yung una kong pinakilala sa kanila.”
“Hayaan mo na yun, Tanga yun eh” Panghihikayat ng binata. “Bray, Mahal mo ba ako?”
“Paulit ulit?”
“Sige na sabihin mo na kasi”
“Oo Miss Joan, Mahal kita.. Kahit sa harap pa ng magulang mo sinabi ko na at sasabihin ko ulit yan” Napangiti nia ang dalaga pero pinisil naman nito ang ilong nia.. “Naku bola! Kiss mo nga ako”
“Pwede?” Tanong ni BRian. “Hala! Takot ka ba?”
“Syempre gusto ko magpapaalam ako bago ko lamutakin yang labi mo hehe”
“Sige Brian, lamutakin mong labi ko hangga’t gusto mo” Yun lang at agad sinunod ni Brian ang kagustuhan ni Joan, Halos 5 minutong walang tigil sa laplapan ang dalawa. Parehong naglalaban ang mga dila, ayaw magpatalo sa isa’t isa. Isang bagay ang napansin ni Joan, Hindi kumikilos ang kamay ni Brian habang patuloy silang naghahalikan. Bagay na itinanong nia sa binata. “Diba sabi ko magpapaalam ako sa mga gusto kong gawin sa’yo”
“Lam mo manyak, naninibago ako sayo”
“Syota mo ako tapos manyak ang tawag mo saken”
“Ano ba gusto mo?”
“Kahit ano, di na mahalaga yun!” Inihiga na ng binata si Joan nang muli nia itong siilin ng halik.Di nagpumilit ang binata na mag sex sila kagaya ng sinabi nito sa kapatid niang si Jessa. Matapos ang kaunti pang pag uusap ay nagpaalam nang uuwi si Brian.. “Ah.. Bray” Pahabol ni Jessa. “May inuman kame, dadating si Hanna.. Sama kayo ni Joan ha”
“Si Joan ang tanungin mo ate, Sya magdedesisyon nian”
:::::::::::::::0o0o0:::::::::::::::::::::::
Kinabukasan, kasama si Meng ay nagtungo ang dalawang binata sa school nila Joan para sunduin ang dalaga, Pagkalapit ni Joan ay agad na tinangka ni Brian na kunin ang bag nito. Tumanggi si Joan.
“Ayoko, Nakapasok ako na dala ko bag ko.. Hindi naman mabigat eh” Nagpatuloy na ang tatlo sa pamamasyal. Nang mapagod ay inihatid na ni Brian ang nobya pauwi habang humiwalay naman ng daan si Meng. Pagdating nila sa bahay ay naabutan nila ang katrabaho ni Jessa, Sina Eliza at ang babaeng naka enkwentro na ng binata, Si Hanna.
“Hi Bray, Na-miss kita” bungad ni Hanna. Ang hawak ni Joan sa braso ni Brian ay lalong humigpit nang makita pa nitong kumindat si Hanna sa kanya.
“Joan, pwedeng mag usap muna kame ni Brian? We hava a lot of catching up to do” Paalam ni Hanna
“Sorry ate Hanna, Private property ko na po si Brian” Sagot ni Joan
“Ow! So samahan nio nalang kame uminom” Paanyaya nito. Naupo na si Brian sa pwesto ng mga nag iinuman, habang si Joan ay nagtungo sa kwarto para magpalit. Pagbalik nia mula sa kwarto ay nakita niang magkatabi ang nobyo nia at si Hanna. Agad syang lumapit at pinilit maupo sa gitna ng dalawa.
“Si Joan talaga, Madamot!” Pang aasar ni Jessa. “Pinagbigyan ko sya last time kasi ‘bestfriend’ ko pa lang sya, Ngayon boyfriend ko na so bawal na”
“Okay” Kibit balikat na sagot ni Hanna.Nagpatuloy sila sa inuman ng magtanong si Eliza. “Joan, I don’t think you’ll take this question as an offensive one, Ilang beses na kayong nag sex?” Bago pa man sumagot si Joan ay sumabat na si Hanna, “Patama ba saken yan Eliza?”
“Ikaw na ang nagsabe nian Hanna” Sagot naman ni Jessa. “Ah.. mga 10 times siguro” Ang sagot ni Joan. “So natry nio na ang orgy?” Nabigla si Hanna nang tumango si Joan. “Talaga?! So why don’t we try it again?”
“Si Hanna, di talaga mapigilan ang kati!” Sabat muli ni Eliza. “Sumali ka kung inggit ka”
“Pag isipan ko ate, Pero gusto ko kame muna ni Brian eh” At tumayo na si Joan hawak ang kamay ng binata. Tutungo na sila ng kwarto ng sumigaw muli si Hanna, “Would you mind if i watch” Nakita ng tatlong dalaga ang nakangiting pag iling ni Joan.
“Sorry ate! Madamot ako eh”
PAgpasok sa kwarto ay agad isinandal ni Brian ang nobya sa pader, Saka nia ito ginawaran ng halik hindi sa labi kundi sa noo. “Para akong lola Bray! Bakit sa noo ka humalik?” Inis na tanong ni Joan.
