Medyo nakakabadtrip malamang nasa parehong lugar kami. Bakit naman kasi tila ang sungit sa akin ng kapalaran. Sa lahat ng taong pwede kong makita sa pagbalik ko ng CDO, bakit siya pa. Haayyyy, sana nga lang ay hindi uli kami magkasalubong. Dumiretso ako palabas ng hotel bago pa niya ako makita. Pagkatapos kung makapagpananghalian ay pumunta na agad ako sa branch office.
Pagdating ng branch office, nalaman kong may iba pa pala akong mga kasama sa training. Puro mga newly hired mula sa iba’t ibang branch namin sa Mindanao. At ang nakakatuwa ay nakita ko doon ang isa sa mga classmate ko sa college, si Melissa. Accounting Staff din sya sa CDO branch, at mahigit isang buwan na mula ng magsimula siyang magtrabaho doon. At least hindi ako masyadong mabobore at maiilang dahil may kakilala na ako.
1:15 na pero di pa nagsisimula ang training. Naghahanda pa daw kasi ang trainor namin. Kumustahan at chikahan muna kami ni Melissa tungkol sa iba pa naming mga batchmates. Sa kalagitnaan ng aming pag uusap ay biglang huminto si Melissa nang dumaan ang isang lalaki.
“Hi Fred! How are you? Kaw ba maghahandle ng training?” Bati ni Melissa sa lalaki.
“Hi Lis, I’m fine. Isa ako sa magbibigay ng training pero next week pa sched ko.”
Nilingon ko ang lalaking binabati ng kaibigan ko. Hahay nandito na naman ang asungot. At magiging trainor ko pa? Tila nag uunahan pa sa pagbati sa kanya ang iba pang mga babaeng empleyado, bati na tila may kahalong pagfiflirt at lalo kong kinakainis. Hmmm, bakit tila gustong-gusto siya ng mga taga rito, eh saksakan naman sa pagkasuplado.
“Kilala mo bay un?” Tanong sa akin ni Melissa.
“Face lang, di ko alam name niya, pero tawag ko sa kanya Mr. Mataray.”
“Huh? Bakit naman? Eh ang bait kaya ni Fred, at in fairness, papable na papable, yun nga lang, he’s taken na.”
Kinwento ko kay Melissa kung bakit ako naiinis sa kanya. Nalaman ko rin na hindi pala talaga siya empleyado ng branch namin or ng CDO branch. Sa IT Department pala siya ng Main Office at nagpupupunta lang sa mga branches to regularly check the system. Kaya pala dedma lang siya noong ipinakilala ako ng boss ko doon sa branch namin. Pero kahit na, nayayabangan pa rin ako sa kanya. Magkabarkada daw si Fred at ang boyfriend ni Melissa kaya medyo close din sila. Nakakainis kasi kailangan kong dumistansya kay Melissa sa tuwing magkausap sila.
Minsan ko na ring naitanong sa sarili ko kung bakit lalong kumukulo ang dugo ko sa kanya. Dahil ba talaga suplado ang dating niya sa akin o baka dahil pinapansin at kinakausap niya ang ibang mga babaeng empleyado at hindi ako. Umiiwas akong magkaharap o magkasalubong kami, ayoko kasing madedma uli. Sa tuwing lumalapit siya para kausapin si Melissa ay ini excuse ko na lang ang sarili ko para hindi kami magkaharap.
Dumating ang Sabado ng hapon. Schedule namin na mag tour sa isa sa mga vessel ng kompanya na kasalukuyang naka dock sa pier. Dumaan muna kami sa opisina bago dumiretso sa pier para sa isang briefing. Pagpasok ko ng training room, nadatnan kong magkausap si Fred at Melissa.
“Good afternoon Leah.” Bati ni Melissa sa akin.
“Hi Leah.” Bati ni Fred.
Natulala ako dahil sa hindi ko inaasahang sa wakas ay papansinin din pala ako ni Mr. Mataray. Hindi ako nakapagsalita. Ni hindi ko alam kung ano isasagot ko. Pinigilan ko ring mahalata niyang masaya ako dahil sa pagbati niya sa akin. Medyo nataranta ako.
“Excuse me ha, CR lang ako.”
Pagbalik ko, wala na si Fred.
“Hoy gaga, bakit mo dinedma si papa Fred?” Sumbat ni Melissa sa akin.
“Haiz, hindi lang siya ang marunong magsuplado sa mundo.”
