HOW I MET MY FIRST LOVE
~ Zaniro Maralit
Please play the music provided on the link below before proceeding on reading the story:
Una ko siyang nasilayan sa campus noong araw ng taglagas habang isa-isang pumapatak ang mga dahong tuyot sa paligid namin. Dulo sa dulo, unti-unti naming dinarang ang isa’t-isa habang magkasalubong naming tinatahak ang maliwanag na hallway patungo sa aming mga klase. Nag-umpisang tumunog ang musika sa loob ng aking pag-katao matapos kong masilayan ang tuwid at malambot n’yang buhok habang malumanay itong pinapayid ng mapayapang hangin. Tumama ang sinag ng araw sa aming mga katawan at sa pagkakataong iyon, naintindihan ko na binalot ang aking kamalayan ng init mula sa aking pag-kabighani sa babaeng magbabago ng aking buhay, si Kayle..
Ilang hakbang pa at lubusan kong nakita ang kanyang marikit at chinitang mga mata. Namasdan ko ang makinis at malambot niyang pisngi na kasing puti ng mga ulap sa itaas. Pumukaw sa aking kayumangging mga mata ang mapupula, banayad at manipis n’yang mga labi at saka ko namasdan ang perpektong pagkaka-hugis ng kaniyang ilong. Isa s’yang anghel sa aking paningin. Halos maikling segundo lamang ang lahat ng iyon subalit tumatak ang perpektong mukha n’ya sa aking isipan ng biglang…
“Plak!..” ~ Lumingon ako matapos ko s’yang malagpasan upang masilayan lamang ang isang aklat na nahulog mula sa kanyang mga kamay.
Mabilis akong yumuko upang ito’y pulutin subalit natuon ang aking atensyon sa mapuputi nyang legs na nakahain sa aking harapan.
“Hindi pwede Trace.. Composure dude. Composure!” ~ bulong ko sa aking sarili habang pilit nilalabanan ang pagkadarang sa kanyang makinis at maputing legs na nakatutok sa aking mukha.. Marahan kong ini-angat ang aking paningin at waring ako’y naglakbay sa isang race-track dahil sa napakagandang kurbada ng kanyang katawan.. Nagtama ang aming mga mata sa aking pagtayo.
Iniabot ko sa kanya ang aklat ng walang imik at emosyon saka s’ya nagpasalamat kasunod ang isang matamis na ngiti.. Natural namang suplado ako kaya hindi ko s’ya pinansin at kaagad akong tumalikod saka naglakad na puno ng yabang..
“Hindi dahil maganda ka, ay magkakainteres ako sa’yo ng ganun na lang.” ~ Saka ako ngumiti at feeling gwapong pumasok sa aking silid ROOM PS-243..
“Wow.. Candy… ” ~ narinig kong bulong ng mga babae sa klase patungkol sa akin.
“Hi Trace!” ~ bati naman ng isang isang babae na kaklase ko last semester.
Ngumiti ako at saka tahimik na pumili ng upuan malapit sa may bintana. Huminga ng malalim, ipinikit ang mata at nag-handa para harapin ang panibagong semester ng aking collegiate life…..
Mabilis namang lumipas ang oras sa piling ng aking ballpen, bag at papel.. Lumubog ang araw at nabalot ng dilim ang buong paligid. Sa natutulog na mga puno naman ay dumilig ang malakas na buhos ng ulan at saka tumunog ang final bell na naging hudyat ng aking pag-uwi..
Napuna ko ang katandaan ng gusaling kinaroroonan matapos kong mamasdan ang pagtulo ng tubig mula sa bubong na bumasa sa hagdanan.. Pababa na sana ako ng may kung akong pumigil sa akin upang tahakin ang daan pababa kaya’t nagpasya akong tumambay muna sa corridor upang makipag biruan sa aking mga kabarkada..
“Oh pare, check that out. Let me guess, 35-24-36,” ~ pagyayabang ni Dondi na kilalang manyakis sa campus habang nakatitig sa isang sexyng babae sa harapan namin.
“Pare, her name is Yna! Classmate ko yan last sem.. Pwede yan..” ~ dagdag naman ni Lorenz na side-kick ni Dondi sa kamanyakan.
“Tsk, pano ko ba kayo naging barkada eh ang manyak ninyong dalwa?” ~ naiinis kong tanong sa kanila.
“Birds of the same feather, flock together right?…” Nabigla ako sa di inaasahang boses ng isang babae mula sa aking likuran. Lumingon ako subalit wala akong nakita. Pagharap ko, namasdan ang dalawa kong kaibigan na pilit pinipigil ang kanilang pagtawa..
Namula ako sa inis at hinanap kung kanino nang-galing ang boses subalit pawang mga kababaihan na may kanya-kanyang usapan ang nakita ko sa aking likuran….
“Hey guys! Who said that?” inis kong tanong.
“That girl dude, that girl!” sabay turo ni Dondi sa isang nakatalikod na babaeng bumababa sa hagdanan ng gusaling iyon.
Inis ko siyang hinabol upang kilalanin at pagsabihan!
Naabutan ko s’ya at mabilis akong nagtangkang hilahin ang kanyang kama’y ng biglang……
“Aaaaaayyyyyy!!!!” napasigaw ang hindi kilalang babae matapos madulas sa basang hagdan dulot ng tubig ulan na tumatagas mula sa bubong ng lumang gusali..
Subalit bago pa man s’ya mahulog ay nahawakan ko na ang kanyang mga kamay at hinila s’ya papalapit sa akin. Napayakap s’ya sa aking hulmadong katawan at saka ko narinig ang hiyawan ng mga kapwa estudyante sa paligid namin..
“Nakabad-trip naman!! Mas mabuti pang nahulog na lamang siya para nalaman sana niya na totoo ang karma! Bukol-bukol sana ang ulo mo kung nagkataon!”
“Nice one Trace!! Super hero ang dating mo!! Superman- Supermanyak!!” pangungutya ng dalawa kong kabarkada saka nila itinodo ang pang-aasar sa akin kasama ang iba pang nakakita ng pang-yayari.
Mula sa kanyang pag-kakayakap sa aking katawan ay marahan siyang tumingala upang titigan ang aking mukha at doon ko nalaman na siya ang babaeng nakasalubong ko kanina sa campus hallway… Nabigla ako at natigilan dahil sa gulat.
Dahil sa may konti pa rin akong inis, pilit kong inalis ang kanyang mga braso na nakabalot sa aking katawan at saka mahinahong bumulong sa kanya…
“KARMA………” saka ako nag-lakad pababa ng hagdan na puno ulit ng yabang at may dalang ngiti sa aking pag-uwi..
PART 2. COMING SOON