For Ms. Bittersweet Followers: Check this out!

Author Name: leclec | Source: pinoyliterotica.com

Sorry po for the LONG LONG WAIT just to find out that what I’m writing isn’t Ms. Bittersweet 11 :) . I just graduated by the way :) ). Anyways, for this post, I’m gonna pitch a name(rest assured that Ms. Bittersweet is still going to continue and worry not, exciting ho ang susunod na tagpo, so watch out!).

*For those who doesn’t know what a name is, also note that name doesn’t only mean the word that you call a person, thing, event etc., it also means a plot that is pitched by manga artists to their editors for judging. Then and only then would the editor throw it in as one-shots,  a piece for a competition, a piece for serialization, or better yet, a piece for a new Anime.

This time, I’d like you guys to be my editors and tell me if it sucks or what. If it’s good, I’ll serialize it :) )))). Anyways, tell me if itatagalog ko sya ng pure or English pure. Khet pinoy ako mas nadadalian ako sa english :) ))). Now that we’re all enlightened, on to the name:

Title: “Strum, Sing, Love”

1st Fret: Fateful Arpeggio

Sa kahabaan ng edsa, papasok sa lungsod ng Quezon, naroon ang isang limousine na nagmamadaling makarating sa kung hindi iyon, isa sa bigating unibersidad sa Pilipinas, ang Unibersidad ng Pilipinas. (Whew xD) Sa loob ay makikita natin si Xander Ressurecion ,17 y/0, na bising busy kakaatupag sa kanyang iPad 2 na kakaship lang galing Estados Unidos. Si Xander ay may dugong Europeo sa kanyang mother side at dugong pinoy sa kanyang father side. May tangkad na 5’9” at talagang gwapong-gwapo. Mas gwapo pa kay Justin Bieber ika nga. Kaya naman agad siyang sumikat bilang artista, rakista, gitarista at kung anu-anu pang -ista pwera lang sa manikurista. Suot-suot nya ang isa sa kanyang custom-made tuxedo set. Black ang main color with stripes of white striking diagonally forming a guitar.

Xander: “Are we there yet?!”

Producer: “We’re near, we’re near. Just wait a little more.” Kabadong pinapakalma si Xander.

Xander: “What else can I do?” Payamot nyang sinabe.

==================================================

At the U.P.D. Ampitheater, makikita natin si Pazelle Tolentre, 16 y/o, ang tasked Event Organizer para sa special concert ng band ni Xander, ang Eyes of the Sunrise o EoS. Si Pazelle, o Zelle, for short, ay ang pinakamodelo ng isang simple at masipag na babae. Parang Mara siguro :) ). May tangkad ng 5’5”. Morena at talagang napakaamo ng muka. Sexy ang body kahet walang ehersisyo :) ). Magic am:)) Hindi, sipag at tiyaga my friends xD. Siya’y nag-aaral kasulukuyan ng BS Business Administration and Accountancy at currently on her first year. Siya’y kasali sa Student Council kung kaya’t naatasan sya bilang organizer. Siya’y napapabilang sa mahirap na pamilya kung kaya’t ‘di lamang eskuwela ang inaatupag nya, may part-time job rin. Ang tatay nya’y napagbintangan ng pagnanakaw kung kaya’t hindi lamang nakakulong, ay sapilitan pang hinihingi ang ninakaw raw.

Janine(Student Council Higher Up): “Uhm Zelle,”

Zelle: “Po?”

Janine: “Sorry talaga, may emergency kasi sa bahay, ako pa naman yung stage manager….”

Zelle: “Ah ok lang! Ako na lang stage manager, day off ko naman sa trabaho ko ngayon.”

Janine: “Naku salamat talaga Zelle! (yakap-lam nyo na-girly stuff) Una na ko!”

Robby(S.C. member): “Zelle, eto na ung plano para sa opening….ay! Kulang tayo ng materials! Panu ‘yan?”

Zelle: “Pupunta ako sa shopping center. Alam ko may pvc pa dun. Dito ka lang baka dumating na ung manager. Tawagin mo si Kate(Spokesperson), sya na bahala kumausap at lahat.

Robby: “Ok”

==================================================

Xander: “Hay nakalabas din sa kotse! O! Ano ‘to? Gubat? Ba’t ganito rito? Puro puno?”

Producer: “Xander, hinahon ka lang iho, ganito talaga rito sa UP. Hayaan mo na, magconcert ka lang, pwede ka na umalis.”

Xander: “Dapat lang, tara, gusto ko ng coffee.”

==================================================

Sa U.P. Shopping Center,

Xander: “Pfftttttt! Anu ‘to?!”

Tindero: “Kape ho sir.”

Xander: “Alam ko kape! E ba’t ganito lasa?! Gusto ko peruvian beans ang laman! Grinded until 98% powder, 3 teaspoons of lukewarm milk, two sugar spoons full!”

Tindero: “Ahh sir, wala pong ganyan rito.”

Xander: “Walang ganyan?! What the fuck is this place? Some beat-up rubbish? Can’t even sell a damn coffee.” Sabay hagis ng coffee sa muka ng tindero.

Xander: “Wala kang kwenta! Buti pa sa’yo umalis na dito. Go sell your shit to other slums. ‘Di ako makapaniwalang ininom ko pa kape mo. Walang kwenta!”

Habang may hawak-hawak na materyales, si Zelle, napatingin din sa komosyon na nangyayari sa may coffee shop.

