ECCENTRICindel 5.0

Author Name: scophish | Source: pinoyliterotica.com

” THE BAKER BOY ACTIONER “

______________________________________________________________________

presently. . .

“Your eyes are like that of a demon’s. They’re supposed to be something that I should be scared of, yet they pierce my heart like a butter-coated knife, with a filling that melts and drips through the taste buds of my soul.”

Ito ang sinasabi ng isip ni Cindel habang tinitingan ang mga mata ng kanyang bagong boyfriend. Magkatabi sila sa pagkakaupo ngayon, nakalingon ang binata sa kanya, hinihimas ang kanyang kanang hita, ang kanyang makinis na hitang sa panaginip lamang nahihipo ng maraming kalalakihan. Nilalanghap ng kanyang kasintahan ang malaming na hanging nasa loob ng Van na kanilang sinasakyan. Langhap-buga, langhap buga. . . animo’y isang mabangis na hayop na may pagnanasasang tuklawin siya.

Mula sa pagkakatitig nito sa kanyang mga mata ay unti-unting bumababa ang tingin nito hanggag sa kanyang cleavage – parang nasasaniban ng pitong demonyo ang mga titig nito. Hindi maintindihan ni Cindel kung bakit, ngunit lalo yatang nagiging nakakabighani ang mukha ng binata dahil sa ginagawa.

Ilang sandali pa ay ibinaba na ng binata ang pagkakatitig nito sa kanyang naka-shorts na bandang ibaba, pinapagala ang paningin sa kanyang mga binti. Patuloy pa rin ito sa paghinga ng malalim habang hindi tinitigil ang paghaplos at paghimas sa kakinisan ng mapuputing bahaging nandoon.

Biglang nagtaka si Cindel kung bakit parang nawalan na ng gana ang binata na ituloy pa ang ginagawa. Napansin na lang niya na ang parang may sa demonyong tingin nito ay napalitan ng isang maamong pagmumukha ng isang napaka-inosenteng bata. Bigla nalang Inilapit ng binata ang sariling mukha sa bintana na direktang nasa tabi ng dalaga, para masilip ng mabuti ang napadaang Chevrolet Camaro na replica ng robot na si Bumblebee sa pelikulang Transformers.

“Para kang serial rapist sa pagnanasa sa akin, pero para kang isang musmos sa mga bagay-bagay sa paligid. Nakakainis ka kung minsan. Pero ewan ko ba, mas lalo yata kitang minamahal sa ugali mong ganyan”

Ilang segundo lang ay nakalayo na ang “Bumblebee Replica” na napadaan. Agad namang nawala ang “inosenteng tingin” ng binata at bumalik agad ang “mala-demonyong” mga mata nito. Inilapit ng binata ang mukha nito para mahalikan si Cindel ngunit umiwas ang dalaga, sabay turo sa bestfriend niyang si Joice, na nasa front seat ng sasakyan. Nakatingin na pala ito sa kanila ngayon.

Hindi man nakikita ng magbestfriends kung ano ang nagaganap sa bandang ibaba ng kanilang mga katawan ay nababasa naman nila sa kanilang mga tingin na may “nangyayari nga.” Ang rakistang boyfriend ni Joice ay s’yang nagmamaneho ng Van. Sa ngiti na binibigay ni Joice ngayon ay tiyak ni Cindel na “may ibang klaseng pagmamaneho” ding ginagawa ng kanyang morenang besfriend.

“Nagmamaneho si Denzen sa Van na ito, minamaneho din siya ni Joice. Ano kayang klaseng pagmamaneho ang pwede ko ring gawin dito sa backseat?” Pilyang tanong ni Cindel sa sarili.

Bigla na lang naputol ang pagpapalawak ni Cindel ng kapilyahan ng kanyang pag-iisip nang napansin niyang kinukulikot na pala ng isang daliri ng kanyang katabi ang pundilyo ng kanyang shorts. Gustong-gusto na sana niyang sunggaban at atakehin ang lalake ngunit pinigilan niya ang sarili.

“Pag nakarating na tayo sa resort na pupuntahan natin, dun kita yayariin. Wala pang titi na nakapasok sa puke ko, ngayon ay ibibigay ko na ito. . . sa’yo.”

Walang nagawa si Cindel kundi i-enjoy na lang ang 1-hour trip papunta sa destinasyon nila. Ipinikit nalang niya ang kanyang mga mata: ninanamnam ang ibang klaseng paglalaro na ginagawa ng lalakeng mahal, sinasariwa sa kanyang isip ang mga nangyari, ilang linggo lang ang nakaraan…

3 weeks ago. . .

Nakakapagod ang halos apat na oras na byahe galing Gensan, ngunit wala pang balak umuwi si Cindel. Kailangan niyang kumpletuhin ang “pinitensya” na naisip niya kamakailan lang. Mula sa pagkakausap sa ina ng 13-anyos na batang nasaktan niya ng labis noong mga nakaraang buwan ay kailangan niyang puntahan ang isa pang kaklase na kasambahay ni Boris.

Nang dahil sa kahihiyang epekto ng ginawa ni Cindel (see 4.0 ““) ay napilitang umalis papunta sa di malamang lugar si Boris, dahilan para maiwan ang kaklaseng umaasa sa pera nito para patuloy na makapag-aral. Muntik nang tumigil ang kaklase niyang yun, kung ‘di siya pinangakuhan ni Cindel ng isang scholarship grant. Pupuntahan niya ang kaklaseng iyon para ibigay ang mga dokumentong kailangan.

“Stop worrying my classmate, ang ibibigay ko sa’yong mga papeles ay siyang tatapos sa mga problema mo. May scholarship grant ka na at ang kapatid mo. Makakamit mo na ang mga iyonh mga pangarap. . . at wala nang Boris na mang-aabuso sa iyo.”(see 3.0 ““) Bulong ni Cindel sa sarili.

Gamit ang koneksyon ng kanyang pamilya sa ilang charity groups ay madaling nakahanap si Cindel ng paraan para mabigyan ng scholarship ang kanyang kaklase at si Jack – ang batang labis na nahumaling sa kanya. (see 2.0 ) Hindi madali para kay Cindel ang paghaharap nila ng nanay ni Jack, at ang pagbitiw nito ng ilang masasakit na salita. Ngunit tinanggap ni Cindel ang lahat ng iyon, alam niyang nararapat lang sa kanya ang mga salitang iyon.

“Kung tutuusin ay kulang pa yun sa ginawa ko. . . sa lahat ng nagawa ko. Kung makakagawa lang ako ng ilang mabubuting bagay sa aking kapwa, siguro ay mababawasan ang bigat ng aking kalooban.” Tugon ng isip ng dalaga.

