For Whom The Wedding Bells Toll

Author Name: scophish | Source: pinoyliterotica.com

E C C E N T R I C i n d e l   6 . 0

_______________________F i n a l  P o s t________________________

A MAN’S FACE IS HIS AUTOBIOGRAPHY, a woman’s face is her work of fiction – Hindi sumasang-ayon si Cindel sa katagang ito, ngunit hindi niya maitatanggi ang katotohanang nakahimlay dito. Hindi niya maikakailang ang mukha ng kanyang pagkatao, ng kanyang pagiging isang babae, ay parang isang katha na siya mismo ang may akda.

Katatapos lang niyang mag-makeup sa tulong ng bestfriend niyang si Joice. Sa isang espesyal na araw na ganito, lahat ng babae ay kumukuha ng isang professional na makeup artist. Ngunit napagkasunduan nila na sila lamang dalawa ang mag-aasikaso sa kanyang pagpapaganda. Mas nais ni Cindel na ma-iprisenta ang sarili, sa sariling pamamaraan. Gustong-gusto ng mestisa na mailabas ang pinakamaganda sa kanya sa araw na ito, ngunit ayaw rin naman niyang suwayin ang gusto ni Symon – ang lalakeng pakakasalan niya. . . sa araw na ito.

Sa loob ng tatlong taon nilang relasyon ay ‘di niya nakakalimutan ang mga senyales na binibigay ng lalakeng mahal na mas gusto nito ang natural niyang ganda. Ayaw ni Symon ng sobrang makapal na makeup, ng sobrang kaartehan. Kaya sa araw ng kanilang kasal ay susundin niya ito.

“Perfect! Ang ganda-ganda talaga ng bestfriend ko!” Buong pagmamalaki ni Joice habang nilalagay ang finishing touches sa kaanyuan ni Cindel.

“Thank you Joice. Sure na sure ka na bang magandang-maganda na ako sa mga mata ni Mr. Baker Boy?”

“Ano ba naman ang ibig mong sabihin? Wala ka bang tiwala sa beautification skills ko?”

“Don’t get me wrong bes. Kung sa pagandahan techniques lang ay alam kong walang tatalo sa’yo. Sobrang ni-ninerbyos lang siguro ako.” Sabi ni Cindel sabay buntong hininga.

“Don’t worry about anything Cind. This is your wedding day. Dapat isipin mo na ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo. At kung ako ang tatanungin, ikaw nga Cind ang pinakamaganda sa lahat ngayon. At ‘di ko sinasabi ito dahil bestfriend kita!”

Napangiti lamang si Cindel, ‘di niya alam kung paano sumagot. Hindi niya alam kung paano dalhin ang sarili sa pagkalunod sa kaligayahang nadarama. Tahimik lamang niyang tinitigan ang sarili sa salamin habang katabi si Joice. Sa loob ng ilang minuto ay nakatayo lamang sila sa harap ng salamin, iniisip ang ilang magagandang alala-ala na naging mga baitang na kanilang natungtungan upang marating ang kapana-panabik na tagpong ito.

“Tama na ‘yan Cind”

“Anong tama na?”

“Tama na ‘yang reminiscing na ‘yan. Sayong-sayo na si Symon, wala nang makakaagaw pa sa kanya.”

“I can’t help it bes. ‘Di talaga maalis sa isip ko kung paano siya nag-propose sa akin…

.

SA ENTBALADO NG ISANG STADIUM, doon nababagay ang rakistang si Symon, hindi sa tabi ng isang fruitstand na kung saan ay nakiusap itong makakuha ng supply ng kuryente para sa kanyang dala-dalang guitar amp. Hindi pa rin alam ni Cindel kung ano na namang kaweirduhan ang pumasok sa utak ng kanyang kasintahan. Bakit siya dinala dito ni Symon? Bakit ito nakiusap sa isang fruitstand vendor na mai-plug ang kanyang dalang portable sound system para masaksakan din ng gitara at microphone?
Napapansin na si Symon ng ilang mga dumaraan. Hindi ito ganun kadungis kung tingnan para mapagkamalang isang musikerong pulubi. At dahil sa suot nitong T-Shirt at distressed jeans ay hindi rin naman ito mapagkamalang isang “street evangelist.”

“Good afternoon everyone. I’m gonna do this street gig with utmost importance.” Boses ni Symon na lumabas sa portable sound system na inilapag nito sa tabi ng daan.

“Uy, di ba yan yung vocalist ng Algorythm?” Rinig ni Cindel na sabi ng ilang dumaraan.

“Si Sir Symon!” Sambit naman ng ilang kabataang, palagay ni Cindel ay dati niyang schoolmates. Hindi niya pinansin ang mga ito, nakadikit lamang ang kanyang mga mata kay Symon na patuloy pa ring nagsasalita.

“Sa araw na ito ay kinakailangan ko ang tulong ninyong lahat – kayo na nakikinig. May kukumbinsihen tayong isang napakagandang babae. Ngunit bago ang lahat, pakinggan n’yo muna ito. . .”

Pinatugtog na ni Symon ang kanyang gitara. Pamilyar na pamilyar kay Cindel ang intro ng kanta: “.” Habang kumakanta at tumutugtog si Symon ay may lumpit kay Cindel, isang batang lalake. . . may hawak na isang munting kahon. Hindi man alam ni Cindel kung ano ang laman nito ay malakas ang kanyang kutob na isang engagement ring ang nasa loob nito, dahilan para halos maiyak na siya sa tuwa.

Isa sa mga dahilan kung bakit niya minahal si Symon ay ang pagiging magaling na musikero’t mang-aawit nito. Maraming beses na niya itong nakita’t narinig na kumanta at tumugtog, ngunit kailan man ay hindi pa niya ito nakitang umawit na kagaya ng ginagawa nito ngayon. Nakatayo lamang si Cindel ngunit ang buong kaluluwa niya ay tumatalon at sumasayaw, sa ‘di maipaliwanag ng kagalakan – inaalok na siya ng kasal ng lalakeng pinangarap niya ng halos apat na taon, at naging kasintahan niya ng tatlong taon.

Binuksan na ng batang lalake ang munting kahong dala nito at tumambad sa paningin ng mestisang dalaga ang singsing na nandoon. Inilapag ni Symon ang kanyang gitara, lumapit kay Cindel at lumuhod gamit ang kanyang isang tuhod. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at kinuha ang singsing.

“Should the Earth split open where I kneel, I’m not gonna move till I hear your answer. Will you marry me my Cindel?”

Nanginginig at halos ‘di man makontrol ang sarili ay nakapagbitaw pa rin si Cindel ng: “Of course, I will marry you, you know I will.”

Napangiti si Symon at marami pang sinasabi si Cindel, ngunit hindi na sila masyadong nagkarinigan – sobrang maingay na ang paligid: naghiyawan at nagpalakpakan na ang mga tao. Kasabay ng pagtayo ni Symon ay ang mas malakas pang sigaw ng mga tao: KISS, KISS, KISS!

Di na napapalagay si Symon. Sanay na sanay siya sa pakikinig ng iba’t-ibang uri ng sigaw ng mga tao habang nasa isang entablado bilang rakista, ngunit hindi pa siya kailanman nakaranas ng ganito. Napalingon siya sa kaliwa, sa kanan. . . at napatingin sa mukha ni Cindel. Napa kibit-balikat lamang ang binata, hindi alam kung paano tugunan ang nire-request ng mga nanunood.

