EROTIC WRITING READING TIPS

Author Name: jason_the_jackal | Source: pinoyliterotica.com

SA MGA ASPIRING WRITERS/AUTHORS

1. Mapa-fiction o true story ang kwentong isusulat mo, gumawa ka ng outline. Pag-aralan mo ang takbo ng kwento kasi importante ang consistency. Nasasaad sa outline ang mga pangalan, edad, lugar, tagpo at panahon. Kapag nagkamali ka ng isang detalye kahit isang linya, mawawalan ka ng consistency. Huwag kang magmadali, maraming oras. Kilatising mabuti ang takbo ng iyong kwento.

2. Subukan mo kayang isulat ito sa MS WORD document. Iwasan mong magsulat sa cellphone dahil, hindi magiging maayos ang pagkakalapat ng bawat paragraphs at sentences. Importante ito, bakit? Kasi masarap magbasa kapag maayos ang pagkakasulat. Sayang naman ng effort mo kung di mo ito pag aaksayahan ng panahon. Napakahalaga kasi ng tinatawang na spacing.

3. Sa panahon ngayon na alipin tayo ng short text messaging format, dahil sa cellphones pati mga pag susulat short cuts na rin. Ang ganda pa naman ng plot, pero ang sakit sa mata. Kung mag uumpisa kang magsulat dapat yung malinaw. Hindi sarili mo ng ini-entertain mo kundi ang makaka basa nito, ayaw mo bang bigyan ng papuri?

Karamihan, ay hindi na gaanong sanay sa tagalog lalo na kung hindi ito ang iyong kinalakihan, pero wala naman problema kung TAGLISH, Tagalog o pure fuckin english. Basta buo ang bawat letra. Maniwala ka – kahit gaano kapangit ng kwento o kahit may kahalintulad na ang iyong mga tagpo, me positibong makaka puna sa kwento.

4. Iwasan mo ang kaliwat kanan na sex scenes, agad-agad. Kung maaari huwag kang mag umpisa ng ganitong tagpo. Nakaumay. Sana matutunan mo ang ibig sabihin ng hinay-hinay hanggang climax. Bigyan ng mo ng kulay at buhay kung bakit nakarating ka sa ganitong tagpo.

5. Sa mga tagpo ng mga sex scenes, mag detalye ka ng buo. Namnamin mo ang takbo ng bawat segundo na sana ay kapana-panabik ang bawat eksena. At upang malaman kung effective ang sex scenes sa iyong kwento, mag tanong ka sa sarili mo: Inutugan ka ba? Nanlagkit ba ang puke mo? Nag init ba ang pakiramdam mo kahit sa sarili mong kwento? Kung hindi mo ito naramdaman, hindi rin ito ang mararamdaman ng nagbabasa. Ilagay mo lagi sa isip mo na ikaw ay isang reader din. Dapat ikaw mismo lilibugan sa naisulat mo. Limitahan mo ang puro ungol at halinghing, wala itong bertud kung hindi suportado ng eksena.

6. Para sa karamihan ang pamagat ang pinag iikutan ng kwento. Huwag mong habaaan ang title kung hindi naman kailangan. Dapat akma sa kabuuan ng kwento. Tip, ang title ay pwede ring maging ending. Pero pag isipan mong masyado kung bakit ito ang napili mo.

7. Bawat isa, may kanya kanyang style ng pagsusulat. Walang isyu dito. Iyon ang kailangan pag aralan ninyo kung anong klaseng agimat meron ka sa pag susulat. Dito ka na rin makikilala bilang author at dito na rin ang labanan ng imahinasyon ang mga beteranong manunulat dito. Kung sa tingin mo saan ka effective na style, format at genre, dun mo hasain ang sarili mo. Hindi naman bawal mag explore, pero hanggat maari, magka roon ka ng identity. Huwag kang matakot manggaya ng istilo, bastat huwag mong kopyahin ang buong kwento.

8. Sana, kung wala pang 200 words ang nasulat, isantabi mo lang muna. Huwag mo naman ipilit na ilabas ang dalawang talata bastat maka pag file ka lang. Ang pangit ng masyadong bitin at walang detalye, pero nagkantutan na sa ikalawang talata? at pareho ng nilabasan? sa isang linya? Maging realistic naman sana, kung maari.

9. Huwag mong kaligtaan kung anong genre o kabuuan ng story. Kasi hindi lahat ng readers, mahilig sa incest, lalake sa lalake, babae sa babae, tao sa hayop, dominating, at iba pang mga hardcore. Kailangan, umpisa pa lang, linawin na natin upang magsilbing paalala at babala. Sa ganung paraan, maiiwasan na ng mga nag babasa na hindi mahilig sa ganito na iwasan ang kwento.

Pigilan mo ang sarili ng matuto ng copy paste. Yung tipong pipiratahin mo sa ibang site, lalagyan mo ng ibang pangalan ang mga karakter at pamagat, nihay-nihoy ikaw na ang author? Pinag hihirapan ang pagsusulat. Kaya matuto kang rumespeto.

Maging responsible tayo bilang writers. Kahit ipinagbabawal ang site na ito sa minors, hindi pa rin maiwasan na nabubuksan na ito ng mga menor de edad.

Sana, adults at consenting sex lagi ang mga tagpo natin. Yung brutal rape scenes, sana maipaliwanag ng husto. Baka tayo pa ang maging dahilan ng mga krimen sa paligid.

SA MGA READERS:

1. Huwag kang magbasa sa open/public field, mapagkakamalan kang manyak.

Basahin mo ng buo ang kwento, bago ka mag comment para at least, may laman ang magiging reaksion mo sa nabasa mo. Huwag kang mapang husga, dahil hindi lahat ng writers dito professionals na ito talaga ang ginagawa.

2. Iwasan mo ang maging makulit kung kelan ang kasunod at nasaan na ang karugtong. Libre ang pag susulat na inilalathala dito at walang bayad ang mga manunulat. Libog lang. Kaya, hayaan mo kung kelan sila muling mabubuhayan ng dugo at magkakaroon ng oras upang magsulat.

3. Mag comment ka naman after reading, kung nagustuhan mo ito. Nakakataba ng puso sa writers kun ano ang saloobin mo sa nabasa mong kwento. Kung halimbawa medyo hindi mo nagustuhan, daanin mo naman sa mahinahon na paraan ang comment. At kung talagang super galit ka sa kwento, pwede ng naman hayaan na lang.

4. May ratings via votes kaya, huwag kang mahiwa na mag click kung talagang gusto mo ang nabasa mo.

5. Kung na-wet ka, inutugan o kinubabawan ka ng libog sa nabasa mo, huwag kang maghinayang magparaos. Ito kasi ang dahilan kung bakit may mga erotic sites, upang magkatulungan. Magbate ka, finger yourself and get lost. Hindi ito bawal basta nasa tamang oras at maayos na lugar. Sabi ni Thomas Szasz : Masturbation is the primary sexual activity of mankind. In the nineteenth century it was a disease; in the twentieth, it’s a cure.

At kung meron lang naman willing and able partner..
FUCK!