Isang kulimlim na araw na naman sa gitna ng nagbabadyang papawirin. Masarap na naman magbalumbon sa ilalim ng kumot…
Paumanhin at naglalakbay na naman ang diwa ko kapag may bagyo.
But I’m getting ahead of my story. My first post in fact.
You can me Ian, pronounced eeyuhn. Sensya na taga call-center ako, and for most intelligent people, you would know that this is not my real name.
Kahit sabi ng lola at nanay ko na magandang lalaki raw ako, misan ko lang paniwalaan yun. Ang alam ko, I don’t look my age dahil sa personality ko– pang 6 years old. Most people would go: “Talaga may anak ka nang college? Mukhang wala ka pang 30 eh.” I am in fact forty and separated. So back to the post
So ano yung chunkee? Parang peanut butter… malaman at may texture. Walang kinalaman sa peanuts pero sa mani meron, hehe. Ayaw ko kasi sa payat na babae. Masakit bumangga sa buto. Para sa kin lang naman, mas masarap yung bilugan. May makakagat at panggigigilan. Chunky ang tawag namin ng barkada diyan.
Ganun si Lani, kasama ko sa office ng mga 3 taon na rin. Chunky nga siya. Morena. Sa ibang kultura, negra ang tawag sa kanya, haha. Pero ang balat …. diyusme and kinis. Di siya maganda sa biglang tingin pero di nakakasawang tignan pag nasimulang mong matitigan. Lalo na pag walang kolorete sa mukha. Isa pang tipo ko, yung walang ka-make-up make-up. Malapit pa sa min nakatira kaya tipid, hehe.
Balik sa makulimlim na papawiring nababalot ng makakapal na ulap…
Ganito rin kasi nung bisperas ng kaarawan kaibigan kong si Lani. Araw yun ni Ondoy. Kasama akong napalakad sa malalim na tubig. Pati brip ko nabasa tuloy. Di ko naman alam na nung gabing iyon ay hindi ko naman kakailanganin yung brip ko.
Nagakataong walang ilaw sa bahay at sabi ng nanay ko sa text, wag na muna akong umuwi at malalim ang tubig sa papuntang Fairview. Nasa gitna ako ng EDSA naglalakad kasama ng mga makabayang Pilipinong nagmula pa sa Makati patungong Quezon City. Tamang-tama at nagtext din si Lani ng musta raw at maulan. Nanunuod lang daw siya ng mga DVD na horror.
Naalala ko bigla na birthday niya kinabukasan at mahilig din ako. Sa horror movies. Ayaw ko namang masayang ang rest day ko sa bahay kung wala namang kuryente. Naisip ko na ang dahilan para pumunta sa kanila…
“Pwede bang dyan muna ako tumuloy sa inyo at brown out sa bahay?” text ko sa kanya.
Dahil mahangin nga marami sigurong natumbang poste pati cell sites. Ang tagal ng reply. Mga 2 oras din akong naglalakad at malapit na sa village namin nang tumunog ang cellphone ko. 8 messages received. Anak ng pitong kuba. Nagluluko na naman ang Globe.
“Cge derecho ka na dito. Gusto mo ba ng mainit na sabaw?” tanong niya sa text. Mga 3 times din dumating yung message.
“Kahit anong mainit,” nasa isip ko. “Okay lang at baka matulog lang ako. Pagod eh,” and reply ko.
(TO BE CONTINUED–sensya na’t prating na ulit ang bagyo)