Walang aksyon galing kay Symon kaya si Cindel nalang ang gumawa ng hakbang. Inilapat ng dalaga ang kanyang dalawang palad sa mga pisngi ni Symon at hinalikan ang mga labi nito. Sa gitna ng pagkalunod sa sobrang saya at sa ingay ng lalo pang lumalakas na palakpakan at sigawan ng mga tao ay tumugon ang binata sa ginagawa ni Cindel sa pamamagitan ng paglagay ng kanyang isang kamay sa batok ng dalaga.

Hindi mahilig sa “PDA” si Symon, ngunit heto siya ngayon, nakikipaghalikan kay Cindel sa tabi ng isang daan. Malaking tsismis ang ginagawa niyang ito:

Isang teacher, nakipaghalikan sa kanyang dating estudyante sa tabi ng daan!

. . .ngunit wala na siyang pakiaalam pa sa kung ano mang balita ang maikalat dahil sa pangyayaring ito. Pakakasalan na niya si Cindel. Lahat ng tsismis at isyu ay wala nang kabuluhan para sa kanya.

.

ISANG PAGPAPATIWAKAL - ito ang kahulugan sa salitang “pagpapakasal” ayon sa ilang kaibigan ni Symon. Ngunit sinasabi lamang ng mga ito ang ganoon dahil palpak ang kanilang nabuong pamilya, o kaya’y pinagsisihan nila ang napiling taong pinakasalan – ganito ang sagot ni Symon sa mga nag di-discourage sa kanya na pakasalan si Cindel. Siguradong-sigurado siya sa ginawang desisyon. Ilang sandali nalang mula ngayon ay magiging “Mrs. Veintura” na si Cindel, wala nang makakapigil pa dito.

Habang sinasariwa sa kanyang isip ang ginawang “impromptu street concert” para makapag-propose sa kasintahan ay dahan-dahan din niyang sinusuot ang pinaka magara, pinakapormal at pinakadisenteng damit na kanyang nabili sa boung buhay niya: isang custom-designed barong tagalog. Matapos ang ilang minuto ay halos tapos na siya. Nang maipasok na ang pinakahuling butones sa dapat nitong kalagyan ay napangiti si Symon. “Here I come my Cindel, let’s fulfill our destiny!”

Lumabas na si Symon sa nirerentahang silid. Kasabay ng paglock ng pintuan ay ang pagbagsak ng isang bagay sa tapat niya – isang bato na nakabalot sa isang papel. Pinulot niya ito at bago pa man mabasa ang nakasulat dito ay kinabahan na si Symon.

TATLONG TAON SA NAKARAAN, MAY SINIMULAN TAYO NA HINDI PA TAPOS. MAY BIHAG AKONG ISANG TAONG MAHALAGA SA’YO. PUMUNTA KA NA DITO NGAYON DIN, KUNG HINDI AY KATAPUSAN NA NIYA. WAG NA WAG KANG MAGKAKAMALING TUMAWAG NG PULIS. . . PAGSISISIHAN MO KUNG SUSUWAYIN MO AKO. ALAM MO NA KUNG SINO AKO, AT ALAM MO KUNG SAAN KA DAPAT PUMUNTA.

Labis na galit at takot ang nararamdaman ngayon ni Symon. Galit dahil sa pagiging “wrong- timing” ng sinumang hayop ang may gawa nito, at takot hindi para sa kanyang sarili, kundi para sa kung sino mang mahal sa buhay ang naging bihag ngayon. Bakit ngayon pa? Bakit sa mismong kasal pa niya naisipang maghiganti ng kalaban na nagpadala ng mensaheng ito? Marami na siyang nakatunggali at nakasagupa, ngunit siguradong-sigurado siya sa may pakana nito. Siguradong-sigurado din siya sa lugar na tinutukoy ng kalaban.

Ito ang pinaka-importanteng araw sa buhay ni Symon, at dapat ay wala siyang ibang pinagtutuunan ng pansin ngayon kundi ang pagpapakasal kay Cindel. Ngunit hindi niya puwedeng balewalain ang mensaheng natanggap.

Kailangan kong harapin ito. . . ng mag-isa.” Wika ni Symon sa sarili, na may dalangin sa kanyang puso.

.

MISTERYOSO AT PARANG ELEMENTO ng isang bangungot, ito ang itsura ng abandonadong gusali na kung saan ay naganap ang isa sa pinaka ‘di-makakalimutang sagupaan na nangyari sa buhay ni Symon. May malaking pangyayari na naganap dito tatlong taon na ang nakaraan. Dito niya dinala si Cindel para mailigtas mula sa mga kamay ng grupo ni Boris, at dito din muling nagliyab ang apoy na sumisimbolo sa pagmamahal niya sa babaeng pakakasalan niya ngayon.

Dito niya tinalo ang grupo ng isa sa pinaka-notorious na gang sa boung Davao, ang grupo na tiyak niyang siyang may pakana sa pagtutuos na ito. Hindi alam ni Symon kung ilang kalaban ang nasa loob. Hindi rin niya alam kung sino ang “importanteng tao” na tinutukoy ni Boris. . . Tiyak niyang plano ito ni Boris.

Dapat siyang matakot. Dapat siyang tumawag ng “back-up” at “reinforcement”, ngunit parang may boses sa loob niya na nagsasabing, kayang-kaya niya ang hamon na nag-aabang sa loob. Hindi niya alam kung bakit. Pumasok na si Symon sa loob ng gusali.

Maliban sa matinding pisikal na pagsasanay sa lakas at bilis ng katawan ay sinanay din ni Symon ang sarili sa ilang “awareness drills” – isang uri ng pagsasanay na kung saan ay pinapalawak at pinapatalas niya ang kanyang paningin. Ang epekto ng pagsasanay na ito ang kusang lumabas ngayon sa kanyang katawan: nang walang kahirap-hirap niyang namataan ang isang pabagsak na kadenang may nakataling isang “cylinder block” ng isang makina ng truck.

Napatalon si Symon para maiwasan ito at mabilis na napa “shoulder-roll” para maisawan ang isa pang mabigat na bagay na naka bitin para pigain siya sa dingding. Mabilis na tumayo si Symon at awtomatikong nag “fighting stance”, hindi ininda ang kanyang nadungisan at napunit na puting kasootan.

“Bravo, bravo. . . wala ka pa ring kupas Mr. Veintura, superhero ng bayan.” Sabi ng lalakeng lumabas galing sa isang sulok ng gusali – Si Boris Alcover. “Alam kong hindi kita kayang patayin sa pamamagitan ng dalawang mabibigat na bagay na iyon. Kaya parurusahan nalang kita sa pamamagitan ng dalawang kamay ko.” Dagdag pa nito.

“Boris, nasaan na?” Tanong ni Symon.

“Ang tinutukoy kong bihag?” Walang bihag Symon, tayo lang dalawa ang nandito. Matalino ka ngang tao pero nagmukhang  tanga ka pa rin. Napapunta kita dito gayung wala namang dahilan!”

“Hindi yan ang ibig kong sabihin Boris, ang mga lampa mong kasama, asan na sila? Baril, wala kabang baril diyan? Kailangan mo ng konting proteksyon Boris, masakit ang mabugbog eh.” Nagmukhang tanga nga si Symon, ngunit natutuwa naman siyang wala naman palang bihag.

