Eto ulet ako, ang makulit na si rex. Recently lang nangyari to.
Nagsosolo akong nanonood ng tv ng tumunog ang phone ko. Unknown number ang tumatawag, nagdalawang isip pa ko kung sasagutin ko ba o hindi. Dahil sa nacurious ako sinagot ko na din.
Ganito ang conversation namin.
Me: hello
?: hello po
me: sino ka?
?: di ako sinuka, may pangalan ako
me: SINO KA NGA?
(Medyo pagalit kong tanong)
?: the name is chi
me: bakla ka no?
( sa totoo lang boses bakla talaga ung kausap ko)
chi: hindi ah, babae ako
me: ows di nga. Wag ka ng magdeny. Ok lang naman sakin kung bading ka.
Chi: eh hindi nga ko bading.
Me: bakit ganyan ang boses mo. Bakla ka ayaw pang umamin
chi: gagi hindi nga kausapin mo pa pinsan ko
(humanap pa ng kakampi)
me: oi tigilan mo kong bakla ka ha
?: kuya di po bakla si ate chi. Kung gusto mo magkita pa kayo
me: at sino ka naman?
Chi: pinsan ko un, masakit lang lalamunan ko kasi kakayosi kagabi, di talaga ako bakla
me: kaya masakit yan kakasubo mo siguro ng titi
chi: oy kuya foul na yun ha, para patunayan ko sayo magkita tayo ngayon, baka maglaway ka pa sakin pag nakita mo ko
me: sige dare punta ka dito
( ako pa hinamon )
chi: san ba yan?
Me: naku wag na nga lang may gagawin nga pala ako mamaya
chi: kaw palang tong takot eh.
Me: ayoko kasi sa sinungaling. Pati di ako napatol sa bakla.
Chi: babye na nga. Bwiset. Di ako bakla tandaan mo yan
after ng pagtatalo namin di ko na sya muling tinext, nagdaan ang 1 lingo ng tumawag ulet sya sa kin. Boses babae na ang kausap ko. Kaya lang ang panget pa din ng boses. Nagsorry ako sa inasal ko at ganun din sya. Napaniwala na nya kong babae nga sya. Sinubukan kong kunin ang fb nya ngunit wala pa daw sya nun. Niloko ko pa na
“ang nanay ko nga meron, ikaw wala. Panget ka siguro kaya di mo maipost pix mo sa net.”
napahiya naman ako sa sinagot nya.
” ganyan ka ba talaga sa mga babae?”
para makabawi sinabi ko na lang na “joke lang un, kaw naman di ka na nasanay sakin”
nagyaya ulet syang magmit kami kinabukasan. Pumayag na rin ako tutal wala namang mawawala sakin. Naisip na lang nya na sm na lang kami magkita.
Kinabukasan tinamad akong pumunta, 3pm ang usapan namin, 2pm na di pa ko naliligo. Tamad na tamad talaga ako. Ayoko talagang makipagmeet hanggat di ko nakikita man sa pix ang kameet ko.
Pagdating ng 3pm tsaka pa lang ako naligo, pagkatapos kong maligo pagtingin ko sa phone ko may 3miss call, tinext ko sya na nakatulog ako at ngayon pa lang ako natapos maligo. Kung maantay nya ko pupunta ako. Pinapanalangin ko na wag na sana syang maghintay at umuwi na lang, pero nagulat ako sa kanya, ok lang daw at aantayin nya ko. Napahiya na naman ako kaya dali daling akong nagbihis at pumunta na sa sm. Almost 30mins din ang biniyahe ko bago makadating ng sm. 3pm ang usapan namin, 4pm ako dumating. Napaka ungentleman ng ginawa ko. Tinxt ko sya na nandun nako at kung nasan sya, at kung anong suot nya. At nung alam ko na dali dali ko syang pinuntahan. Ng papalapit na ko sa kanya. Parang natigilan ako sa paghakbang.
Yan na ba un? Ang bading kong niloloko, maganda pala.
Di ko talaga inaasahan na maganda pala si chi.
Matangkad sya 5’5 or 5’6 slim lang, maputi, matangos ang ilong at mahaba ang buhok.
Di ako makapaniwala, ni hindi sumagi sa isip ko na ganun pala kaganda ang estrangherang kausap ko.
Me: Hi chi,
(sabay abot ng palad ko.) Sorry kung nalate ako. Sorry kung tinawag kitang bakla at panget.
Chi: hi din, oh ano nakita mo na ko. Tamang hinala ka kasi. Alam mo gwapo ka sana eh kaya lang ang mapanglait ka, at isa pa pinaka ayaw ko sa lahat ung pinagaantay ako ng matagal. Uwi na ko dyan ka na.
Iniwan na nga ako ni chi. Tangina sayang akala ko pa naman naka jackpot na ko. Ayan kasi ayaw maniwala eh.
Pasensya na sa mga makakabasa hindi po sex story to. Kinuwento ko lang ung exprience ko na sayang. Sayang talaga.
Natuto na ko. Sana kayo din.