” M E E T T H E B A K E R “
______________________________________________________________________
= = 2 0 0 7:
summertime. . .
Nakasakay si Cindel sa isang bus, bound from GenSan to Davao. Okupado na lahat ng mga upuan. Sa gitna ng biyahe ay tumigil sandali ang bus at may sumakay na isang matandang babae. Halos sabay na naglakbay ang paningin ni Cindel at ang paningin ng matanda sa loob ng bus. Wala na talagang bakanteng upuan.
“Kawawa naman si Lola,” bulong ni Cindel sa sarili. “Wala na ba talagang gentlema…” Napatigil si Cindel sa pagkakausap sa sarili nang may nakita siyang isang lalakeng tumayo mula sa upuang di gaanong malayo sa harap niya at nagsabing: “Dito po kayo Lola.” Nilapitan ng lalake ang matanda at inalalayan ito papunta sa bakante nang upuan.
“Well, wadayah know? May gentleman pa pala sa panahon ngayon!” Sabi ni Cindel sa sarili.
Sa pagpapatuloy ng biyahe, sobrang ninais ni Cindel na maaninag ang mukha ng lalake, ngunit nasa bandang unahan na ng bus ito, nakatalikod sa kanya. Sa kahabaan ng biyahe ay tumatagilid ito paminsan-minsan. Pinagmasdan niya itong mabuti, mula sa low-cut chuck taylor na suot nito, sa distressed jeans, sa itim na backpack, sa dark-blue na slim fit t-shirt at sa mohawk hairstyle nito. Tantiya ni Cindel ay kasing-edad niya ang lalake.
ecoland bus terminal, 45 mins. later…
Tumigil na ang bus, nakababa na ang maraming pasahero. Agad ding bumaba si Cindel, hinahanap si Mr. Gentleman. Agad naman niyang nakita ito, nakatayo katabi ang isang sidewalk vendor, umiinom ng mineral water. Tinitigan ni Cindel ang lalake, naaninag na niya ang mukha nito: moreno, hindi gaanong gwapo, hindi rin naman pangit -pangkaraniwan lang ang itsura. Ngunit para kay Cindel, malakas ang sex-appeal nito.
Napansin siya ng lalake, napatingin ito sa bandang kaliwa, sa bandang kanan, sa bandang likod, at bumalik sa pagkakatingin sa dalaga… at saka ngumiti. Ngumiti din si Cindel, naaliw sa reaksyon ng lalake, “Ayan, mag-blush ka ng sobra-sobra dahil tinitingnan ka ng napakangandang si Cindel” Pilyang sabi ng isip ng kanyang isip. Nilapitan niya ang stall ng vendor, bibili siya ng candy.
Magkatabi na sila ngayon ng lalake, nginitian niya ito. “Deceptive nga pala talaga ang height ng mga girls” bulong ni Cindel sa sarili nang napansin niyang mas matangkad pala sa kanya ang lalake, maliit kasi itong tingnan sa malayo. Sa muli pa’y parang alanganin itong ganitihan siya ng ngiti. Ilang sandali pa ay umalis din ang lalake. Hindi alam ni Cindel kung mahiyain lang ba ito o sadya bang hindi lang ito nagagandahan sa kanya.
“Saan kaya siya nag-aaral? ‘Pag nagkataon na dun ka rin mag-eenrol sa balak kung pasukan, i-seseduce kita!”
4th of June , first day of school…
SCREEEEECCH! Tunog ng kotseng biglang nag-brake. Napalingon lahat ng tao sa dalawang lalakeng napagulong.
Tinakpan ni Cindel ang kanyang bibig habang tinitingan ang lalakeng muntik ng mabundol. . . kung hindi siya nailigtas ng isang taong bigla nalang sumulpot galing sa di mabatid na direksyon. Lumabas ang driver ng kotse at nilapitan ang dalawa, nagpaliwanag, humihingi ng kapatawaran. Kahit na halatang nasaktan at sobrang nadumihan ang maayos na pustura ng lalake ay nakangiti itong kinamayan ang driver. Hindi marinig ni Cindel ang pinag-uusapan doon, ngunit parang okey lang sa lalakeng nagligtas ang nangyari. Tinitigan niyang mabuti ang mukha ng lalake, nakita na niya ito dati. . . dun sa terminal ng bus dalawang linggo lang ang nakaraan. Ito yung kaisa-isang lalakeng tumayo para makaupo ang matandang babae!
= = 2 0 0 8:
intramurals…
“…and this year’s Ms. Intramurals is…. Stella Cadiente! Congratulations to Miss Cindel Fondevilla, our 1st runner-up!”
Ito ang mga salitang umaalingawngaw sa isip ni Cindel habang naghahanda sa kanyang pagtulog. Hindi siya nanalo bilang “Ms. Intrams” ngunit pakiramdam niya ay siya pa rin ang nagwagi. Eksaktong pagbaba niya mula sa entablado ay sinalubong agad siya ng lalakeng minamahal niya ng. . . lihim.
“You did a truly wonderul job Cindel… for me, you’re the winner, and the prettiest among all of them.
- ito ang sabi ng lalake, habang hinahawakan ang kanyang kamay. ‘Yun na yata ang pinaka-nakakakilig at pinaka-nakababaliw na musikang narinig niya, higit na nakakakilig kaysa nangyaring serenade na ginawa din ng lalakeng mahal niya ilang sandali bago naganap ang pagbibigay ng “major awards.”
Hindi umaalis sa isip niya ang mga pangyayari sa patimpalak na sinalihan. Ang pagiging first runner-up ay isang napakalaking karangalan, ngunit hindi ito nangangalahati sa kaligayahang nadarama dahil sa pagsilang ng isang pag-asa.
= = 2 0 0 9:
21st of October, last day of 1st-sem final exams. . .
Nagkagulo ang maraming tao sa harap ng kanilang eskuwelahan. May mga pulis. May mga taga-media. Ilang minuto matapos makapag tanung-tanong ay nalaman ni Cindel na may frat-war palang nangyari. May isang schoolmate niyang babae na naging dahilan para mag-away ang pinakamalaking fraternity sa kanilang eskuwelahan at ang fraternity sa isa ding college sa ‘di kalayuan.
Para kay Cindel, ang mga pasa at sugat na natamo ng mga frat members ay nararapat lang sa kanila. Ngunit ang di niya matanggap ay ang pagkakaroon ng pasa sa mukha… ng lalakeng kilala bilang isang bayani sa kanilang campus. . . ang lalaking mahal niya. Ang lalakeng ito ay kilala bilang isang “loner.” Hindi na rin mabilang kung ilang beses na niyang narinig mula sa bibig nito kung gaano kawalang-kwenta ang pagbibisyo at kalayawan. Kaya hindi naniniwala si Cindel na ang mga pasa at sugat na nasa katawan ng mahal niya ay nangyari dahil sa pagiging miyembro ng kahit ano mang “basagulerong grupo” bagkus, ito ay dahil sa pagiging matulungin ng binata.
“Sana malapitan ko siya”
Matapos ang ilan pang minutong pang-uusisa, nalaman ng dalaga na tama nga ang kanyang hinala. “Sana ‘wag ka namang sobrang magpakabayani.” Tugon ng isip ni Cindel.
= = 2 0 1 0:
28th of August, Intramurals victory party. . .
Walang mapagsidlan ng saya at galak ang buong team ni Cindel – sila ang nag champion sa Intrams 2010. May drinking sessions, parlor games, ligawan, kantiyawan at iba pang kasayahang nagaganap sa beach resort na napagkasunduan nilang puntahan. Ngunit hindi lubos ang kaligayahan ng dalaga. . . nakikita niya sa dalampasigan ang lalakeng lihim na minamahal. . . nag-iisip ng malalim.
Dahil parang kidlat kung kumalat ang tsismis ay nalaman agad ni Cindel na kahihiwalay lang pala ng lalake sa “girlfriend of 3 years” nito. Good news ito kung tutuusin, pero hindi magagawang magpakasaya ng dalaga sa gitna ng kalungkutang nadarama ng lalakeng mahal.
“Kung gusto mo… tayo na lang… Tayo na lang. Nandito lang naman ako, laging nakahanda para sa’yo.”
8th of November, first day of 2nd sem. SY 2010-2011. . .
Tuwang-tuwa si Cindel. Pagkatapos ng isa’t-kalahating taon, hindi siya makapaniwalang makakasama niya ulit sa klaseng ito ang lalakeng pinaka-espesyal para sa kanya
CINDEL : “This will be the most exciting of all semesters Joice.”
JOICE : “Maliban sa pagiging katapusan ng apat na taon bilang BSIT student, ano ba’ng meron sa sem na ito bestfriend?”
CINDEL : “In this sem, i’m gonna be braver, bolder… Kahit na magmumukhang “cheap” ay isasakatuparan ko pa rin ang plano ko. Gagawin ko ang lahat para mapa-ibig siya…” (sabay turo sa lalakeng kapapasok lang ng classroom.)
“Good morning code crunchers and script eaters… Welcome to the final semester of your course.” Sabi ng lalake.
CINDEL : “I’m gonna make that guy fall in love with me. The guy who bakes the bread that feeds my heart with overflowing gladness. . . a real life hero. . . The sweetest and most romantic guy I have ever met!”
JOICE : “Is that him?”
CINDEL : “Yes Joicy. That’s him, our Software Engineering teacher…The Baker Boy”
______________________________________________________________________
next–> 1.1