“Hindi ko kailangan ng baril at alalay sa plano kong ito Symon. Napagpasyahan kung lasapin ang tamis ng aking paghihiganti nang mag-isa!”

“Walang bihag, baril, o alalay man lang? Nakakadismaya. . . Kung ganun eh, sa ibang araw nalang kita bubugbugin, p’wede ba Boris?” Sabi ni Symon sabay talikod para makalabas na ng gusali. Ngunit bigla nalang bumagsak ang “roll-up door” ng gusali. Nilingon niya si Boris at nakita niyang may pinipindot itong isang mekanismo na palagay niya ay ang activator ng isang “hydraulic lock” ng dambuhalang pintuan. Batid na ni Symon ngayon na hindi na siya makakalabas, maliban nalang kung mapabagsak niya si Boris.

“Kung ‘yun ang kailangan para makalabas ako dito, eh di bugbugan na!”

Ilang segundo matapos ang ilang paglakad-lakad ng pahalang ilang metro sa harap ni Symon ay nagsalita si Boris:

“Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Hindi biro ang dinanas ko sa bilangguan sa loob ng dalawang taon. Nang makagawa ng paraan para makatakas ay nagsanay ako ng maigi sa iba’t-ibang uri ng martial arts sa loob ng isang taon. Ngayon Symon, ihanda mo na ang sarili mo sa aking paghihiganti!”

“So dahil ex-convict ka, ay siga ka na? Eh ano ngayon kung nakapagsanay ka ng martial-arts? Tingin mo kaya mo nang patumbahin ang superherong ito na pinarusahan at binugbog ng husto ang apat na alalay mo tatlong taon na ang nakaraan, dito sa mismong gusali na ‘to? Isipin mo ‘yan Boris kung may utak ka!” Sagot naman ni Symon, ina-analisa ang maaring gawin ni Boris.

“Huwag kang masyadong mayabang at kampante Symon. Hindi mo pa alam kung ano ang kaya kong gawin. Sinira mo ang buhay ko at ngayon, sa araw ng kasal mo, tinitiyak kong masisira din ang buhay mo at ang buong pagkatao mo!”

“Boris, walang dapat sisihin sa pagkasira ng buhay mo kundi yang kademonyohan at kabobohan mo!”

“Tama na ang satsat, umpisahan na natin ang laban!”

Pagkasabi ni Boris ng ganoon ay nababasa na ni Symon na siryuso na nga ito, at akma nang aatake. Karamihan sa mga nakalaban ni Symon ay mga lasing na basagulero, mga tambay na gustong maaliw, o mga miyembro ng gang na gustong makakapag “trip.” Ang isang ito na kaharap niya ngayon ay kakaiba. Hindi pa siya nagkaroon ng pagkakataong makasagupa ang isang taong may paghihiganti na nakapaloob sa puso nito sa loob ng ilang taon. Mas lalong naging malalim at matalas ang tingin ni Boris sa kanya. Ilang sandali pa ay humakbang na ito papunta sa kanya. . . at agad na nag-umpisang magpa-ulan ng mga suntok at sipa.

Maliban sa kapansin-pansing mas malakas na pangangatawan ni Boris ay ang mas mabilis din na mga galaw nito. Kung di man magawang umilag ni Symon sa mga suntok ay naitapik naman niya ang mga ito sa ibang direksyon. Hindi man tumatama ang mga pag-atake ay ramdam niya ang puwersang dala ng mga ito.

“Siguro’y isang suntok lang na tatama sa mukha ko ay bagsak na ako.”

Nagpakawala ng isang straight punch si Boris na nasangga naman ni Symon gamit ang kanyang naka-ekis na mga braso. Napasuray ng konti ang mas maliit na si Symon na sinamantala naman ni Boris na sunggaban sana siya’t sakalin, ngunit mabilis itong nakalipat sa bandang gilid ni Boris.

Nakakita ng “opening” si Symon sa bandang dibdib ng kalaban at binigyan ito ng isang “straight jab.” Napaatras man ng konti ang natamaan ay ramdam ni Symon ang katatagan ng “footwork” ni Boris, at ang kakaibang katigasan ng katawan nito. Dumaan nga talaga yata ito sa isang matinding pagsasanay.

Ngunit ang isang taon na pagsasanay nito, gaano man katindi ay balewala ito sa mas maraming taon na karanasan ni Symon sa street-fighting at extensive research sa “close quarter combat.” Gayunpaman, hindi magagawang magpadala sa sobrang kumpyansa si Symon. Isang pagkakamali lang ay maaring makansela na o kaya’y di na matutuloy ang kasalang naghihintay sa kanya.

“Kailangang tapusin ko ng mabilis ang labanang ito”

Malamang may pambihirang kakayahan na nga si Boris sa “hand to hand combat” ngayon, ngunit tiyak ni Symon na wala sa isip nito ang mentalidad ng isang tunay na mandirigma.

“Psychological attack, ito ang susi sa pagkapanalo ko dito.” Dikta ni Symon sa sarili.

Umatras pa siya ng konti at gumawa ng bagay ng tiyak niyang ‘di inaasahan ni Boris.

“Nagsanay ka nga ng isang taon pero wala ka pa ring panama sa akin! Ano ba Boris, ako ba talaga ang balak mong gulpihin, o ang hangin na nasa paligid?” Sabi ni Symon habang nakahawak sa sariling balakang. Nginitian niya si Boris na lalong ikinagalit nito.

At gaya ng inaasahan ni Symon ay umatake na nga si Boris dala ang namumuong galit nito. Isa sa mga prinsipyo ng tunay na mga martial-artist ay ang katagang “Never attack in anger.” Ang pagiging kalmado ni Symon ang nakakapagpalamang sa kanya dito. Alam niya ito. Umatras pa ng ilang hakbang si Symon nang di inaalis ang ngiti sa kanyang mukha.

“Anong nginingiti-ngiti mo d’yan? May nakakatawa ba?” Galit na bungad ni Boris.

“Meron Boris, nakakatawa ang pagiging kaawa-awa mo!” Dudugtungan pa sana ni Symon ng isang mapangutyang paghalakhak ang sinabi para lalo pang paigtingin ang galit ng kalaban ngunit ‘di na kailangan. . . patakbo ng itong sumugod.

Kung buong kumpyansa si Boris sa kanyang lakas na patumbahin si Symon as mas lalo namang nakahanda ang huli para sa pinaplano. Gamit ang pambihirang bilis ng kanyang kamay ay inihagis ni Symon ang kanyang puting panyo pataas. Bahagyang napatingala si Boris, tinatanong ang sarili kung nasisiraan na ba si Symon sa pag-aakalang matatakot siya sa isang pirasong tela.

Ngunit hindi na malalaman ni Boris ang sagot. Napapansin nalang niyang umiikot na ang paligid, at bigla nalang dumikit ang sahig sa kanyang kanang pisngi. Dumaan pa ang ilang segundo at nalaman nalang niyang may matinding pananakit sa kanyang kaliwang panga.

“Boris, Boris, Boris. Isang puting panyo na nasa ere, ito lang pala ang makakasira sa konsentrasyon mo para masuntok kita sa panga! Tsk tsk tsk. Ngayon alam ko na. Sa loob ng dalawang taon sa bilangguan, at sa isang taong pagsasanay ng pipitsuging martial-arts, iisa lang ang konklusyon ko: Mas tumindi ang kabobohan mo!” Nakangiting paglitanya ni Symon.