Producer: “Iho! Iho, tama na yan, tara na, malapit na performance mo!”

Kasulukuyan, halos walang tao sa Center dahil nga sa kinaabangang concert ni Xander. Biglang binitiwan ni Zelle ang kanyang dala-dala at sinugod si Xander head-on :) ).

PAK! ISANG MALUPIT NA SAMPAL!

Zelle: “HOY! ANG KAPAL NG MUKA MO! Sino ka para manghagis ng kape?!”

Tindero: “Zelle, wag na.”

Zelle: “Hindi, hindi matututo ang gaya nyang mga walang kwenta sa buhay!”

Gulat na gulat si Xander sa nangyari at walang nagawa kung di mapatitig kay Zelle.

Zelle: “HOY MISTER! ANUNG TINITITIG MO D’YAN? PORKET MAYAMAN KA LANG KALA MO NA KUNG SINO KA! TAPUNAN KO YANG DAMIT MO E! TIGNAN NATEN KUNG D KA UMIYAK!

Damn. xD

Zelle: “Naku, halika punasan kita. Tsk2 napasok ka tuloy.” Sinabi ni Zelle habang pinupunasan si Tindero.”

Producer: “Mamaya na natin ayusin ‘to. Tara na Xander, malalate ka na sa performance mo, imake-up na lang natin yang sampal (e putsa bumakat e xD) mo. At ikaw babae! Humanda ka mamaya! Tara na Xander.”

‘Di na nakakibo si Xander at naglakad na lang hawak-hawak ang pisngi papunta sa Amphitheater.

==================================================

Concert Proper,

‘Cause when everything falls into place

Why did you suddenly took my world in grace,
Crowd: “AHHHHHHHHHHHHHHHHH! XANDER WE LOVE YOUUUUUUU!”

Bukod sa dami-raming papuring nakuha ni Xander, tila tuliro siya sa eksenang nakita kanina lamang. Pagkatapos ng 5-song concert,

Manager Rick: “Nice performance out there!”

Xander: “…”

Manager Rick: “Oh, iho? Ok ka lang ba? May sakit ka ba?”

Xander: “Ah? Ah oo, ok lang ako.”

==================================================

U.P.D. Amphitheater Backstage (Post-Concert)

Producer: “Walang hiya kang babae ka! How dare you hit Xander?!”

Zelle: “Sir, I’m really sorry po. Nabigla lang po ko siguro.”

Producer: “No! Sorry isn’t enough! Kung hindi natakpan ng make-up ang mukha nya, siguro may uproar na ngayon!”

Mam Kietzen (Moderator ng S.C.): “Ah sir, can we not do something to make ammends?”

Pumasok sa room sila Xander at si Manager Rick.

Manager: “Mr. Gonzales(Name ni Producer) eto ba ung sinasabi mong sumampal kay Xander?”

Producer: “Ah oo.”

Manager: “How dare you?! Hindi mo ba alam kung gano kaimportanteng tao si Xander?”

Zelle: “Sorry po talaga sir, I didn’t mean it.” Nakayukong imik ni Zelle na talagang namumula.

Manager: “Well first things first, you have to pay for damages done. We’ll discuss it with you later as we have an appointment with the President.”

Xander: “Uhm, sir Rick?”

Manager: “Ah yes Xander?” Sinabi nya habang kinukuha ang kanyang gamit.

Xander: “I think I know the perfect payment she should make.”

Lahat napatitig kay Xander. Lalong lalo na si Zelle.

Manager: “Yeah? And what’s that?”

Xander: “Well, personally, I think I could use a P.A. right now.”

Zelle: “P.A.?” Walang kamalay-malay na nasabi ni Zelle.

Manager: “Do you really need a P.A.? There are lots of other professional P.A.’s out there.”

Xander: “No, no. This one would be fine. It is her payment after all. It’s been years since I went to the Philippines. I think I need a personal assistant to keep me going. And I believe that after this event, it’s your vacation?”

Zelle: “Uhm oho pero–”

Xander: “Then that’s it. Manager, I’d like you to write up a contract stating that you miss, would accompany me on a daily basis and do your duty as a P.A. That said, you would note down every meeting, event and task that I need to recognize. The contract shall last for the duration of your break.”

Zelle: “Ha? Ma’am pa’no na ‘to.” Imik ni Zelle sa moderator nya.

Mam Kietzen: “I’m sorry Zelle, labas ako rito, if that’s what they want, dapat mong gawin. Magpasalamat na lang tayo na hindi ka pinagbabayad ng pera.”

Xander: “Well then, I will see you this Monday at this address (sabay abot ng papel laman ang isang restaurant  sa Robinsons Galleria) . There you would sign your contract. My manager would talk to your school and your parents regarding permission requirements.”

Zelle: “Uhm sir, is there no other way?”

Xander: “Sorry, I’m afraid there isn’t. Well then, see you on Monday.”

Sabay lakad ng grupo ni Xander palabas ng backstage. Yumakap si Zelle bigla sa kanyang moderator at umiyak.

Natigilan si Xander at sinulyapan si Zelle. Hindi maipinta kung anu ang eksato nyang nararamdaman. Kahit sa kanyang sarili ay ‘di nya malaman kung panu nangyari ang lahat.

===================WAKAS==============================

Anu sa tingin nyo guys? Feel free to be harsh since it’s my first time to ever pitch a name. Should I continue or not? :) )