FIRST JOB Part 3 (by sizzling_momma)

Author Name: sizzling_momma | Source: pinoyliterotica.com

Hind ko na hinayaang umabot sa puntong di ko na kayang maglakad or worse, masuka sa harapan ni Fred kaya tumango na ako nang magyaya siyang bumalik na ng hotel. Hawak niya ang kamay ko para alalayan ako paglabas namin.

“Ang bilis mo namang malasing.”

“Hahaha.. Kulang pa nga eh. Ang gusto ko yung wala na akong maramdaman at maalala. Mr. Mataray, hindi pa po ako lasing kasi alam na alam ko pa ang ginagawa ko.”

“Mr. Mataray pala ha? Hoy Ms. Suplada, akala ko ba tinanggap mo na yung sorry ko?”

“Hahay, sige na nga Mr. James Taylor, sorry na rin, oh ayan na Taxi.”

Nasa taxi na kami, hawak pa rin niya ang isang kamay ko. Nakakailang. Ni hindi ako makatingin sa kanya. Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena. Ngunit kakaiba ang pakiramdam ko sa pagkakataong ito. Dati, kaya kong basahin ang isipan ng isang lalaki, nararamdaman ko kung may magaganap na labanan o wala. Pero iba kay Fred. Hindi ko makita sa mukha niya. Dahil ba talagang mabuting tao siya, o dahil lasing lang talaga ako.

Pero di ko pa mapigilang mag-isip na posibleng may mangyari sa amin sa gabing ito. Kung gagawa siya ng move, alam kong hindi ko siya pipigilan. I’m very vulnerable, dahil na rin siguro dala dala ko pa rin ang kirot na iniwan ni Greg sa puso ko. Gusto kong iwaglit sa isipan ko si Greg, kahit ngayong gabi lang. So ang dating ay parang gagamitin ko si Fred para kahit sandali ay makalimutan si Greg. Pero baka yun ang ikasisisira ng kakasimula pa lamang na pagkakaibigan namin. Bahala na. It’s just a sex.

Dahil siguro sa lalim ng iniisip ko, hindi ko napansin na malapit na pala kami sa hotel.

“Anong room number mo?” Tanong sa akin ni Greg.

“Three One Zero.”

“Hala! IIsang room lang pala nakabook for both of us.”

“Are you sure?!”

“Hehehe.. Just kidding.. Mukhang ang lalim kasi ng iniisip mo.. Nasa Three Zero Eight  ako, so magkapalit lang tayo”

Parang gusto kong mainis. Pero di ko alam kung maiinis ako dahil sa pagbibiro niya or dahil hindi pala totoong iisa lang ang room namin. Hmmm, bakit naman naisip ni Fred na biruin ako ng ganun? Iniisip din kaya niya na posibleng may mangyari sa amin? Haiz, malalaman ko lang ang sagot mamaya.

Pagbaba ng taxi, nauna ako ng konti sa kanya. Pinilit kong ayusin ang paglalakad ko para huwag na akong alalayan ni Fred. Dumiretso ako ng elevator at sumunod din agad siya.

“Hey, okey ka na ba?”

“Oo naman. Okey lang ako.”

Ngumiti si Fred, at nahuli ko ang mga ngiting yun. Ang guwapo niya pag nakangiti. Nang mga sandaling yun, parang gusto ko siyang yakapin dahil siguro sa kabutihang ipinakita niya. Hoy day, mag hunos dili ka, baka di ka type ni Mr. Mataray, mapapahiya ang beauty mo.

Inihatid niya ako sa may pintuan ng room ko na katabi lang pala ng room niya.

“Hey, if you need something or if gusto mong may kausap, just knock, okey?”

“Okey.”

Tumalikod na si Fred para magpunta sa room niya. Bigla kong naalala, di pala ako nakapagpasalamat sa kanya.

“Fred, wait.”

“Yes?”

“Ahhhm… Just want to say thank you.”

“Asus, wala yun..”

“Ok, good night then.”

“Good night.”

Pumasok na ako sa room ko. Diretso higa sa kama. Di maalis sa isipan ko si Fred. Ang boses niya, ang mukha niya, ang ngiti at tawa niya. Hayyy, yoko muna ma inlove uli, lalo na kay Fred. Hindi pwede. He’s already married. Siguro dapat ay iwasan ko muna siya.

Napansin kong ang init at kati ng katawan ko. Pumunta ako ng bathroom para magshower, di ko lang binasa ang buhok ko. Nang magbibihis sana ako, napansin ko ang rashes sa hita at braso ko, meron din sa tummy ko. Naks, nagka allergy na naman ako sa beer. Imbis na damit pantulog, ay shorts at t-shirt muna sinuot ko. Lumabas ako para magpunta ng pharmacy at bumili ng antihistamine. Pagdaan ko sa lobby, may tumawag sa akin. Paglingon ko, si Fred pala.