Gamit ang kanyang mas lalong nag-aapoy na galit ay nakapaglikom ng konting lakas para makatayo si Boris. Pasigaw itong sumugod ngunit gamit ang isang nakakabulag na bilis ay diniposituhan ni Symon ang sumusugod na kalaban ng isang napakalakas na suntok sa sikmura nito.

Bago pa man mabatid ni Boris kung ano ang nangyari ay natagpuan nalang niya ang sarili na nakaluhod at dinidiin ang sariling tiyan. Napayuko siya hanggang sa tuluyan nang tumaob sa sahig.

“Alis na ako Boris, hinihintay na ako ni Cindel at ng mga tao sa simbahan. Kukuwentahin ko nalang kung magkano ang dapat mong bayaran sa nasira kong kasuotan. . . I’ll send you the bill. The police will be here shortly. Ikumusta mo nalang ako sa mga kakosa mo sa bilangguan.”

.

KAPOS NA KAPOS NA SIYA SA ORAS, ngunit hindi magagawang magpunta ni Symon sa simbahan na sobrang madungis at nakasoot ng isang punit na barong tagalog. Matapos matawagan si Cindel na may “supervillain attack” na naging dahilan para ma-late siya ay mabilis namang nakahanap ng wedding botique si Symon. Walang available na marerentahan doon maliban sa isang itim na dinner jacket kaya pinili nalang ng pagod na pagod na si Symon ang attire na kadalasan niyang nakikitang sinusuot ng Hollywood actors sa “Academy Awards.”

Sa kasalukuyan ay nasa backseat siya ng isang taxi na kung saan ay sinasabihan niya ang driver na kung puwede ay bilisan pa ang pagpapatakbo. Hindi na niya maipaliwanag ang kaba na nararamdaman. Kung kanina ay sobrang mabilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa pagsagupa kay Boris ay mas tumindi pa ngayon ang kabog ng kanyang dibdib.

Sa pagdating ng sasakyan sa tapat ng simbahan ay ang pag-uumpisa na ng mas matinding laban at hamon sa kanyang buhay. Sa wakas ay huminto na nga ang taxi. Agad niyang binuksan ang pintuan ng kotse at mabilis na tumakbo papasok sa simbahan.

Napalingon ang lahat ng tao sa may pintuan ng simbahan. Napalingon din si Cindel. Gustong tingnan ni Symon ang mukha ng mga bisita. . . ng kanyang mga kamag-anak. . . ng pamilya ni Cindel. Alam niyang inis na inis na ang mga ito dahil mahigit isang oras na siyang late. Ngunit wala na siyang panahon para magpaliwanag pa sa kanilang lahat. Ang tanging nais niya ay maganap na ang kasalang muntik nang di matuloy dahil sa di inaasahang pangyayari.

Patakbo niyang nilapitan si Cindel at niyakap ito ng mahigpit. Hinalikan siya ng mestisa na para bang ilang taon silang ‘di nagkita. Magkahalo ang reaksyon ng mga taong nandoon: May mga namangha, may mga kinilig, may iba na naiinis dahil masyado nang natagalan ang kailangang maganap.

.

SANA AY MAY FAST FORWARD button para sa mga pangyayari dito.” Hiling ni Symon sa sarili habang nagaganap ang tradisyonal na proseso ng kasalan. Matapos ang ilang sandali ay dumating na rin sa wakas ang pinakahihintay ng dalawang magsing-irog. Sa wakas ay sinabi na rin ng Officiating Minister ang mga makapangyarihang kataga:

“Do you Cindel take Symon as your lawful wedded husband?”

“I do. . .” Sagot ni Cindel.

“Do you Symon Veintura take Cindel Fondevilla as your lawful wedded wife?” Pagpatuloy ng Ministro.

“Of course I do, Mr. Minister Sir, why else would I be here?

Napasimangot ang Ministro sa pilosopong sagot ni Symon ngunit nagpatuloy pa rin ito: “Do you promise to love and cherish her, in sickness and in health, for richer for poorer, for better or for worse, and forsaking all others, keep yourself only unto her, for so long as you both shall live? Do you promise to. . .”

“. . . take care of her? To love her and to make love to her in everday of my life in the sweetest, most passionate way to the envy of our neighbors? I do Mr. Officiating Minister. I do promise, raised to the positive power of one thousand!” Pagputol ni Symon sa sinasabi ng Ministro na ikinabigla ng mga bisita, at ikinatuwa ng ilan.

“Symon, Cindel, do you together promise in the presence of your friends and family that you will at all times and in all circumstances, conduct yourselves toward one another as husband and wife?

“We do.” Mala-korong sagot ng dalawa.

Do you together promise that you will love, cherish and respect one another throughout the years?

“We do.”

“That being said, you may now. . .”

“. . . kiss the bride? Yeah, I will. But Mr. Minister, would you promise me one thing? ” Muling pagputol ni Symon sa pagsasalita ng Ministro.

“What is it Mr. Veintura?” Inosenteng sagot ng Ministro habang inaagaw ni Symon ang microphone sa kanya.

“Would you promise that you wouldn’t mind if I give my wife the most passionate wedding kiss this people have seen or will see in all the weddings they’ve attended or will ever attend?” Boung tapang at kaweirduhang tanong ni Symon.

“It’s. . it’s your wedding Mr. Veintura, you may do as you please.” Sagot ng Ministro na may bakas ng pagsuko.

Agad na hinalikan ni Symon si Cindel. Marami-rami na ring kasalan ang napuntahan at nasaksihan si Symon. Dismayado siya sa lahat ng kissing scene na nasaksihan niya sa mga ito kaya ngayong siya na ang nasa ganitong sitwasyon ay tinitiyak niyang hinding-hindi madidismaya ang mga nanunood. . . at ang kanyang sarili.

Lumipas ang tatlong minuto. . . apat na minuto. . . limang minuto, ngunit hindi pa rin tumigil ang dalawa sa kanilang halikan. Anim na minuto at tatlumpo’t-walong segundo, ito ang itinagal ng pagdikit ng kanilang mga labi. Alam ni Symon na magkahalo ang reaksyon ng mga tao. Alam niyang nai-irita na ang ilang konserbatibong bisita, at ang kanilang mga magulang ngunit: “KASAL KO ITO, KAYA AKO ANG MASUSUNOD, BWA HA HA HA!” Bulong ni Symon sa sarili.

.

SA ISANG RESTHOUSE MALAPIT SA ISANG BANGIN, na kung saan ay kitang-kita ang boung Davao Gulf, dito napagkasunduan ng dalawa na ganapin ang “1st Episode” ng kanilang honeymoon. Pinagala ni Symon ang kanyang paningin sa maaliwalas na lagay ng karagatan. Para sa kanya, ang mga bagay sa kalikasan ay makapigil-hiningang mga obra.

Nais pa sanang aliwin ni Symon ang kanyang sarili sa pagtanaw sa kahanga-hangang mga nilikha ng Diyos, pero napatigil siya’t napangiti. . . Hindi na pala kailangang tumingin siya sa may bintana para makakita ng isang kaya-ayang natural na obra. May isang “fantastic work of art” na nandito sa silid na ito, kasama niya.

Lumingon si Symon at natanaw niya ang pinakamagandang obrang nakita sa tanang buhay niya. Sa ibabaw ng malapad na kama, na may nakakalat na mga talutot ng rosas, nandoon si Cindel: dating tagahanga, dating estudyante, dating kaibigan. . . na ngayo’y ganap na niyang asawa. Dahan-dahang lumapit si Symon.

Nakaupo, nakatukod ang dalawang kamay sa bandang likod, nakatiklop ang isang tuhod sa direksyon paitaas, at nakatuwid ang isang paa sa direksyon ni Symon, ganito ang kasalukuyang ayos ni Cindel. Lumuhod si Symon at huminga ng malalim. Uumpisahan na niya ang kaganapan ng pagiging mag-asawa nila ni Cindel. Kagaya ng napakaraming lalakeng humahanga at nangangarap kay Cindel ay matagal-tagal din niyang pinagnasaang maangkin ng buong-buo ang pagkakababae ng mestisa.

Walang naniniwala sa kanila, walang tumatanggap sa prinsipyo ni Symon, ngunit sa loob ng tatlong taon nilang relasyon ay wala talagang “ganap na pagtatalik” na nangyari sa pagitan nilang dalawa. Mag-asawa na sila ngayon kaya walang konsensya, walang prinsipyong masisira at malalagay sa alanganin.

“Mangyayari na rin ito sa wakas”

Apat na taon ang nakaraan ng umandar ang kyuriosidad ni Cindel tungkol sa pakikipagtalik. Hindi mabilang ang kanyang mga tanong tungkol sa bagay na ito. Ngayon ay masasagot na rin ang lahat-lahat ng mga katanungang iyon. . . ibibigay na niya ang kabuuan ng kanyang sarili sa lalakeng matagal din niyang pinangarap.

Habang nakaluhod ay hinahalikan ni Symon ang kanang paa ni Cindel. Malalim ang paghinga at sobrang banayad ang unti-unting paghalik nito, tila sinusulit ang oras, walang bakas ng pagmamadali. Matapos ang ilang paghalik ay tumingin ito sa kanyang mga mata, hinaplos ang kanyang binti, at saka ngumiti. Dahan-dahang umakyat si Symon sa kama at hinakilan ang kanyang tuhod. Sobrang malumanay ang mga paghalik ni Symon. Nakapikit na napatingala si Cindel, lumalalim na rin ang kanyang paghinga.

Pagkatapos ay pumunta si Symon sa bandang likod niya. Hinawi ang kanyang buhok at hinalikan siya sa batok. “O h h h h h. . .” Tugon ni Cindel nang di mapigilan ang pag-ungol. Patuloy lang sa paghalik si Symon hanggang sa unti-unti nitong binaba ang kanyang makintab na pulang bath robe. Ilang segundo pa ay tumambad na sa mukha ni Symon ang makinis na likod ng kanyang asawa. Hinalikan niya ito’t bahagyang dinila-dilaan. Mas mabilis na ngayon ang kanyang pag mumuwestra pabalik sa batok ni Cindel.

Ilang sandali pa ay napaliyad na si Cindel at sinalubong ang paghalik ni Symon sa kanyang batok gamit ang kanyang sariling mga labi. “Uhmmm, tsup, tsup. uhmmm”, magkahalong tunog na lumabas sa kanilang mga bibig. Si Cindel naman ngayon ang nagpaulan ng mga halik: sa leeg, sa baba, sa pisngi, at sa magkabilang tenga ni Symon.

“You’re mine now Symon, after so many years, akin ka na. Akin na akin ka lamang.” Pabulong na sabi ni Cindel sa tenga ng kanyang asawa.

Walang isinagot si Symon kundi ang pagdiin ng bigat ng kanyang katawan sa paharap nang si Cindel. Napahiga ang mestisa habang nakadikit sa katawan ni Symon, at agad na nagmaniobra ang huli sa paghalik, pagdila at pagsinghot sa leeg ni Cindel.

“O h h h h h. . . Symon, angkinin mo na ako mahal ko.”

Tuluyan nang hinawi ni Symon ang pulang kasuotan ni Cindel at agad na hinubad ito. Sandaling tinuwid ni Symon ang kanyang katawan kasabay ng pagtapon ng bath robe ng kanyang asawa sa sahig. Nakalatag ngayon ang hubad na mestisang katawan ni Cindel sa gitna ng kanyang mga tuhod.

“You’re so beatiful Cind. Ikaw talaga ang pinakamagandang babae para sa akin.”

Walang kibong sumagot si Cindel sa pamamagitan ng paglapat ng kanyang mga palad sa malapad na tiyan ni Symon. Agad namang yumuko ang asawa at sa muli pa’y naghalikan sila. Matapos ang ilang segundo ay puma-ibabaw na si Cindel sa katawan ni Symon. Agad namang nagpaubaya si Symon at hinayaan nalang si Cindel habang pinapagapang nito ang mga labi at dila sa kanyang dibdib, sa kanyang mga balikat, at hanggang pababa sa kanyang pusod.

Nang makarating na doon ay unti-unting binuksan ni Cindel ang butones at zipper ng kanyang maong at dahan-dahang hinubad ito. Kasabay ng unti-unting pagkalas ng pantalon ni Symon ay ang pagsunod ng dila at labi ni Cindel hanggang sa makawala ang kasuotan sa mga paa ng asawa.

Agad na bumalik si Cindel sa itaas na bahagi ng katawan ni Symon at di sinasadyang madampian ng dulo ng mga utong niya ang mala-bakal na tarugo ni Symon. Sabay silang nagpakawala ng napakalalim na paghinga at nang magkatapat na muli ang kanilang mga mukha ay naghalikan na naman sila.

Itinaas pa ng konti ni Cindel ang kanyang katawan hanggang sa tumapat na sa mukha ni Symon ang kanyang mga suso. Agad itong sinupsop ni Symon: dahan-dahan sa umpisa, hanggang sa nilagyan na ito ng konting puwersa, ng konting bilis. “A h h h h h h !” Ungol Cindel. Sa paglakas ng pag-ungol ni Cindel ay ang dahan-dahang pagbaba ng mga kamay ni Symon papunta sa mga umbok ng kanyang puwet .

Napapansin ni Cindel na lalo nang dumidiin ang dila at ngipin ni Symon sa kanyang mga utong at ang mga kamay nito sa mayaman niyang puwet. Wala na siyang nagawa kundi magpakalasing nalang sa sarap ng ginagawa ng kanyang asawa. Ilang sandali pa ay nalaman nalang ni Cindel na si Symon na pala ang nasa ibabaw. Agad nitong dinilaan at nilawayan ang kanyang leeg at kaliwang tenga.

“A h h h h h h. . .O h h h h h !” Lumalakas na ang pag-ungol ni Cindel. “I want you inside me Symon, do it now. . . please.” Pagmamakaawa ni Cindel. Hindi na mabilang ni Cindel kung ilang libong beses na niyang pinapatakbo sa kanyang isip ang tagpong ito. Ngayong nangyayari na ang matagal na niyang hinihintay ay hindi na niya kayang magpigil pa.

