High School Friends ( Part 23 )

Author Name: Yang KoloT | Source: pinoyliterotica.com

High School Friends ( Part 23 )

Pagdating sa bahay ay naabutan nila ang tatay ng binata na nanonood ng TV. Nagmano pa ang dalaga bago sila tumuloy ni Brian sa kwarto. Nahiga agad si Cristine sa kama. Habang lumabas si Brian para uminom ng tubig, pagbalik nia sa kwarto ay nahiga sya katabi ng dating nobya, “Bray, Remember nung nagkakilala tayo sa Baguio” Sambit ni Cristine na nakatingin lang sa kisame. Hindi nagsalita si Brian, Alam niang pareho silang masasaktan kapag
sinariwa pa nila ang mga nangyari sa relasyon nila. “I still love you, Promise pagbalik ko dito, ikaw agad ang hahanapin ko” pahabol na sambit ng naluluhanang dalaga. Napalunok lang ng laway si Brian, Ayaw tumingin sa humihikbing dalaga.

Naramdaman niang yumakap si Cristine mula sa likod nia. “Tin” Mahinang sambit ni Brian, Alam niang nakikinig ang dalaga sa susunod niang sasabihin kaya’t humarap sya dito.
Hinaplos nia ang pisngi nito.

“Hihintayin ko pagbalik mo, Pag di ka bumalik dito sa susunod na pasukan, Ako ang pupunta ng Baguio”

Continuation:

Naluluhang yumakap ang dalaga kay Brian, Sa ganitong ayos sila natulog. Naunang magising si Cristine kinabukasan, Umuwi sya sa boarding house at kay Ben at sa tatay lang ni Brian sya nagpaalam. Nang magising si Brian at nalaman na wala na ang dalaga sa bahay ay agad nia itong tinawagan ngunit di ito sinasagot ng dalaga. Nakailang text din sya ngunit isang reply lamang ang natanggap nia mula kay Cristine.

Makikipag bonding lang ako sa mga classmates ko, Wag ka aabsent sa school” Wala nang nagawa si Brian kundi respetuhin ang kagustuhan ng dalaga. Maagang natapos ang klase at nagkita sila ni Meng nung uwian, Nagkayayaan silang mamasyal sa mall.

Meng: Uuwi daw ng Baguio si Cristine

“Oo, Pag di sya bumalik dito, pupunta ako ng Baguio.”

“Tikas mo ah!” Sagot ni Meng.

“Kasama kita pupunta dun, wala kaya akong matutuluyan”

“Ewan ko sa’yo! Teka lang pre, Si Nathalie yun diba?” Napatingin si Brian sa babaeng tinuro ni Meng. Tama nga ang kaibigan, Si Nathalie nga ang nakita nilang nakaupo at kumakain. Isa sa matalino noong high school days nila, At isa sa mga babaeng walang sinagot nang tangkain nilang manligaw dito. Wala silang nabalitaan na naging boyfriend nito hanggang sa makatapos sila ng high school. Agad na humakbang si Meng palapit ngunit pinigilan sya ni Brian, “Par naman! Kukumustahin lang natin” Paliwanag ni Meng.

“Par naman! Lahat ng kinumusta mo naging syota mo, Try naman natin na ako ang mangumusta.”

“Gago, Problemado ka na nga kay Joan tsaka Cristine magdadagdag ka pa!” Sagot muli ng kaibigan ni Meng. Lumapit ang dalawa sa babae, “Hi miss, Di ba ikaw si Nathalie?” Bungad ni Meng.

“Yup, Do i know you?”

“Ako si Meng, Di mo ba kame natatandaan? Eto naman si Brian.. High School, Section 7″ Tumitig si Nathalie sa kanila, Pilit na inaalala ang mga mukha ng mga lalake. “Ah! Kayo nga! Kumusta na kayo?” Sambit ng dalaga. “Eto still studying, Kaw?”

“Studying din, but with an inspiration.”

“Boyfriend?” Hula ni Meng. “Nope, A daughter” Masayang sambit ng babae. Gulat ang dalawa sa tinuran ng dalaga. Ngunit agad na nagsalita si Brian.

“So hindi ka lang pala hot girl, Hot mama na rin, hehe”

“Do you see me as a hot mom?” Masayang tumango si Brian, ilang sandali pa’y um-oo na rin si Meng. Napangiti si Nathalie sa sinabi ng dalawa.

“Sinong maswerteng lalake?” Tanong ni Meng, “Maswerte sya, ako malas! Takot sa responsibility.” Paliwanag ng dalaga. Di agad nakaimik ang magkaibigan.

“Cheer up guys! I have a baby now, That is what’s important to me” Dagdag pa nito. Nagpaalam muna si Brian na bibili ng pagkain at iniwan ang kaibigan at si Nathalie. Ayaw ni Brian sa lasa ng hamburger sa fastfood chain na malapit sa kinapupwestuhan ni Nathalie kaya’t nag ikot pa sya para maghanap ng ibang mabibilhan.

“Jen” Sambit nia nang mabigla sya’t nasa harapan na nya ang babae, kasama ang binatang sa tingin nia ay ang boyfriend nito. Iniisip nia kasi ang pagkaing bibilhin kaya’t di nia namalayan na papasalubong na pala sa kanya ang dalaga.

“Hi Brian” Bati ng babae. Tinugon nia ang naging aksyon ng dalaga, Agad syang nakipag kilala sa lalake bago pa ito gawin ni Jen.

“Pare Brian, BOYFRIEND ako ng bestfriend ni Jen.” Pakilala ni Brian nang makipagkamay ito sa binata. “Jonathan pre, Boyfriend ni Jen.”

“San punta mo Bray?”

“Bibili lang ng pagkain, Kasama ko si Meng, Gala mode kame ngayon. Kayo?”

“Manonood kame ng sine pre” SAgot ni Jonathan. Agad napatingin si Brian sa dalaga. Blanko ang nakita niang ekspresyon mula dito. NAgpaalam na syang tutuloy at nagbalik na sa pwesto nila Meng nang makabili ng pagkain.

“Parang nawala ka sa mood Bray?” Bulong ni Meng habang kumakain sila kasama si Nathalie. “Ha? W-Wala, May naisip lang ako bigla” Palusot nia sa kaibigan.

“Brian i have question” Tanong ni Nathalie. “Ano?”

“Do you have a girlfriend?” Agad na sumagot si Meng ng oo.. Hinagis ni Brian ang nilamukos na tissue papunta sa kaibigan. “Par ako ang tinatanong” Sambit ni Brian. Si Meng naman ang tinanong ni Nathalie kung may gf na.

“Madame, Kilala ko lahat” Bawi ni Brian sa kaibigan. “Ulol, wala akong girlfriend” Sagot ni Meng.

“Kilala kita pare, Every month iba ang girlfriend mo.. Hehe”

“Alam ko naman yun Meng, Kaya nga hindi kita sinagot nung nanligaw ka last time..”

“Matino na ako.. Seryoso na ako pagdating sa pag-ibig.” Tugon ni Meng. Nakatitig sa mga mata ni Nathalie, Pinapakitang totoo ang sinasabi nia ngunit umepal na naman si Brian, “Weeh.. Di nga?!”

“Par naman! Maganda na yung momentum ko eh” Bulong sa kanya ni Meng.

“Guys.. Binyag ng baby ko sa Friday. Invited kayo, Konti lang budget ko kaya konti lang ininvite ko eh”

“Swerte naman natin pare!” Sambit ni Brian. Biniro pa sila ni Nathalie na wag pupunta kung di nila dadalhin ang girlfriend nila.

:::::::::::::::0O0O0:::::::::::::::::::::::

“Conflict nga sa schedule mo yan, Sorry par nasabi ko agad kay Joan, Nangulit kasi eh” Sagot ni Meng nang sabihin ni Brian na Friday din nia ihahatid si Cristine sa terminal pauwi. Nasabi ni Meng kay Joan ang tungkol sa invitation ni Nathalie at gusto nitong pumunta. *Girlfriend naman ako ni Brian ah!* ang sabi nito sa text.

Kinagabihan tumawag si Joan kay Brian..

“Paanong plano mo sa Friday?” Tanong ng dalaga.

“Kaw? Sabay na ba tayong pupunta?”

“Sige, sunduin mo ako dito sa bahay.”

“Nga pala…”

“Ano?”Tanong ni Joan. Matagal bago nakasagot si Brian.

“Si Cristine kasi.. Sa Friday ko na sya ihahatid”

“Go ahead, Punta tayo sa binyag, magpakita ka lang kay Nathalie tapos iwan mo na ako..”

“Pero..”

“Ok lang.. Andun naman si Meng tsaka si Mary. Naka-oo kana kay Cristine, Nakakahiya dun sa girl”

“Promise pagkaalis ng bus pupuntahan agad kita sa binyag” Natuwa si Joan sa pangako ni Brian, Sinabi nitong aasahan nia ang pangako nito.

Friday.. Kasama na sina Brian,Joan,Meng at Mary sa simbahan. “Si Mary pa rin ang girlfriend mo?” Tanong ni Nathalie kay Meng. Umiling si Meng at pinagpilitan na wala talaga syang nobya, Bagay na di pinaniwalaan ng ‘hot mama’ pati na rin ni Mary. Bumawi naman agad si Meng sa pagsasabing magkasintahan ni si Brian at Joan. “Sa wakas, nakadiskarte rin sya kay Joan, I remember the times na hiyang-hiya pa sya lumapit.” Sambit ni Nathalie. Matapos sa simbahan ay tumuloy na sila sa bahay nila Nathalie para sa handaan. Matapos kumain ay napansin ni Joan na panay ang tingin ni Brian sa orasan. “Punta ka na” Bulong nia sa binata. Napatingin lang sa mukha nia si Brian, Waring nagtatanong kaya’t tumango sya bago muling magsalita..

“Ok lang ako, wag ka mag-alala.” Dinala sya ni Brian sa isang sulok sa kusina.. Hinawakan sa kamay bago halikan sa labi. Matagal ang naging halikan nila, Malamyos ang naging paghihiwalay ng mga labi. May ngiting namumutawi sa mukha ng bawat isa.

________________^________________

Pagdating sa boarding house ay naabutan nia pang nag aayos ng mga gamit nia si Cristine, Pinayagan sya ng landlady na pumasok sa pakiusap na rin ng dalaga. Tinulungan niang maglagay ng mga damit sa bag ang dating nobya. Matapos magimpake ay nagpaalam na sya sa may ari ng bahay, Habang nasa byahe papuntang terminal ay walang imikan ang dalawa, Pansin lang ni Brian na maluha luha ang dalaga. Tinangka niang pahirin ang umagos na luha nito sa pisngi ngunit tinabig ito ng dalaga. “Brian..” humikbi pa si Cristine bago ituloy ang pagsasalita.
“Yung sinabi mo nung gabing yun.. Tototohanin mo ba?” Agad na sumagot si Brian, Walang pag aalinlangan.- “Oo, gagawin ko talaga yun” Humarap sa kanya si Cristine, Kinuha ni Brian ang panyo nia sa bulsa at pinunasan ang basang pisngi ng dalaga dahil sa luha. Wala na muling nagsalita sa kanila hanggang sa makarating sila sa terminal, Mahigpit lang na magkahawak ang mga kamay nila.

“Believe it or not, I will reminisce all my happy memories with you”

“Bumalik ka dito, Promise me” Sagot ni Brian, Humalik si Cristine sa labi nia. Smack lang sabay tapik sa pisngi nia. “Mag-aral kang mabuti ha..”

“Para kang nanay ko” Sabay na natawa ang dalawa sa sinabi ni Brian. Sinabi ni Cristine na hindi nia maipapangako na makakabalik sya dito kasabay ng muling pag-agos ng luha nia. Umalis na ang bus na sinasakyan ng dalaga.
Parang tulalang naglakad si Brian palayo. Tinitingnan ang litrato nila ni Cristine na ibinigay ng dalaga bago ito umakyat sa bus, May dedication ito sa likod ngunit di rumerehistro sa utak nia ang mga binabasa niang nakasulat dito. Papalubog na ang araw at nasa bahay na ang binata, Nakaupo at matamang nag iisip nang may tumawag at di ito nakarehistro sa phonebook nia  “hello?”