Sa kanyang paglalakad ay marami-raming nang napuntahan ang kanyang isip dahilan parang di niya namalayang lalo na yatang dumidilim ang paligid. Halos alas-nuwebe na ng gabi. Pwede pa namang ipagbukas ang kanyang pagpunta sa kaklase niya upang maibigay ang mga papeles na dala ngunit hindi na makapaghintay si Cindel. Wala na siyang ibang hinihiling ngayon kundi ang makumpleto ang pinitensyang pinapataw sa sarili, at determinado siyang makamit ang “peace of mind” na maaring maibigay nito.

“Whatever it takes Cindel. Ang panganib na nandito sa liblib na daan papunta sa bahay ng kaklase mo ay hindi dahilan para ipagpabukas pa ang maari mong ibigay ngayon.”

Panganib – isang puwersang, di nahuhulaan kung kailan darating, kung kailan aatake. Ito ang bigla na lang umusbong sa isip ni Cindel. Paano kung may panganib nga na nag-aabang at nakaluklok sa madilim na lugar na ito? Ilang segundo lang ay parang nababasa yata ng pwersa ng kadiliman ang pag-iisip ni Cindel. . . May isang pick-up truck na bigla na lang sumulpot sa isang kanto sa di kalayuan.

May tatlong lalaking nakasakay sa likod ng sasakyan. Hindi masyadong na-aaninag ng dalaga ang pagmumukha ng mga ito ngunit malakas ang kanyang pakiramdam na may masamang balak ang mga ito. May isang matangkad na lalake ang lumabas sa pick-up.

Alam ni Cindel na ang masamang balak ng isang tao ay maaring makita sa mga mata nito. Hindi niya nakikita ng maayos ang mga mata ng apat na lalakeng nakatiningin sa kanya ngayon, ngunit batid niyang meron ngang masamang balak ang mga ito. Alam niya, dahil ang pang-apat na lalakeng bumaba ay ang lalakeng labis na napahiya at nagmukhang tanga dahil sa ginawa niya. . . Si Boris Alcover. Mabilis na napatalikod si Cindel, at kumaripas na ng takbo.

Alam niyang madali lang siyang masundan ng grupo ni Boris kung gagamitin niya ang malawak na daan sa pagtakas, kaya naisip niyang pumasok sa ilang maliliit na daan. May konting malalaking halaman sa malapit – magagamit niya ito para pangkubli at para makahanap ng ibang daang na pwedeng mapaglusutan. Binilisan pa niya ang pagtakbo papunta sa mga halamang iyon.

Ilang sandali pa ay dinala nalang siya ng sariling mga paa papunta sa isang kalsada na mas malawak pa kaysa sa pinanggalingan niya. Sinubukan niyang tumakbo pa sa direksyong pakiramdam niya ay magpapalayo sa kanya sa grupo ni Boris. Nabigla nalang siya nang mula sa isang maliit na eskinita ay may sumulpot na isang lalakeng naka motor, agad na nahawakan ng driver nito ang kanyang bag.

Dala ng sariling “instinct” ay ginalusan ni Cindel ang lalake gamit ng kanyang mga kuko. Alam ng dalaga na wala siyang kalaban-laban sa lalake at natitiyak niyang ilang sandali nalang ay darating na si Boris sa kinaroroonan nila. Tinanggal na lang niya mula sa kanyang balikat ang strap ng bag at hinayaan na lang iyon na mapunta sa kamay ng lalake.

Matapos makatakbo ng ilang metro ay natigilan siya nang nakita niya ang pick-up truck ni Boris kulang-kulang 15 metro mula sa kanya. Sa dinami-dami ng pwede niyang takbuhan ay ang lugar pa na ito ang napili niya. Sa kanyang kaliwa ay ang isang mataas na pader at sa kanan naman ay ang isang matirik na bangin.

“Cindel, saan ka pupunta?” Rinig niyang sabi ni Boris nang makalabas na ito mula sa pick-up. “Bakit mo ba ako iniiwasan mahal ko? Alam kong pagod na pagod ka na sa kakatakbo. P’wede bang pagbigyan mo nalang ako sa pagkakataong ito? Sige na Cind.” Nakangiting pasigaw na dagdag pa nito, habang itinaas-baba ang mga kilay. Sa gitna ng pagtulo ng pawis at ng halos maputol na paghinga ni Cindel ay ang pangingibabaw ng di masukat na takot.

Diyos ko, alam kong hindi ako isang napakabuting tao at nararapat lang akong parusahan sa mga kasalanang nagawa ko, ngunit hindi ko yata kaya ang pagpaparusang ganito. Diyos ko po, tulungan niyo po ako.”

Kung p’wede lang sanang lumuhod para magmakaawa ay gagawin ito ni Cindel, ngunit hindi sa harap ng isang napakasalbaheng si Boris. Kung tatakbo pa siya sa bandang likuran ay tiyak na walang kahirap-hirap siyang mapipigilan ng panlimang alalay ni Boris na naka-motorsiklo. Kung tatakbo naman siya sa direksyon paharap ay para na rin niyang inialay ang sarili sa mga ngipin ng isang halimaw.

“Ito na, ito na ang katapusan ko. . .”

Handa na sanang tanggapin ni Cindel ang kinahihinatnan nang napansin nalang niyang may isang umaapoy na bagay ang lumilipad sa ibabaw niya – isang “molotov cocktail.” Gustong sundan ng kanyang mga mata kung gaano kalakas ang pagsabog ng nagliliyab na bagay na inihagis sa ere ngunit mas napagtuunan niya ng pansin ang isang taong naka denim jacket na naging dahilan para mapabagsak ang alalay ni Boris na nakamotorsiklo.

“B O O O O O O M !”

Halos mabingi si Cindel sa pagsabog ng boteng umaapoy na may lamang gasolina nang bumagsak na ito sa kalsada, sa bandang likuran ni Boris at ng mga kagrupo nito. Maaring nasusugatan na siya ngayon, maaring natamaan na siya ng ilang piraso ng sumabog na bote, ngunit may nararamdaman siyang isang panangga na pumapagitna sa kanyang natatakot na kaanuyaan at sa pagsabog na nagaganap. Isang lalake. . . lalakeng kilalang-kilala niya.

“S-Sir, Sir Symon! Paano mo nalamang. . ? . .” Hindi na natapos ni Cindel ang kanyang pagtatanong dahil itinulak na siya ni Symon. Isang malakas, ngunit “ma-alagang pagtulak.”

“Tumakbo ka na Cindel, at wag na wag kang lilingon!” Sabi ni Symon habang mabilis na pinapatayo at pinapaandar ang motorsiklo ng nakabulagtang panlimang alalay ni Boris.

Alam ni Cindel na dapat na siyang tumakbo at iligtas ang sarili, ngunit may boses sa kanyang isip na parang nagsasabing hindi niya dapat iwan ang kanyang guro. Napaandar na nga ni Symon ang motorsiklo at imbes na sakyan iyon ay pinatakbo itong walang angkas sa direksyon ng tulala pa rin na si Boris at mga ka-grupo nito. Napatalon at napagulong ang mga lalake palayo sa apoy na nagawa ng pagsabog, at sa motorsiklong makakabundol sana sa kanila.

Bago pa man tuluyang mabatid ni Cindel ang lahat ng nangyayari, kung paano nalaman ni Symon na nandito siya ay napansin na lang niyang nakahawak na pala ang kanang kamay ng lalake sa kanyang kaliwang kamay. Tumatakbo na pala silang dalawa ng lalakeng minahal niya ng apat na taon, ang lalakeng mahal na mahal pa rin niya hanggang ngayon, palayo sa panganib.

“Di ba sinabi kong tumakbo ka na?” Ang may halong pagka-inis na tugon ni Symon.

“Akala ko kasi gagamitin natin yung motor na ibinundol mo para sa pagtakas natin” Palusot naman ni Cindel.

“Yung motor ko ang gagamitin natin,” Sabi ni Symon sabay bitaw sa kamay ni Cindel. Mabilis nitong nilapitan, inangkasan at pinaandar ang motorsiklong nasa di kalayuan.

“‘Lika ka na, sakay!” Mabilis namang umangkas ang dalaga at bago pa man maigapos ni Cindel ang kanyang dalawang braso sa mga bisig ni Symon ay may narinig siyang isang malakas na tunog – isang putok ng baril, na nahahaluan ng matinding kiskisan ng mga gulong sa sementong kalsada. May isang parang malamig na likidong dumadaloy sa buong katawan ni Cindel, likidong kung tawagin ay takot. Ngunit mas nanaig ang nararamdaman niyang seguridad.

Sobrang mabilis ang pag-andar ng motorsiklo, at may naririnig pa siyang mga ilang pagputok ng isang baril galing sa pick-up truck na humahabol sa kanila. Ngunit nawala na ang lahat ng takot na kani-kanila lang ay bumabalot sa kabuuan ni Cindel. Pakiramdam niya ay nasa loob siya ngayon ng pinakaligtas na lugar sa boung mundo.

“Whatever happens, I will never forget and regret this moment. This is perhaps the greatest and most unforgettable moment of my life. Kung sakaling katapusan na natin ito, kahit papano ay kasama kita. . . ”

Biglang naputol ang pagkakausap ni Cindel sa sarili nang bigla nalang itinigil ni Symon ang motorsiklo at pinababa siya. Agad ding bumaba ang binata at mabilis silang tumakbo papunta sa loob ng isang lumang gusali. Damang-dama ni Cindel ang pag-alala ni Symon sa kanya. Para bang wala nang ibang iniisip ito kundi ang kaligtasan niya. Mabilis siyang itinakbo nito sa loob ng gusali at iniwan na lang ang motorsiklo sa pagkakatumba nito sa lupa.

Nang nasa loob na sila ng gusali ay dinala siya ni Symon sa isang parte ng gusali na di gaanong mapapansin ng taong daraan. Sa tingin ng binata ay ito na ang pinakaligtas na sulok na puwedeng pagtaguan. Hinawakan ni Symon ang kanang kamay ni Cindel at sinabing: “Dito ka lang Cind, wag na wag kang aalis dito, babalik din ako agad.” Bago pa man makapagbigay ng ilang pagprotesta si Cindel ay tumalikod na si Symon at tumakbo palayo.

.

HINDI PA RIN SIGURADO si Symon kung tama ba ang planong naisip. Dinala niya dito si Cindel sa loob ng isang abandonadong gusali – isang mapanganib na strategy, ngunit ito lamang ang pinakaligtas na paraan sa ngayon. Hindi niya p’wedeng patagalin pa ang ang habulan nila ng grupo ni Boris. May baril itong dala at sa estado ng pag-iisip ng mga ito ay tiyak niyang wala na itong pakialam kung sino man ang maaring matamaan nila sa kanilang pagpapaputok. Ang kaligtasan lamang ni Cindel ang mahalaga para sa kanya ngayon, ngunit sa kabila nito ay ayaw din niyang mailagay sa panganib ang ibang tao.

“Dito tayo sa loob ng gusali, dito kung saan ay ligtas si Cindel at ligtas din ang ibang mga taong nasa kalsada. Dito tayo magtutuos.” Sabi ni Symon sa sarili, hindi pa rin tiyak kung epektibo ba ang naisip na solusyon.

Sa tamang “method of distraction and misdirection”, alam ni Symon na kaya niyang pabagsakin ang apat na alalay at ang mismong mastermind na si Boris. Basta’t aatakehin lang niya ito ng pa-isa-isa at paunti-unti, kayang-kaya niya ang mga ito. Alam niyang nakakalat na ang lima sa gusali para madali nilang mahanap ang kanilang target.

Ilang minuto lang ng maingat na pakikinig at pagpapagala ng kanyang paningin ay di nga nagkamali si Symon – kitang kita niya sa pamamagitan ng sinag ng buwan ang isang kasama ni Boris, mga sampung metro mula sa kanya. Gamit ang “stealth moves” na ilang taon din niyang pinraktis mula nang nakaugalian na niyang siryusohin ang pagiging “real-world superhero” ay tahimik niyang nilapitan ang lalake. Mas malaki ito sa kanya ngunit alam niyang. . .

. . . isang malakas na suntok sa batok nito, sapat para mapasuray ito ng konti. . . at isa pang right hook sa panga ng paharap nang mukha nito ay babagsak na ito ng walang malay. Ganun nga ang ginawa ni Symon at kitang-kitang niya ngayon ang walang malay na lalakeng nakabulagta sa sahig. Mabilis na itiniklop ni Symon ang kanyang isang tuhod para maikubli ang sarili upang wag makita ng kung sino mang kasama nito ang maaring makakita sa nangyari.

Nang masigurong walang kasama ang nasa malapit ay mabilis niyang kinuha ang mahabang alambre na napulot niya’t naitali sa kanyang isang balikat. Pumutol siya ng katatamang sukat sapat para maitali ang mga kamay ng walang malay na lalake at maitali din ito sa nakabaluktot na mga paa. Hinila niya ito’t iniwan sa isang sulok – isang walang malay na katawang nakataob, nakatali ang dalawang kamay at mga paa.

“One down, four to go. . .” Wika ng isip ni Symon.

Sobrang naiinis si Symon sa sarili dahil sa kanyang pagmamadali ay nakalimutan niyang dalhin ang kanyang cell phone. Hindi rin niya masisisi si Cindel kung binitiwan nalang nito ang bag na dala na naglalaman din ng cell phone sa gitna ng pag-i-eskrima nito para makapanlaban sa kamay ng mga sumasalakay na mga kakalalakihan. Walang magagawa si Symon ngayon kundi tanggapin na lang ang katototahanang wala nang paraan upang makahingi ng tulong.

“Sana nga lang ay may butihing sibilyan na nakarinig sa mga putok na yun at tumatawag na ng pulis.” Bulong ng isip ni Symon.

Wala siyang magagawa sa ngayon kundi hintayin nalang ang mga pulis, kung meron mang darating. Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin siya na may “concerned classmate” si Cindel na nagbigay ng impormasyon kung ano ang binabalak ni Boris at kung saan ang destinasyon ni Cindel ngayong gabi. Nagpapasalamat pa rin siya dahil hindi pa huli ang lahat nang naabutan niya si Cindel.

May narinig na konting ingay si Symon, ingay na galing sa isang piraso ng mga paa. Mula sa pagkakasandal sa isang poste ay sinilip niya ng bahagya ang may-ari ng mga paang iyon – isang maliit na lalake, higit na mas maliit kaysa kanya. Nabawasan ng konti ang kanyang kabang nararamdaman dahil bukod sa pagiging mas maliit nito ay na-aaninag niya ang likas na katangahang pinapakita ng pagmumukha ng lalake.

Buong kompiyansang prinesenta ni Symon ang sarili sa harap ng “alalay # 2″ ni Boris at naaliw si Symon dahil sa gitna ng katangahan nito ay may katapangan din pala itong maipapakita. Agad itong nagpakawala ng “straight jab” para patumbahin sana siya ngunit walang kahirap-hirap niya itong nasangga. Agad itong nag follow-up ng isang “left hook” ngunit bago pa man ito tumama sa pisngi ni Symon ay napatingala na ang lalakeng maliit dahil tinamaan ito ng siko ng rakistang guro.

Napahawak sa sariling panga ang lalake at habang parang lasing na di alam ang gagawin ay aatake na naman ito sa halatang nasisiyan at naaliw na si Symon.

“Come closer little guy, tikman mo ang bangis at angas ng hybrid martial-arts na nakasanayan ko nang gamitin” Pagyayabang ni Symon sa sarili.

Sisipain na sana niya sa tiyan ang lalakeng kaharap nang natigilan siya dahil may isang kasama pala itong nakalapit na sa kanilang kinaroroonan. Nagpakawala ito ng patalon na pagsipa. Agad na lumabas ang “street fighting experience” na likas nang nasa katauhan ni Symon, dahilan para mabilis niyang naiwasan ang sipa ng isa na namang alalay. Itinuloy niya ang pa-ikot na pag-ilag at nagbigay ng “turning fist” na tumama sa leeg ng sumisipang kalaban. Ang kompiyansang naramdaman ni Symon ay napalitan na ngayon ng “thrill and excitement.”

“Mas masaya ito.” Bulong niya sa sarili.

Gusto sana niyang aliwin pa ang sarili ngunit bigla nalang naputol ang kanyang pagpapakasaya nang nakita niyang may isa pang lalakeng papalapit. . . ang pinakamalaki sa lima.

“Blast! What do you do now Symon? You’re not prepared to take 3 guys at once are you?” Dagdag pang bulong ng kanyang isip.

Maaring matamaan siya ng swerte at mapatumba nga niya ang tatlong ito. Ngunit si Cindel. . . Ligtas pa kaya si Cindel dun sa pinagtataguan niya. Diyos ko po, wag naman sana. . .”

May gumagapang nang takot sa buong katawan ngayon ni Symon, ngunit hindi siya maaring magpadala sa emosyong ito. Habang sumusuntok si “alalay #3″ ay yumuko nalang siya para muling maka-ilag at agad na sinuntok sa sikmura ang lalake.

Hindi na niya nagawa pang tingnan ang naging epekto ng suntok niya dahil bigla na lang umikot ng bahagya ang paligid – tinamaan pala siya sa panga nang nakapagbigay ng isa na namang suntok ang pinakamaliit sa grupo. Kahit na nahihilo ay agad namang nahawakan ni Symon ang kanang kamay ng sumuntok sa kanyang panga, inisinablay ito sa kanyang balikat sabay tapon ng maliit na katawan nito sa pinakamalaking miyembro ng grupo

Dahil sa “judo shoulder throw” na ginawa ni Symon ay agad na natumba ang malaking lalaki at bahagyang nasulyapan ni Symon ang nakatihayang anyo nito at ang maliit na taong nakapatong dito. Hindi pa man tuluyang nakabalanse si Symon ay muli na namang nakatayo si “alalay # 3″ para sa isa na namang pag-atake. Umalsa na naman ang kakaibang kaba sa loob ng rakistang guro – may hawak na ngayong patalim ang lalake.

Humakbang si Symon sa direksyon na kung saan ay may mas malaking espasyo at kung saan ay makikita niya ng maayos ang dalawang lalakeng bumagsak kung sakali mang makatayo na ang nga ito. Sa sulok ng kanyang paningin ay may nasulyapan si Symon na isang kahon na may nakapatong na kunting buhangin at alikabok. Umatras siya ng paunti-unti, papunta sa kahong iyon, nang di tinatanggal ang tingin sa mata ng kalaban.

Saktong nakapatong ang kanyang kamay sa kahon ay patakbong sinaksak siya ng lalake. Ngunit mabilis na naitapon ni Symon sa mukha nito ang buhangin na nadakot, dahilan para mapayuko ito at mapurnada ang pagsaksak. Bago pa man mabatid ng lalake kung nasaan na si Symon ay mabilis siyang nasabunutan ng huli sa likod ng kanyang ulo sabay hila nito sa dingding.

Kasabay ng paglapat ng katawan ng lalake sa dingding ay ang isang malakas ng suntok na diniposito ni Symon sa dibdib niya. Nabitawan ng lalake ang hawak na patalim. Sinipa ito ni Symon, dahilan para dumulas ito palayo. Natitiyak ni Symon na nabawasan ng konti ang kanyang problema ngunit nakikita niya ngayon ang isa na namang problema: nakatayo na ang pinakamalaking miyembro ng grupo at nakahanda nang sunggaban siya.

Walang ibang naisip gawin si Symon kundi sabunutan ulit ang lalakeng hawak at ibagok ang ulo nito sa tiyan ni “Mr. Big.” Napayuko ito ng konti at agad na sinamantala ni Symon ang pagkagulat nito. Agad niyang pinatigas ang kanyang kanang palad at binigyan ng “Hand Chop” ang “Adam’s Apple” ng malaking lalake.

Walang malaki at malakas na tao sa atakeng ganoon at kitang-kita ni Symon ang katotohanan sa mga salitang iyon. Napaatras ang lalake, hinawakan ang leeg na para bang sinasakal ang sarili. Pansamantalang nagrelax ang rakistang guro, hindi pa rin niya ibinaba ang kanyang kompiyansa. Maaring hindi muna makagalaw ang pinakamalaki sa grupo dahil hindi pa ito nakakahinga ng maayos, ngunit hindi ito dahilan para pakawalan ang pagiging alerto.

Sa kanyang kaliwa ay ang maliit ngunit matapang na kalaban. Sa kanyang kanan naman ay ang miyembrong naparusahan niya ng husto, labis na nasaktan ngunit deterimandong makaganti sa kanya. Nagkatinginan silang tatlo. Ilang segundo lang ay. . .

Sabay na sumugod ang dalawa ngunit bago pa man tumama ang kanilang pinakawalang suntok at sipa ay wala na si Symon sa kanilang gitna, mabilis itong nakailag at agad na pinakawalan ang isang istilo ng “close quarter combat” na nalalaman. Gamit ang kanyang mga siko,  balikat, tuhod at kalkuladong pagalaw ay tinapik niya’t iniwasan ang mga suntok na ibinigay ng dalawa, habang sinisigurong pinuprotektahan ng kanyang mga palad ang gilid at likod ng kanyang ulo.

Matapos ang ilang segundo ng pag-ilag, pagsiko, at pagtulak ay napansin nalang ni Symon na bumagsak na pala ang dalawa. Epektibo nga ang kanyang ginawa – ang dikitan ang dalawa habang pinupuntirya ang mga panga at leeg ng mga ito gamit ang kanyang ulo at matutulis na mga siko. Akma pa sanang tatayo ang mga ito ngunit binigyan niya ito ng tig-isang tadyak sa pisngi.

Pagod na pagod na si Symon, at may mga ilang pasa at galos na sa kanyang katawan, ngunit hindi pa siya pwedeng magpahinga. Nakikita niyang nakalanghap na ng konting hangin si “Mr. Big” at nakahanda na namang lamunin siya. Mabilis na lumapit ang halimaw ngunit mabilis namang nakahakbang si Symon sa bandang gilid sabay sipa sa tuhod nito. Napasigaw sa sakit ang lalake at napaluhod nalang ito. Kasabay ng paglapat ng mga tuhod nito sa sahig ay ang paglapat din ng dalawang palad ni Symon para makabuo ng “doble-kamao.”

Buong lakas na inihampas ni Symon ang magkabigkis niyang dalawang kamay sa batok ng nakaluhod na kalaban dahilan para lalong mapayuko it. Hindi ito tuluyang bumagsak. . . naitukod nito ang dalawang kamay sa sahig. Lumingon ito kay Symon at binigyan ulit ito ng isa pang suntok ng binata sa kaliwang pisngi.

Parang balewala lamang ito sa malaking halimaw kaya umatras si Symon at pinakawalan ang isang malakas na pagsipa at siniguradong tumama ito sa panga ng pinakamalaking taong nakasagupa niya. Bumagsak itong nakataob sa sahig. Pakiramdam ni Symon ay para yatang lumindol nang nangyari iyon.

Huminga siya at hinayaan ang sariling makapagpahinga muna. Ngunit agad na namang bumilis ang tibok ng puso ni Symon. Napalingon siya sa di kalayuan at nakita niya ang mastermind ng grupo. . . Si Boris Alcover, ang “Prodigal Son” ng Davao City, ang “Ultimate BadAss” ng buong siyudad. . . May hawak na baril.

“Putang-ina mo Symon! Kahit kailan, sagabal ka talaga sa mga plano ko! Sigaw ng galit na galit na si Boris.

“Boris, matagal nang patay ang nanay ko, pero wala akong natatandaang naging puta yun!” Sagot naman ni Symon.

“HA HA HA HA HA HA!, kahit sa bingit ng kamatayan ay pilosopo ka pa rin!”

“Boris, bakit ‘di mo ibaba yang baril mo at tapusin natin ito ng lalake sa lalake. . . Yun ay kung tunay na lalake ka nga!” Pang-aasar ni Symon.

Matagumpay nga si Symon sa ginawang pang-aasar dahil napansin niyang lalong namula ang mukha ni Boris sa galit. Palagay ni Symon ay katapusan na niya nang nabasa niya sa mukha nito  na kakalibitin na nito ang gatilyo ng baril. Ngunit biglang nag-iba ang asta ng mukha ni Boris nang may tumama na isang maliit na bagay sa ulo nito. Napalingon si Boris sa bandang kaliwa upang barilin ang kung sino man ang bumato sa kanya.

Magkahalong pagkabigla, pagkagulat at pag-aalala ang nabubuo ngayon sa loob ni Symon. . . Si Cindel pala ang naghagis ng bagay na iyon sa ulo ni Boris! Nagpaputok ang huli ng tatlong beses ngunit wala na si Cindel, mabilis itong nakadapa at nakatakbo. Itinutok muli ni Boris ang baril kay Symon ngunit bago pa ito maiputok ay bumagsak na ang armas sa sahig gawa ng matinding paghampas ni Symon gamit ang isang patpat. Sa sobrang galit at desperasyon ni Boris ay buong lakas niyang sinakal si Symon.

Sa tindi ng pwersa na binibigay ni Boris ay may napapansin siya, ni hindi man lang nagpumiglas si Symon, ni hindi man lang ito lumaban. At ang matindi pa ay parang ngumingiti lang ito! Bahagyang niluwagan ni Boris ang pagkakasakal sa binata at hinayaan ang sarili na tantuhin kung nasisiraan na ba ito ng bait. Agad namang nalaman ni Boris ang sagot sa kanyang pagtataka nang:

“BITIWAN MO SIYA BORIS!” Napalingon si Boris sa direksyon na kung saan ay may sumigaw na isang lalake. May mga pulis na palang dumating, katabi nila si Cindel. . . nakatutok ang kanilang mga baril sa kanya. Tulalang napalingon si Boris pabalik kay Symon. Dahan-dahang inalis ng binata ang dalawang kamay ng una mula sa pagkakasakal nito sa kanya at nagsabing:

“Saved by the sirens! Ma-s’werte ka pa rin Borsky. Sayang, ‘di man lang tayo nakapagsuntukan.” Pang-aasar ng pagod na pagod, ngunit nakangiting pagmumukha ni Symon.

So, pano? Eh di, alis na kami ng leading lady-ko?” Dagdag pa ng binata sabay turo kay Cindel.

“Hindi pa tayo tapos Symon, ‘pag nakalabas ako ay. . .”

Eh di gawin mo lahat para mapabilis ang paglaya mo nang sa ganun ay magkakaroon na ako ng tsansang bugbugin ka!” Buong kompiyansang bungad ni Symon.

Tumalikod ito’t inakbayan si Cindel, inalalayan ang dalaga palabas ng gusali.

.

MARAMING SALAMAT Cind”

“Panglimang beses mo nang sinabi yan Sir, ako dapat ang nagpapasalamat sa’yo.”

“Niligtas mo ang buhay ko. Kung ‘di mo naihagis ang bagay na yun sa ulo ni Boris ay malamang ‘maggot feed’ na ako ngayon”

“At kung ‘di ka dumating sa tamang oras ay malamang. . .”

“Hinding-hindi ko hahayaang mangyari ang ganun sa’yo Cind.”

“Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan Sir, utang ko sa’yo ang buhay ko.”

Ito ang palitan ng mga salita ng dalawa ngayon habang nililinis ni Cindel ang ilang galos at sugat ni Symon sa pagpupumilit ng dalaga. Habang nangyayari iyon ay may nangyayari ding kakaibang pag-uusap. . . pag-uusap ng mga saloobin na tanging sa mga mata lamang maipapahayag. Di maipaliwanag ni Symon ngunit parang may isang uri ng puwersa ang nagmamakaawang makawala mula sa puso niya. Nababasa niya sa mga mata ni Cindel na may ganito ring nararamdaman ang dalaga.

“There you go sir, natapos na rin. Teka, kukunin ko lang ang jacket mo.” Sabi ni Cindel nang matapos ang ginagawa. Kinuha ni Cindel ang jacket ni Symon at inalalayan ang binata para maisuot ito. Habang iniayos ng dalaga ang kuwelyo ng jacket ay may nangyari na pareho nilang ‘di inaasahan:

Nagkatitigan sila sa mata. Hinawakan ni Symon ang baba ni Cindel, hinawakan din ng dalaga ang pisngi ng binata, at may isang di mapipigilang puwersa ang nagtulak sa kanila para paglapitin ang kanilang mga mukha. . . at halikan ang labi ng isa’t-isa. Parang tumigil ang oras. . . ang mga proseso sa paligid. . . at ang pag-ikot ng mundo.

Para kay Cindel ay wala ng ibang lugar sa mundo maliban sa beranda ng kanilang bahay, ang beranda na ito kung saan kasalukuyang nagaganap ang isang bagay na pinangarap ni Cindel sa loob ng mahabang panahon – ang makahalikan ang lalakeng lihim niyang minamahal. Gustong-gusto ng dalaga na sana’y wag ng matapos ang tagpong ito, gustong-gusto. Ngunit hindi niya magagawang magpakaligaya nang may nasasaktang iba.

“Stop it Cindel, may iba nang mahal si Symon.” Bulong ng kanyang konsensya.

Kumalas siya sa mga labi ni Symon at sa pagkakahawak ng binata sa kanyang balikat, at saka tumalikod. May nakakabinging katahimikan ngayon sa buong paligid.  Narinig ni Cindel ang isang malalim na paghinga ni Symon galing sa kanyang likod. Ilang sandali pa ay napansin na lang ni Cindel na lalo yatang lumalalim ang katahimikan.

Matapos ang ilang minuto ay nilingon niya si Symon ngunit wala na ito sa dating kinatatayuan. Nakita na lang niyang nasa labas na ito ng gate, nakaangkas na sa kanyang motorsiklo. Kasabay ng pag-andar ng sasakyan ay ang paglabas ng ngiti sa mukha ng binata. Nakangiti ito, ngunit parang may lungkot sa mga mata nito. Hindi alam ni Cindel ang kahulugan ng ngiting iyon, pero iyon na yata ang pinakamatamis na ngiting nakita niya galing kay Symon.

.

ANG DALAWANG LINGGONG DUMAAN ay siyang pinaka-mapayapa para kay Cindel. Mas magaan ang kanyang pakiramdam ngayon. May kakaibang sigla sa loob niya na parang nagsasabing isa na siyang bagong nilalang. Parang gusto niyang magsimula ng panibagong landas ngunit hindi niya alam kung paano. . . Hindi niya alam kung para kanino. Kahit na alam niyang hindi na maaari ay ‘di niya maitatanggi na ang kaibuturan ng kanyang puso ay umaasa pa rin na sana ay si Symon ang taong iyon.

Patuloy lang si Cindel sa kanyang pagmumuni-muni habang nakaupo sa  beranda ng kanilang bahay nang bigla nalang nayanig ang buong paligid. Bigla nalang dumating si Symon, kitang-kita niya ito sa labas ng gate. Kung may kapangyarihan lang siya na katulad ng “heat vision” ni Superman ay malamang tinunaw na ng dalaga ang grills ng gate nang sa ganun ay walang makakahadlang sa kanyang paningin, at nang makapasok na agad ang binata.

“Sir! Halika, pasok!” Hindi pa man tuluyang nabatid kung totoo ba o guni-guni lang ang pagsulpot ni Symon ay nagawa pa rin naman ni Cindel na pakalmahin ang sarili para hindi gaanong mahalata ng guro ang galak na nararamdaman. Niyaya niya itong umupo kasama siya sa may beranda. Hindi agad umupo si Symon. Dahil naka-uniporme pa ito ay alam ni Cindel na galing pa ito sa kanilang skuwelahan.

Tiningnan niya ito ng mabuti mula sa leather shoes, sa itim na slacks, at sa suot nitong trench coat, na kumukubli ng bahagya sa faculty uniform nito. Hindi uso ang trench coat sa kanilang lugar. Walang ibang tao sa buong Davao, teacher man o hindi ang nagsusuot ng ganun. Kung tawagin ito ni Symon ay ang kanyang “superhero costume.” Ngunit para kay Cindel ito ay tanda ng “ultimate uniqueness” na noon pa man ay buong tapang nang pinapakita ng rakistang binata.

“It’s one of the reasons why I’m loving you so intensely.” Bulong ng puso’t isip ni Cindel.”Upo ka sir.” Mukhang may sasabihin kang importante, sana magandang balita ang dala mo. “So Sir, what can I do you for? Hindi agad nakasagot si Symon, para yatang may minemorize na katagang dapat sabihin.

“You can choose to accept my offer.” Sagot ni Symon, na parang may espesyal na pinapahiwatig sa kanyang nangugusap na mga mata.

“Offer? Special offer? May binebenta ka?” Ang may ngiti at pabirong sabi ni Cindel.

Hindi ngumiti si Symon. Huminga ng malalim, dahilan para lalong kabahan si Cindel. Matapos ang ilang segundo ay binasag na rin ni Symon ang katahimikan ngunit hindi sa pamamagitan ng salita, kundi sa pamamagitan ng isang makulay na bagay. Ayon sa sabi-sabi, ang trench coat ni Symon “The Superhero” Veintura ay may nakatagong mga high-tech gadgets, ngunit hindi ganun ang inilabas ngayon ng binata galing dito. Hinawi ni Symon ang kanyang trench coat at may kinuhang isang bouquet, na may isang uri ng flower arrangement na hindi pa nakita ni Cindel.

“Sir, ano ‘to? Para saan ‘to?” Tanong ng ‘di nagpapahalata, ngunit lasing sa kaligayahang si Cindel.

“Isang linggo matapos ang nanggyaring attempted kidnapping ng grupo ni Boris ay may nangyari Cind. . . nakipagbreak sa akin si Stella. Sa loob ng halos dalawang buwan naming relasyon ay nahahalata niyang hindi buo ang pag-ibig ko sa kanya.”

“Parang hindi tama na sabihin ko ito, pero blessing in disguise yata ang masamang nagyari sa iyo, sa atin. Nang dahil dun, nalaman ko na tama si Stella. . . Ikaw ang mahal ko Cind.”

“Sir, don’t you think it’s a little too fast?” Sabi ni Cindel habang pinagsikapang makontrol ang nadarama.

“It’s ok Cind, I can wait. Ang sa akin lang kasi ay dapat ko na talagang ipaalam sa’yo na simula ngayon, I’m officially courting you. . . I’ll do my best, alam kung dose-dosena ang mga karibal ko.”

“YOU ARE OFFICIALLY COURTING ME? HA? IS THIS REALLY HAPPENING?” Sigaw ng isip ni Cindel.

Hinawakan ni Symon ang kamay niya. Marami pa itong sinasabi ngunit hindi na niya ito gaanong narinig o natatandaan. Ang tanging tumatak sa kanyang isip ay ang paglulundag niya sa tuwa at ang kanyang pagsi-sisigaw na parang baliw.

“Sa wakas ay naging akin ka na rin Mr. Baker Boy. Akin ka na sa wakas!”

presently. . .

Kabilugan ng buwan – isang masamang pangitain para sa dalawang hanay ng mga tao.

1.) mga mangigisda: mahirap makahuli ng isda kapag “full moon”

2.) mga naniniwala sa mga aswang: lumalabas daw ang iba’t-ibang halimaw sa panahong ganito.

Ngunit para kay Cindel, ang pagkakataong ito, na kung saan ay sobrang maliwanag ang buwan ay ang perpektong pagkakataon para ilabas ang “aswang” na nasa sarili. Ang aswang na gustong lamunin, kainin at angkinin ang masarap na putaheng nagngangalang Symon.

Ilang oras nang nagtitimpi at nagpipigil si Cindel. Mula sa 1-hour trip na kung saan ay hinayaan niyang samantalahin ni Symon ang kanyang kapilyahan, hanggang sa ilang oras pang paghahanda ng pagkain, hanggang sa ilang oras pang paglalangoy at paglalakad-lakad sa paligid, at hanggang dito sa malapad na “inflatable motor boat” na kanilang nirenrentahan, na kasalukuyang nasa gitna ng laot.

Walang katapusan ang pagbibigay nila ng “sweet nothings” sa isa’t-isa. Ngunit mas gusto yata ni Cindel ang “lustful somethings” na kung puwede ay uumpisahan na sana ni Symon. Ngunit yun ang problema,  yun ang nakakabadtrip. . . wala pa talagang “ginagawa” ang binata. Wala nang ibang nais ang mestisang dalaga kundi ibigay ang lahat-lahat sa kanya, ngunit tila hindi yata ito napapansin ni Symon.

Mag-iisang oras na ito sa kakatingala sa kalangitan at sa kada-daldal tungkol sa constellations, quasars, black holes at kung ano pang mga “blah-blah-blah” tungkol sa kalawakan.

“Hay naku Symon, can’t you just shut the fuck up and fuck me?” Bulong ng isip ni Cindel.

Bigla nalang tumigil si Symon sa kanyang litanya. Akala ni Cindel ay uumpisahan na nito ang kanyang inaasahan, ngunit nadismaya na naman siya nang may binuksan na naman itong isang topic.

“Cind, do you know that all forms of matter doesn’t exist in space alone but in time as well? That’s why I’m constantly analyzing what’s the exact unit that can be used to quantify the objects that are very captivating. . . smoothly captivating, things like this.” Wika ni Symon habang hinihimas ang kanang hita ni Cindel.

Pagkasabi ni Symon ng ganito ay napansin ni Cindel na bigla nalang nag-iba ang tingin ng mga mata ng binata. Kung titingnan ito ay parang sumanib dito lahat ng masasamang ispiritung gumagala sa karagatan. Sa halip na matakot ay lalo pa yatang nalilibugan si Cindel.

“This is the moment Cindel, may makakapasok na ring ari ng lalake sa puke mo after sooooo long!”

Tumingin si Symon sa mga hita ni Cindel, pinagapang ang mga daliri sa buong kakinisan dito. Muling bumalik ang “mala-demonyong tingin” nito sa kanyang mga mata. Inilapat ng binata ang dalawang palad niya sa mga pisngi ng dalaga at hinalikan ito sa labi. Dahil dito ay naging sariwa sa isip ni Cindel ang nangyari dalawang linggo lang ang nakaraan – nang mahalikan niya si Symon sa kauna-unahang pagkakataon sa mismong bahay nila.

Pakiramdam ni Cindel ngayon ay tumigil ang paggalaw ng dagat, ang pag-ihip ng hangin sa paligid, at ang “tide shift” na ginagawa ng buwan habang hinihila nito ang tubig sa karagatan. Ibinigkis niya ang kanyang isang kamay sa leeg ni Symon, sinasalubong ang paglalaro nito sa kanyang dila.

“Symon, Oh Symon ko. Akin ka na ngayon, akin na akin ka lamang.”

Kinuha ni Cindel ang kamay ng kasintahan at inilagay ito sa kanyang isang hita. Hinimas naman ito kaagad ng matindi ni Symon. Habol-hininga ang dalawa, hindi ininda na nasa gitna sila ng laot, nilalasing ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng kanilang di masukat na pagmamahal sa isa’t-isa.

“I really can’t get enough of you my Cindel, hinding-hindi ako magsasawa sa’yo, kahit sa pagtanda natin.”

Ang unang pagtatalik na plinano ni Cindel para sa kanilang dalawa ay isang malumanay at banayad na eksena, ngunit hindi na kaya pang pigilan ng dalaga ang nag-uumapaw na pagnanasa. Hindi na niya kaya pang pigilan ang sarili. . . hinding-hindi na. Pinagapang ng dalaga ang kanyang kamay sa dibdib at “abdominals” ni Symon. Nahipo niya ang ilang mga peklat na nandun, na mga bakas ng literal na mga sugat ng kahapon, para kay Cindel ay mga “badges of honor” sa kabayanihan ng binata.

Matapos magawa ni Cindel ang ilan pang paghipo sa katawan ni Symon ay si Symon naman ang gumawa ng hakbang: Ibinaba nito ang kaliwang spaghetti strap ni Cindel at mabilisang hinipo’t nialamas ang tumambad na mestisang suso. Gamit ang kanyang labi at dila ay pinagapang ni Symon ang ibang klaseng kiliti sa tenga, leeg, balikat, pababa sa didib, hangggang sa nilalamas na suso ni Cindel.

“Mamamatay yata ako sa sarap, oh Symon ko. Ganyan nga mahal, ilang taon ko ring pinagpantasyahan ang ganito”

“You are perfect my Cindel, walang babae sa mundo ang makakatalo sa ganda mo.”

Pakiramdam ni Cindel ay may isang mabangis at gutom na halimaw ang tumitikim sa kanyang suso ngayon. Sobrang malalim ang paglanghap-buga na ginagawa ni Symon sa hanging sinisimoy ng dagat. Matinding-matindi ang panginginig nito, animo’y isang taong bangag sa droga. Hindi man maamin ni Cindel ngunit gustong-gusto niyang isigaw na ito na yata ang pinakamasarap na natikman niya sa buong buhay niya.

“That’s enough for now my Symon, ako naman!”

Nang mabulong iyon ng isip ni Cindel ay sinabunutan niya si Symon palayo sa kanyang nalalawayang suso. Halos mahiga ang binata sa ginawa niya ngunit pinigilan din niya ang likod nito sabay pagpapaulan ng halik sa dibdib, balikat at tiyan ng kasintahan.

“Akin ka na ngayon Symon, aangkinin ko ang lahat-lahat sa’yo. . . at ganun din ang gagawin mo sa akin” Itinuloy pa ng dalaga ang ginagawa, ginamit na niya ang kanyang dila at ngipin. Hindi na niya kayang pigilan ang panggigil sa balingkinitan, ngunit maskuladong katawan nito. “Oh Symon mahal ko, walang lalake sa mundo ang mas nakakatakam kaysa sa sa’yo.”

Sa loob ng sampung minuto ay walang kapagod-pagod si Cindel sa ginagawang paghalik, pagdila, at pagkagat-kagat sa katawan ni Symon. Alam niyang tatagal pa siya sa kakahalik kahit lumipas pa ang ilang oras, ngunit napapansin niyang di na niyang pigilan ang pagsabog ng kanyang pagnanasang pinipigilan.

Mabilisang hinubad ni Cindel ang kanyang sky-blue na spaghetti blouse at ang kanyang itim na shorts. Ayaw talaga niyang ibigay kay Symon ang impresyon na malibog at masamang babae siya, ngunit sa pagkakataong ito ay wala na siyang pakialam.

“Fuck me now Symon, angkinin mo na ako ng buong-buo… ngayon na!” Pumatong si Cindel sa nakaupong si Symon.

Kinuha ni Cindel ang dalawang kamay ni Symon at inilapat ang mga ito sa kanyang dalawang suso. Napatingala ang dalaga habang pinagapang ng binata ang mga palad nito sa mga umbok na iyon, sabay silang huminga ng malalim. Inilagay ni Cindel ang kanyang kamay sa may baywang ni Symon para maipasok ang kanyang kamay sa loob ng board shorts nito.

Nang naipasok na ni Cindel ang kanyang kamay doon ay may libu-libong boltahe ng kuryente ang gumapang sa kanyang buong katawan. . . kakaiba sa kuryenteng hatid ng mga halik ni Symon.

“Finally, nahawakan ko na rin ang tarugo mo Mr. Veintura! HA HA HA HA!” Sigaw ng isip ng dalaga nang mahawakan at mailabas ang ari ni Symon.

Hinawi agad ni Cindel ang kanyang pulang panty para maipasok na ang “dream cock” na matagal na niyang pinagpantasyahan. Siya naman ngayon ang humihingal na parang mabangis na hayop. Makakapasok na sana ang mala bakal na ari ni Symon sa kanyang hiyas nang. . .

“Teka, teka Cind, Cind stop. . . Wai, wait a minute. . .” Bigla na lang nag-iba ang timpla ng mukha ni Symon, nawala na ang “Mala-Satanas” na tingin nito, para na itong isang inosenteng bata ngayon. Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Cindel, mas malamig kaysa sa lalo pang lumalamig na ihip ng hangin.

Inalalayan ni Symon ang kanyang mestisang kasintahan para makaupo ito sa kanyang tabi. May sinabi si Symon, isang klase ng talumpati na hindi pa narinig ni Cindel sa nakaraan, o malamang kahit sa hinaharap. Hindi pa man tapos si Symon sa sinasabi ay wala nang mapagsidlan si Cindel sa asar at inis na nararamdaman. Ngunit agad namang nawala ang kanyang pagka-inis nang hinalikan siya ni Symon habang kumakanta, nagsasabing gaano siya kaganda, kung bakit baliw na baliw sa kanya ang napakaraming kalalakihan, at kung gaano ka mapalad ang lalakeng makakaangkin sa kanya.

Hindi man talagang nangyari ang kanyang inaasahan ngayong gabi ay may naranasan naman siyang kakaiba – ang makatanggap ng daang-daang halik galing sa lalakeng mahal, sa gitna ng dagat, sa ilalim ng sinag ng buwan, habang nakasakay sa isang malapad na bangka.

Nagtagal sila doon ng dalawang oras, nagpalitan ng matatamis na salita, nagyakapan, naghalikan. . . nakatingala sa langit habang bumubuo ng mga pangarap.

.

SO HOW DID IT GO,  my dear bestfriend? Ano ba ang pakiramdam nang isang 21 anyos na puke na napasukan na rin ng tarugo sa kauna-unahang pagkakataon?” Mapanuksong tanong ni Joice.

Ngumiti lamang si Cindel, at iginalaw ang mga kamay na kung makakapagsalita man ay nagsasabing: “Wala pa rin, walang nangyari.”

Bago pa man maka-react si Joice kung gaano ka walang-kwenta si Symon ay inilahad ni Cindel ang talumpati na narinig niya kanina, ayon sa kanyang pagkakaintindi:

“The Baker Boy is indeed the weirdest and most eccentric man on this planet Joice. Siya ay may pagnanasa at kamanyakan na kapantay ng kay Satanas, ngunit ayon sa kanya, hindi daw niya magagawang pasukin ang dapat daw ay papasukin lamang niya. . . kung kasal na kami.”

“Ow, may ganun? Kelan daw ‘yun bes?”

“Di ko alam Joice, siguro mga ilang taon pa.”

Nag-react si Joice, mahaba ang sinatsat nito tungkol sa kung gaano kasarap batukan ang kanilang 29-anyos na guro. Hinayaan nalang siya ni Cindel habang tinitingnan si Symon sa di kalayuan na naghahanda sa tent na tutulugan nilang dalawa.

Sumenyas na si Symon sa kanya na lumapit at pumasok na sa tent at pasigaw na nagsabing:

“Join me in this tent my love, let’s continue building our dreams, in the deepness and serenity of our slumber.”

_____________________________________________________________________

next–>6.0

4.0 <–previous