WARNING: NON-EROTIC AND SUPER DRAMA PO ITO as in drama na corny at cheesy.
YOU HAVE BEEN WARNED!!
“Sabi sa Google, if a person daw nahulog sa tubig from a hundred feet its like falling on concrete. Seldom daw yung nabubuhay sa ganon.” Tumingin sa akin si Celeste, animo naghihintay ng sagot ko.
“Uhh..ouch..?” sagot ko.
Ako si Magnus. 27 years old, computer addict, anime addict, manga addict, Gundam addict, mahilig magbuo ng model cars (dahil walang pambili ng totoo), mahilig sa reggae, vegetarian, dreadlocked. GEEK. Nakasalamin ako, 450 ang grado, payat at matangkad. Hindi ako gwapo, maputi (parang anak-araw since wala naman akong magulang na simputi ko) at medyo may barangay ng taghiyawat na sumusulpot sa pisngi paminsan-minsan. Si Celeste naman, di ko alam ang edad nito pero sa tingin ko, 23 pababa siguro. Isa siyang nagsisimula pa lang na model/artista. Mala-diyosa sa kagandahan. Hindi ko nga alam kung bakit ako pa ang napiling maging kaibigan nito. Siguro naaawa sa kin. Well, three months na sina Celeste sa apartment 2-A, kami sa apartment 1-A since kami ang may-ari ng lugar. Every 1st week ng buwan andun ang mama nito pero umuuwi din sa Siargao, ngayon nasa probinsya ito. Okay, back to Celeste. Mala-diyosa siya, kung nakakita ka na ng diyosa, ganun sya kaganda, kung di pa naman, imagine-in mo yung diyosa na pinagpapantasyahan mo, ganun sya kaganda. Kayumanggi siya, matangkad, siguro nasa 5’7” ito, ang katawan, 34-24-36, mahaba ang itim na itim nitong buhok at syempre, mala-diyosa ang mukha. Hindi ko ma-explain e!!
“Kain tayo sa labas, Magnus…” aya ni Celeste sa kin.
“Ha? Wala pa kong sweldo e..” sagot ko naman. Isa akong cartoonist. Kasalukuyang nasa rooftop kami ng apartment, may ginawa ako noon doon na gazebo para pwedeng pagdausan ng party? Nakaupo kaming dalawa, may mga nakakalat na malalaking unan. Naka-upo si Celeste sa isang beanbag, ako naman sa sahig. Nilalagyan ko siya ng henna tattoo sa makinis niyang binti. Nakaapak ang mamula-mula niyang sakong sa hita ko.
“Hmmn..libre kita..”, tumingin ito sa disenyong nilalagay niya,”Ayan..miss na miss ko na ang dagat, Magnus.”
Mga sirena at kabibe ang iginuhit nya sa binti ng dalaga. Request nito.
“San ka naman kukuha ng pera?” tanong ko.
“Diba, may ginawa akong commercial ng shampoo last week? Malaki naging TF ko..lika na…” tumayo ito.
“Teka, di pa tapos e! “, reklamo ko. Pero tumayo na din ako, baka iwan na naman ako nito tulad nung nakaraan. “Hindi ka pa pwede maligo, maaalis yang henna.”
“Naligo na ko kanina. Halika na…” hinila siya nito.
“Di pa ko naliligo e…” dalawang araw na ko hindi naliligo noon, malamig kasi e.
Lumapit sa akin si Celeste at itinaas ang braso ko, bago ko yun maibaba, sininghot niya ang kili-kili ko!
“MMMmm..bango-bango mo! HALIKA NAAA!!!” ang kulit talaga nito.
Sa Siargao galing sina Celeste. Sabi nya sa kin ayaw nya daw umalis doon pero dahil dun sa isang talent scout na nakakita sa kanya, pinilit sya ng mama nya na umalis at dito manirahan sa Maynila. Mausok, mabaho, madaming halang ang kaluluwa. Lagi nitong sinasabi na sabik na sabik na ito sa dagat. Three months na ito sa Maynila pero hindi pa din nasanay sa dusing ng lungsod. Nang dalhin ko naman ito sa likod ng MOA, sa breakwater, tumulo ang luha nito. Akala ko dahil natutuwa bigla niya akong sinuntok sa braso. Sabi niya, anung ginawa ninyo sa dagat? Simula noon ayaw na niyang makita ang Manila Bay.
