Happy Three Friends part 13

Author Name: shatteredglass69 | Source: pinoyliterotica.com

***continuation***

“nasan ka ngayon?” tanong ko kay danica

“dito sa bahay..”sagot niya

“o sige sige.. dyan ka lang ha.. wag ka nang umalis ha. pupuntahan ka namin dyan maya maya ok?”sabi ko sa kanya

“ok..”at pinatay na ni danica ang linya

“o ano daw nangyari kay bes?”tanong ni maricar

“hindi ko nga alam eh.. basta umiiyak.. puntahan na lang natin after magbreakfast.”sabi ko kay maricar

“okay sige…”pagsangayon ni maricar

matapos kumain nang almusal ay nag ayos na rin kami. nagpaalam na rin kami kay liezl na may pupuntahan kami, Ok lang daw sa kanya dun lang daw siya sa bahay.

habang naglalakad kami..

“ano kaya nangyari dun.. bilisan na lang natin.. nasa bahay lang naman siya eh..”sabi ko kay maricar

“sige… hala baka nabuntis mo!”sabi nito

“loko loko.. eto umiiyak na nga yung tao niloloko mo pa eh..”sabi ko sa kanya

“hihih.. sorry naman.. wala lang akong ibang maisip eh.”sabi niya

after 10 minutes, nandun na kami sa bahay nila danica.

“danica…”habang kumakatok sa pintuan nang bahay.

“pasok kayo.. bukas yan..”sabi ni danica galing sa loob

pagpasok namin ay nandun lang si danica sa sofa, nakaupo at nanonood nang palabas sa TV.

“upo muna kayo diyan… salamat sa pagpunta ha..”sabi ni danica

“wala yun..o kamusta ka na?”tanong ko

“hindi pa din okay…”sabi nito

“ano ba kasi nangyari..”pagtatanong ko..

“nanakawan kasi ako kanina eh.. nakuha yung cellphone ko..”sabi nito

“ha? kala ko kung napano ka na eh… eh cellphone lang yun pwede mo naman palitan eh.. grabe ka naman kung makaiyak..”sabi ko

“kasi yung phone na bigay sakin ni papa yun eh.. bilin sakin ni papa wag na wag ko daw iwawwala yun kasi yun lang yung kaya niyang ibigay sakin..kahit hindi masyadong kagandahan yun, may value kasi sakin yun.”pagtatapat nito.

“eh nakilala mo ba kung sino yung kumuha.”tanon ni maricar

“mamumukaan ko siya kapag nagkita kami. maituturo ko din kagad kapag nakita ko sya.”sabi ni danica

“nagpunta ka na ba sa pulis?” tanong ko kay danica

“hindi pa. ayoko din magpunta magisa eh.”sabi naman niya

“edi samahan ka namin. tara punta tayo..”sabi ko

“ok. wait lang.”sabi ni danica

matapos ang ilang minuto ay nakaready na kami para pumunta sa pulisya.

pagdating sa presinto ay nakipagusap ako dun sa frontdesk

“sir, yung kaibigan ko po nakuhaan nang cellphone dito lang daw po banda sa may labasan. Namumukaan daw niya yung magnanakaw kapag nakakita siya nang picture.”sabi ko

“sige iho, teka lang ha. tapusin ko lang tong ginagawa ko tapos aasikasuhin ko na yung sa inyo.”sabi nung pulis.

“umupo muna kayo dun sa waiting area. saglit na lang to.”pagdugtong pa nito

nagtungo kami dun sa waiting area at umupo sa may upuan doon.

“nasaktan ka ba?”tanong ko

“hindi naman masyado. bumagsak lang ako nung kinuha niya yung phone sakin kasi pinilit kong hatakin sa kanya eh.”sabi ni danica

“buti na lang at hindi ka niya sinapak or kung ano man…”sabi ko

“hhhmmm.. sinampal niya ako… sakit nga eh..tapos bigla siyang tumakbo..”sabi ni danica

“ano sinampal ka?!”pagulat kong sabi kay danica

“oo..”sabi niya habang nakayuko.

tumutulo na naman ang luha ni danica kapag naaalala yung nangyari.

“yaan mo ok lang yun maayos din ang lahat.”lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

“eh bes, ano ba itsura nung magnanakaw?”tanong ni maricar

“ahhhmm.. mga 5’6 yung height tapos medyo maitim, may bigote, tapos medyo may kalakihan ang mata, tapos medyo payat tapos yung pisngi medyo lubog.”sabi ni danica

“parang adik…”sabi ko

“oo parang ganun na nga..”sabi ni danica

“ahhh ganun ba? so san po ito nangyari?” sabi nung boses sa likod namin, yung pulis pala kanina

“dun po sa may labasan, papauwi na po ako tapos siya papunta sa labasan. nagkasalubong po kami. Eh kausap ko po kasi nanay ko nun nang bigla niyang kinuha yung phone ko sakin. nahawakan ko nang mahigpit pero pilit niyang kinuha sakin tapos nung hindi niya makuha bigla niya akong sinampal tapos napaupo po ako sa lapag tapos tumakbo na po yung magnanakaw.”pagki-kwento ni danica

“san siya tumakbo?”tanong nung pulis

“papunta po dun sa labasan.”sabi ni danica

“sige iha, may kukunin akong mga litrato dito ha, tapos turo mo kung nandun yung nagnakaw sayo ha.”sabi nung pulis.

