Happy Three Friends Part 15

Author Name: shatteredglass69 | Source: pinoyliterotica.com

**continuation**

Nakauwi na ako sa amin, okay na rin yung sugat ko. Medyo kumikirot nang konti kapag masyadong nape-pwersa ang katawan ko kaya hindi pa rin ako masyadong makagalaw. Tuloy-tuloy pa din ang checkup ko sa doctor. Pero kahit ano mang ayos nang buhay ko, meron na tong gusot…gusot na hindi ko alam kung pwede ko pang iayos o hindi.

“hi baby! musta ka na?” si maricar tumawag sa phone ko

“ok lang naman po.. dito lang ako sa bahay, kumakain… san ka po?”tanong ko

“dito po sa bahay nagaayos nang sarili alis kami ni mama eh..”sabi niya

“o san kayo pupunta?”tanong ko

“sa shang.. may bibilhin daw si mama eh.. gusto lang akong isama..”sabi ni maricar

“ahhh ganun ba?…. sama ako!”sabi ko

“sige sama ka na lang..”sagot naman niya

“hehehe.. joke lang… dito na lang muna ako sa bahay magpapahinga..maglalaro na lang muna ako dito..”sabi ko

“nye?! ano kaya yun… puntahan na lang kita diyan mamaya pagtapos namin dun..”sabi ni maricar

“okay!.. pasalubong ko ha! heheheh..”pagbibiro ko

“o ano naman gusto mo?”tanong sakin

“ikaw! hehehe… kahit ano pong makakain kaw na bahala..”sabi ko

“sows! bolero! hahaha… sige sige.. hintayin mo na lang ako diyan.. sige na aalis na kami ni mama…”sabi ni maricar

“okay ingat kayo ha! love you!”sabi ko

“love you too!..”at naputol na ang linya..

mabuti pa rin ang relasyon namin ni maricar.. wala naman nagbago..may kulang lang talaga samin.. kapag nagtatawanan kami, kapag nagki-kwentuhan, kapag kumakain…kahit ano.. basta parang may kulang..

simula nung araw na nagpaalam samin si danica ay hindi na namin narinig pa ang boses niya o makareceive man lang nang kahit anong balita sa kanya.

sinusubukan namin siyang tawagan pero laging cannot be reached ang status..hanggang sa napagod na lang kami sumubok at natuto na lang mabuhay nang wala siya.

mahirap, masakit, nakakalungkot.. pero akala ko ayun na ang pinakamasamang mangyayari sa buhay ko.. hindi pa pala..

*************************************************************

Isang araw nang sabado, nagpunta ako kila maricar. walang tao kundi siya lang. pero parang iba ang pakiramdam nang paligid..

“hi baby..”sabay halik sa pisngi niya.

wala siyang imik.. malungkot ang mukha..

“o ano problema? bakit ganyan itsura mo?”tanong ko.

“wala naman…”sagot niya habang nakatungo lang siya.

“baby, sa lahat ba naman nang tao, sakin kapa maglilihim? kilala na kita.. alam ko kung may problema ka o acting lang yang ginagawa mo..”sabi ko

biglang may mga luha na tumulo sa kanyang mga pisngi..bigla akong nagpanic

“o bakit?! may nasabi ba akong masama?”tanong ko

diretcho lang siya sa pagiyak pero hindi niya ako kinakausap.. hinayaan ko lang siya nilapit sakin at niyakap..

“baby…”mahinang sabi niya

“hmm?”sagot ko

“mahal mo ba ako?”tanong niya

“oo naman! bakit mo naman natanong yan?”tanong ko

“kahit san ako pumunta mahal mo pa rin ba ako?”tanong ulit niya

“oo naman…teka.. parang alam ko na kung ano problema mo..”sabi ko

“ayaw ko baby….”sabi niya

“tumawag ba daddy mo?”tanong ko

(ang daddy ni maricar ay nasa US nagwowork kaya ang lagi niya lang kasama dito ay ang mommy niya.)

“oo…nung isang araw..nakausap ni mommy”sabi niya

“o ano sabi?”tanong ko pero parang alam ko na kung ano ang sasabihin niya

“nangangamusta lang naman siya..tapos nagkaron na daw siya nang green card dun..”pagkikwento niya..