Agad namang tumugon si Symon sa hiling ng kanyang asawa, sa pamamagitan ng pagikiskis sa kanyang lalo pang tumitigas na ari sa basang-basa nang hiyas nito. Ilang sandali pa ay unti-unti na niyang ibinaon ang kahabaan ng kanyang sandata sa hiwa ni Cindel.

“A h h !” – ang lumabas sa bibig ni Cindel kasabay ng pagbaon niya sa kanyang mga kuko sa maskuladong likod ni Symon. Unti-unti. . . dahan-dahan, malumanay na naglabas-masok ang tarugo ni Symon sa birheng puke ni Cindel. May ilang karanasan na si Cindel sa pagpaparaos, ngunit wala pa talagang ari ng lalake ang nakapasok sa kanyang hiyas, bagay na naging dahilan bakit napakapit siya ng mahigpit sa sakit.

Pigil hininga na ngayon si Cindel habang napakagat sa sariling mga labi. Saglit na napatigil si Symon sa ginagawa nang napansin niyang napaluha na si Cindel. Agad naman siyang sinabihan ni Cindel nang: “These are tears of joy Syme. Don’t stop. . . please. Angkinin mo ako ng todo-todo. . . ng buong-buo.”

Nagpatuloy naman si Symon sa pagbayo, sa paglabas-masok ng kanyang sandata sa masikip na lagusan ni Cindel. Inalalayan niya ito ng banayad na paghalik sa tenga ng asawa at malambing na pagsasabing mahal na mahal niya ito. Napadilat si Cindel at napansin niyang labis na nasasarapan si Symon. Hindi alam ng mestisa kung dahil ba sa pagsasabi ni Symon kung gaano siya kamahal nito, o dahil sobrang umaandar na ba ang kanyang gana, ngunit nawala na ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang hiyas!

Sabay na ngayong umiindayog ang kanilang mga katawan sa musikang sila lamang ang nakakarinig. Binilisan pa ni Symon ang pagkadyot, si Cindel naman ay ganun din, sa pakikisabay at pagsalubong sa bawat paghagod ng kanyang asawa.

Ilang sandali nalang. . . ilang sandali na lang. . .

Nararamdaman nilang pareho na malapit na nilang maabot ang pagbulwak ng unos na kumakatawan sa kaligayahang nakaimbak sa kanilang mga damdamin.

“Symon, Symon mahal ko. . . malapit na ako, bilisan mo pa.”

“Cindel, heto na ako, heto na. . . heto naaahh. . .”

“Sige paa, a h h h h . . .”

“A H H H H H H H H !” Sabay na sigaw ng dalawa.

Hindi pa man humuhupa ang langit na naramdaman ay mabilis na puma-ibabaw si Cindel sa katawan ni Symon. Gustong-gusto niyang masaksihan ng kanyang dalawang mata ang pagkalunod sa sarap ng minamahal, sarap na hatid ng kanyang katawan. Katawang nireserba niya’t hinanda para lamang sa lalakeng tinitingnan niya ngayon. Noon pa man ay pinagpapantasyahan na niya ang tanawing ganito.

Habang pinagmamasdan niya si Symon na hinang-hina at humihingal, ay di maipaliwag ni Cindel ang sarap na nadarama – isang uri ng sarap na higit pa kaysa sarap ng orgasmong nangyari ilang segundo lang ang nakalipas. Lumipas na ang ilang minuto, ngunit hindi pa rin umalis si Cindel sa ibabaw ni Symon, marahang hinahaplos ang buhok ng asawa, nilalaro ang mga korte at kurba ng mukha nito. “Uummm. hi hi hi hi”, Tunog ng kagalakan ni Cindel.

.

SA PAGBUKA NG KANYANG MGA MATA ay may dalawang bagay na nakikitang kumikislap si Symon. Dalawang bagay, ngunit agad niyang nabatid na iisang pares pala ito ng mga mata, mga mata ni Cindel.

Cindel Fondevilla. Hindi, Cindel Veintura. . .

Cindel F. Veintura. . . yun, yun na pala ang bagong full name ni Cindel. Asawa na pala niya ito, muntik na niyang makalimutan.

“Did you sleep well?” Tanong ni Mrs. Veintura. Mula sa pagkakasandal nito sa bandang bintana ng kuwarto ay lumapit ito at napaupo sa tabi niya. Napatingin ito sa kanya ng isang malalim na tingin, at saka hinaplos ang kanyang ulo, ang kanyang buhok. . . at hinalikan siya sa noo.

“Would you like me to cook you some breakfast?” Tanong ni Symon, sabay ngiti.

“Cook some breakfast? That’s a wonderful idea Syme. Pero bago ‘yan, can we have another round?” Ang may ngiting sagot ni Cindel.

“Kahanga-hanga ang stamina mo Cind, daig mo pa yata ako. Another round then. In what manner would you want it huh?”

May konting pag-aalinlangan sa mga mata ni Cindel, ngunit nagawa naman nitong magpatuloy. “Ahm. . . Kagabi, what we did was slow, passionate, and romantic. Can we ahm. . . do it the rough and tough way this time?”

“Hmmm, makakaya mo kaya ang kahayupang p’wede kong gawin kung saka-sakali?” Sagot ni Symon.

“You have no idea, my dear husband, you have no idea!”

“Cindel, ilabas mo na ang tunay mong kulay!”

.

MATAPOS MAIPADANAS ANG PINAKAMAPANGAHAS at pinaka-agresibong pakikipaghalikan kay Symon ay agad niyang sinabunutan ito para maibangon. Bago pa man tuluyang maituwid ang itaas na bahagi ng katawan ng kanyang asawa ay agad na niyang nilawayan, at pinasadahan ng maraming kagat ang leeg at malapad na dibdib nito.

“Cind, dahan-dahan lang. . .”

Ngunit hindi niya ito pinakinggan, lalo lamang niyang binilisan ang ginagawa at lalo pang nilagyan ng puwersa ang pagkagat. “Kung kahayupan rin lang ang pag-uusapan, meron din akong ganun!” Madiing sagot ni Cindel.

Tinulak niya si Symon at nahiga ito. Agad niyang hinalikan at kinagat-kagat ang mga utong nito hanggang sa napababa na siya sa bandang pusod ng asawa. Pinapaikot-ikot ni Cindel ang kanyang dila sa bahaging iyon, dahilan para mapaliyad si Symon at mapa-ungol ng malakas. Sumakit ang bandang likod ng ulo ni Cindel gawa ng pagkasabunot ni Symon doon.

Ilang sandali pa ay bumaba pa si Cindel sa ngayo’y tigas na tigas nang tarugo ng kanyang asawa. Napayuko si Symon sa mukha ng kanyang asawa, nagtaka kung bakit parang napatigil si Cindel. Inaamoy-amoy pala nito ang kanyang ari, bagay na ikinalito ni Symon. Matapos ang ilan pang pagsinghot ay inilabas na ni Cindel ang kanyang dila, saka pinalakbay ito sa buong kahabaan ng kanyang tarugo.

“A h h h, Cindel. . .” Napapikit na ngayon si Symon habang hinayaang paglaruan ng parang napakalikot na bulate ang kanyang burat. Pinababa pa ni Cindel ang pagdila hanggang sa mga bayag niya at sa muli pa’y napaliyad na naman si Symon. Kapansin-pansin ang sobrang pagkakiliti ni Symon ngayon – napakapit na ito ng mahigpit sa kumot na nasa gilid nito. Pigil na pigil ang paghinga, halatang iniiwasang makaungol ng malakas.