“Leah, san punta mo?”

“Dyan lang sa pharmacy.”

“Samahan na kita. Baka kasi hindi pa humuhupa ang epekto ng nainum mo kanina.”

“Thanks, Fred ha. But I can manage.”

“I insist, it’s almost midnight, medyo delikado na for you to go out alone.”

“Okey, sige na nga, ang kulit mo eh.”

Diretso kami sa pharmacy na nasa kabilang block lang. Pagkatapos ay nagyaya siyang sumaglit kami sa convenient store na nasa tabi lang ng botika dahil may kailangan daw siyang bilhin. Naisipan kong mamili na rin ng konting chichiria kaya sumama na ako sa loob. Pero bago pa man ako makapamili ng bibilhin lumapit siya sa akin, bitbit ang basket na may apat na lata ng beer, 2 bottled water at mga tatlong packs ng chichiria.

“Leah, baka di ka pa inaantok, nood muna tayo ng VCDs sa room ko.”

Hindi ko inaasahan ang imbitasyon niya. Medyo natulala ako. Nakatingin ako sa mukha niya, napaka amo. Nakalimutan ko ang binitiwan kong pangako  sa sarili ko kani-kanina lamang. Walang ibang lumabas sa bibig ko kundi ang salitang “okey”. Di bale, bukas ko na lang sisimulan ang pag iwas ko sa kanya.

Tahimik lang kami pareho habang naglalakad pabalik sa hotel. Iniisip ko ang posibleng mangyari sa amin ng gabing yun. Bahala na.

Pagkapasok namin sa room niya, bigla akong kinabahan. Pamilyar sa akin ang eksenang ito. Tumayo ang balahibo ko. Magkahalong kaba at excitement. Hoy gaga, manonood lang kayo ng movie, at hindi magsesex, masyado kang assuming.

“Inumin mo muna gamot mo.”

Binuksan niya ang laptop at hinalungkat ang mga CDs sa bag niya. Umupo na lang ako sa kama dahil gamit niya yung silya habang inooperate ang laptop niya.

“Have you watched The Day After Tomorrow?”

“Hindi pa.”

“Okey, good. Ito na lang panoorin natin.”

Nilipat niya ang laptop sa dulo ng bed, kaya lumipat na rin ako sa may headboard, nakasandal ang likod ko sa may headboard ng kama.

“Bihis muna ako ha.”

Pumasok siya sa bathroom at narinig ko ang buhos ng tubig kaya alam kong nag shoshower siya. Kinuha ko ang isang lata ng beer at binuksan ito. Bumabalik na ang katinuan ko ngunit parang gusto kong malasing uli para kung sakali mang may mangyari, hindi na ako makaramdam ng hiya.

Maya maya’y lumabas na rin ng kuwarto si Fred, naka shorts at sando lang. Nagbukas rin siya ng isang lata ng beer at umupo sa tabi ko. Hindi na ako makapagconcentrate sa pinapanood namin. Tila ba nahuhulaan ko na ang susunod na mangyayari at hinihintay ko na lang na gumawa siya ng move. Ang tagal naman, naiinip na ako. Hindi ko napansing napapabilis na pala ang pag inom ko ng beer.

Iinom pa sana ako nang pinigilan niya ang kamay ko.

“Tama na yan. Nakakadalawa ka na.”

“Ubusin ko lang to, saying naman .”

“Tama na sabi.”

Bago pa ako makasagot ng isa pa, hinalikan na niya ang mga labi ko. Hindi ako makagalaw, hindi rin ako gumaganti at hindi rin pumapalag. Hinayaan ko lang siya, nanlambot na ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung dahil sa epekto ng beer or dahil sa sensasyong dulot ng mga halik niya. Ang sarap.

Nabitawan ko na ang beer na hawak ko. Kinuha ni Fred iyun at inilagay sa table. Nang malibre na ang kamay niya, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at lalong idiniin ang mga labi niya na siyang nag udyok sa akin para lumaban din. Tinulak niya ang dila niya papasok sa bibig ko, paikot ikot na tila ay hinahanap ang kapareha nito. Nang mahuli ay kaagad niya itong sinipsip.. uhmmm.. Ang lambot ng mga labi niya. Nang binitawan niya ang dila ko, sinubukan kong hulihin ang dila niya, pero di ko mahuli, masyado itong malikot, labas masok sa bibig ko, hanggang sa makarating sa leeg ko. Walang tigil ang paghalik sakin ni Fred.

____________________________________________________________

Will post the continuation very soon, promise..