“ipepetisyon ka ba niya?”tanong ko

hindi siya sumagot pero halata sa mukha niya ang sagot

“kailan daw?”tanong ko

“magaayos lang ako nang passport at visa”sabi ni maricar

ang bigat nang pakiramdam ko.. naiwan na nga ako nang isang taong mahalaga sa buhay ko hindi katagalan tapos biglang ganito ang mangyayari?

ano bang kasalanan ang nagawa ko para maranasan ko ang lahat na ito?

“wala na ba tayong magagawa?”tanong ko.. konti na lang alam ko babagsak na rin ang luha mula sa mata ko

“hindi ko alam…”sagot niya

katahimikan….katahimikan lang ang bumabalot sa amin ngayon..nakakabingi..nakakalungkot..ang bigat sa pakiramdam nang ganito…

“kung matutuloy yun, baka 2 months lang ang hihintayin namin bago ako kunin ni daddy..”sabi ni maricar

“ganun ba…”malungkot kong sagot…

ang hirap huminga.. ang bigat nang pakiramdam ko.. gusto kong umiyak pero hindi ko magawa.. kailangan kong maging matapang para kay maricar..

“baby, ayoko pumunta dun..ayaw kitang iiwan..”sabi ni maricar

“ayaw din naman kita iiwan eh.. at ayaw ko din naman na lumayo sayo..”sabi ko

“eh ano nga ba magagawa natin eh daddy mo ang nagdesisyon na pumunta ka dun..ano pa bang magagawa natin?”sabi ko..

tumungo na lang si maricar alam din naman namin na wala na rin kaming magagawa…

minabuti kong buksan na lang ang TV at manood na lang para medyo mawala kahit saglit ang mood sa loob nang bahay..

matapos ang ilang minuto ay dumating din si tita

“o dyan pala kayo… o bakit ganyan ang mga mukha niyo? anong meron?”sabi ni tita

“yung tungkol po dun sa papa ni maricar..”sabi ko

“ahhh… oo nga pala, tumawag ang papa mo kanina sakin..ang sabi ay tapusin mo na lang muna daw yung pagaaral mo dito tapos tsaka ka na daw niya kukunin..”sabi ni tita

biglang nagliwanag ang mukha ni maricar..

“talaga ma?!”sabi ni maricar

“oo, kasi sayang naman yung mga taon na inaral mo dito tapos bigla kang lilipat dun.. kaya sabi ko mas maganda kung tapusin mo na lang yung pagaaral mo dito tsaka ka lumipat dun..”pagpapaliwanag ni tita

“yehey!!”masayang sigaw ni maricar

ako man ay nasiyahan sa balitang dala ng mama ni maricar..pero hindi pa rin nawawala ang katotohanan na kukunin pa rin siya nang daddy niya..
**************************************************************

Lumipas ang panahon at 4th year na kami.. marami nang nagbago, marami nang nangyari.. pero kami pa rin ni maricar..

papalapit na ang graduation at excited na ang lahat para grumaduate..lahat sila masaya..ako lang ang taong hindi masaya sa paggraduate..dahil lang sa isang dahilan.. ang pagalis ni maricar..

ilang beses na namin napagusapan ni maricar ang tungkol dito at napagsangayunan namin na maging open ako sa darating na relasyon sa buhay ko.. kung kami talaga, sa takdang panahon ay magkikita ulit kami at sa panahon na yun ay magpapakasal kami.. malungkot man kami pareho pero wala din kaming magagawa..nagsuggest ako na wag na lang kaming maghiwalay at magstay na lang kahit long distance relationship..pero siya rin ang umayaw dahil darating at darating ang araw na magiging sobrang uhaw lang kami sa isa’t-isa at mapapagod din sa paghihintay..

“wag ka nang malungkot baby…alam mo kahit magkahiwalay man tayo, malayo man tayo sa isa’t isa isa lang ang pakakatandaan mo… mahal kita.. sobrang mahal kita…and of course, you’re always be my baby..”sabi ni maricar sakin nang may kasamang ngiti..

“I love you maricar…I love you very much…”at niyakap ko sya nang pagkahigpit higpit..