Naglalakad kami sa Robinson’s Manila. Nagkukwento si Celeste. Wari’y hindi nakikita ang mga tao, lalaki man o babae, na napapalingon sa kagandahan niya (mala-diyosa ba naman!). Naka-dress ito na hanggang tuhod, yung tinatali sa batok? Flat ang sandals nito at kitang-kita ang mamula-mulang sakong na gustong-gusto niyang kagatin.
“Alam mo, Magnus, sa amin halos araw-araw akong naliligo sa dagat. Malinis ang tubig, di tulad dito. Kapag bumabagsak ang katawan ko sa tubig, yun lang ang panahon na nabubuo ang pagkatao ko. Parang kulang ako kapag hindi nakakaligo sa dagat, tulad ngayon..Alam mo, pakiramdam ko kapag bumabalik ako sa dagat, hinihigop ako nito at ginagamot ang lahat ng mali sa pagkatao ko.. Minsan hubo’t hubad ako maligo sa dagat, lalo na kapag gabi..” tumawa ito na nang-aasar saka iniwan ako. Napatigil ako sa paglalakad nang sabihin nito na hubad ito mag-swimming.
Hinabol ko siya sa paborito naming kainan. Shakey’s! Vegetarian Pizza sa kin (yep kaya ko ubusin yon, may angal?), kay Celeste naman Seafood Marinara, at syemps, Mojos! Magkaharap kami habang kumakain tapos yung mga waiters dun nagpapacute kay Celeste. Parang mga engot na pabalik-balik.
“Would you want some dessert ma’am?” mga tatlong ulit, tapos “Would you like a side of salad, ma’am?” dalawa naman. Parang mga engot, nang bumalik yung isa at nagtanong kung gusto ni Celeste dessert sabi ko “Libre ba yan, tol?” haha tawa ng tawa si Celeste.
“Ano ka ba..” sabay haplos sa kamay ko.
Haay Celeste ng buhay ko…
“Kakaasar e, wala ba ako dito? Ikaw lang ng ikaw tinatanong.” Simangot kunyari.
Tumawa na naman si Celeste, parang bells na maliliit ang tunog ng tawa nito.
“Alam mo ba, sabi sa Google, ang ibig sabihin ng “Celeste” ay heavenly?” tanong ko sa kanya.
“Ows? Ang galing naman..haha..makakapunta kaya ako sa heaven?” tanong nito.
“Oo no! Mukha pa lang, mala-anghel na, tanga naman si San Pedro kung di ka papapasukin!” sagot ko naman, “Pero siyempre, dapat after 70 years pa bago ka pumunta don” dagdag ko.
“Haha, e di hindi na ko mukhang anghel nun, kulubot na!” tawa na naman ito.
Nang hingin namin yung bill parang maiiyak yung mga waiter na pa-cute kasi iiwan na naman sila ni Celeste, mga twice a month kami kumakain doon at may ilan ng nangahas na tanungin ang cell number ni Celeste, na hindi naman binibigay nito, pakilala nito sa akin sa madlang people ay “boyfriend” pero alam ko namang echos lang yun. Ako ang nagbayad sa kinain namin. Kapal ko naman kung pagbabayarin ko si Celeste!
Nag-stroll kami sa mall. Sa tuwing tititigan ko ang mata niya, nakikita ko doon ang lungkot at pagkasabik sa dagat.
“Kapag natapos ko yung bagong animation na 3D malaki bonus ko, isasama kita sa Puerto Galera.” Pangako ko sa kanya. Kaya nga minsan inaabot ako ng 24 hours sa opisina dahil pinapaspasan ko yung project na yun. Siguro two weeks pa ang kakainin nun kung 18 hours a day ako sa opisina..
“Gusto ko sa Siargao…” malayo na naman ang tingin nito.
“Ang layo-layo naman kasi e..pag nagkapera ng mas malaki, dadalhin kita doon, pero sa ngayon Puerto Galera muna..” sagot ko.
“Alam mo ba, may isa akong lalaking minahal noon..Well, pagmamahal sa akin, sabi nila infatuation lang daw..” malungkot ang tinig nito.
“O, tapos..?” nakakaasar naman, sino kaya yun!
“Ayaw niya sa akin..halos pikutin ko na siya noon..” tila nahihiya si Celeste.
“Ano?!PIPIKUTIN?!” nagulat ako, hindi ito yung tipong mamimikot..baka ito pa ang pikutin.
“Oo, anak siya ng may-ari nung pinakamalaking hotel sa Siargao. Pareho nga kayong naka-dreadlocks at matangkad.” Sabi ni Celeste.