“Tanga! Nabasa ko sa internet na yung kiss sa noo means na mahal mo yung isang tao”
“Ganon?” Tila batang paslit ang tono ng pananalita ni Joan ngayon. “Eh bakit tinawag mo pa akong tanga?”
“Sorry.. Pero para saken, pag sa lips kita hinalikan pareho din yun”
“Ba’t di mo gawin?” Hamon ni Joan. Ginawa nga ni Brian ang kagustuhan ng dalaga. Naglilingkisan ang mga dila nila nang marinig nila ang boses ng ina ni Joan mula sa labas.
“Bakit ma?” Sigaw ni Joan matapos bumitaw sa halik ng nobyo.
“May kailangan lang akong iutos sa’yo” Inis si Joan na lumabas
“Uhmm Brian” Pagtawag ng ina ni Joan sa binata na naka upo sa kama.
“Po??”
“Anong ginagawa nio ni Joan bago ako dumating?”
*Takte naman oh! Badtrip nga na napurnada ung lambingan namin, uungkatin pa!* Naisaisip ng binata. Matagal na parang tulala ang binata kaya’t muling nagsalita ang ina ng dalaga.
“Tagal mo naman sumagot!”
“Po? Ano po, Magkatabi kame ni Joan na nag uusap?”
“Magkatabi lang?” Nakaangat ang isang kilay ng nanay, katulad nung isang wrestler “Opo, tsaka konting kiss” Nahihiyang sagot ng binata. ”So kung di ako dumating edi nagsex na kayo?”
“Di ko po alam”
“Anong di alam? Tanga ka?”
“Eh sa hindi ko po kabisado takbo ng utak ng anak nio eh” Napangisi ang ina ni Joan sa tinuran ng binata. “Sabagay may point ka.. Umiinom ka ng alak?” Nang sumagot si Brian ng oo ay hinawakan ng nanay ng kasintahan nia ang kanyang kamay at isinama sa baba kung saan patuloy pa rin ang inuman nila Jessa at mga katrabaho nito. Sumama na rin ang ina ni Joan sa pag-inom. Nakalimang shot na sila nang bumalik si Joan mula sa pamimili, Nadatnan niang nakayakap sa nobyo nia si Hanna.. Si Brian nama’y halata ang pagka-asiwa sa yakap ng babae at pinipilit na kumalas mula sa pagkakayakap ng medyo lasing nang babae. Agad na nagtungo si Joan sa kusina at inilapag duon ang mga pinamili saka bumalik sa sala at naupo sa tabi ni Brian. “Niyaya ako ng mama mo na sumama sa inuman.” Bulong agad ni Brian sa nobya.
“Ganon? Kumalas ka nga sa yakap nian.. Naiinis na ko kay mama” Pagtayo ni Joan ay agad syang umakyat ng kwarto. Si Brian nama’y lumipat sa tabi ng nanay ni Joan at bubulong sana ngunit bago pa sya makapag salita ay naunahan na sya nito.. “Sige na umakyat ka na, Di na ako mang iistorbo sa inyo” Matapos nito’y tumungo na si Brian sa kwarto ng nobya.
______________^_______________
Pagpasok nia’y nakahiga lang si Joan sa kama, Agad nia itong tinabihan at humarap naman sa kanya ang dalaga. Hinawakan nia ito sa magkabilang pisngi.. “Kiss mo ko?” tanong ng dalaga. Nkangiting sumang ayon si Brian at nang ilalapit na nia ang mukha nia rito ay pinigilan sya ng dalaga.
“Pag sa noo ka uli humalik makikipag break ako sa’yo hmp!” Napangiti ang binata sa pagkainis ni Joan, Agad niang inilapat ang labi nia sa noo’y magsasalita pa sanang si Joan. Maalab ang naging halikan nila, Panay ang paling ng mga ulo sa iba’t ibang direksyon, Ilang saglit pa’y kumalas si Joan..
“Ang baho ng bibig mo, amoy alak!”
“Pinilit kasi ako ni tita tsaka ni Ate Jessa eh!”
“Tita? Sinong tita?”
“Ay tanga! Syempre yung mama mo!” sinabunutan ni Joan si Brian dahil sa sinabi nito. “Bakit tita tawag mo dun? Kapatid ba sya ng parents mo?” Tanong ni Joan, Umiling si Brian.
“Ikaw pala tanga eh.. Dapat mama tawag mo dun!”
“Talaga?! Magiging dalawa na mama ko?”
“Opo, magiging dalawa na nanay mo” Akmang hahalik pmuli si Brian ngunit pinigilan na sya ni Joan, Hinubad ng dalaga ang T-shirt nia sabay bulong kay Brian,
“Safe ako ngayon, Dito ka na matulog..”
Itutuloy..
My Facebook Account: [email protected]
My 3rd Story: