High School Friends ( Part 21 )
“Joan.. Andyan yung bestfriend mo” Pagtawag ni Jessa sa kanya. “Saan?”
“Nasa labas, kung pwede raw ikaw nalang yung lumabas, ayaw nia daw pumasok” Inaasahan ni Joan na ang kaklase niang babae ang pumunta.. Pero si Brian pala ang sinasabi
ni Jessa na bestfriend nito. Nakasakay ito sa isang motor, at may dalang extra helmet.
“Naks! May motor na ang gago ah!” Sambit ni Joan. “Hiram ko lang to kay Meng, Tara pasyal tayo”
Continuation:
“San naman? May lisensya ka na ba?” Tanong ni Joan.
“Ako pa! Saan mo ba gusto?”
“Gusto ko ng rides, Star City tayo”
“Call, Sakay na!”
Nang marating nila ang Star City ay kumain muna ang dalawa.. “Hmm May problema ka na naman noh?” Hinala ni Joan. Tahimik lang si Brian.
“Break na naman kayo ni Cristine? Naku Bray, paulit ulit mo na yang sinasabi sa’ken.” SAmbit muli ito matapos sumubo ng pagkain.
“Di lang yun.. Si Jen” Malamyang sagot ni Brian. “Nabuntis mo? Hala! Panagutan mo yun!” . Sinabi ni Brian na nalaman nyang magkaklase ang nobya nia at si Jen kaya’t umiiwas si Brian na sumama kay Cristine twing may practice ito sa school.
“Kaya pala break uli kayo.”
“Kalimutan na muna natin yun, tara sakay tayong rides.” Pagyaya ni Brian sabay kuha sa kamay ni Joan at nagpunta na sila sa mga rides. Nang mapagod
ay nagpahinga sandali ang ‘magkaibigan’ at nagyaya si Brian na lumabas na. Nagtanong si Joan kung saan naman sila sunod na pupunta. “Gusto mo hotel naman tayo?” Naka ngising sagot ni Brian.
“Manyak ka talaga!” Sabay kurot sa braso ng binata, “Go!” Mahinang sambit pa nito. Si Brian naman ang nabigla sa sinabi ni Joan.
“Parang ikaw naman ang may ayaw ngayon?” Saad ni Joan “Di pa kasi ako nakakapasok ng hotel” Sagot ni Brian. umalingawngaw ang tila pinakamalakas na tawang pinakawalan ni Joan sa buhay nia. Halos 3 minuto bago napakalma ni Joan ang sarili nia. “Gago ka, Nagyayaya ka di ka pa pala nakakapasok dun!”
“At least nag try ako, Ayaw mo nun? Ikaw ang babasag sa kainosentehan ko, Kaw ba nakapunta na dun?” Palusot ni Brian.
“Yup, Nung vinirgin ako ni Vince” Pagtatapat ni Joan. Napatingin sa kalangitan si Brian. “Ano yang reaction mo? Selos?” Tanong muli ng dalaga ngunit di sya sinagot ni Brian kaya’t hinawakan nia ang kamay nito.
“Nagseselos ka ba sa sinabi ko?” Pabulong na sabi nito. Tumingin si Brian sa mukha ni Joan bago marahang tumango. “Sa lahat ng kukuha ng virginity mo, yung gagong yun pa.” Sagot ni Brian na halos di na marinig dahil sa hina ng pagkakasambit.
“Past is past Brian, Eto ‘ko kasama mo, Pagkakataon mo nang ikaw ang magdala saken sa hotel.”
“Di naman yun yung talagang gusto ko, Basta kasama ko yung bestfriend ko and have quality time with you.”
“Bestfriend, huh. Kala ko ba napag usapan na natin ‘to? Magiging komplikado na naman ba tayo ulit?” Hindi na sumagot si Brian sa halip ay iniabot nia ang helmet sa dalaga at pinasakay na ito sa motor. Di alam ni Joan kung saan sya dadalhin ni Brian ngunit napagtanto nia ito nang makitang ang daang tinatahak nila ay papunta sa bahay ng binata. “Akala ko ba dun mo ako gustong dalhin.” Tanong ng dalaga. “Mas mapaparamdam ko dito sa bahay kung ano ka sa buhay ko” Sagot naman ni Brian. Pagpasok ay agad na dinala ni Brian sa kwarto nia si Joan. Nagkataong wala ang magulang nia at pinsang si Ben dahil nagpunta ito sa kalapit na bayan para bisitahin ang isang kamag anak. Pagkasara ng pinto ay isinandal ni Brian ang dalaga sa pader. Inaasahan ni Joan na hahalikan agad sya ni Brian ngunit nakatitig lang ang binata sa mukha nia. “Di ganito yung ginawa mo saken nung una mo ‘kong dinala dito.” sambit nito.
“Libog palang ang nararamdaman ko sa’yo noon. Hindi tulad ngayon” Sagot ng binata habang hinahaplos nito ang buhok ni Joan. “Naku Brian, Ang korni ng mga banat mo.” Tinangkang umalis ni Joan sa pagkakasandal pero napigilan sya ng binata at inilapit na ang mukha nito sa mukha nia. Pagkadampi ng labi nia dito ay agad nia ding hiniwalay upang tingnan ang reaksyon ng dalaga. Nakapikit ito at ninanamnam ang pagkalapat ng mga labi nila. “Miss mo na yung labi ko no?” Napadilat si Joan saka sinabunutan ang binata.. “Kainis ka!” Sambit nito sabay hatak sa batok ni Brian para muling maglapat ang mga labi nila. Tila ngayon lamang nila natikman ang labi ng isa’t isa sa pagka agresibo ng galaw ng mga labi’t dila nila. Habol ang hininga ng dalawa ng maghiwalay ito sa pagkakahinang. “Sapat na bang sagot yan sa tanong mo?” Sabi ni Joan.
“Brian Please, kelangan ko talaga tapusin yung homeworks ko, importante kasi yun eh.” Pagtanggi ni Joan nang simulan nang dilaan ni Brian ang utong nia nang mahubad nito ang suot niang pang itaas. Halata sa mukha ni Brian ang pagkadismaya, halatang palusot lamang ang sinabi ni Joan. Pinilit niang ihatid ito hanggang sa bahay nila at pumayag naman si Joan.
______________________________________________
“Oh, maluha luha ka jan! Nag drama na naman kayo!” Sambit ni Jessa nang masalubong ang kapatid sa hagdan
“Ewan! Bukas ko nalang ikwento sa’yo ate”
:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
“Par problemado ka ah..” Sambit ni Meng nang isoli ni Brian ang motor nito sa kanya.
“Oo par, ok lang ba sa lola mo na tumagay tayo ngayon?”
“Ok lang yun, sanay na sa’yo yan haha. Actually kasama ko sa taas sina Mary tsaka Jun, Nandun sila sa kwarto” Pag yaya ni Meng Napangisi si Brian at umakyat na ang dalawa sa kwarto ni Meng.. Nabungaran nila ang dalawang dating kaklase sa high school na nagtatawanan habang binabasa ang isang text.
“Guys tingnan nio kung sino yung kasama ko” Bigkas ni Meng na kumuha sa atensyon ng dalawa. Napatingin sila kay Brian.
“Long time no see Brian.” Nakangiting bati ni Mary. Agad nitong pinaupo si Brian sa tabi nia. “Naiinis ako sa mga sinasabi ni Jun, Buti dumating ka” Bulong nito sa binata. Ipinagpatuloy nila ang inuman habang nanatiling tahimik si Brian, Si Mary na ang unang nagsalita.. “Tahimik ka yata, wala kang pinagbago” Bulong nito. “Problemado lang, Kumusta ka na? May boyfriend ka na ba?”
“Wala, gusto mo manligaw? hehe” Bulungan lamang ang naging pag uusap nila kaya’t nahiwagaan si Jun kung ano ang pinag kakaabalahan ng dalawa. “Hoy ishare nio nga yung pinag uusapan nio jan!” Hiyaw nito. Ngunit di sya pinansin ng dalawa kaya’t si Meng nalang ang kinausap nia. “Hayaan mo na yang si Brian, problemado na naman kaya naligaw dito” sambit ni Meng. Makalipas ang ilang minuto’y sumasali na si Mary sa pag uusap ni Meng at Jun ngunit si Brian ay tahimik pa rin, Si Mary lang ang kinakausap. Nagkasabay sa pag ihi ang dalawang binata, “Par yung isang kwarto walang tao dun.. Kung gusto mo lang.” Bigkas ni Meng.
“Kaw bahala pre, pag nagpakita ‘uli’ ng motibo.” Nagpatuloy ang inuman pagbalik ng dalawa sa kwarto. Matapos maubos ang alak ay magkakatabing nahiga ang apat. Ayaw tumabi ni Mary kay Jun kaya’t sinama nyang mahiga sa isang sulok ng kama si Brian, Habang may distansya sila kay Meng at Jun na nalasing na.
Di nagtagal ay napabangon si Brian, nakalas sa pagkakayakap sa kanya ang sana’y matutulog nang si Mary. “Bakit?” Tanong ng dalaga nang bumangon ito. Hindi sumagot si Brian, Naramdaman nia ang pagsipa ni Meng sa tuhod nia kaya’t tumingin sya sa kaibigan. Pilit niang inaaninag ang mukha nito at
nakita niang iningu nguso nito ang kabilang kwarto, kaya’t niyaya nia si Mary na lumipat at di naman tinanggihan ng dalaga.
Pagpasok sa kabilang kwarto ay sinabi ni Mary na wag munang patayin ang ilaw at pumayag naman si Brian. Nakahiga na si Mary ngunit ayaw pa ni Brian mahiga kaya’t tinanong nia ito muli. “Di lang ako makatulog.” Palusot ni BRian.
“Sus! Kasi gusto mo si Joan yung katabi mo?” Hula ng dalaga, Napatingin agad si Brian sa mukha ng kaibigan. “”Gusto mo sya yung katabi mo para romansahin?”
“Pwede ka rin naman ah! Masarap ka din” Sagot ni Brian kasabay ng pagngisi. Matinding sabunot ang itinugon ni Mary kasabay naman ng paghila nito dahilan para mapahiga si Brian at humampas ang likuran ng ulo nito sa unan. “Himala hindi ka umiiwas saken.” Sambit ni Brian nang humarap sa katabing dalaga.
“Mas okey ka na kesa kay Jun, Mapipigilan kita. Si Jun baka pwersahin ako.” Sagot ni Mary.
“Ok lang sayo kahit hawakan kita ng ganito?” Muling bigkas ni Brian sabay hawak sa braso ng dalaga. Tumango si Mary. Hinaplos naman ng binata ang mukha ni Mary at ngiti lang ang itinugon nito. Di nakuntento, ay ang pwet naman ni Mary ang dinakot ni Brian kaya’t tinabig na ito ng dalaga.
“Ah! yan ang di pwede”
“Pasukin ko kaya uli yan?”
“Gusto mo patayin kita?” Napatawa si Brian sa sagot ni Mary, ngunit agad itong napawi, na ipinagtaka ni Mary. “Tangna mo, kanina ko pa napapansing tahimik kang gago ka ha!”
“Uy! Yung bibig mo, kung ano anong salita yung lumalabas. Gusto mo pasakan ko yan ng ano ko?”
“Ano ba problema Bray?” Seryosong tanong ni Mary, Concern na ito sa kaibigan. “Parang gusto ko nang bawiin yung sinabi ko dati na magseryoso ka ah”
“Basta wag mo muna sasabihin sa iba nating friends ah!” Bilin ni Brian, Um-oo naman ang dalaga, ikinuwento nito sa kaibigan ang pagkadevelop nilang dalawa ni Joan sa isa’t isa. Matapos magkwento ni Brian ay batok ang inabot nito mula sa dalaga. “Yan ang napapala nio. Kantutan kasi kayo ng kantutan.”
“Di naman sa ganon.. Talagang di ko lang inaasahan”
“Ganyan naman ang love eh.. Dumadating at unexpected time” Pangaral ni Mary. “Panong gagawin ko?” Alangang tanong ni Brian.
“Di ko alam Bray, tingin ko mas alam mo yung sagot” Napayuko si Brian. “Bray eto nalang suggestion ko, Diba last year pa yung huling reunion natin? I-set nalang natin next week tapos ayusin nio na yung sitwasyon nio, Pagplanuhan mo lahat ng sasabihin mo sa kanya” Matapos nito’y natulog na si Mary habang si Brian nama’y nagtungo sa kabilang kwarto para magpa alam kay Meng na aalis na.
Kinabukasan ay nakatanggap ang barkada ng mensahe mula kay Mary na nagyayaya ng isang reunion, katulad ng napag usapan nila. Agad na
pumayag ang tropa. ‘Para lang to sateng magkakaklase, bawal magsama ng boyfriend/girlfriend’ Bilin pa nia sa mga kaibigan.
Matapos ang isang linggo ay muling nagkita kita ang magkakabarkada ng High School sa bahay nila Meng. Itinaon nila ito kung kelan umuwi ang mga magulang at lola ni Meng sa Baguio. Tanging mga kapatid nia na nagpunta naman sa mga bahay ng kaklase nito ang kasama ni Meng sa bahay. Present sina Mary, Jun, Felix, Shiela Joan, Rick, Brian at Meng. Katulad ng mga nakaraan nilang reunion ay nag inuman ang magkakabarkada. Pansin ng mga lalake na iwas si Joan na lumapit kay Brian, Bagay na ikina irita ni Felix kaya’t kinausap nito ang kaibigan. “Away kayo ng girlfriend mo pre?” Tanong nito kay Brian na dinig naman ni Joan.
“Huh? Sinong girlfriend?”
“Sino pa? Edi yang si Joan.” Sabay turo nito sa dalaga. Sabay na natawa ang dalawa, Kaya’t taka man ay lumayo muna si Felix. Nang magkasabay naman sa hagdan ang dalawa ay hinila sila ni Mary at pinapasok sa isang bakanteng kwarto. Walang imikan ang dalawa pagkapasok, di na nila sinubukang lumabas dahil alam nilang pababalikin lang sila ni Mary sa loob.
“Para uli tayong high school ah!” Sambit ni Joan. Ngiti lang ang ikinibo ni Brian. “Gago ka plano mo ‘to no?” Hinala ng dalaga
“Hindi ah.. Ewan ko kung anong pumasok sa kukote nung Mary na yun. Halikan ko nga! hehe”
“Bakit sya hahalikan mo?” Tanong muli ni Joan. “Eh ayaw mo namang ikaw ang halikan ko eh”
“Eh sa busy nga ako nung time na yun eh.” Sagot ni Joan at lumabas sa kwarto, Pinigilan sya ni Mary ngunit si Brian na mismo ang nagsabi na pabayaan nalang ito. Si Mary na ang sumama kay Brian sa loob ng kwarto ngunit nakabukas ang pinto. “Ako na gumagawa ng paraan tapos aatras ka naman” Sumbat ng dalaga. “Di ko pa alam sasabihin ko eh” Malungkot na sambit ni Brian. “Bray, nag exert na ako ng effort para sa’yo ha.. Concern lang ako kasi pareho ko kayong kaibigan.” Nagpasalamat ang binata sa sinabing ito ni Mary at nangakong di matatapos ang gabi nang di sila nagkaka ayos ni Joan.
::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
“Bray, Hinahamon kita!” Bulalas ni Felix, Halatang lasing na.. Di nila inaalala ang pasok kinabukasan dahil sa idineklarang special holiday ang susunod na dalawang araw.
“Ano na namang kagaguhan ang nasa isip nitong si Felix? Kung nakakapag isip pa ito” Ang naisa isip ni Brian at Meng.
“Tol, Kung sino ang hindi bumagsak matapos ang ikalawang bote ng beer, Sya ang magkakamit ng pag-ibig ni Joan.”
“Nabulgar din pre, May lihim ding pagtingin si gago kay Joan.” Bulong ni MEng kay Brian na napatingin naman sa pwesto ng naka upong si Joan. Pinagbigyan ni Brian ang lasing na kaibigan. Di pa nangangalahati ang unang bote ay na-Knock Out na si Felix, Panay naman ang tawanan ng magkakaibigan maliban kay Brian na napayuko na rin dahil sa tama ng alak na nauna na niang ininom bago ang katuwaan nila ni Felix. Pilit niang idinidilat ang mata para mahanap ng paningin si Joan ngunit di nia ito mahagilap sa paligid. Tanging si Meng, Mary, Jun, Rick, Shiela at Meng lang ang nakikita nya.
Matapos ang ilang minuto ay unti unti niang iniangat ang ulo mula sa pagkakayuko nang maramdamang naiihi sya. Matapos umihi ay muli syang umakyat ngunit na out-of-balance sya kaya’t napunta at naitulak nia pabukas ang pinto ng kabilang kwarto kung saan sila unang pinapasok ni Mary. Nagkataong naroroon din si Joan. Tumayo sya at pilit na humakbang patabi sa dalaga
“Papatol sa lasing, parang gago” Narinig niang bulong ng dalaga nang mapahiga sya sa tabi nito. Naaninag niang tumayo ito para isara ang pinto bago muling bumalik. Ipinikit ni Brian ang mga mata nia, Pilit isinasa isip na mawala na ang hilo nia.
“Panalo ako sa pustahan, hehe”
“Para namang pumayag akong pagpustahan nio.” Mataray na sagot ni Joan. Nag ring ang cellphone ni Brian na nasa loob ng bulsa ng pantalon nia. Dahil sa pagkahilo ay di nia maipasok ang kamay nia sa bulsa kaya’t si Joan na ang gumawa nito. “Si Cristine, tumatawag” Sambit nito sa nakapikit pa ring binata.
“Sagutin mo” Mabilis na tugon ni Brian. Ginawa nga ni Joan ang sinabi ng binata, “Hello”
“Hello, Kung di po ako nagkakamali # to ni Brian” Sagot ni Cristine.
“Oo, # nia nga ‘to, Nandito kame sa bahay ni Meng, kilala mo naman siguro sya. May reunion kasi kameng mga High School Friends eh.”
“Nasaan po sya?” Magalang na tanong ng kasintahan ni Brian. “Lasing na sya eh.. Tingin ko bukas mo pa sya makakausap ng maayos”
“Ah.. Ok salamat. Ano po pala pangalan mo?” tanong muli nito. “Joan..” Mahinang sambit ng dalaga. “Ah ok Joan, salamat. Pakibantayan nalang si Brian. Kung okay lang sa’yo” Huling sambit ni Cristine bago nila tinapos ang pag uusap. Napangiti nalang si Cristine sa sinabi ng kausap. Tinanong sya ni Brian kung ano ang pinag usapan nila, “Akala ko ba break kayo ngayon?” Sinabi ni Brian na hindi pa rin sila nagkakabalikan ni Cristine hanggang sa mga oras na ‘yon. “Alagaan daw kita, bilin nia.” Pilit na bumangon si Brian matapos magsalita ng dalaga. Kinuskos ng palad ang mukha bago tumingin sa katabi.
“Sorry” Pabulong na sambit nito. “Para san?” Takang sambit ni Joan. “Kasi pinilit kita last time na mag ano.” Sampal ang isinagot ni Joan sa binata. Tila nawala ang hilo ni Brian at napahawak sa pisnging pinagbagsakan ng palad ng dalaga. “Kaasar ka naman eh! Kelan mo ba talaga hihiwalayan yang syota mo? Tagal ko nang naghihintay ah!” Nangingiyak na sambit ni Joan. Di malaman ni Brian ang gagawin para mapapigil ang pag-iyak ng kausap. Kahinaan nia ang makakita ng babaeng umiiyak, sya man o hindi ang dahilan.
“Ano na?” Inis na tanong ng dalaga.
Suminghap muna si Brian bago kabigin ang katawan ni Joan pahiga at patungan ito. Magkatapat na ngayon ang mga mukha nila. Namamasdan ni Brian ang mukha ng dalaga habang pinapahid nito ang mga luha sa pisngi nia. Matapos mapahid ang luha ay pumikit na si Joan. Di nagsasawa ang binata ang binata na pagmasdan ang maamong mukha ni Joan habang nakapikit ito at mahinang humihikbi.
“I Love You” Katagang binigkas ni Brian,
Katagang nagpamulat sa mga mata ni Joan.
Mga salitang parehong di inaasahan ng dalawa na maririnig nila.
Matapos nito’y inilapat ni Brian ang mga labi nia sa labi ng dalaga.
Itutuloy..
FB: [email protected] ^_^ Thanks For Reading!