“sige po…”sagot ni danica

may nilabas na parang libro yung pulis at nang pagbuklat niya ay iba’t ibang mga litrato nang mga nakulong na dati at mga nireklamo sa kanila. Kaso, sa lahat nang mga litrato ay wala dun ang magnanakaw.

“wala po diyan eh.”sabi ni danica

“ah ganun ba.. di bale, since meron ka naman visual nung suspect, pwede na lang natin ipa-sketch yung mukha niya. gagawan na lang kita nang report. Tara dito tayo.”sabi nung pulis.

nang matapos ay lumabas na rin kami nang pulis station.

“sana mahuli yung kumuha nang phone ko..”sabi ni danica

napagpasyahan naming kumain muna nang tanghalian sa pinakamalapit na food chain duon.

nang kumakain kami ay napagdesisyunanan namin na maglakad lakad na din sa lugar nagbabakasakaling makita namin yung magnanakaw.

pagkalabas namin sa may kainan ay may napansin kaming kaguluhan sa di kalayuan.

may isang ale at isang lalakeng nagaaway. parang naghihilahan sila nang kung ano.

nang nakita namin nang mas maayos, hinihila pala nung lalake yung bag nung babae tapos lumalaban yung babae.

“tulong!!!”sigaw nung babae habang pinapalo niya yung lalake…

yung mga tao naman na nakapalibot sa kanila ay tinitingnan lang sila. parang walang pakielam

pagkatapos nang ilang segundo ay nakuha din nung lalake ang bag nung babae at tumakbo siya patungo sa lugar namin.

“parang kilala ko siya…ay siya yung kumuha nang cellphone ko!”sigaw ni danica

“sigurado ka?”tanong ko kay danica

konti na lang ay malapit na ang lalake sa amin

“oo sya nga yun!”pagkumpirma ni danica

nang makita nang lalake si danica ay bigla siyang nagiba nang direksyon nang pagtakbo. bigla siyang kumanan papunta dun sa may isang kalsada.

pagkasabi na pagkasabi ni danica na sya nga yun ay hinabol ko yung lalake.

medyo mabilis tumakbo yung lalake, pero nang pumasok siya sa isang eskinita ay naabutan ko din siya.

agad kong kinuha yung bag nung ale at inihagis sa likod ko. pagkakuha ay bigla ko syang sinipa sa may sikmura at siya ay napahiga.

“asan na yung cellphone na kinuha mo sa babae kanina?!” habang hawak hawak ko ang kwelyo nung lalake.

“hahahha.. wala na yun!”pangaasar nung lalake

sinapak ko siya sa mukha at akmang tatayo ay sinipa ko ulit sya.

hindi ako palaaway na tao pero alam ko kung kelan ko gagamitin ang napagaralan ko sa martial arts.

nang napatumba ang lalake ay kinapa ko ang mga bulsa niya at mukhang wala nga talaga yung cellphone ni danica.

“wag ka nang umasa, wala na sakin yun…hahahhaha..”kahit na medyo nanghihina na yung lalake.

tumayo na lang ako at pinulot ko ulit yung bag nung ale at naglakad palayo, may palapit na lalake samin tapos biglang may tumama sa likod ko.

binato pala ako nung magnanakaw.

lumapit ulit ako sa kanya at itinayo siya. hinawakan ang magkabilang kamay sa likod at pinalakad ko sya papalabas nung eskinita.

napansin ko yung lalake na papalapit samin ay sumusunod lang sa likod.

hindi ko na lang pinansin.

yung magnanakaw naman ay naglalakad na.

“yari ka ngayon, dadalin kita sa prisinto.”sabi ko sa magnanakaw.

“mas yari ka naman..”sabi nito.

nang paglabas namin nang eskinita ay nakita ko sila maricar at danica na tumatakbo papunta samin nang biglang.

“blag!”bigla kong nabitiwan ang pagkakahawak ko dun sa magnanakaw at bigla din siyang tumakbo

may sumapak sakin mula sa gilid ko. tinamaan ako sa mukha pagkatama sakin ay may sumapak ulit sakin sa likod. yun pala yung lalakeng nakabuntot samin.

masakit ang pagkakasapak sakin pero kaya ko pa rin tumayo. medyo napaluhod lang ako pero agad din akong nakatayo at humarap sa kanila.

ang hindi ko inaasahan ay may isa pa pala silang kasama sa likod.

bigla akong hinawakan sa likod, pinulupot ang isang kamay sa may leeg ko dahilan upang hindi ako makahinga.

pagkahawak sakin ay mabilis na lumapit ang dalawa papunta samin.

nang malapit na ay akmang sasapak, nang alam kong abot na siya ng paa ko ay sinipa ko siya sa may dibdib.

taob yung lalake. yung lalake na nasa likod ko ay hinihigpitan pa lalo ang pagkakasakal sakin..