“Ay may ganun? Alam mo ba, tinatanong ka ni Fred sa akin, bakit daw parang ang sungit sungit mo sa kanya. Kaya napilitan akong sabihin sa kanya yung kinwento mo sa akin. Sabi niya, di naman daw niya sinasadya yun. Nag coconcentrate lang daw talaga siya dun sa ginagawa niya kaya hindi ka niya nasagot ng maayos.”
Hindi na ako nakasagot dahil dumating na yung trainor namin at pinapalabas na kami ng opisina para magpunta na sa pier. Nag enjoy ako sa pagtour namin sa barko. Nakakapagod din at the same time. Kaya pagkatapos ay diretso agad ako sa hotel room ko para makapagpahinga. Pero nainip din ako. Lumabas ako ng hotel at namasyal sa Night Café. Nagbabakasakali din akong may makasalubong na mga dating classmates. Pumasok na lang muna ako sa Dunkin Donuts at nag order ng Punch. Dun ako pumwesto malapit sa pintuan para makita ko ang mga dumadaan.
Hindi ko maiwasang maalala ang mga dating kabarkada. Madalas kasi kami noong tumambay sa lugar na yun. I miss them at ang mga kalokohan at kasiyahan namin noon. At ngayong nakabalik ako sa lugar na yun na hindi sila kasama, I feel so alone.
Sa pagmamasid ko sa mga taong dumadaan sa labas, nakita ko ang isang taong hindi pa ako handang makitang muli. Si Greg, ang pinkahuling ex ko. Ang masaklap, may kasama siya, si Marcela, ang kabarkada niyang dati ko pang pinagseselosan. Nakaakbay si Greg sa kanya, so palagay ko ay sila na nga.
Hindi ko matukoy kung ano talaga ang naging problem namin noon. I guess he just fell out of love from me. Napansin ko ang paglamig ni Greg. Masakit pero alam kong ang pinakatamang gawin noon ay makipagbreak na lang sa kanya bago pa tuluyang madurog ang puso ko.
Inaamin ko, I’m not over him yet. Umaasa pa rin ako na isang araw magpaparamdam siya. Pero sa nakita ko ngayon, mukhang wala na akong dapat pang asahan. I need to do something tonight, hindi ako pwedeng mag-isa. Kailangan kong may makasama o makausap. Masyadong masakit at mabigat ang nararamdaman ko. I need to pour it out. Naisip kong itext si Melissaa.
“Lis, san ka now?”
“Papunta kami Inilog Grill, with the other trainees, sama ka?”
Inilog Grill. Hindi yun ang lugar na gusto kong puntahan nang mga oras na yun. Ang gusto kong gawin ay maglasing. Pero hindi ko rin naman puedeng gawin yun ng mag-isa. Kung sa bagay pwede rin namang umorder ng inumin dun, bahala na. Isa rin ito sa mga paboritong kainan namin noong araw. Unlimited ang rice, at type ko ang lasa ng chicken barbecue at fried chicken nila. Bukod pa sa may live band na ang tinutugtog ay mga Folk Songs.
Pagdating ko sa Inilog Grill, andun na sila, si Melissa, ang BF niyang si Jed, tatlong iba pang trainees, and to my surprise, andun si Mr. Mataray. I must admit, he looked good that night.
So order kami ng dinner, kainan, kwentuhan, tawanan.. Pero ako, tahimik lang, wala ako sa mood makipagtalakan. Napansin iyun ni Melissa.
“Hey, cheer up! Ano ba problema?”
“I saw Greg kanina. Kasama si Marcela.”
“Aray.. So ano gusto mo mangyari?”
“Wala lang. Get drunk, I guess.”
Umorder pa kami ng dalawang set ng san mig light. Maya maya’y nagpaalam na yung tatlong trainees dahil malayo pa daw uuwian nila. Si Melissa naman, nakikinig lang sa mga kwento ko. Maya maya’y napansin kong tumayo si Mr. Mataray at lumapit doon sa banda at may ibinulong sa vocalist. Akala ko ay magrerequest siya ng song. May inanunsyo ang bokalista ngunit hindi ko masyadong narinig kasi nagsasalita si Melissa. Binigay ng vocalist ang mic at gitara kay Fred (Mr. Mataray).
“Lis, what is he doing?”
“Ay di ko nga pala nakukwento sayo, madalas talaga kami dito, at yang si Fred, kilala na dito kasi madalas umi extra yan ng song eh.”
“Ows, talaga? Eh magaling ba naman?”
“Just watch and listen, it’s for you to judge.”