Isang linggo bago ang graduation, inaasikaso na nang lahat ang kani-kanilang mga kailangan para sa graduation.. lahat nang utang, kelangan bayaran, humingi nang dispensa sa lahat nang tao na nagawan nang kasalanan, magpasalamat sa lahat nang nakilala at naging inspirasyon sa amin at higit sa lahat, ang mga professor na naging kaaway, kalaban, kakampi, kaibigan, kabiruan, kakulitan, si ms. monster, si manong checker na kapag dumaan na ay alam naming wala na kaming prof at isa isa nang umaalis nang classroom, si “butingting” na wala nang ibang ginawa kundi halungkatin ang bag niya bawat 10 minuto, si tigasin na lagi naming kakulitan tuwing vacant, si ate kutsinta na wala nang ibang binibenta kundi kutsinta at marami pang iba… salamat, sorry sa inyong lahat.

nang busy na ang lahat ay kami nama’y nagpapahinga lang sa may lobby at nagkikwentuhan…

“grabe ang init… dami pa ba tayong gagawin?”tanong ko kay maricar

“medyo.. pero isang linggo naman to eh.. so okay lang..”sagot sakin..

“aba-aba busy masyado ah.. pwede bang manggulo?!”sabi nung isang tinig sa likod namin..

pareho kaming napalingon at pareho din kaming nagulat ni maricar kung sino ang nakita namin..

“danica!!!!!!”sigaw ni maricar sabay tayo at yumakap kay danica

“musta ka na bes?! miss na miss ka na namin!”sabi ni maricar

halatang halata ang excite sa muka at sa tono nang pananalita kay maricar

“okay lang naman.. eto pinuntahan ko lang kayo alam ko kasing graduation na eh kaya binisita ko lang kayo..”sabi naman ni danica

“sensya na kung hindi na ako nagsabi sa inyo na pupunta ako ha..”sabi ni danica habang nakatingin sakin

“ok lang yun.. wala namang problema..”sabi ko habang nakangiti sa kanya

“bes, ang ganda ganda mo na talaga… mas lalo ka pang sumeksi ah! mukhang hiyang na hiyang ka dito sa mokong na to ah!” sabi ni danica

“hahah.. hindi naman..medyo tumataba na nga ako eh..”sabi ni maricar

“mas bagay sayo yung ganyan..kamusta ka naman..”sabay taas nang kamay at akmang magha-high five sakin..

“ok lang naman.. napapagod na kami kakahagilap sa mga prof dito..hehehe..”sabi ko

“ano ba yan… appear lang???”sabi ni maricar

biglang namula si danica..

“bes naman…”sabi ni danica

“ok lang sakin..wag ka magalala, break na kami ni jayson..”sabi ni maricar

“huh!??! hindi nga?!!”gulat na tanong nito..

at pinaliwanag ni maricar ang nangyari kay danica…

“ahhh…kaya pala.. buti na lang pala nagpunta ako dito kung hindi, hindi na kita makikita pa pera na lang kapag dinayo ka namin sa US.. hehehe..”sabi ni danica

“kaya nga eh.. so since nandito ka na, let’s call for a celebration!!”sabi ni maricar

“okay yan! sige mamili na lang tayo pagtapos dito ako na magluluto..”sabi ko

“hahaha.. sakto wala pa akong kain! hahaha…”sabi ni danica

matapos nga kaming magayos nang mga kailangan sa skwelahan ay nagtungo na kami sa mall para mamili nang mga kakailanganin.. tumawag na rin kami kila maricar para ipaalam kay tita na magse-celebrate kami dun sa kanila.. wala naman daw problema…

naging masaya ang maghapon namin mula sa skwelahan papunta sa mall at pauwi kila maricar.. puro kwentuhan, hindi natapos ang kwentuhan namin at katuwaan..

sinabi na rin ni maricar na dun na lang muna tumuloy si danica sa kanila since isang linggo siya dito hanggang matapos ang graduation at wala naman siyang uuwian.. yung bahay nila kasi dati ay nirerentahan lang at ngayon ay ibang tao na ang nakatira..

hindi na ako natutulog kila maricar..since hindi na kami, parang hindi na tama na matulog pa rin ako sa kanila..

pero nabago lang yun nang dalawang araw bago maggraduation..

“dito ka na muna matulog baby…”sabi ni maricar

“ha? ayoko… dun na lang ako sa bahay..”sabi ko

“edi dun na lang tayo sa kanila matulog..”sabi ni danica

“oo nga kung ayaw niya dito, edi dun tayo.. hihihi..”Sabi ni maricar

“hala!? ang gulo nitong dalawang to oh.. sige na nga dito na ako matutulog.. uwi lang muna ako sa amin para kumuha nang gamit..”sabi ko

“wag ka na umuwi, may gamit ka pa naman dito eh… yun na lang gamitin mo..”sabi ni maricar

“yehey dito na siya matutulog!”sigaw ni danica at sabay na nagtawanan ang dalawa..

matapos kumain nang dinner ay nagayos na nang higaan ang dalawa sa kwarto..

