****continuation****
“hindi nga??..”tanong ko.
wala siyang imik nakatingin lang sakin.. nakangiti..
“hmm..kung ganun nga talaga.. wala na tayong magagawa..tapos na eh.. we just need to look forward on how are we going to handle this..” sabi ko..
“hindi ka galit?” tanong niya..
“bakit naman ako magagalit??” sabi ko sa kanya..
“hmm…wala lang.. ginusto ko kasi to eh..hindi ko lang alam sayo..” sabi niya.
“hindi ko naman sinabi na ayaw ko.. hindi ko naman sinabi rin na gusto ko.. at least hindi pa ngayon siguro.. pero at one point, gusto ko rin yung idea..” sabi ko sa kanya..
“talaga??” tanong niya..
“don’t worry, hindi kita iiwan..hindi ka rin nagiisa.. lagi ko naman sayong sinasabi… andito lang ako lagi para sayo..” sabi ko sa kanya..
bigla na naman siyang umiyak..
“o wag ka nang umiyak..eto naman..” sabay yakap sa kanya at halik sa noo..
“mahirap man.. pero masaya pa rin..”sabi ko..
“anong mahirap man, masaya pa rin?” tanong niya.
“mahihirapan man tayo pero sisiguraduhin kong magiging masaya naman tayo..” sabi ko sa kanya..
ngiti lang ang naisagot niya sakin at yumakap nang mahigpit..
“alam mo..”bigla niyang sinabi..
“ano?”tanong ko..
“safe ako ngayon..binibiro lang kita kanina?” pagtatapat niya sakin..
nabigla man ako, hindi ko siya inalis sa pagkakayakap sakin..instead niyakap ko pa siya nang mahigpit..
“eh bakit mo sinabing hindi ka safe kanina..?” pagtataka ko..
“gusto ko lang kasi makita yung reaction mo kung maggagalit ka ba o pagtatabuyan mo ba ako o maiinis ka ba..”sabi niya..
“o ano naman nakuha mo sa reaction ko kanina?”tanong ko..
“mas lalo lang kitang minahal..”sabi niya..
“alam kong mabibigla ka, expected ko din na magagalit ka.. pero ako ang nabigla sa mga sinabi mo kanina..”pagtutuloy niya..
“hindi ko expected na maririnig ko ang mga salitang ganun galing sayo sa ganong sitwasyon..”pagdugtong niya.
“akala mo naman dahil lang sa ganun iiwan kita? or itatakwil kita?”tanong ko..
“para mo naman yatang minamaliit mo ako nyan eh..”pakunwaring pagtatampo ko sa kanya..
“hindi naman sa ganun.. syempre karamihan sa mga lalake..”bigla kong pagputol sa sasabihin niya.
“uunahan na kita… hindi ako katulad nang “karamihan” na mga lalake..okay?” sabi ko sa kanya..
“so just remove that thinking of yours na baka kasi ganito, baka kasi ganyan kasi karamihan nang lalake ganito.. Hindi ako ganun okay??” sabi ko..
“okay..”masaya niyang sagot.
nanood na muna kami nang movie then nagdecide na rin akong magluto for dinner. sabi niya dito na daw muna siya kakain.. nagluto ako nang fish and chips with mint peas dip and garden salad..
masaya naming pinagsaluhan ang hinanda kong pagkain..
mga 8:30 PM na.
“o gabi na.. hindi ka pa ba uuwi? baka pagalitan ka nyan sa inyo..”pagaalala kong sabi kanya..
“hmm…hindi muna ako uuwi ngayon.. dito na lang muna ako matutulog..”kalma niyang sabi sakin..
“ha? ok lang ba yun? sakin walang problema.. tumawag ka na lang muna sa nanay mo para hindi magalala yun..kunin mo na lang phone ko yun na gamitin mo para alam niya kung nasan ka” sabi ko..
kilala ako nang nanay ni maricar.. maganda naman ang pakikitungo sakin at mabait naman ang family niya.
“okay.. wait lang ha..” sabay kuha nang phone at tawag..
“ma, dito ako kila jason ha.. tapos na rin kami kumain nang dinner. dito na rin muna ako matutulog, tom morning na lang ako uwi…” sabi niya..
“opo… kami lang.. walang ibang tao dito sa bahay eh..”dugtong niya..
“okay po.. sa room niya.. wala namang ibang room eh.. ayoko rin naman na magisa sa ibang room no..”sabi pa niya..
“hahahah..okay po…sige po goodnight mom..love you..”sabay baba nang phone at abot sakin..
“o ano sabi ni tita?” tanong ko..
“ok daw..matulog daw tayo kagad at wag na daw masyadong magpuyat..”sabi niya..
“o ano pa?”tanong ko ulit
“tinanong niya kung san daw ako matutulog.. sabi ko sa room mo.. tapos sabi…”
“ano?” tanong ko..
“sabi niya wag daw tayo masyadong magpagod..hahaha..”sabay tawanan kami..
“loko talaga to si tita..”sabi ko..
“bakit wala ba tayong gagawin mamaya?”tanong niya nang may pilyang ngiti
“hmm..pera na lang kung may gusto kang gawin… hehehe..”sabay tawanan kami..
“tingnan natin..”sabi niya..
natapos ang gabi nang naka 4 na rounds pa kami.. hindi ko masabing malibog siya, siguro ay bago kasi sa pakiramdam niya kaya ganun.. natulog kaming magkayakap at may ngiti sa kanya kanyang mga labi…
nagdaan ang mga araw nang masaya kaming pareho.. wala pang ibang nakakaalam sa aming relasyon kundi kaming dalawa lang.
isang araw nagdecide na rin kami na sabihin ito kay danica..
(ayon sa pagkakasabi ni maricar sakin…kasalukuyang wala ako nito)
“bes, may sasabihin ako sayo” sabi ni maricar kay danica..
“ano yun..hmm.. wag mong sabihin na..”sabi ni danica
“na ano??”tanong ni maricar
“tomboy ka no?!”sabay tawa si danica..
“lokaret, hindi..”sabay tawa din si maricar..
“eh ano yun??” tanong ni danica..
“kami na ni jason!” sabay ngiti si maricar
“o talaga?” may bahid na lungkot sa mga mata ni danica pero nakangiti ang kanyang labi.
“yep..mga 2 weeks pa lang naman kami.”sabi ni maricar..
“actually wala pang ibang nakakaalam ikaw pa lang.. syempre ikaw lang naman ang bestfriend namin pareho eh..”tuloy-tuloy na sabi ni maricar
“hindi pa alam ni tita?” tanong ni danica
“hindi pa.. pero sasabihin din namin later..ihahatid ako ni jason later eh..”sabi ni maricar.
“ahh ganun ba…congratulations..”sabi ni danica..
“o bakit parang malungkot ka?” tanong ni maricar.
“ha? ako malungkot?.. hindi ah.. masaya nga ako sa inyo eh.. may iniisip lang ako..”pagpapalusot ni danica.
“eh ano naman yun?” tanong ni maricar.
“ahh wala yun.. sige punta muna ako sa cr.. naiihi ako eh..”sabi ni danica..
“okay.. sige bili muna ako sa baba, medyo gutom na rin ako eh..”sabi naman ni maricar..
pagdating ni danica sa loob ng cr.. hindi siya makapaniwala sa sinabi ni maricar sa kanya.. sila na ni jason..
“sila na ni jason…si jason pati si maricar..sila na..”patuloy na bulong ni danica sa sarili..
parang hindi siya makapaniwala sa mga narinig galing sa kaibigan..
“pano nangyari yun??…bakit sa dinami daming mga lalake…baket si jason pa…bakit yung kaisa-isang lalakeng pinakamamahal ko pa ang napunta sa kanya?” unti-unting tumutulo ang mga luha galing sa kanyang mga mata..
matagal na palang may pagtingin si danica kay jason ngunit ayaw niya lang aminin sa binata dahil na rin sa hiya at hindi naman sila laging nagkakasama nang silang dalawa lang hindi tulad ni maricar.
mga ilang minuto pang nasa loob nang cr si danica at nagdesisyon na lumabas at nagayos na rin nang sarili niya para walang makahalata sa kanya..
bumalik na sa room si danica at nandun na rin si jason at maricar at magkasama..
“o yan na pala si danica eh..” sabi ni maricar..
“kanina ka pa hinahanap ni jason o..”pagpapatuloy niya.
“o anong nangyari sayo? bakit namumula yang mata mo?” tanong ko kay danica
“ahh wala.. kasi kanina nung nasa may tapat ako nang cr biglang humangin nang malakas tapos napuwing lang ako..”sabi ni danica
“ows hindi nga??” sabi ni maricar..
“baka naman sabihin mong umiyak ka?” pagdagdag pa nito
“hala? hindi ah!.. bakit naman ako iiyak??”sabi nito..
“aba’y ewan ko..”sabi ni maricar..
“ay oo nga pala.. congrats sa inyong dalawa ha!” sabi saking ni danica
“ay alam mo na pala..salamat..”sabay ngiti ko sa kanya..
pilit na ngumiti din si danica sakin..
dumaan ang araw na napakatamlay ni danica..hindi namin makausap nang maayos.. kapag magkakasama kaming tatlo, napakatahimik niya.. nakakapanibago..
nang palabas at pauwi na kami nila maricar at danica since sa pasig din si danica kasabay na namin siya sa paguwi..
“ei guys hindi na muna ako sasabay sa inyo ha, punta lang ako sa mall, may bibilhin lang ako saglit.. mauna na kayo..”sabi ni danica samin..
“sure ka? gusto mo bang samahan ka namin?” tanong ko naman.
“hindi ok lang.. mauna na kayong umuwi..” sagot naman ni danica sakin..
“ok sige ingat ka..” sabi ko..
“ok kayo din..”sagot niya sakin..
pareho kaming nagtataka ni maricar sa nangyayari kay danica pero hindi na rin namin kinulit na sabihin samin kung bakit, baka lalo lang magalit samin eh..
“siguro may problema lang sa pamilya yun kaya ganun..”sabi ni maricar sakin..
“siguro nga, pero nagsasabi naman siya satin diba?” sagot ko naman
“oo nga…pero.. ewan ko..magsasabi din yun satin hintayin na lang natin..”sabi ni maricar.
“wala naman tayong ibang magagawa kundi maghintay eh..”sabi ko..
paguwi namin ni maricar sa kanila ay nandun pala si tita, nanonood nang movie sa sala nila
“hi mom! nandito na po pala kayo.. bakit po ang aga niyo?”sabay halik sa pisngi nang nanay niya
“hi tita, good afternoon po..” sabi ko naman at nagbless na rin ako
“o good afternoon din.. eh pinauwi na kami kagad sa opisina, meron yatang gagawin sa department office namin eh wala na rin naman kaming gagawin kaya umuwi na ako.” sabi naman ni tita mara
“ahh ganun po ba.. kumain na po ba kayo?”tanong ni maricar
“hmm…naglunch na ako kanina, pero hindi pa ako nagmi-merienda.” sabi naman ni tita mara
“sakto po, magluluto ako nang tuna pasta ngayon..” sabi ko naman kay tita..
“o talaga? hmm.. bigla akong nagutom ah! hahah.. sige sige.. tulungan ko na kayong magayos niyang mga gagamitin niyo..”sabi ni tita mara
“hindi na po ma, kami na lang po.. magpahinga na lang po muna kayo diyan..” sabi naman ni maricar
“hmm..parang meron akong naaamoy ah..”sabi ni tita mara habang nakangiti.
“ano naman yun ma?”tanong ni maricar
“wala lang.. basta…hahaha..”natatawang sabi ni tita mara..
“hahaha.. bahala na nga kayo diyan.. punta na kami sa kusina ha..”sabi ni maricar..
“okay..”sagot ni tita mara.
after kong makuha lahat nang kailangan kong gamitin sa pagluluto sabi ko kay maricar na ako na ang magluluto at magbihis na siya nang pangbahay para mapreskuhan siya..
natapos nang magluto at nakapagbihis na rin si maricar.. inihahanda ko na ang mga plato sa lamesa ang tuna pasta ang ang choco-mocha mint na iinumin namin..
(kung napapansin niyo, lagi akong nagluluto, mahilig kasi akong magluto, mahilig din akong kumain pero hindi ako mataba..)
**going back..
“tita, kain na po tayo nakaayos na po lahat nang pagkain..” sabi ko kay tita mara
“okay sige, punta na ako diyan.. nakakagutom yung amoy!”excited na sabi ni tita mara
kaming tatlo lang ang nagsalo salong kumain pero masaya kaming nagki-kwentuhan..
“ma, may sasabihin kami sayo..” sabi ni maricar..
“buntis ka anak?!” sabi naman ni tita
nabilaukan akong bigla… napainom tuloy ako ng wala sa oras..
sabay na nagtawanan ang mag-ina..
“hindi po..pero kami na ni jason!” masaya niyang sabi
“sabi ko na nga ba eh! hahaha.. ang tagal niyong umamin, naghihintay lang ako eh.” sabi naman ni tita
“pano niyo po nalaman?” tanong ko kay tita mara
“instinct..at alam ko naman na may pagtingin kayo sa isa’t isa ayaw niyo lang umamin eh..hahaha…”sagot ni tita
“at isa pa anak, wala kang maitatago sa nanay mo.. kahit kailan.. hahahaha..” pagtuloy ni tita..
“hahaha.. sige na nga..”sabi ni maricar
“alam mo, maswerte ka kay jason..” sabi ni tita..
“bakit naman po?” tanong ko..
“eh kasi bihira na lang ang lalakeng, gumagalang sa mga matatanda, pinagluluto ang mga magulang nang kanilang mga minamahal para makuha ang kiliti, at bihira ka na lang makakita nang isang lalakeng kahit na nakuha na niya ang gusto niya ay hindi ka pa rin iiwan..”sabi ni tita..
“ano pong ibig niyong sabihin tita?” tanong ko kay tita mara..
“sows, wag na kayong magpanggap alam ko..”sabi ni tita..
namula ang mukha ko bigla.. bigla ring tumawa si tita.
“at minsan ka na rin makakuha nang mahiyain na lalake ngayon..”sabay tawa ulit
“tama ka dyan ma…kaya nga swerte ako dito sa kolokoy na to eh..hahaha” sabay kurot sa pisngi ko..
“aray aray! sakit naman eh..”sabi ko sa kanya
nagtawanan lang sila..
matapos kumain ay nagdesisyon na rin akong umuwi at medyo gumagabi na rin..
“sige po tita, una na po ako..”pagpapaalam ko kay tita mara..
“o sige iho, ingat ka ha.. magtext ka kagad kay maricar kung nasa bahay ka na para hindi kami nagaalala..” sabi naman ni tita..
“ok po..”pagsangayon ko kay tita
“magingat ka ha..” sabay halik sa labi ko..
“opo..”sabi ko naman..
“kinikilig naman ako sa inyo! hahaha.. para akong bumabalik sa pagkabata!.. hahaha” natatawang sinabi ni tita mara
“ano ka ba ma! hahaha..”sabi ni maricar
umalis ako sa kanila nang masaya..
pagdating ko sa may labasan, meron akong nakitang isang babae na pamilyar sakin..
out of curiosity, lumapit ako sa kanya since dun din naman ang sakayan pabalik samin..
nang nakikita ko na ang mukha niya ay nabigla ako..
“o danica?! ba’t nandito ka?”gulat na tanong ko sa kanya..
“inaabangan ka…pwede ba tayong magusap?” nangingilid ang mga luha niya..
ano naman kaya gusto nitong pagusapan??
****to be continued****