Kumusta?? Ilang araw na rin mula nung tayo ay huling nagkita at nagkasama. naalala ko nung una kitang nakita, ibang saya ang aking nadarama..nun ko lang un naramdaman.. sa paglalakad ay maingat kong akbayan ka pra lang alalayan ka ngunit pra sayo iyon ay isang pag-tsansing.. sabagay, parang ganun na nga pero hindi ko intensyon na tsansingan ka tlga kundi gusto ko lang talaga ikaw maging kumportable sa akin. at pagdating natin sa opisina, prang ayoko na pumasok nun..Para lang makasama kita maghapon. haaaiii…pero, ndi ako natinag, gumawa ako ng paraan upang ikaw ay aking makasama ng matagal. npakasarap ng pkiramdam dahil ksama kita. para akong may tanga na dko maalis ang aking tingin sa iyong mukha. na pag iyong nahuhuli ay sadya ko na lang ginugulo ang iyong buhok na ang sarap amuyin sa bango na aking nalanghap. ang sarap mo ksama. gs2 kita maksama ng matagal. kya naman naglakad-lakad tau gang mapadpad sa isang mall. dun tau nagtambay at tamang kwentuhan lang. napakasarap ng mga oras na un kahit na wala naman tayo talagang pinag uusapan kundi ang mga limitadong salita at limitadong ngiti mula sa iyong mga labi. kuntento pa rin ako. ang sarap mo pagmasdan. parang gs2 ko ipinta ang iyong mukha sa aking isipan. haaaaiii.. ndi ko man aminin pero alam kong alam mo na tinitigan kita. hehehe walang mapaglagyan ang kasiyahan ko nung mga oras na yun. hanggang sa mahawakan ko ang iyong mga kamay, malambot at tlga namang npakasarap hawakan. Gusto ko ikaw yakapin. Ngunit dko nagawa dahil sa mga taong nakapaligid sa atin. Masaya na rin ako.. Masaya akong hawak ang mga kamay mo. Limitado pa din ang mga salita, tanging tugtog ng bandang andun ang ating naririnig, malakas pa din ang tibok ng aking dibdib. Muli kong tinignan ang iyong mukha, limitadong ngiti mo lamang ang aking nakita. Masarap gunitain ang bawat sandaling kasama kita. Maghahating-gabi na at andun pa din tayo sa lugar na yun.. Maraming tao, maingay at masaya. Maya-maya ay umalis na rin tayo sa lugar an yun at naglakad-lakad.. Kumain sa 24hrs open at masayang kumain kasama ka. Di ko makalimutan ang iyong matatamis na ngiti na sukli sa aking inorder. haaaaaiii.. At nagbyahe na tayo ng papunta sa inyo, ang sarap ng tulog ko habang nkasandal ang aking ulo sa iyong balikat at hawak mo ang mga kamay ko. Hindi ako makagalaw ng maayos kasi nakikiramdam ako at baka magising kita. Malapit na pala tau bumaba. At ayoko pa rin umuwi. Gusto ko pa ng marami pang oras ksama mo. Hinatak kita pabalik sa sakayan at nagbyahe muli tayo. Gusto ko sulitin ang oras.. nag oras na hindi ko alam kung mauulit pa muli. Malapit na tayo magpaalam sa isa’t isa, nalungkot ako bigla.. Halos ayoko ikaw bitawan. Ngunit kailangan ko an rin umuwi. Kailan kya ulit mauulit ang ating pagsasama? Haaaiii.. makalipas ang 3 araw, bgla ka nagtext, niaya mo ako mkipagkita sken..Natuwa naman ako kahit pa isang oras lang yun. Sobrang saya ko nung araw na un at makikita ulit kita at makakasama. Hindi ako nagkamali, parehas na pkiramdam lang ang aking naramdaman mula nung tau ay unang nagkita. Ang saya naman.. kinikilig ako. Nakita ko nanaman ang iyong ngiti. Nagulo ko nanaman ang paborito kong buhok mo. Pumasok tayo sa isang fastfood chain, yumapos ka sa akin habang ako ay umuorder. Syet, kinilig tlga ako!! Nagkamali-mali pa nga ang order sa sobrang kilig ko. at habang kumakain ay hawak mo pa din ang isang kamay ko. Haaaiii..ang init..ang sarap. tsk, hanggang sa hinatid mo na ako papuntang opisina.. Oras nnaman para magpaalam kelan kya ulit??? kelan kya ulit kita makakasama? kelan ko kya ulit mkkita ang iyong mga ngiti? Magulo ko ang iyong buhok at mahawakan ang iyong mga kamay? KELAN KAYA?:( -nash