Nakatulala lang ako sa harap ng pagkain ko… parang nag iisip pero wala naman talaga… maya maya naramdaman ko na lang ang mga luha ko na nag uunahang pumatak sa mga mata ko… nasasaktan ako… sorry pero nasasaktan talaga ako… para kong sinampal ng ilang beses nang makita ko kayo kanina. Andito ko ngayon sa isang fastfood chain at wala akong pakialam kung makita man ako ng mga taong dumadaan sa harap ko.
I thought I was fine… I thought I have already moved on… It’s been years… my life was a routine since the day you left… Nagtatrabaho, kumakain sa labas with friends… gumigimik… and I thought I was all fine until I saw you with her kanina and worst I tried to smile at you… but it was as if you never saw me…
“Huy!” sigaw ni Mark sakin mula sa likod sabay yakap.
“Ano ka ba Mark! Kakainis ka naman!,” singhal ko sa bestfriend ko.
“O bakit la umiiyak?”
“Nothing…”
“Nothing nothing ka jan e tumutulo na nga yang sipon mo nothing ka pa dyan! Ano nga sabi?”
“I saw him…. Again..” and I my tears bursted again. Humahagulgol na ako but I can’t help myself. I was too hurt at ang tanga ko para masaktan pa din hanggang ngayon.
“Him?”
“Yeah!”
“Uhmmm… after ilang years hindi ka pa rin nagmomove on? Tanga ka ba! Tara na nga! Nawalan na ko ng ganang kumain!” singhal nya sakin sabay sunod naman ako sa kanya kasi hinila nya na din ang kamay ko.
Pagdating naming sa sasakyan nagmamaktol pa din si Mark.
“What’s wrong with you? I thought ako ang me dinadamdam dito?” nagtataka kong tanong sa kanya.
“Why don’t you ask yourself?”
“Best, sorry na… I know you are just concerned.”
Nakita ko na lang si Mark na napapabuntung-hininga pa din sa sobrang inis.
Three years ago I’ve met Mark. I was in a mall that time at magulong magulo ang isip ko. I just read the goodbye note from Johnny, that time and I was all at hell. After believeing in magic, gumuho ang mundo ko. He flew to Europe and just told me that he is already married… loved me… but needed to go… and then yun… wala na…
Si Mark ang sumalo sa kin from all the despair… naging kasangga ko sya sa lahat ng bagay… I can’t even remember how we’ve met exactly but from then on… naging mahalagang bahagi sya ng buhay ko… tinuruan nya ko ulit bumangon… tinuruan nya ko kung pano mabuhay…
tbc…