“Magpapakalbo na nga ko..baka naaalala mo pa siya dahil sa buhok ko e!” mamaya, puputulin ko na to!!!
“Wag!! Bagay sayo saka matagal na yun no! 14 pa ko noon, almost 10years ago na..saka three years ago ikinasal na siya..mas matanda yung bride, andun ako noong ikasal sila.” tumingin si Celeste sa akin, “Magnus, wag mo akong iiwan ha? Ayokong mag-isa dito..”
“Ha?! Bat kita iiwan? Di ako bobo no..love kaya kita..” inakbayan ko si Celeste.
“Love din kita..” humilig ang ulo niya sa balikat ko. Medyo nakakangawit kasi naglalakad pa din kami nun. Pero nang mag-sink-in sa utak kong slow yung sinabi niya..
“Love mo ko?! As in love na mahal? As in-“ tinakpan niya ang bibig ko.
“Ang lakas ng boses mo! Oo, love as in boyfriend-girlfriend love!” natatawang sabi nito.
“Bakit? Bakit ako? Andaming gwapong models, artista at pulitiko ang nagpupunta sa apartment nyo a..e ako mukhang driver mo lang..” nagtataka talaga ako.
“E love kita e..Ayaw mo ba?!” hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan.
“Gusto..grabe pwede na akong mamatay bukas! WHOOO!!MAHAL AKO NI CELESTE!!” sigaw ko..para akong tanga sa mall pero wala akong paki, mala-diyosa ba naman..may mga taong tinawanan ako pero mas marami yung nakasimangot, naiinggit siguro! Hahaha..BLEH!
“So, ihahatid-sundo kita sa shoot mo ha? Ako magda-drive ng sasakyan mo?” excited kong tanong. Wala pa kasi itong driver, ayaw pang magtiwala sa iba.
“Nge, e diba may tatapusin ka pa?” panira naman yung project na yun!
“Oo nga pala..i-do-double time ko paggawa nun para mas mabilis matapos.. Celeste..Ang saya-saya ko..” natatawa na ko sa sobrang tuwa. Hinawakan ko ang kanang kamay niya at hinalikan din.
“Hahaha oo nga o,ang laki ng ngiti mo, kita utak!” natatawa na din ito pero malungkot pa din ang mata.
“Wag ka na malungkot, two weeks at makakakita ka na ng malinis na dagat..”niyakap ko si Celeste. Ang bango-bango niya at ang lambot ng balat..Gusto ko siyang halikan pero baka magalit.
“Goodnight..Celeste ko..Wheeee akin ka lang ha?” ayoko pang bitawan ang kamay niya. Lunes bukas hindi kami magkikita ng isang linggo. Haaay…
“Goodnight Magnus..” ngumiti siya, hinila ang kamay. Matagal siyang nakatingin sa kin bago siya tumingkayad at hinalikan ako sa labi. Pumasok na siya sa bahay nila, nakatulala pa din ako. Ang sarap!
Hindi nga kami nagkita ng isang linggo. Linggo na ngayon, inaantay ko si Celeste sa rooftop. Nagluto ako ng beef para sa nachos, pareho naming paborito. Maanghang ang cheese at salsa. Antagal naman ng mahal ko…Maya-maya dumating na ito. Naka-loose na t-shirt at maikling shorts, ang kinis.
“Tagal mo naman..akala ko nagbago na isip mo sa tin e..” mahinang sabi ko.
Ngumiti ito at hinalikan ako sa labi. Ngumiti na rin ako.
“Hindi no, nagpaganda lang ako ng maigi para sayo..” sagot nito.
Kumain kami at nagkuwentuhan tungkol sa nagdaang linggo. Maya-maya may bumusina sa baba. Sinilip naming iyon ni Celeste.
“Anu ba yan..” sabi nito.
“Bakit, sino yan?” kahit alam ko na na isa sa mga manliligaw niya.
Sinabi ni Celeste ang pangalan. Wow, sikat na matinee idol. Nanlumo ako.
“Intsik ba yan? Ang aga manligaw..” alas-tres pa lang ng hapon nun.
“Sandali lang ha? Papaalisin ko lang..”pinigilan ko siya.
“Ako na lang..sasabihin ko umalis ka..” hinayaan ako ni Celeste, umupo uli ito sa bean bag.
Nang bumalik ako sa taas, tulog si Celeste. Matagal ko siyang pinagmasdan bago ginising. Ang ganda talaga niya. Naalala ko yung gwapong artista kanina.