“sige dito na ako sa sofa ha… magaayos lang ako nang tutulugan ko..”sabi ko sa kanya at sabay talikod papunta na ako nang sofa

bigla akong hinatak ni maricar at ni danica..

“bakit sinong nagsabi sa sofa ka matutulog?…”sabi ni maricar

“dito ka sa kwarto….sa gitna namin..hihihihi!”sabi ni danica

hindi na ako pumalag at sumama na lang sa kanila..

“sige na nga… wag niyo akong hatakin babagsak ako!”sabi ko

“hihihi…sorry naman… o yan..”sabi ni maricar at sabay bitaw sakin

“maliligo lang ako ha..sabi ko..”pagkatapos kong magayos nang mga gamit..

“okay.. yung towel nasa loob nang CR..  yun na lang gamitin mo..”sabi ni maricar

pagpasok nang cr ay sinara ko ang pinto.. naghubad at nagbukas nang shower.

“sarap naman nang tubig….”sabi ko sa sarili ko..

pumikit muna ako habang ninanamnam ang tubig na galing sa shower..

nakakahypnotize yung sarap ng tubig, parang nakakaantok..

nang medyo inaantok na ako ay biglang may dalawang kamay na humawak sakin.. sa sobrang gulat ko ay bigla akong napabalikwas

“ay anu ba yan!”sigaw ni maricar

“hala basa na tayo.. maligo na rin tayo bes! hihhii..”sabi ni danica

“oo nga… hihih..”at sabay na naghubad ang dalawa at pumasok sa shower room..

parang mga bata na naglalaro sa ulan yung dalawa sigawan nang sigawan at harutan nang harutan..

nang magsawa nang magharutan ay nagsimula na silang haplusin ang lahat nang parte nang katawan nila, nang akin habang naghahalikan..

“miss ko to…”sabi ni danica

“ako din..”sabi ni maricar

pareho silang nanggigigil..isang threesome na naman ang nangyari saming tatlo. naka-ilang rounds kami katulad nang nangyari sa amin sa bagiuo ngunit ngayon ay mas matagal.. parang sinulit namin ang panahon at oras na magkakasama kaming tatlo..halos 4AM na kami nakatulog tatlo.. pagod na pagod ngunit may mga ngiti sa aming mga labi..
***********************************************************
dumating ang araw nang graduation at may ngiti naming tinanggap ang aming mga diploma.. hindi man nakagraduate si danica ngunit masaya naman siya para samin at masaya din kaming nagcelebrate tatlo..

matapos ang graduation ay umalis na si danica at umuwi na ulit nang bagiuo.. next time na magkita kita kaming tatlo ay siguradong mga professional na rin kami..

isang linggo matapos ang graduation ay ang pagalis naman ni maricar ang mangyayari..

hindi na ako ganun kalungkot.. tanggap ko na rin ang mangyayari.. kaya hinatid ko si maricar sa airport nang walang halong pagsisisi sa aming nararamdaman.

“baby, magingat ka dun ha.. panibagong lugar yun at mga panibagong mga tao ang mga pakikisamahan mo dun.. kahit paminsan minsa, magcommunicate ka naman sakin ha.. sobrang mamimiss kita baby ko…”sabi ko kay maricar

“ano ka ba baby, wag kang ganyan.. baka hindi na ako sumakay nang eroplano eh..”sabi ni maricar

“hehehe.. sorry naman..”sabi ko..

to all passengers of flight 9473 going to Chicago, Illinois, please board the plane now.

“o kayo na yun.. basta magingat ka ha..”sabi ko

“opo.. ikaw din ha.. tandaan mo ang sinabi ko sayo ha..”sabi ni maricar

“opo..”sabay kabig sa kanya at yakap nang mahigpit sa kanya at isang mahabang halik ang binigay ko sa kanya..

“baby..nahihirapan akong umalis..”sabi ni maricar at tumutulo na ang luha niya

“wag ka magalala…kapag nahirapan ka dun, nandito lang ako… bumalik ka lang dito at tatanggapin pa rin kita kahit maging ano pa man ang mangyari..”sabi ko

“I love you jayson..I love you baby ko..”sabi ni maricar at sabay halik sakin..