Ilang segundo pa ay may ginawa si Cindel na ikinagulat ni Symon. Ngumanga si Cindel at ipinasok ang buong kahabaan ng kanyang tarugo. “My God Cind, saan mo ba natutunan ito?” Bulong ni Symon sa sarili. Nagpataas-baba ang ulo ng kanyang asawa sa kanyang lalo pang tumitigas na ari. Sa sobrang sarap na kumalat sa kanyang buong katawan ay napa-unat nalang ang leeg ni Symon hanggang sa halos dumikit na ang kanyang mukha sa headboard ng kama.

“A h h h h h Cindel. . . ang galing mo!” Dahil sa narinig ay tumaas pa ang gana ni Cindel at lalo pang ginalingan ang pag deep-throat sa asawa. Napaluha-luha na siya, para na siyang masusuka, ngunit ang kanyang puso’y nakangiti. “Ang sarap talaga ng pakiramdam habang nakikita kang baliw na baliw sa sarap Symon ko” Wika ni Cindel sa sarili. Inalis muna ni Cindel ang kanyang bibig mula sa pagkaka-chupa sa ari ng kanyang asawa. Napatingin si Symon sa kanya. Nginitian niya’t kinindatan ito gamit ang kanyang naluluhang mata. Hinalikan niya ang ulo ng tarugo ni Symon at inilagay ang kanyang isang palad sa ilalim ng puwet nito.

Nabasa ni Symon na gusto yata ni Cindel na tumalikod siya kaya sinunod niya ito. Pinagapang ni Cindel ang kanyang dila at labi sa siwang ng puwet ng kanyang asawa, pataas sa likod, hanggang sa batok nito. Inilapit ni Cindel ang kanyang bibig sa tenga ni Symon at bumulong:

“Wag kang mabibigla ha, ilang taon na kasi kitang pinagpantasyahan. Ngayon ay akin ka na, kaya gagawin ko lahat ng ninanais ko katawan mong ito!”

Bago paman makasagot si Symon ay nag-umpisa na naman si Cindel. Kung kanina ay dila at labi ang gamit nito, ngayon ay puro dila nalang ang pinapaikot-ikot at pinaglalakbay nito sa kanyang likod. Alam na alam ni Cindel na ang kiliti ni Symon ay nasa likod, kaya sinasamantala niya ito. Pina-igi niya ng husto ang pagdila at paghimod sa maskuladong likod ng asawa. Dahilan para halos mapasigaw na sa sobrang pagkakiliti si Symon.

Muling pinababa ni Cindel ang kanyang dila sa mga umbok ng puwet ni Symon. Bahagya niya itong nilawayan, hinalik-halikan. . . at hinawi ang siwang na naghihiwalay sa mga ito. Nabigla si Symon sa ginawang iyon ni Cindel at akmang titihaya, ngunit mabilis siyang pinigilan ng kanyang asawa.

“Cind, wag. . .” Sabi ni Symon.

“It’s ok Syme, asawa kita, asawa mo ako. Obligasyon kong paligayahin ka”

Wala nang nagawa si Symon kundi magpaubaya nalang sa nais gawin ng kanyang asawa. Hinawi na ng tuluyan ni Cindel ang mga pisngi ng kanyang puwet at ginawa na nga nito ang naisip niyang binabalak ng asawa. Inilabas ni Cindel ang kanyang dila, at pinapaikot-ikot ang dulo nito sa butas ng puwet niya.

Buong lakas na napahawak si Symon sa magkabilang dulo ng unan na kung saan ay nakasubsob ang kanyang mukha. Kung wala ang unan iyon ay tiyak na nakakabingi na ang sigaw na lumalabas sa bibig nito. First time ito para kay Symon, at dahil tiyak ni Cindel na labis na nasasarapan ang asawa ay magiging regular na ang ganitong klaseng foreplay.

Dumaan ang halos sampung minuto at tinigilan na rin ni Cindel ang pagdila sa puwet ni Symon. Naparelax si Symon ngunit ang kanyang asawa ay patuloy pa rin sa paghalik at pagdila sa patuwid na direksyon sa gitna ng malapad niyang likod. Nais pang ipagpatuloy ni Cindel ang ginagawa hanggang sa batok ng asawa ngunit agad na tumihaya si Symon. Hinawakan nito ang kanyang dalawang pupulsuhan at pinatihaya siya’t pinabukaka sa kama.

“My dear horny wife, it’s my turn!”

Malamig ang pagkasabi ng ganoon ni Symon, ngunit lalong tumaas ang init na gumagapang sa katawan ni Cindel. Agad na umatake si Symon sa pamagitan din ng paghalik, pagdila at banayad na pagkagat. Buong akala ni Symon ay maayos na maayos ang kanyang performance, ngunit:

“You dare call yourself my husband? How can you be my husband if you fuck like a kid?”

Hindi alam ni Symon kung dapat ba siyang ma-insulto sa sinabing iyon ni Cindel, ngunit lalo yata siyang ginanahan! “Ngayon Cindel, tunghayan mo kung paanong masaniban ng ispiritu ng libog si Baker Boy!”

Sandaling binitawan ni Symon ang pagiging maginoo, at nilagyan ng konting dahas ang kanyang pagpapasarap kay Cindel. Sinupsop niya ang utong ng kaliwang suso nito habang nilalamas naman ng matindi ang kanang diyoga. Ilang pagsupsop, pagkagat at pagdila pa ay lumipat naman siya sa kanan. Nilagyan niya ng ilang marka ang malusog na umbok na iyon habang pinipisil naman ang naiwang nalawayang utong.

Pinagapang pa ni Symon ang kanyang dila papunta sa ilalim ng kanang suso ni Cindel at kinagat-kagat ang makinis na balat na naroon. Nilagyan pa ni Symon ng konting pwersa ang ginagawa hanggang sa napansin niyang dumudugo na ito. Titigilan na sana ni Symon ang ginagawa nang:

“Shit Mr. Veintura, i like what you’re doing!”

Hindi makapaniwala si Symon sa narinig. Sa halip na patigilin siya ay ini-engganyo pa siya ni Cindel! Dahil doon ay bumalik na naman si Symon sa kaliwang suso ng asawa at binigyan iyon ng matinding pagkagat at pagsupsop. Kagat-supsop, kagat-supsop. Namamaga na ang kaliwang utong ni Cindel ngunit lalo lamang itong nasasarapan. Hindi pa narinig ni Symon na nagmumura ang babaeng minamahal, ngunit sangatutak na pagmumura na ang pinapakawalan ng bibig nito!

“O h h h. . . A h h h. . . harder my husband, harder !”

Kasabay ng tumitindi pang pagsupsop at pagkagat sa kaliwang suso ay ang marahang pagsampal-sampal naman ni Symon sa kanang diyoga ni Cindel. Parang salungat ito sa balak niyang gawin, ngunit parang gustong-gusto ito ng kanyang mestisang asawa, kaya lalo pang tumaas ang kanyang gana!

Sa gitna ng ginagawa ay may naamoy si Symon, isang pamilyar na amoy: ang matamis na halimuyak galing sa isang basang-basang puke! Dahil dito’y pinababa niya ang paghimud papunta sa mga pusod ni Cindel hanggang sa manipis na bulbol, at hanggang sa kumakatas na lagusan. May matinding puwersa na parang gustong magsubsob sa pagmumukha ni Symon sa hiwang nakahain sa kanya ngayon, ngunit inamoy-amoy muna niya ito.