“Anong hello? Sabi mo babalikan mo ko dito” Boses ni Joan, Napa mura agad si Brian sa inis sa sarili. Sinabi nitong mag antay lang ang dalaga at pupunta na agad sya. Hindi na sumagot si Joan at tinapos na ang tawag. Pagdating ni Brian sa bahay nila Nathalie ay wala na ang dalaga duon. Sinubukan nyang tawagan at tanungin ang ate ni Joan na nagkataong nasa bahay pero sinabi ni Jessa na wala ito sa bahay. Ilang sandali pa’y nagtext si Meng. *Pare nandito si Joan sa bahay, Di nia alam na nagtext ako sa’yo.. Punta ka na dito, Nagtatampo sa’yo*

Agad syang nagtungo sa bahay ng kaibigan. Naroroon nga ang dalaga sa kwarto ni Meng, Nakahiga ito habang si Meng naman ay naglalaro ng Playstation. Sinubukan niang tawagin ang pangalan ni Joan, Alam niang gising ito dahil nakita niang nagbasa ito ng text ng tumunog ang cellphone nito. Hindi lumingon si Joan kaya’t tumabi sya dito. Si Meng naman ay pinagmamasdan lang ang dalawa. “Sorry” Bulong ni Brian habang hinihimas ang balikat ng babae. Sinubukan niang iharap ito sa kanya pero nagpumiglas ang dalaga at tinabig ang kamay niang nakahawak sa balikat nito.

“Promise promise ka pang nalalaman dyan!” Inis na sambit ng dalaga. “Andito na ako oh, Sayong sa’yo na” Sagot ni Brian, Narinig nia ang pag *Tsk Tsk* ni Meng, Pagtingin nia dito ay nakangisi ang kaibigan.

“May nalalaman ka pang ganyan” Pambabara ni Joan. Sa wakas ay humarap na ang dalaga kay Brian. “Halika nga dito.” Pagyaya nia sa binata. Inilapit ni Brian ang mukha nia sa mukha ni Joan, Akmang hahalik na sya nang sabunutan sya ng dalaga ng pagkalakas lakas.

“Akala mo ganon-ganon na lang kita pagbibigyan, Maghirap ka naman mister!” Tumayo si Joan, Nag ayos ng sarili sa harap ng salamin at pumunta sa pinto para lumabas, “Bes alis na ako” Paalam nia kay Meng.

“Bestfriend mo si Meng? Ano ba yan!” Paghihimutok ni Brian. “Kaw naman boyfriend nia Bray, Wag ka na magselos”

“At sino nagsabing boyfriend ko sya?” Sambit ni Joan bago lumabas ng kwarto. Nahiga si Brian pagkasara ng pinto. Maya maya pa’y bumukas muli ito, “Kapal talaga ng mukha, pabayaan ba ako?” Agad na tumayo at nagpaalam si Brian kay Meng at sumama sya kay Joan hanggang sa bahay nito. “Sus nahiya pa ang gago tara na” Pag anyaya ni Joan nang magpumilit itong sa susunod nalang sya tutuloy sa bahay ng dalaga. Hinila na ni Joan ang kamay ng binata at napilitan na rin si Brian na pumasok, Naabutan nia ang kapatid ni Joan na si Jessa at ang mga magulang nito na nasa sala at nanonood ng TV.

“Pa,Ma,’Te… Si Brian boyfriend ko” Nagtaas ng kilay bago ngumiti si Jessa. Ang mga magulang naman ni Joan ay parehong napangiti sa sinabi ng dalaga. “Anak, kumain ka muna at gigisahin namin sa tanong yang boyfriend mo” Sambit ng ina ni Joan. Agad na tumalima si Joan ngunit di binitawan ni Brian ang kamay nia.. “Wag mo akong iwan dito” Mahinang sambit nia sa dalaga.. Natawa si Jessa at Joan sa sinabi ng binata at sabay silang nagtungo sa kusina matapos sabihan si Brian ng “Bahala ka sa buhay mo, Lagot ka sa kanila”

“Bata halika dito..” Pag anyaya ng ama ni Joan.

Itutuloy..

FB: [email protected] ^_^ Thanks For Reading!

My 3rd story: