***continuation***
nagising akong nanghihina pero mas mabuti na ang kalagayan. medyo masakit pa rin ang sikmura ko dahil siguro sa sugat.
sinubukan kong umupo dahil na din sa sakit nang likod.. parang ang tagal ko nang nakahiga.. tsaka ko lang napansin na wala pala akong kasama sa kwarto.
may mga prutas sa lamesa sa gilid nang kama, may tubig may baso at may plato. parang may tao dito kanina.
nakita ko ang remote control para sa TV. minabuti ko na lang na buksan ang TV at manood.
habang nanonood ay biglang bumukas ang pinto. pagtingin ko ay ang nurse pala na in-charge sa akin.
“good morning! kamusta ka na?”sabi nung nurse.
“mas mabuti na ang kalagayan pero nanghihina pa rin ako..”sabi ko naman
“ok lang yan.. natural lang na manghina ka talaga.. wala ka pa naman kasing kinakain eh.. almost 3 days ka na ring tulog eh.”sabi nung nurse.
“ahhh ganun ba.. kaya pala gutom na gutom na ako..pwede na ba akong kumain?”tanong ko
“pwede naman kaso hindi pwede yung mga acidic like soda, pineapple juice, hindi rin pwede yung mga milk, chocolate drinks…”sabi nung nurse
“hala lahat na lang hindi pwede…”pagbibiro ko
tumawa yung nurse..ang cute niya..heheheh..
“hahahah… hindi naman.. pwede ka naman kumain nang hard food, pwede ka na ngang magkanin pero tubig lang muna..”pagpapaliwanag nung nurse.
“ahhh okay..ano ba yan, 3 days na akong tulog, so wala akong kain nang 3 days, wala din akong paligo nang 3 days.. ang baho ko na!”sabi ko
“hahahah… ok lang yan… edi paggaling mo magbabad ka sa tub.. hihihi..anyways, I’m chloe”pagpapakilala niya habang kinukuha niya ang braso ko para kunan nang BP
“kunan lang kita nang BP ha..”sabi pa nito..
“Ok.. hi chloe nice to meet you..siguro naman alam mo na pangalan ko..”sabi ko
“yep.. alam ko rin kung bakit ka nandito… masyado ka kasing bayani eh! yan tuloy…”sabi ni chloe
“hindi naman.. ayoko lang kasing naaapi yung mga kaibigan ko kaya ganun..”sabi ko
“ahhh..swerte naman nang mga friends mo..”sabi ni chloe
“oo nga pala, girlfriend mo ba yung laging nandito?”tanong niya
“sino?”pagtataka ko
“hmm.. chinita, sexy, mahaba buhok, medyo maputi..”pagpapaliwanag niya
“ahhh.. oo.. si maricar yun girlfriend ko..”sabi ko
“speaking of which, wala nga akong kasama dito eh..”malungkot kong pagsabi
“eh andito lang yung gf mo kanina ah… baka naman bumili lang yun..”sabi ni chloe
“ewan ko.. basta pagkagising ko walang tao dito eh.. ikaw pa nga lang una kong nakita pagkagising ko eh.. kala ko tuloy namatay na ako..”sabi ko
“bakit naman?”tanong ni chloe
“kala ko kasi nakakita na ako nang anghel eh.. heheheh…”pagbibiro ko
“ahahahah.. bolero! dyan ka na nga..hihihi”sabi ni chloe habang medyo natatawa
“wag ka na lang masyadong naggagagalaw at baka bumukas pa yang tahi mo eh..”sabi pa nito
“okay..thanks!”sabi ko
isang matamis na ngiti lang ang sinagot niya sakin..
balik na naman ako sa panonood nang TV..
naalala ko na lang bigla yung dalawang naguusap nung nakaraan.
****************************************************
“kung hindi dahil sayo, hindi mangyayari to!”
“ayaw na kitang makita pa!”
“hindi ko rin naman ginusto yung nangyari eh..”
*****************************************************
“Morning baby! gising ka na pala…”paglingon ko si maricar
“hi baby.. miss kita.. lika nga dito..”sabay kabig sa kanya at yakap..
nilagay ni maricar ang biniling pagkain sa may desk at lumapit sakin..
niyakap ako nang napakahigpit..
“aray! aray! aray!”sabi ko
“ay sorry…napahigpit masyado yung yakap ko..”sabi nito..
tumungo lang siya at tumutulo na naman ang mga luha galing sa kanyang mga mata.
“o bakit umiiyak ka?”tanong ko
“eh kasi kala ko…kala ko….”pautal utal na sabi ni maricar
“kala mo anO? mamamatay na ako?”sabi ko
lalong umiyak si maricar
“o ano ka ba… eto ako ngayon o.. buhay na buhay.. mas malakas pa sa kabayo.. wag ka nang malungkot please…”sabi ko sa kanya habang yakap yakap siya..
“wag mo na ulit gagawin yun ha..”sabi ni maricar
“opo.. wag ka nang magalala okay.. papagaling na lang ako oh..”sabi ko
“ano nga pala yung binili mo?”tanong ko para mawala yung attensyon nya sakin
“almusal, sopas, tapos bumili din ako nang tinapay pati nang sandwich tapos mineral water..”sabi ni maricar
“okay.. thanks! kala ko nga wala ka dito eh.. paggising ko kasi walang tao eh..”sabi ko
“sorry po.. kala ko kasi mamaya ka pa gigising kaya minabuti kong bumili muna nang almusal.”pagpapaliwanag ni maricar
“ok lang po..”sabi ko
habang kumakain kami ay naalala ko na naman yung paguusap nung dalawang babae.
“baby, may tatanong ako sayo..”sabi ko
“ano yun?”
“nung isang araw kasi, parang naalimpungatan ako sa mga naguusap.. parang nagaaway na dalawang babae, naririnig ko yung pangalan ko… ikaw ba yun?”sabi ko
hindi kumikibo si maricar..
“oo ako yun… pati si danica..”sabi ni maricar
“si danica? bakit kayo nagaway?”tanong ko
umiyak na naman si maricar
“kasi kung hindi dahil sa kanya wala ka sana sa kalagayan mo ngayon, sana hindi ka nasaksak..tinuro niya pa kasi kung sino yung magnanakaw eh..”sabi ni maricar
“ano ka ba, ako yung humabol sa magnanakaw, hindi naman ako inutusan ni danica na hulihin yung magnanakaw eh..”sabi ko
“kahit na, on the first place, kung iniingatan niya yung mga gamit niya, sana hindi nananakaw yun.”pagdidipensa ni maricar.
hinila ko siya papalapit sakin..
“baby, alam mo, hindi naman niya kasalanan na manakaw yung gamit niya eh. isa pa, kusa akong tumulong.. wag kang magalit sa kanya. kaibigan natin siya, kaya ako tumulong. wala naman kasing ibang magtutulungan kundi tayong magkakaibigan lang diba?”pagpapaliwanag ko.
hindi siya umiimik. siguro naintindihan niya na mali din ang ginawa niya kay danica
“alam mo baby, mahal na mahal kita..”sabi ko kay maricar
“mahal na mahal din kita kaya nga ayaw kong may nangyayari sayong masama eh..”sabi niya sakin
“alam ko yun.. I’ll take care of myself even more right now.. don’t worry about it..asan na si danica?”tanong ko sa kanya
“hindi ko alam. kasi hanggang ngayon hindi pa din kami naguusap eh simula nung nagaway kami..”sabi ni maricar
“nagtry ka bang tawagan siya?”tanong ko
“hindi..hindi niya rin ako tinawagan..”sabi ni maricar
“kasi pareho kayong galit.. alam mo kasi, wag na wag kang gagawa nang desisyon hanggat galit ang nararamdaman mo kasi puro negative at kamalian lang nang tao ang makikita mo..tulad nung nakaraan nung nagaway kayo..”pagpapaliwanag ko
“sana kung ayaw mo siyang makita, sana pinaalis mo lang siya, tapos nagdecide ka na lang nung medyo nahimasmasan ka na..”pagduktong ko pa
“sorry…”mahinang sabi ni maricar
“hindi ka sakin dapat humingi nang sorry.. “sabi ko
tumungo lang siya..halatang nagsisisi sa ginawa niya..
“o sige na wag ka nang malungkot.. tutulungan kitang humingi nang dispensa sa kanya.. sa ngayon kumain muna tayo ha… ayoko nang malungkot ang mukha…nagmumukha kang instik na nalugi.. hehehe..”sabi ko
tumawa siya at bumalik na kami sa pagkain.
sabi nung doctor ay makakalabas na ako kinabukasan, ichecheck lang yung tahi baka kasi bumukas ulit.
bago kami lumabas nang ospital ay kinausap pa ako nang doctor, kelangan daw magpacheck up every now and then, may mga therapy daw or something.. hindi ko na maintindihan.. dumaan din muna kami nang nurse station at nagpaalam din ako kay chloe.
nang matapos ang paalamanan ay dumertcho kami sa bahay nila maricar. sabi ni maricar at ni tita ay dun na lang daw muna ako matulog para merong nagaalaga sakin.. hindi na ako nakatanggi dahil alam ko din na hindi din naman sila papayag na hindi ako matulog dun.
kala ko nga sa sala ako matutulog, pero ok na kay tita na dun ako sa kwarto ni maricar matulog. alam niya na rin siguro na may nangyari na sa amin ni maricar kaya parang wala na sa kanya yun..
at ganun nga nangyari, dun na ako namalagi sa bahay nila, sobrang asikaso ako dun, kay maricar kay tita, minsan kapag pumupunta si liezl, siya din umaasikaso sakin.. parang akong prinsipe dun sa kanila.. nakakahiya sobra.. pero ayaw naman nilang may gagawin ako para sa kanila.. basta daw magpahinga lang ako..
matapos ang isang linggo, medyo ok na ako, hindi na masyadong masakit ang sugat ko kaya niyaya ko si maricar na pumunta sa bahay nila danica at pumayag naman siya.