“aaarrrggghh…”medyo nahihilo na ako.

“lumalaban ka pa ha! eto sayo!”at bigla akong sinapak sa tagiliran.

“yan! eto pa!!”sinuntok ako nang sinuntok sa tagiliran.

hindi na ako makahinga medyo nagdidilim na rin ang paningin ko.

ang huli ko lang na nakita ay tumayo yung lalake na sinipa ko at may kinuha sa likod.

hindi ko na nakita kung ano yun at meron na lang akong naramdaman na…

“uuuggghhh..”bigla akong napamulat at napahawak sa sikmura ko.

sinaksak ako nung lalake na tumayo. balisong pala yung kinuha niya sa likuran niya.

“jayson!!!!”sigaw ni maricar

wala na akong ibang maramdaman. namamanhid na ang buong katawan ko. madilim din ang paningin ko pero may naririnig pa rin akong boses.

“baby….huhuhu..baby….kaya mo yann…..huhuh…”si maricar pala yun..

“tulong!!!!tulungan niyo po kami!!! tumawag po kayo nang ambulansya!!!”sigaw ni maricar.

“baby..hintay lang ha…huuhuh..baby…”medyo humihina na yung pandinig ko..

“baby…..please baby….”at yun na ang huli kong narinig.

tuluyan na akong nawalan nang malay.

***********************************************

“hi kuya! ano name mo??”

“jayson..ikaw?”

“maricar..”

“kanina pa ba kayo dito??”

“medyo.. naghihintay lang..alam mo wag kang susuko ha….”

“bakit naman ako susuko? ano ba meron?”

“basta…lumaban ka lang ha…alam mo… mahal kita.. sobrang mahal kita…”

************************************************

bigla akong nagising.

“excuse lang po… tumawag na kayo nang doctor.. kelangan namin nang isang vacant room dito..”pagkarinig ko galing sa isang nurse.

nasa hospital na pala ako.

nilalamig ako, nauuhaw, nahihilo pa din ako.

lumingon lingon ako sa paligid, nakita ko si maricar, nakahaw sa mukha ko.. hinihimas himas…

“baby.. everything’s gonna be okay..”pagaasure sakin ni maricar

bakas sa mukha niya ang sobrang pagaalala..

“aaaaahhhhhhh!!”naramdaman kong bigla ang sugat sa may sikmura ko.

pagkadating sa may vacant room ay agad akong kinuhaan nang BP, 90/60..

unti-unti na namang nagdidilim ang paningin ko.

“miss, dun po muna kayo sa labas. maghintay na lang po kayo dun para mas mabilis kaming makapag trabaho dito.”sabi nung isang doctor.

nakita kong lumabas si maricar na umiiyak.

“doc, medyo malalim yung sugat niya..”narinig kong sabi nung isang nurse.

“sige lagyan niyo na muna nang anestisya yung pasyente para makapagsimula na tayo” sabi nung doctor

pagkalagay nang anestisya ay tuluyan na akong nawalan ulit nang malay. nilagyan din pala nang pampatulog ang anestisya.

************************************************

“alam mo ayaw na kitang makita kasi kung hindi dahil sayo, hindi magkakaganito si jayson!”isang boses ang narinig kong nagsabi

“bakit ako? wala naman akong ginagawa ah!”reklamo nung isang babae

“anong wala, eh kung hindi dahil sayo, hindi sana hahabulin ni jayson yung lalakeng yun, hindi sana siya masasaksak!”galit na galit na sabi nung isang boses.

“alam mo naman kung gano ka kaimportante sa kanya eh.. pero bakit mo hinayaan na mangyari to ha?.. huuhuhuhu…” narinig kong umiyak na lang yung babae.

“hindi ko rin naman gusto yung nangyari eh… please naman.. wag ako ang sisihin mo…”pagmamakaawa nung isang babae.

hindi ko masyadong mabosesan yung dalawang babae na naguusap dahil na din sa hindi pa rin ako magising nang kumpleto. pero alam kong si maricar at si danica ung naguusap.

“bakit sila nagaaway? ano ba pinagaawayan nila..sana wag na silang magaway….”sa isip isip ko.

nakatulog na lang ulit ako.

“hindi ko alam kung ano gagawin ko kung magkaaway sila.. pareho silang importante sakin.. pero sabi ko nga dati.. darating ang araw na pipili talaga ako sa pagitan nilang dalawa…”

**to be continued**