“PUTANG-INA! NAKABABALIW TALAGA ANG AMOY NG PUKE MO! NAKABABALIW TALAGA ANG LAHAT LAHAT SA IYO CINDEL!” – Sigaw ni Symon, hindi sigaw ng kanyang isip, kundi sigaw ng kanyang bibig na labis na ikinagulat ni Cindel.

Agad namang nawala ang pagkabigla sa mukha ni Cindel at napalitan ito ng ngiti. . . at tawa.

“GANYAN NGA SYMON, ILABAS MO ANG TUNAY MONG KAMANYAKAN NA MATAGAL MO NANG PINIPIGILAN” – Pasigaw din na sagot ni Cindel. Isang segundong pause. . . at sabay silang nagtawanan.

Mabilis na ibinaon ni Symon ang kanyang mukha sa labis na namamasang puke ni Cindel. Agad niyang inilabas ang kanyang dila at dinilaan ang nanunuksong hiwa.

“A h h h h h. . . Sh e e e e t ! Ganyan nga Symon . . . O h h h.”

Matapos ang di mabilang na minutong pagpapakabaliw sa puke ng kanyang asawa ay ini-angat na ni Symon ang kanyang mukha mula sa gitna ng mga makikinis na hita ni Cindel. Unti-unti siyang gumapang palapit sa mukha ng kanyang asawa, pinapahid ang kanyang mala-bakal na tarugo sa kanang binti nito. . .  sa tuhod. . . sa hita at hanggang sa mismong hiwa ng mamula-mulang hiyas.

Magkatapat na ang kanilang mukha. Pawis na pawis na si Cindel, si Symon naman ay nangingintab ang noo, mga pisngi, at ilong sa magkahalong pawis at katas ng hiyas ng kanyang asawa. Sabay silang napabuntong-hininga at agad na naghalikan. Nagkasalubong ang kanilang mga dila. Lalong tumitindi ang kanilang sispsipan at kagatan, magkahalong sakit at sarap ang kanilang nararamdaman. Pakiramdam nila’y parang nasusugatan na ang kanilang mga labi at dila. . . ngunit tila wala silang pakialam.

“Pasukin mo na ako mahal ko, sige na. . .”

“Hindi lamang yan ang gagawin ko, KAKANTUTIN KITA, LALASPAGIN, AT PAGSASAWAAN!” Sigaw ni Symon.

“PURO KA SATSAT, KULANG SA GAWA!” Matapos mapakawalan ni Cindel ang sigaw na mas malakas pa sa binigay ni Symon ay agad na tinuhog ng huli ang puke ng kanyang asawa – isang mabilis na pagtuhog. Kagabi lang ay nahirapan siyang pasukin ito, hindi siya makapaniwalang maipapasaok niya ang kanyang sandata ng ganun kabilis! Agad niyang ginawa ang mala-makinang pagbayo sa naglalawang puke ni Cindel.

“A h h h h h h. . .  Uhm, uhm, uhm. . .Uhm, uhm, uhm. . . Yan ang dapat sa’yo puta ka!” Hindi nagmumura si Symon, ngunit swabeng-swabe itong nagmumura ngayon, na siyang dahilan kung bakit napangiti si Cindel.

“A h h! A h. . Ah. . Ah. . O h h. A h. .! Sige pa mahal ko, kantutin mo pa ako ng mas mabilis, MAS MARAHAS!” Dinilaan ni Cindel ang isang tenga ni Symon, sabay patong ng kanyang binti sa baywang nito. “Sige pa Mr. Veintura, kantot, kantot, kantot!”

Ang mga salita ni Cindel ay parang energy booster para kay Symon. lalo pa niyang pinatindi at binilisan ang pagkadyot. “Cindel, mahal kong asawa, heto na. . . heto na. . .”

Hindi na rin kayang pigilan ni Cindel ang namumuong pagsabog kaya: “On the count of three my darling” Sabi niya.

ONE. . .

uhm, uhm, uhm, uhm . . .

TWO. . .

Ahh, Ahh, Ahh, Ahh. . .

THREE!

” A H H H H H H H H H H H H H ! ! ! ! ” Sabay nilang naabot ang pinakamatamis at pinamasarap na rurok ng pagtatalik na kanilang naranasan, at mararanasan. . . sa palagay nila. Lupaypay at lantang gulay si Symon sa ibabaw ni Cindel. Agad siyang gumulong sa gilid ng asawa na agad namang yumakap sa kanya. Hinahabol nila ang kanilang mga hininga, ngunit di nila maalis sa kanilang mga mukha ang ngiti.

“Perfect morning workout!” Sabay na bigkas ng dalawa.

.

CIND CHECK THIS OUT” Sabi ni Symon sa kanyang asawa. Matapos silang mag almusal ay ipinakita niya kay Cindel ang isang dokumentong naglalaman ng isang kuwento.

CINDEL: ” Ano ‘yan,? ”

SYMON: ” Naisip ko kasing gawan ng kuwento ang love-story natin.”

CINDEL: ” Cool! ”

SYMON: ” Mula sa pag-andar ng curiosity mo hanggang sa honeymoon natin, okey ba? ”

CINDEL: ” ‘Kaw ang bahala Syme, uhmmm. . . tsup”

SYMON: ” The problem is finding the appropriate website para ma-publish ito. ”

CINDEL: ” Ah, let me deal with that!”

pinatagilid ni Cindel ang laptop ni Symon at nagtype sa adress bar ng web browser: pinoyliterotica.com

SYMON: ” Sikat ba ang website na yan hun?”

CINDEL: ” Syme ano kaba, it’s the biggest and most popular erotic site in the Philippines! ”

SYMON: “Hmmm, I see. . . ”

CINDEL: ” Teka, M.A. Cindel 1.0, cool title! Parang pangalan ng isang software! ”

SYMON: ” Kailangan may karugtong pa ang title na ‘yan, any suggestion?”

CINDEL: ” Let’s make it simple. Since sa pagiging curious ko nag-umpisa ang lahat, why not just use the “C word” para makumpleto ang title?”

SYMON: “Ok then, M.A. Cindel 1.0 “curiosity”, there you go.

Kinuha ni Symon ang kamay ni Cindel, ipinatong niya ito sa kanyang kanang kamay na nakahawak sa laptop mouse, at sabay nilang pinindot ang “PUBLISH BUTTON” na nasa bandang gilid ng dashboard.

Habang naglo-load ang computer ay nagtagpo ang kanilang mga mata, inuutusan ang kanilang mga sarili na sila’y maghalikan. Nilingon nila ang screen at nakita nilang natapos na ang loading process. Sabay nilang pinindot ang “PREVIEW BUTTON.” Binalak ni Symon na tingan muna ang resulta ng pag-publish ngunit hinihila na siya ni Cindel.

“Fuck me once more, you wicked rocker boy, FUCK ME ONCE MORE!” Puwersahang pag-uudyok ni Cindel.

E_N_D__OF__F_I_L_E

Thank you reader, thank you PL. . .  It’s been an honor.

______________________________________________________________________

5.0 <–previous

–>

______________________________________________________________________

<–previous