“bye…”isang malungkot na paalam ang ibinigay niya sakin.. at pumasok na siya nang airport.

kahit tanggap mo na, mahirap pa rin pala.. lalong lalo na kung mahal mo sa buhay ang aalis..

pero malungkot man ay kailangan kong mabuhay.. nangako ako kay maricar na kakayanin namin kung ano man ang mangyari..
************************************************************

may mga bagay ba akong pinagsisisihan? wala..kasi kung hindi dahil sa lahat nang nangyari samin ay alam kong hindi ako magiging ganito kung ano man ako ngayon.. marami akong natutunan sa lahat nang nangyari samin, masama at mabuti.. pano magpahalaga sa buhay, pahalagahan ang mga kaibigan at higit sa lahat, matuto kang makuntento kung ano ang meron ka ngayon..

may mga tanong tayo sa sarili, bakit ba nangyayari satin tong mga suliranin na to? ano bang nagawa natin na masama para maranasan tong kahirapan? marami tayong tanong sa sarili at sa Diyos.. pero isa lang ang pakakatandaan natin, kahit ano mang suliranin o paghihirap, hindi tayo bibigyan nang isang suliranin na hindi natin kayang lutasin.. may mga bagay na makakayanan lang natin matapos makalipas ang mahabang panahon pero wag tayong mawawalan nang tiwala sa nasa taas…

may kanya kanyang buhay na kaming tatlo, si maricar sa US, ako dito sa manila at si danica sa bagiuo.. ang balita ko ay may trabaho na si maricar sa US, computer programmer, si danica naman ay may bf na rin dun sa baguio at alam kong tapos na din sya nang college..ako naman ay isang IT specialist dito sa isang kumpanya sa maynila..

matagal tagal na rin ang panahon na nagkahiwa-hiwalay kami.. almost 6 years na rin.. madalang na rin kami magkaron nang communication.. pero hanggang ngayon ay mahal ko pa din si maricar, pero dahil na din sa tagal ay unti-unting nawawala at nalilipat ang attensyon ko sa iba..lalong lalo na sa trabaho..

6 years na akong walang gf.. pero nagbago lang ito nang nakilala ko si…

dheza…..

**Fin**

Guys, thank you po sa lahat nang sumubaybay sa series na to.. hindi ko alam kung maganda o pangit pero nagshare lang ako.. Feel free to criticize my work, it will make me a better author.

I would like to thank for those readers who red my work from start to finish…

rayne – pre salamat na marami, kahit na masyado mo akong minamadali lagi sa pagpopost eh nakakapaghintay ka pa rin.. heheh..

arkhe13 – salamat at naging isa sa mga favorite mo ang HTF.. hopefully, mabasa mo din yung dati kong story and yung mga future story ko pa..

littlemissjulie – sorry po kung hindi ako nakakapagupdate araw araw ha.. thanks din sa effort sa pagbabasa at pagchecheck araw araw sa series na to. hopefully to hear from you sa next story! =D

3LM – salamat sa pagsubaybay sa series pre.. more power!

photo.illustrator – thanks sa pagbabasa sir, kahit na sa dulong part ka na lang nagleave nang comments, hopefully you enjoyed the whole story..

tonchirog – thanks sa pagbabasa! this is to let you guys know that there are always 2 sides of a coin.. meron din taas at baba, may hirap at sarap.. It doesn’t matter how tragic your life can be, we just need to move forward and experience life to the fullest.

dropdead – uy hindi ka na nagko-comment ah! although lagi mo akong kinokontra sa mga comment mo, I still appreciate everything that you’ve said.. “we can’t please everyone but at least let’s put a smile on their face even once..” stay cool and pretty! =D

braindrain – salamat sa pagbabasa pre, sana nagenjoy ka sa story kahit sobrang haba… hehehe..

boyaxs – kahit na akala mo lagot ako kay lorraine, ok lang.. hehehe.. basta nagenjoy ka sa gawa ko ok lang kahit ano.. =p

**special mention**

chloe – kahit na nahihirapan kang magregister dito at sa tingin ko ay hanggang ngayon hindi ka pa rin nakakapagregister, I know you’re reading this.. Hope you enjoyed the series.. I’ll make the next one ASAP.. wag lang maging busy.. ingat ka lagi, kamusta mo na lang ako kay bestfriend at kay sis at kay boyfriend ha! sorry at nasama ka pa sa story ko.. hehehe… keep it cool and stay pretty! =D

to everyone who just dropped by… arigato gozaimasu, thank you, maraming salamat, merci, efcharisto at lahat lahat na salamat po!!!