Nang magsimulang tumugtog si Fred, napansin kong pamilyar sakin yung intro ng kanta. At hindi ako nagkamali, isa sa pinakapaboritong kanta ko ang tinugtog niya. Kanta ni James Taylor, Wandering.
Tumayo ang mga balahibo ko, dahil sa galing niyang tumugtog at sa ganda ng boses niya. Sa mga sandaling yun, ay tila napalitan ng paghanga ang dating pagkainis ko sa kanya. Weakness ko talaga ang mga lalaking magaling tumugtog ng gitara. Nakaupo lang ako, nakatitig sa kanya, at pakiramdam ko’y para akong yelong natutunaw. Lalo pa ng tumingin siya sa direksyon namin at ngumiti. Kinurot ako ni Melissa.
“Hoy, wag mo masyado titigan.”
“Hehe.. Ang galing niya Lis.”
Palakpakan ang mga tao nang matapos ni Fred ang song niya. Pagbalik niya sa table namin, kinamayan siya nina Melissa at ni Jed. Ayoko ring magmukhang suplada kaya kinamayan ko na rin siya.
“Wow.. I’m amazed.. Congrats ha.” Bati ko sa kanya.
“I’m glad you liked it. Sorry na ha?”
“Sorry saan?” Alam ko kung bakit siya nagsosorry pero patay mali lang ako.
“Sa pagaakala mong dinededma kita. Nagkataon lang talaga na busy ako ng mga panahong yun at kelangan kong mag concentrate doon sa ginagawa ko.”
“Okey, peace na tayo. Kung di ka lang talaga magaling tumugtog..Hehe.. Pero teka, bakit yun ang tinugtog mo?”
“Hehehe.. One time kasi, noong dumaan ako sa likod ng cubicle mo, nakita kong pinapanood mo yung video nun sa youtube, so I thought na baka gusto mo yung song na yun.”
Flattered ako. Imagine, yun ang pinili niyang kanta dahil pala sa akin.. Haba ng hair ng lola niyo..
“Mahilig ka ba talaga sa mga lumang kanta?” Tanong ni Fred.
“Yes, oldies… Eversince.”
“Bakit? I mean, you’re just twenty one, bihira lang sa mga ka age mo ang mahilig sa oldies.”
“Ewan ko rin.. Siguro dahil yung mga kantang yun ang nakakapagpaalala sa akin ng mga masasayang araw nung bata pa ako.. Life was so simple back then.. Tsaka kumpleto pa kami ng family ko..”
Humaba ang aming usapan ni Fred. Naging komportable na din akong kausap siya. Wala ng bakas ng kasupladohan ang mukha niya. Pero ramdam ko rin ang epekto ng beer sa katawan ko. Nangalay ang mga tuhod ko, at nahihilo na ako. Nilingon ko si Melissa at napansin kong lasing na din siya at nagyayaya ng umuwi.
“Leah, pwedeng mauna na kami sa inyo? Nasusuka na kasi ako eh. Hoy, Fred, kaw na muna bahala sa kaibigan ko ha?’
Ngiti lang ang isinagot ni Fred sa kanya. Inalalayan ni Jed palabas si Melissa hanggang makasakay sila ng taxi.
Patuloy lang ang kwentuhan namin ni Fred. Anything under the sun.. Movies, Music, Books.. Pati kanya kanyang personal na buhay ay kanya kanyang share kami. Nalaman kong nagkakaproblema pala siya with his marriage. Ayaw sa kanya ng parents ng wife niya. Ang masaklap, nakikitira lang sila sa bahay ng inlaws niya dahil ayaw ng mga itong umalis sa bahay nila ang kanilang anak. Ito ang dahilan kung bakit bihirang bihira lang siyang umuwi ng Davao. Ilang beses na niyang kinumbinsi ang asawa niyang bumukod pero hindi ito makapag decide dahil takot na magalit ang parents niya..
Hanggang dumating ang usapan namin sa problema ko.. Nakwento ko sa kanya ang naging karanasan ko kay Greg at kung ano ang nangyari kani kanina lang na naging dahilan ng paglalasing ko.
“Yun lang? Naglalasing ka na? Alam mo, para kang lalaki. Teka san ka ba uuwi?”
“Hehe.. Kesyo ganito talaga ako eh.. Greg sucks!”
“Hey, calm down, gusto mo hatid na kita para makapagpahinga ka na? San ka ba naka check in?”
“Sa Grand Hotel din, saw you the other day, kala ko nga sinusundan mo ako eh.”
Lasing nga ako kaya medyo umaandaw ang kapilyahan ko.
“Let’s go?“
ITUTUTLOY…