“tok tok tok… danicaaaa…”pagsigaw ko sa labas nang bahay nila.
walang sumasagot… almost 5 minutes na akong kumakatok pero walang sumasagot..
“siguro umalis siya..”sabi ni maricar
at biglang bumukas ang pinto..kala nami’y si danica.. hindi pala.. yung kasama niya pala sa bahay na si bea..
“ay wala na si danica dito.. umuwi na siya nang bagiuo nung isang araw lang.. tumawag mama niya at sinabing dun na lang daw magpatuloy nang pagaaral.”sabi ni bea
nagulat kami ni maricar sa sinabi samin ni bea..hindi namin akalain na mauuwi sa ganito ang pagaaway nilang dalawa.
“sige po salamat..mauna na rin po kami.. thank you po ulit”sabi ko kay bea at sabay na umalis at bumalik sa bahay
habang naglalakad kami ay naguusap kami ni maricar..
“baby, hindi kaya dahil sa pagaaway namin kaya umuwi si danica sa bagiuo?”sabi ni maricar
“hindi ko din alam.. pero ayaw ko din naman isipin na ganun.. tawagan na lang natin si danica paguwi sa bahay.”sabi ko kay maricar
“sige..”pagsangayon niya
pagdating sa bahay ay nagpahinga na muna kami at kumain saglit.
tahimik lang kami pareho ni maricar walang umiimik.
“o nagaaway ba kayong dalawa?”sabi ni tita.
“ay hindi po tita, may iniisip lang po kami..”sabi ko
“ano naman yun?”tanong ulit ni tita
“yung isa po naming kaibigan, si danica, umuwi po kasi nang bagiuo nang hindi nagpapaalam samin. ang sabi po nung kasambahay niya ay dun na daw titira.. hindi po kasi namin alam kung dahilan din po yung pagaaway nila ni maricar dun sa hospital kaya nagpasya na si danica na pumaroon na lang..”pagpapaliwanag ko
“ahhh ganun ba… hindi niyo na ba nakausap siya?”tanong ni tita
“hindi na po..”sagot ni maricar
“mabuti pa tawagan na lang natin siya..”sabi ko kay maricar
kinuha ko ang cellphone ko, at dinial yung number ni danica.
out of coverage area.
tinawagan ko ulit, out of coverage area pa din.
“mukhang wala yatang signal kung nasan si danica ngayon eh…”sabi ko
“imposible yun.. kasi kahit nasa bagiuo ka, matatawagan pa din. malakas din yung signal dun eh.”sabi ni maricar
“try na lang natin ulit maya..”sabi ko
“okay..”pagsangayon ni maricar
after ilang minuto ay may nareceive akong text.. number lang.. hindi ako pamilyar sa number…
pagbukas ko nang message nagulat ako kung sino..
“hi son! sorry kung hindi na ako nakapag paalam sa inyo ni bes ha.. nagdecide na akong umuwi dito sa bagiuo para hindi na rin ako makagulo sa inyo. Hindi ko ginusto kung ano yung nangyari sayo and sorry sa lahat. Marami na akong atraso sa inyo kaya sorry na lang sa lahat.. Gusto ko sanang humingi nang dispensa sa inyo in person pero hindi ko kayang humarap sa inyo pareho.. nahihiya ako sa inyo. Basta paktatandaan mo lang na mahal na mahal kita.. sobra sobra.. hindi ko kayang makita kang nasasaktan o nahihirapan. Mahal na mahal ko din si bes, alam kong hindi niya sinasadya yung mga ginawa niya sakin nung nasa hospital kami.. naiintindihan ko naman kung bakit siya galit na galit. Bes, sorry sa lahat nang nagawa ko sayo.. sana maging masaya kayo pareho.. take of yourselves always and I love you both.. – danica”
hindi kami nakakibo pareho sa nabasa namin. hindi na rin magpapakita si danica samin pareho. gustuhin man naming ayusin ang gulo pero huli na ang lahat.
nagtry akong tawagan yung number pero cannot be reached naman ang naririnig ko.
“hayaan niyo na lang kung ano ang gusto nang kaibigan niyo. Irespeto niyo na lang. wala na rin kayong magagawa sa ngayon kundi sumangayon.”sabi ni tita
wala na kaming magagawa…wala na ring pwedeng mangyari kundi sumangayon sa mga nangyayari samin ngayon. Masaya man kami na nakalabas sa hospital, ngunit mas malungkot naman ang nangyari nang umalis ang isa naming kaibigan. mas masakit pa ang lumayo ang isang kaibigan dahil lamang sa isang alitan kesa sa saksakin ka nang isang patalim, na handang kumuha nang iyong buhay.
ganito na lang ba magtatapos ang happy three friends?…ayoko nang ganito… ayoko…
**to be continued**