“Naku, wala si Estelle (screen name ni Celeste), nag-spa yata e..” sabi ko kay sikat na matinee idol.
“Ganun ba. Ikaw ba yung bagong boy nya? Bakit ganyan itsura mo? Magpagupit ka nga, kung hindi sasabihin ko kay Estelle na palitan ka!” mayabang na sabi nito.
“Oookay..?” sagot ko na lang.
Gago yun a..boy daw ako?! Wala ngang maniniwalang boyfriend ako ng ganitong kagandang babae. Haay..
Ngumiti si Celeste pagkagising. Nawala ang asar ko sa lalaking yun, at least for now, sa akin si Celeste. Kahit hindi tumagal ito i-ti-treasure ko to while it last at habangbuhay kong dadalhin ang mga tawa at ngiti niya.
“Umalis na..”report ko sa kanya.
“Sinabi ko na dun kahapon na may boyfriend na ko e, ang kulit kulit..” nagulat ako, sinasabi nito sa katrabaho na may boyfriend ito? Usually pag may makulit na manliligaw saka lang nito sinasabi na taken na. Wow.
“Ikinakalat mo na may boyfriend ka?” tanong ko.
“Oo, diba boyfriend na kita?One week tayo ngayon!” nakatanggap na naman ako ng smack sa labi. Gusto ko sana patagalin kaya lang baka ayaw ni Celeste.
“Diba ayaw ng manager mo..?”tanong ko uli.
“So?” patay-malisya sya. “Oo nga pala, pwede ka bang mag-day-off sa Wednesday? Papa-drive ako..Malayo shooting e..” Sinabi nito ang lugar, malayo nga.
“Sure..” kinalculate ko yung mga idadagdag kong oras para matupad ang pangako dito, kailangan ko pumasok ng linggo next week.
Nagkwentuhan pa kami hanggang papakin na ako ng lamok. Si Celeste parang di nilalamok, nahihiya ata yung mga lamok na sugatan ang kutis ni Celeste!
“O, mag-te-ten na, magdinner ka na sa min..” yaya ko.
Sabay kami naghapunan.
WEDNESDAY alas-singko ng umaga nasa kalsada na kami. Soundtrip ako ng mahina dahil pinatulog ko si Celeste. Malapit na kami sa location ng shoot.
“Alam mo, ang saya ko kasi masaya ka..” sabi ni Celeste. Nagulat ako, akala ko tulog pa ito, nakapikit lang pala.
“Nge, e kaya lang ako masaya kasi masaya ka e..” natawa naman ito.
“Sa lahat ng lalaking nakilala ko sa buong buhay ko, ikaw lang ang hindi nagtangkang mag-take advantage sa kin..” tuloy nito..
“Paano naman, mas macho ka pa sa kin no!” napangiti ko uli si Celeste.
“Miss na miss ko na ang dagat..buti may dagat sa location” malayo ang tingin ni Celeste.
“Sus, bangin naman. Ang taas kaya nun!” sabi ko sa kanya.
“Almost a hundred feet..?more?” parang sarili lang ang kausap nito.
“Hoy, wag mong sabihing bababa ka dun? Antayin mo na lang next week, whole week kang mag-off, magsasawa tayo sa dagat..” sagot ko.
“Hindi ako magsasawa sa dagat..” super hina na ng boses nito.
“Andito na tayo.” Ibinaba ko ang gamit nito at inihatid sa set.
“Bye..Magnus. Paki-check nga pala yung glove compartment, may naiwan ako doon, naka-envelope.” isang smack uli ang ibinigay ni Celeste sa akin.
“See you later, tutulog ako sa kotse mo” nakangiti ako kasi nakatingin sa amin ang karamihan ng staff at ibang artista, nakitang hinalikan ako ni Celeste, kahit smack lang. “Katukin mo na lang ako mamaya kung may kailangan ka ha? Iiwan kong bukas ang bintana.”
Bumalik ako sa kotse at hinanap yung sinasabi nitong envelope. “MAGNUS” ang nakasulat sa labas. Nagtaka ako, bakit pa kailangang sumulat? Pwede naming sabihin ng personal?
Bubuksan ko na ang envelope..
“ESTEEELLLEE!!!!!!!!!!!” nagtitilian ang mga tao sa labas. Napatakbo ako sa set, nakatayo si Celeste sa gilid ng bangin. Nakaharap sa amin.
“Cel-celeste..lumayo ka dyan oh..” nagsusumamo ang boses ko, nanlalambot ang tuhod ko halos mag-collapse ako sa sobrang kaba. Nakangiti si Celeste sa amin. Saka tumalikod at tumalon.
Napatakbo ako sa gilid ng bangin na ilang segundo lang ang nakaraan ay kinatatayuan ni Celeste, ang langit ko…Inapuhap ng mata ko ang babaeng nagpakilala sa akin ng pagmamahal..Nahintakutan ako nang makita ang batuhan at ang madilim na asul na tubig. Wala si Celeste.
Celeste, asan ka. May mga staff na bumaba sa batuhan pero umiiling ang mga ito. Ilang feet kaya ang tubig na binagsakan ni Celeste bakit walang naghahanap sa tubig?!
Umiiyak na ako ng mga panahong iyon. Ang saya-saya namin kanina, bakit to nangyari?! Naramdaman kong may pumipigil sa akin, gusto kong bumaba, ako ang maghahanap kay Celeste. Kahit languyin ko ang buong pasipiko. May inabot sa king isang bote ng mineral water, ininom ko lahat yon at inihagis ang bote. May narinig akong nagsabing “Malalim ang binagsakan ni Estelle, pre”.
Bumalik sa isip ko ang mga salita ng mahal ko, “..if a person daw nahulog sa tubig from a hundred feet its like falling on concrete. Seldom daw yung nabubuhay sa ganon….”
Nakangiti si Celeste..”kapag bumabagsak ang katawan ko sa tubig, yun lang ang panahon na nabubuo ang pagkatao ko. Parang kulang ako kapag hindi nakakaligo sa dagat…”
Naririnig ko pa ang tawa niya..parang bells..”Pakiramdam ko kapag bumabalik ako sa dagat, hinihigop ako nito at ginagamot ang lahat ng mali sa pagkatao ko… makakapunta kaya ako sa heaven?”
Luminga ako sa paligid. Nag-iiyakan ang mga tao, ang iba may hawak na cellphone at may sinisigawan doon. Tumutulo pa rin ang mga luha ko. May mga umiiling na kalalakihan. Wala talaga si Celeste. Wala na..
Napansin kong hawak ko pa ang envelope. Madumi na ito at gusot na, basa pa sa luha ko. Pinunit ko ang sobre at binasa ang sulat.
Magnus,
Nagtataka ka siguro kung bakit smack lang ang halik ko sayo lagi no? Kasi po ayokong i-risk na hawahan ka. Kahit na di nakakahawa sa saliva, ayoko pa rin. Nakakamatay ang AIDS e. Babalik na ako sa dagat, Magnus. Salamat sa pagpapasaya sa akin sa huling mga araw ko. Salamat kasi bago ako mawala, nakakilala ako ng tulad mo. Hindi mo ako pinwersa kahit kailan. Hindi mo ako pinilit sa kahit ano. Di tulad ng magulang ko, ng mga katrabaho ko. Ng lahat ng taong nakilala ko. Alam ko noon pa gusto mo na ako, humanga ako dahil pinilit mong huwag ipakita iyon. Pero kitang-kita ko naman, at ng lahat ng tao sa apartment nyo! Kaya napili kita. Gusto ko ikaw ang kasama ko sa mga huling araw ko. Hindi naman ako nagkamali. Sobrang saya ko, Magnus. Maraming Salamat.
Celeste
Sulat-kamay iyon. Walang “I love you” o “Mahal Ko”. Siguro hindi niya ako minahal tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Siguro pagdating ng araw, matatanggap ko yon. Siguro makaka-move-on ako. Kahit andami mong iniwang “SIGURO” sa isip ko, mahal pa rin kita. Siguro, makakahanap ako ng ibang babae na magiging bagong langit ko, dahil nawala ka na e, parang iniwan mo ko sa isang black hole.
I wanted to curse you! You made me lose everything, your smile, your laughter, you’re all I wanted. You gave me that but you snatched it too soon..it is too soon, Celeste..
I wanted to blame God for allowing you to be afflicted with that disease..to kill the bastard who gave you that virus..i wanted to scream until my throat is raw and bleeding..i wanted to hurl myself at the cliff where you last smiled..because of the the pain..the unfairness of it all..
But I didn’t.
Pinatatawad na kita, Celeste, habangbuhay kitang mamahalin, alam kong ayaw mong nalulungkot ako…Pero please, hayaan mo muna akong ipag-luksa ang pagkawala mo..habang nabubuhay ako.